ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

Tawheed Laban sa Doktrina ng “Tatlong Persona sa isang Diyos”



Ang konseptong "TATLONG PERSONA SA ISANG DIYOS" o itong tinatawag na "Doctrine of Trinity" ay nagsimula lamang pagkaraan ng maraming taon nang lumisan si Hesus sa daigdig. Walang alinlangan, na ang konseptong ito ay hindi aral o batas ni Hesus at maging sinumang propeta sa buong kasaysayan. Ang katotohanan, ang mga iniwang disipulo ni Hesus ay patuloy na sumusonod sa kaisahan ng Diyos hanggang taong 90 A.D. Ang paniniwala sa kaisahan ng Diyos ay nakasulat sa "shepherd of hermas" na naisulat sa panahong ito at isinasaalang-alang bilang banal na kapahayagan ng mga naunang Kristiyano.

Nang lumaganap ang “Roman Church Doctrine”, ang mga tunay na Kristiyano ay pinagpapatay dahil sa hindi pagsang-ayon sa di-makatwirang Doktrina ng Trinidad. Sa taong 190 A.D. isa sa mga kasapi ng Apostolic Church na si Iraneus ay sumulat kay Pope Viktor upang itigil ang pagpatay sa mga tunay na Kristiyano. Ang katotohanan pa nito, karamihan sa kasapi ng Apostolic Church ay ganap na sumunod sa simpleng aral ni Hesus. Bilang kasapi, si Lacteneus ay sumulat noong 310 A.D. na "si Hesus ay kailanman hindi nagsabi na siya ay diyos"

Sa taong 320 A.D., si Eusebius ay nagsulat; "Si Hesus ay nagturo sa atin na tawagin ang kanyang ama bilang tunay na Diyos at dapat sambahin." Sa kabila ng laganap na pagpatay sa mga naniniwala sa isang Diyos, maraming ‘Unitarian’ ang matapang at matibay na naglahad ng kanilang kaisipan laban sa doktrina ng Trinity.

Isa sa pangunahing Unitarian na si Arius ay tandisang nagsabi kay Bishop Alexander ang walang katotohanang Doktrina ng Trinity. Pagkaraan ng ika-apat na taon, si Emperor Constantino ay nagtawag ng "First General Council" sa Nicea na nilahukan ng 318 Bishops upang ayusin ang paksang pinag-aawayan nina Arius at Alexander. Ang "council" na ito ay sumang-ayon sa Doktrina ng Trinity sa pangunguna ni Athanasius nguni’t si Arius at ang mga kasamahan niya ay patuloy sa pananaw at konseptong "isang diyos".

Sa taong 380 A.D., si Emperor Theodosius ay nagtakda na ang ‘orthodox faith (trinitarian catholic faith)’ ang siyang relihiyon ng kanyang kinasasakupang mamamayan. Sa taong 383 A.D., si Theodosius ay nagbigay babala na parurusahan ang sinumang hindi maniwala sa Doktrina ng Trinity. Sa kabila nito, hindi nabuwag ang mga ‘Unitarian’. Isa sa tumuligsa sa Doktrina ng Trinity na si Servetus (16th century) ay nagsabi na "ang pagtanggap sa doktrina ng Trinity ay pagtanggap ng MARAMING DIYOS". Sa bandang huli, siya ay ikinulong at unti-unting pinatay sa pamamagitan ng pagsunog sa apoy. Isa sa kanyang kasamahan ang nagsabi "ang sunugin ang isang tao ay hindi pagpapatunay ng isang doktrina."

Katotohanan, ang kasinungalingan ay hindi makatatayo laban sa lakas ng katwiran. Pagkaraan ng anim na raang taon mula sa paglisan ni Hesus, ang Allah ay nagbigay ng banal na kapahayagan sa pamamagitan ni Propeta Muhammad, kapayapaan ay sumankaya nawa, ito ay ang Banal na Qur'an. Isa sa mahalagang mensahe nito ay ang pagbibigay babala sa mga taong sumasampalataya at naniniwala sa Doktrina ng Trinidad. Ang Allah ay nagwika:

“Katiyakan, ang Kafirun (di-naninwala) ay yaong nagsasabing: “ Ang Allah ay ikatlo sa tatlo (sa Trinidad) subali’t walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Isang Ilah (Diyos – ang Allah) at kung sila ay hindi magsisitigil sa anumang sinasabi nila, katotohanan, isang masakit na parusa ang darating sa Kafirun na kabilang sa kanila.” [5:73]

“At kanilang sinabi: “Ang Al-Rahman [ang Mahabagin (Allah)] ay may anak. Katotohanan, kayo ay nagsabi ng isang kakila-kilabot na bagay. Halos magkagutay-gutay ang mga kalangitan, na ang lupa ay magkabiyak-biyak at ang mga kabundukan ay magkawatak-watak dahil sa kanilang sinasabi na ang Al-Rahman (Mapagpala) ay may anak. At hindi naaangkop sa Al-Rahman (Mapagpala) (Allah)] na magkaroon ng isang anak. [19:88-92]

“At sila (Hudyo, Kristiyano at pagano) ay nagsabi: Ang Allah ay mayroong anak[1]. (Subali’t) Luwalhati sa Kanya (Higit Siyang Dakila at Mataas kaysa sa lahat ng kanilang iniaakibat o iniuugnay sa Kanya). Hindi! Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa mga Kalangitan at ng Kalupaan at ang lahat ay sumusuko nang may (ganap) na pagsunod (sa pagsamba) sa Kanya. (Siya ang Tanging) Tapagpasimula ng mga Kalangitan at ng Kalupaan. Kung Kanyang itakda ang isang bagay, Siya ay nagsasabi lamang ng: “Kun” [Maging] “Fayakun” [at mangyayari nga].” [2:116-117]

 Ang anak ni Adan. Isinalaysay ni Ibn Abbas: Ang Sugo ng Allah ay nagsabi, “Ang Allah ay nagsabi: “Ang anak ni Adan ay nagsabi ng kasinungalingan laban sa Akin bagama’t wala siyang karapatang gawin ito at Ako ay kanyang inalipusta bagama’t siya ay walang karapatang gawin ito.Tungkol sa kanyang pagsisinungaling, sinabi niya na hindi Ko magagawang likhain siyang muli tulad ng paglikha ko nuong una sa kanya at tungkol naman sa pang-aalipusta niya sa Akin, ito ay ang kanyang pahayag na Ako ay mayroong anak na lalaki (o supling) Hindi! Luwalhati sa Akin! Ako ay sadyang malayo sa pagkakaroon ng asawa o anak.” Sahih Bukhari vol 6, Hadith Bilang 9.

Iginiit ni Ario na ang banal na Trinidad ay binubuo ng tatlong hiwalay at magkakaibangkatiyakan, at si Jesus ay may kalikasang nilikha, may hanggan. Sa ibang salita, isang tao. Ang pangunahing sinulat ni Ario, Thalia (ibig sabihin, “bangkete”), ay unang nalathala noong 323 CE at lumikha ng napakalaking alingasngas kung kaya’t ang Konseho ng Nicea ay pinulong noong 325 upang kaharapin ang mga hamong Ariano (mula kay Ario). Halimbawa, ang pangangatwirang Ariano ay nagpanukalang kung si Jesus ay isang tao, hindi natin kung gayon dapat sabihing siya ay Diyos, at kung si Jesus ay Diyos, hindi natin dapat sabihing siya ay namatay. Iminungkahi ni Ario na ang konseptong taong-diyos ay hindi makatitindig sa pagsusuring kritikal, at lumalabag sa kapaliwanagan.



Ang mga hamong Ariano sa teolohiyang Trinitario ay babaha at lulubog sa ilalim ng ibabaw 102 New Catholic Encyclopedia. Vol 13, p. 426.

ng kasaysayan kung may sinumang makapagpapaliwanag ng konsepto ng taong-Diyos. Subalit ang 1,700 taon ng pagsusuri sa pagtatanggol sa Kristiyanismo ay nabigong magbunga ng hiyas ng katwirang Trinitariong maningning na ganap upang makapagpaniwala sa mga nag-aalinlangan.

Pana-panahong muling sumusulpot ang mga mapaghamong katanungan at umaalingawngaw ang mga pagtatalong Ariano. Halimbawa, maaari nating maitanong, “Nang ang Diyos daw ay naging tao,

isinuko ba Niya ang Kanyang kapangyarihang makadiyos?”


Sapagkat kung nagkagayon, hindi na Siya Diyos, at kung hindi naman, hindi Siya isang tao. “Kung ang taong-Diyos ay namatay sa krus, nangangahulugan bang namatay ang Diyos?”

 Hindi, mangyari pa. Kaya’t sino ang namatay?

anging ang bahaging “tao”? Ngunit sa ganyang pangyayari, ang sakripisyo ay hindi sapat na mabuti, sapagkat ang pag-aangkin ay tanging isang makadiyos na pagpapakasakit lamang ang makatutubos sa mga kasalanan ng sangkatauhan.


Ang problema ay, ang bahaging-tao ng panukalang tatlong-kaisahan ay hindi higit na makapaghahandog ng pagtubos sa mga kasalanan kaysa magagawa ng pagkamatay ng isang taong walang-sala. Na magbibigay ng napakaliit na pagpili ng paliwanag bukod sa pagbalik sa pag-angking namatay ang ilang elemento ng pagkadiyos.

Ang mga Judiong mahigpit ang pagkamonoteistiko, mga Kristiyanong Unitario, at mga Muslim ay walang alinlangang maninindigang, sa ganang mga nagsasabing ang Diyos ang Siyang namatay, bueno, mabuti pang sila ay mapasa-impyerno. (Ang inaasahan ay: ang Diyos, na buhay at walang-hanggan ay sasang-ayon .)

Sa pagpapatuloy ng kaisipan, ang doktrinang Trinitario ay nag-aangking ang Diyos ay hindi lamang naging tao, subalit nanatiling Diyos — isang konseptong itinuturing ng mga Unitariong pampanitikang katumbas ng isang “imposibleng krokis ng konstruksyong” Escher.

Ang pahayag ay tumutugon sa mga pangangailangang gramatika ng wikang Inggles para sa isang pangungusap, ngunit ang mga imposibleng pagbaluktot ay di-makakabuo ng isang katotohanan. Ang isang punongkahoy ay di-maaaring higit na mabuong muwebles at manatili pa ring puno kaysa ang isang inihaw sa lutuang palayok ay maging isang baka.

Sa sandaling magbagong-anyo, ang mga katangian ng orihinal ay nawawala. At gayunpaman, ang Katolisismo ay lumikha ng isang relihiyon mula sa pagbabagong-anyo, na nag-aangkin ng buong kabaligtaran — na ang dalawang magkaibang sangkap ay iisa.



Ang pahayag na Unitario ay: ang Diyos ay Diyos at ang tao ay tao. Yaong mga napaghahalo ang dalawa ay bigong kilalaning ang Diyos ay di-maaaring isuko ang Kanyang Pagkadiyos, sapagkat ang Kanyang katangian ay naipapaliwanag ng Kanyang mga tinataglay na makadiyos.

Ni hindi kinakailangan ng Diyos na makaranas ng pagiging tao upang maunawaan ang paghihirap ng sangkatauhan. Walang nakatatalos ng kapakanan ng sangkatauhan nang hiigit kaysa sa Maylikha,

Yayamang nilikha Niya ang sangkatauhan nang may kaalaman sa bawat bagay mula sa thermoreceptors (mga pandamdam) hanggang sa mga damdamin, mula sa mga cilia (mga malabuhok) hanggang sa subconscious (mala-diwa). Ang Diyos ay nakatatalos ng mga problema, kapakanan, at pagdurusa ng sangkatauhan — nilikha Niya ang isang sanlibutang (unibersong) ang mga kasalimuutan ay sumasakop sa gayong lagpas-sukat ng kabuhayang pantao.



Ang depensang “Pero magagawa ng Diyos ang anumang bagay” ay nagbubuyo ng katanungang, “Bueno, kung magagawa ng Diyos ang kahit anong bagay, bakit kung gayon hindi Niya binigyang-saysay ang doktrinang Trinitario — ipaghalimbawang ito’y tama, kung gayon?”


Kung magagawa ng Diyos ang anumang bagay, makapagbibigay Siya ng makatwirang paliwanag na hindi mangangailangan ng pagsugod sa “mga di-biblikong kategorya.” Subalit hindi Niya ginawa ito.


Bakit? Hinayaan ba ng Diyos ang sangkatauhang lutasin ito sa kanilang sarili, o maaari bang ligtas na ipalagay ng isang taong walang batayan ang katotohanang panrelihiyon sa isang bagay na hindi inihayag ng Diyos?


Ang pananaw na nagkaloob ang Diyos ng rebelasyon nang hindi nilinaw ang Kanyang Sariling kalikasan ay kumakayod nang mahapdi sa ating likas na pang-unawa sa Diyos bilang lubhang maawain, na nagkakaloob ng malinaw na paggabay sa lahat ng sangkatauhan.

Pamantayang sagot na Trinitario? Na maniniwala ang mga tao kung mauunawaan lamang nila. Pamantayang sagot na Unitario?

Walang sinumang nakauunawa sa Trinidad.— walang sinuman. Kaya’t ito ay isang misteryo sa relihiyon. Kausapin ang kapariang Trinitario nang sapat na panahon, talakayin ang mga pagtutol sa itaas (at yaong mga susunod pa), at unti-unti, ang naliwanagang Trinitario ay aamin, “Iyon ay isang hiwaga (misteryo)..”

Ang depensang dapat-kalamang- maniwala ay hindi gaanong malayo. Gayunman, karaniwang ipinapaliwanag ng Unitario, na mga ilang saglit lamang na nauna, iminungkahi ng Trinitariong maniniwala ang mga tao, kung naunawaan lamang nila. Datapwat kapag ang isang tunay na pagsisikap ay ginawa upang makaunawa, sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga sagot sa kaugnay na mga katanungan, ang pahayag ay nauuwi sa isang hiwagang panrelihiyon (alalaong-baga, walang nakakaunawa!).


Ang isang panghuling depensa ay ang palagay na, “Ang tanging paraang maniniwala ang isang tao ay magkaroon ng pananampalataya” (alalaong-baga, ang tanging paraan para maniwala ay ang maniwala). Subalit kung ang bulag na di-nag-iisip na pananampalataya ay ang pamamaraang iniaatas sa atin ng Diyos na dapat sundin, bakit Niya tayo inuutusang mangatwiran.

Halina ngayon at tayo ay sama-samang mangatwiran,’


Sinasabi ng Panginoon . . .” Isaias 1:18)

Kaya’t ano ang isang di-biblikong pinagmulan? Maaaring ligtas na ipalagay ng isang taong kapag hindi iyon mula sa kasulatan (alalaong-baga, hindi mula sa Diyos), kung gayon ay galing ito sa mga isip ng mga tao (at saan ito nauugnay kundi sa guni-guning pantao?).

Magiging gaano kaligtas kaya kung nabago ang doktrina ng simbahan upang umayon sa makatwirang pagtalakay at higit na mahalaga, sa kasulatan?

Walang dudang ang pag-agapay sa mga kaalamang Trinitario ay nagpatibay sa katatagan ng kapariang Trinitario, bagamat iyon ay batay sa mga nakapag-aalinlangang mga aral ng pananampalatayang nabibihisan ng lambong ng pagsang-ayon ng simbahan.

Ang problema sa bulag na pagdodoktrina ay ang hindi nito pagkakabisa kapag ang isang tao ay higit na nakaaalam. Ang isang may guni-guning karamdaman ay maaaring maniwalang ang kalmante ay isang gamot, kapag lubos na napaniwalang gayon.

Sa pamamagitan ng bulag na paniniwala sa manggagamot, ang mga inaakalang sintomas ng may guni-guning karamdaman ay maaaring madala ng paniniwalang ang ineresetang tabletas ng asukal ay “siya mismong iniuutos ng manggagamot.” Sa kabilang dako, kapag ang pasyente ay naniniwalang huwad (di-tunay) ang pangkalmante, hindi ito magkakabisa.



Nangangatwiran ang mga Unitariong ang “Trinidad” ay isang dakilang doktrinang pangkalmanteng nilulunok ng karamihan sa mundo ng Kristiyanismo. Niyayakap ng mga naniniwala ang doktrina sa pagtitiwala sa kapangyarihan ng kanilang simbahan., nang di-napagkikilalang sinusubuan sila ng doktrinang likhangtaong kulang sa kapangyarihang makadiyos o pagpapatotoo ng kasulatan.


alinlangang ang tiwala sa mga turo ng simbahan ay humina sa mga isip ng mga matatalinong gaya ni Ario — mga palaisip na nagpatuloy na bigyang-diin ang katotohanang hindi nag-angkin kailanman si Jesus ng pagiging anak o kahati sa pagkadiyos, at sa bagay na iyan, hindi maging ng kanyang mga disipulo.



No comments:

Post a Comment