ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, November 24, 2011

Ang Mga Alituntunin sa Pagpapakasal

Ang Mga Alituntunin sa Pagpapakasal



Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin


Ang Mga Alituntunin sa Pagpapakasal


http://www.icsfp.com/Media/EditorImages/Marri.jpgAng tanging ugnayan sa pagitan ng lalaki at babae na pinahinhintulutan ng Islam ay ang kasal. Sinabi ni Propeta Muhammadr:

“Nagiging ganap ang pananampalataya ng isang lalaki sa pag-aasawa.”

Ito ay tungkulin ng bawa't Muslim maliban lamang kung napigilan ito ng mga dahilang tinatanggap ng Shari'ah. Ang pamilya ay isang mahalagang institusyon, ang pangunahing bahagi at haligi ng sambayanan na maari lamang maitatag sa kasal o pag-aasawa. Samakatuwid, isa itong banal at kinakailangang pangalagaan laban sa anumang uri ng pinsala.

Ang kahalagahan ng institusyon o pag-aasawa ay inilarwan ng dakilang Propetar sa kanyang pagpapahayag:

"Ang pag-aasawa ay ang aking Sunnah. Sinuman ang hindi tatangkilik o lumayo dito ay hindi mula sa akin."

Ang pagmamahal sa pagitan ng lalaki at babae sa kanilang ugnayan ay magmulang mabubuo pagkatapos ng kasal at hindi bago nito. Ang katangiang pagtitiis, pagsasakrapisyo at katapatan ng isang nananampalataya ay hinuhubog ng Islam. Katulad ng pangkalahatang batas, ang mag-asawang lalaki't babae ay magkasamang mabuhay hanggang sa katapusan ng kanilang buhay, isang tuloy-tuloy na katapatan.

Ang ama ng babae ay hindi dapat ipagpaliban ang pag-aasawa ng kanyang anak kung ang alok ay mula sa lalaking mahusay sa kanyang pananampalataya at asal. Ang sabi ng Propetar:

"Tatlong bagay ang hindi maaring ipagpaliban: Salat - kapag dumating ang takdang oras, ang libing sa takdang oras, at ang pag-aasawa ng dalaga sa binata kapag inalok." [At-Tirmidhi]

Iniulat din na ang Propeta Muhammad (saw) ay nagsabi:

Kapag dumating sa iyo ang isang binata (mag-alok ng kasal) na taglay ang mahusay na katangian sa pananampalataya at asal, tanggapin at pahintulutan mo, ipakasal ang iyong dalagang anak. Hangga't hindi mo ginagawa ito, magkakaroon ng fitnah sa sambayanan at malawakang kasamaan." [At-Tirmidhi]

Ang pag-aasawa sa Islam ay may mga bahagi kapwa sa Ibada (worship) sa AllahU at mu'amalah (ang ugnayan at pakikitungo sa pagitan ng mga tao). Sa bahagi nitong Ibadah, ang pag-aasawa ay gawaing nakalulugod sa AllahU sapagka't ito ay pagsunod sa kanyang kautusan na ang mag-asawang lalaki't babae ay magmamahalan sa isa't isa at magtulungang gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapatuloy ng lipi at ang pag-aaruga't paggabay at pagpapatnubay sa kanilang mga anak na maging tapat at tuwid na alipin ng AllahU. 


1. Ang Matapat na Pagsang-ayon ng Lalaki at Babae

Mula sa pananaw sa Batas ng Islam, pinaniniwalaan na ang pag-aasawa ay isang 'aqd o kasunduan. Katulad ng sa ibang mga uri ng kasunduan ang pag-aasa ay nangangailangan ng buo at malayang pagsang-ayon ng magkabilang nasasangkot na magkabilang panig. Ang mga magulang o tagpangalaga sa sinuman sa dalawang panig ay maaring magbigay ng patnubay, pumili ng mapapangasawa o kumbinsihin siya, subali't ang panghuling disisyon upang pumasok sa isang pag-aasawa ay nababatay sa malayang pagsang-ayon ng magkabilang panig.

Ang sabi ng AllahU:

O kayong sumasampalataya! Kayo ay pinagbawalan na inyong manahin (ariin) ang mga babae na labag sa kanilang kagustuhan at huwag ninyong pakitunguhan sila ng masama, upang inyong mabawi ang bahagi ng Mahr (dote o handog) na inyong ipinagkaloob sa kanila, maliban na lamang kung sila  ay nagkasala ng lantad na kahalayan (bawal na pakikipagtalik). (Sa isang banda), kayo ay mamuhay sa kanilang piling ng may dangal. At kung sila ay inyong kasuyaan, marahil ay nasusuya kayo sa isang bagay, at ang Allah ay maghahatid sa inyo sa pamamagitan nito ng maraming kabutihan. [Qur'an 4:19]

Mahigpit na ipinagbabawal ng Islam ang pagsawalang bahala sa opinyon ng lalaki at babae hinggil sa kanilang pag-aasawa. Mahalagang kapwa silang sang-ayon dito at may sapat na kaalaman sa katangian ng kanilang mapapangasawa. Kapag may pagtanggi sa ng sinuman sa dalawa ang pagpapakasal ay hindi pinapahintulutan.

Ang salaysay ni Aishah:

Tinanong ni Aishah kay Propeta Muhammad, kung ang babae ba ay hihilingin ang kanyang pahintulot upang ipakakasal. Ang tugon ng Propeta: “Oo.” Muli siyang tinanong ni Aisha: “Ang virgin ay hiniling ang kanyang pahintulot nguni’t dahil siya’y nahihiya. Ang sabi ni Propeta Muhammad: “Ang kanyang pananahimik ay ang palatandaan ng kanyang pagtanggap.” [Bukhari and Muslim]

Ang salaysay ni Khansa bint Khidhan:

Iniulat ni Khansa bint Khidhan na sa kanyang nakaraang pag-aasawa, nang ang kanyang ama ay ipakakasal siya at kanyang tinanggihan ito, pumunta siya sa Sugo ng Allah at kanyang pinawalang-saysay ang kanyang kasal. [Bukhari, Ibn Majah]

Isang dalagang babae ang pumunta sa Sugo ng Allah at ipinagbigay-alam na ang kanyang ama ay ipinakasal siya na labag sa kanyang kagustuhan, kaya't pinayagan siya ng Propeta na mamili at sundin ang kanyang nais. [Abu Da'ud, sa pahintulot ni Ibn 'Abbas]

Katulad ng sinumang nasa tamang gulang na papasok sa anumang kasunduan, gayundin sa sinumang lalaki o babae na nasa tamang gulang ay maaring mag-ayos ng kanyang sarilang kasal. Ito ay sa kondisyon na sa pagsasa-ayos na ito ay walang maganap na pagtatalik o anumang bagay na lalabag sa mga ipinagbabawal. Alam ng karamihan na si Khadijah, ang unang asawa ng Propeta ay siyang nag-ayos sa kanyang kasal sa Propetar at ito ay naganap bago mapiling Propeta si Muhammadr. Kung ang pag-aayos ng isang babae sa kanyang sariling kasal ay hindi kaakit-akit sa paningin ng AllahU katulad ng pananaw ng ilang Muslim, ang AllahU sana'y pinigilan ang Kanyang Sugo sa ganitong pagpapakasal. Katunayan, may mga ahadith na naglalarawan na maging sa matapos matanggap ni Muhammadr ang pagiging sugo, hindi niya ipinagbawal ang babaing mag-ayos ng sarili niyang kasal.

Isang dalagang babae ang lumapit sa Sugo ng Allah at inialok ang kanyang sarili upang pakasalan niya. Nang siya'y nakatayo ng mahabang panahon (na walang natanggap na sagot ng Propeta), tumayo ang isang lalaki at sinabi: O Sugo ng Allah! Ipakasal mo siya sa akin kung hindi mo siya kailangan. Tinanong ng Propeta sa lalaki kung mayroon siyang maaring maibigay na "mahr" (handog sa pakakasalan), at nang sumagot ang lalaki na wala siyang ari-arian maliban sa pang-ibabang damit na kanyang suot. Ang sabi ng Propeta: Maghanap ka ng kahit na anong bagay, maging ito man ay isang tansong singsing. Naghanap ang lalaki subali't walang natagpuan. Tinanong siya ng Propeta kung may alam siya sa Qur'an, nang ang sagot ng lalaki alam ko ang surah….. at surah …., ang sabi ng Sugo: Lumayo na kayo, ibinibigay ko siya upang iyong pakakasalan. Turuan mo siya sa ilang kabanata ng Qur'an. [Bukhari at Muslim on the authority of Sahl bin Sa'd]

Sa hadith na ito isang babae ang nagnanais mag-ayos sa kanyang sariling kasal nguni't hindi siya sinalungat o kinapootan ng Propetar. Maaring hindi ito mabuting tignan upang gawin ng isang babae, subali't kung kanyang nanaisin maari siyang gumawa ng alok sa kanyang sarili upang pakasalan na wala siyang pangambang pagkakasala sa mata ng AllahU.


2. Ang Pagkakaroon ng Wali[1][1]

Ang Wali ng babae ay kinakailangan upang ang kasal ay matatanggap sapagka't ang sabi ng Propetar:

"Walang kasal kung walang Wali." [Ahmad, Abu Dawood, Tirmidhi]

Kaya kung sakaling ipinakasal ng isang babae ang kanyang sarili na walang wali, ang kanyang kasal ay walang saysay — isagawa man niya mismo ang pagpapaksal sa kanyang sarili o magtalaga man siya ng kinatawan. Hindi maaaring walang Wali ng isang Muslimah. Ang isang Kafir matapos tinanggap ang pananampalatayang Islam na walang ibang malapit na kamag-anak na Muslim, ang pamahalaang Muslim ang tatayong Wali sa kanya.

Kinakailangang may sapat na gulang (15 taon pataas) ang Wali, may matinong pag-iisip at may hustong pag-iingat na kabilang sa mga 'Asabah (lalaking kamag-anak sa ama) ng babae gaya ng ama, pagkatapos ay ang pinagbilinan nito, pagkatapos ay ang lolo sa ama at kahit pa ang lolo sa tuhod: ang pinakamalapit sa mga ito ang pipiliin, pagkatapos ay ang anak na lalaki, pagkatapos ay ang mga anak nito at kahit pa ang mga kaapu-apuhan nito, pagkatapos ay ang kapatid sa ama't ina, pagkatapos ay ang kapatid sa ama, pagkatapos ay ang mga anak ng kapatid na lalaki sa ama't ina, pagkatapos ay ang mga anak ng kapatid na lalaki sa ama: ang pinakamalapit sa mga ito ang pipiliin, pagkatapos ay ang tiyuhin na kapatid sa ama't ina ng ama, pagkatapos ay ang tiyuhin na kapatid sa ama ng ama, pagkatapos ay ang kanilang mga anak: ang pinakamalapit sa mga ito ang pipiliin, pagkatapos ay ang tiyuhin sa ama ng ama, pagkatapos ay ang mga anak nito, pagkatapos ay ang tiyuhin sa ama ng lolo sa ama, at pagkatapos ay ang mga anak nito.

Ang Wali ay kinakailangang humingi ng pahintulot sa babae bago niya ito ipakasal. Ang dahilan kung bakit kailangang may Wali ang isang babae ay upang hadlangang gawing dahilan ang kasal upang gumawa ng pangangalunya[2][2] dahil maaring ang isang lalaki ay nagbabalak mangalunya na sabihin sa babae na: "Ipakasal mo ang iyong sarili sa akin." At ang kasal-kasalan na ito ay maaari pang saksihan ng dalawa sa kanyang mga kaibigan o ng iba pa.


3. Ang Dalawang Lalaking Saksi

Kailangang daluhan ang pagkakasal ng dalawang saksi o higit pa, mga lalaking Muslim na makatarungan. Kailangan ding ang mga saksing ito ay mga mapagkakatiwalaan at umiiwas sa mga malalaking kasalanang katulad ng pangangalunya, pag-inom ng alak, at mga tulad nito.

Ang sabi ng Propetar:

"Walang kasalan maliban lang kung may wali at mapagkakatiwalaang tagapagpatunay. [Sahih Bayhaque]"

"Walang kadalan maliban lang kung may wali at dalawang tagapagpatunay." [Sahih Al-Jaami]


4. Ang Tungkuling Magbigay ng Mahr[3][3]

Ang Mahr ay karapatan ng babae bilang regalo sa kanya ng mapapangasawang lalaki. Ito ay maaring salapi o anumang bagay o ariarian ng nagtataglay ng halaga na pag-aari mismo ng lalaki. Walang hangganan ang halaga ng mahr ayon sa kakayahan ng lalaki subali't sa lalong kaunti at mababa ang halaga nito ay higit na mainam sa babae maliban pa sa pangakong biyaya sa kanya. Ang Mahr ay tinatawag ding sadiq. Sunnah na banggitin ang halaga o uri nito sa sandali ng pagkakasal at madaliin ang pagbibigay nito kasabay ng pagkakasal. Tanggap din na ipagpaliban ang pagbibigay ng Mahr o ng bahagi nito sa napagkasunduang panahon. Kung sakaling diniborangyo ng lalaki ang kanyang maybahay bago niya nakatalik ito, kukunin nito ang kalahati ng Mahr. At kung sakali namang namatay ang lalaki bago niya nakatalik ang babae matapos na naisagawa ang kasal, may karapatan na ang babae na magmana sa lalaking ito at makakamait niya nang ang Mahr.

Sinabi ng AllahU:

At ibigay sa kababaihan (na inyong mapapangasawa) ang kanilang Mahr na mula sa kabutihan ng inyong puso; datapuwa’t kung ang (mga babae), sa kanilang sariling kabutihang loob ay muling ibalik ang bahagi nito sa inyo, ito ay inyong kunin at maangyahan ng walang pangangamba sa anumang kasahulan (sapagkat ginawa itong legal ng Allah). [Qur'an, 4:4]

Ang "mahr" (handog sa pakakasalan) ay maaring kahit anong halaga. Ang sabi ng Propeta Muhammad, "Maghanap ng anumang bagay kahit na ang singsing na tanso." [Bukhari at Muslim]

Ang babae ay hindi mapilitang magbigay ng anumang halaga o bagay sa lalaki sa oras ng kasal katulad ng ginagawa sa ilang kultura.


Ang Paraan ng Pagkakasal

Ang mga sumusunod ay ang paraan ng pagsasagawa ng pagpapakasal sa Islam:

1.      Sa pagkakasal ay magsasabi ang lalaki o ang kinatawan niya sa Wali ng babae ng ganito: "Zawwijni ibnataka (waangyataka) …" (Ipakasal mo sa akin ang iyong anak (o ang babaeng ipinagkatiwala sa iyo) na ang [banggitin ang pangalan ng babae].)

2.      Magsasabi naman ang Wali ng ganito: "Laqad zawwajtuka ibnati (waangyati) …" (Tunay na ipinakakasal ko na sa iyo ang aking anak (o ang babaeng ipinagkatiwala sa akin) na ang [banggitin ang pangalan ng babae].)

3.      Magsasabi naman ng ganito ang lalaki: "Qabiltu zawijahi minni." (Tinatanggap ko ang iyong pagpapakasal mo sa kanya sa akin.)

Maaaring magtalaga ang lalaki, kung hindi siya makadalo ng sinumang naisin niyang maging kinatawan sa kasal[4][4].

May karapatan ang kanyang maybahay na kumuha mula sa kanyang ari-arian o salapi ng sapat na halagang pantustos sa pangangailangan nito, o ng mangutang sa pangalan niya at obligado siyang magbayad. Tungkulin din ng lalaking gumastos para sa Walimah o handaang gagawin ng lalaki sa araw ng kasal para sa mga taong inanyayahan niya. Ito ay Sunnah na ipinag-uutos sapagka't ginawa at ipinag-utos ito ng Propetar.


Ilang Resulta ng Pag-aasawa

1.     Ang Pagsusustento

Tungkulin ng asawang lalaki na sustentuhan sa pagkain, pananamit, at tirahan ang kanyang maybahay, ayon sa kanyang kakayahan.

2.      Ang Pagmamana

Kapag nakasal ang lalaki sa babae ng kasal na ayon sa Islam, magkakaroon ng karapatan ang isa't isa sa kanila na magmanahan sapagka't ang sabi ng AllahU:

"At ukol sa inyo ang kalahati ng naiwan ng inyong mga maybahay kung wala silang anak; subali't kung mayroon silang anak, ukol sa inyo ang ika-apat mula sa naiwan nila matapos ikaltas ang ukol sa habiling ihinahabilin nila o sa pagkakautang. At ukol naman sa kanila ang ikaaapat mula sa naiwan ninyo kung wala kayong anak; subali't kung mayroon kayong anak, ukol sa kanila ang ikawalo mula sa naiwan ninyo matapos ibawas ang ukol sa habiling ihinahabilin ninyo o sa pagkakautang.…" Walang pagkakaiba kung nagtalik at nagsama man sila o hindi. [Qur’an, 4:12]


Mga Sunnah at mga Kaasalan sa Pag-aasawa

1.      Sunnah na ipagbigay-alam ang kasal (sa pamamagitan ng pagdaraos ng handaan). Sunnah din na ipanalangin ang mga bagong kasal at sabihin sa lalaki o sa babae: "Barakallahu lak, wa baraka 'alayk, wa jama'a baynakuma fi khayr." (Pagpalain ka ng AllahU, panatiliin Niya ang pagpapala sa iyo, at pagsamahin niya kayo sa ginhawa.)

2.      Sunnah, kapag nais nilang magtalik, na magsabi ng ganito: "Bismillah, allahumma jannibnash shaytan, wa jannibish shaytana ma razaqtana" (Sa ngalan ng AllahU, o AllahU ilayo Mo po sa amin ang Satanas at ilayo mo pa angya sa anak na ipagkakaloob Mo sa amin.)

3.      Kasuklam-suklam para sa mag-asawa na ipagsabi ang anumang nangyari sa pagitan nila sa loob ng kanilang pribadong tahanan o hinggil sa kanilang pagtatalik.

4.      Ipinagbabawal sa lalaki na makipagtalik sa kanyang asawa samantalang ito ay may regla o may Nifas at hangga't hindi pa ito nakakapaligo matapos na huminto ang kanyang pagdudugo o ang Nifas.

5.      Ipinagbabawal sa lalaki na makipagtalik sa kanyang asawa sa butas ng puwit sapagka’t ito ay isa sa malaking kasalanang ipinagbawal ng Islam.

6.      Tungkulin ng lalaki na ibigay nang lubos sa kanyang maybahay ang karapatan nito sa pakikipagtalik. Tungkulin niya ring hindi gawin ang withdrawal method dahil sa pangangambang baka magbuntis ito maliban kung may kapahintulutan nito at kung kinakailangan.


Ang mga Katangian ng Maybahay

Naglalayong magdulot ng kaligayahan ang pag-aasawa at bumuo ng mabuting pamilya at malusog na lipunan. Alinsunod dito, ang babaeng dapat maging asawa ay ang makatutugon sa dalawang layuning ito. Siya ay ang nagtataglay ng panlabas at panloob na kagandahan. Ang kagandahang panlabas ay ang kalubusan ng anyo. Ang kagandahang panloob naman ay ang kalubusan ng pananampalataya at kaasalan. Kung magagawang makapag-asawa ng babae na nagtataglay ng kagandahang panlabas at kagandahang panloob, ito ang tunay na kaganapan at kaligayahang kaloob ng AllahU. Tungkulin ding maging masigasig ang babae sa pagpili ng mabuting lalaki at may takot sa Diyos.

Unang nararapat bigyang halaga sa pag-aasawa ang katapatan ng lalaki o babae sa Islam.

Ang sabi ng Propeta Muhammadr:

Ang babae ay pangkaraniwang pinapakasalan bilang asawa dahil sa kanyang yaman, ganda, kadakilaan, o pagkamatuwid sa pananampalatayang Islam, magpakaganoon, piliin ang matuwid (Islam) na babae at ikaw ay magwawagi. [Muslim]

Ang babae ay pinakakasalan sa apat ng bagay: ang kanyang yaman, ang katanyagan ng kanyang angkan, ang kanyang ganda at ang kanyang pananampalataya. Pakasalan mo ang babaing maka-diyos kung hindi ikaw ay magiging talunan. [Bukhari]

Ang buong daigdig ay biyayang mula sa Allah, at ang pinakamainam na biyayang napakikinabangan sa mundong ito ay ang babaing matuwid (Islam). [Muslim]








No comments:

Post a Comment