ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, November 24, 2011

Ang Pangangalaga at Karapatan ng babae sa Islam

Ang Pangangalaga at Karapatan ng babae sa Islam


Bismilahir rahmanir rahim
Sa Ngalan ni Allah (Diyos), Ang Pinakamahabagin, Ang Pinakamaawain



Ito ay ilan lamang sa ipinag-uutos ng Islam sa bawa’t tao at lipunan tungkol sa mga karapatan ng babae.


Nakakita na ba kayo ng isang mamahaling hiyas? Bakit nga ba ito ay sadyang iniingatan ng tao samantalang ito ay isang pirasong bato lamang?


Ito ay sa dahilang hinid karaniwang makikita o mahahawakan ito maliban lamang kung ikaw ay magbabayad ng malalaking halaga para maangkin ito. Ganyan ang katulad ng isang babae: upang mapanatili ang kanyang dangal at kalininsan,hindi pinahihintulutan ng Islam na siya ay Makita o mahawakan ng sinumang lalaking hindi niya malapit na kamag-anak.


Kawangis ng babae ay isang mamahaling hiyas na nangangailangan ng lubos na pangangalaga at pag-iingat. Nakakita naba kayo ng isang bulaklak kung paano ito nalalanta, natutuyo, at kumukupas ang ganda kapag ito ay labis na hinawakan?


Ganyan din ang babae, siya ay hindi pinahihintulutang hawakan maliban sa isang ugnayan nasa ilalim ng batas ng pag-aasawa.


At sinuman ang magtangkang ay magtatamo ng isang masakit na parusa.




Nalalaman mo ba ang parusa sa isang lalaking lumabag sa batas ng pag-aasawa at pagtataksil sa kanyang asawang babae?




Ang kaparusan ay kamatayan, sapagka’t hindi niya pinangalagaan ang hiyas na nasa kanyang pangangasiwa at karagdagan pa, kanyang nilapastangan ang mga karapatan ng kanyang kapwa-tao.



Nakita mo naba ang isang mamahaling hiyas na naghahanap ng isang magmamay-ari nito? Ang katulad ng isang babae na tila mamahaling hiyas, siya (ang babae) ang hinahanap.


Samakatuwid, laging ang lalaki ang humihingi ng kanyang kamay. At kung siya ay sumang-ayon, ang lalaki ay nararapat na magbigay ng Mahr (isang handog bilang tanda ng pagmamahal) at (magbigay din ng ilang bahagi ng kanyang yaman sa babae.



  Tungkulin ng isang lalaki na gumugol ng kanyang yaman para sa pangangalaga, pananatili at panustos (pagkain, tirahan, damit at pangkalahatang pangangailangan) ng lahat ng nasa kanyang pangangasiwa o pamamahala; kabilang na rito ang kanyang ina,asawa, anak na babae, kahit hindi pa niya pinagnanasaang isakatuparan o gawin ito.




Ang kalagayan ng isang babae ay kahalintulad ng isang pinuno ng pamahalaan o bansa. Kung ang lahat ng mamamayan ay tuwirang makapangusap sa kanyang at maupo sa kanyang harapan, siya ay hindi kikilalanin sa paraang may paggalang, at hindi rin niya magagawang taglayin ang kaukulang repustayon at katayuan sa mga taong nakapaligid sa kanya.


Katulad niya, ang babae ay isang marangal na reyna. Hindi isang karapatan ng bawa’t lalaki na makipag-usap sa kanya nang tuwiran o maupo sa kanyang harapan; pinahihintulot lamang sa ilang piling tao, tulad ng kanyang mga kamag-anak na hindi pinahihintulutang maging asawa niya.





Ang Kataas-taasang Diyos na Tagapaglikha ay lumikha ng mga kalalakihan at iginawad sa kanila ang malusog ng pangangatawan upang sila ay magsipaglakbay at humanap ng kabuhayan maging sa panahon ng kahirapan upang mapanatili nila ang pangangalaga sa kanilang mga asawa at mga anak.



Ang babae, sa kabilang dako, ay nilikha na may taglay na kahinhinan, malambing, maramdamin upang bigyang edukasyon ang mga anak at maging ang mga susunod na henerasyon.



Ang kanilang mga anak ay palalakihin niya sa paraang pinakamahusay sa pag-uugali at kagandahang asal. Ang mga lalaki ay naglalakbay at nagsisipaghanapbuhay samantalang ang mga babae ay nakikipag-ugnayab sa mga bata sa pamamagitan ng pangangalanga sa mga ito upang paunlarin ang kanilang kaisipan at pag-uugali.




Ano sa palagay mo kung isang leon at isang gansa ay panatilihing magkasama sa isang kinalalagyan? Posible bang sila ay maayos na mabuhay ng magkasama?


Karaniwan ay hindi! Ganyan din ang kalagayan ng babae, nakabubuti ba sa isang babae na nasa piling ng isang lalaking hindi niya kamag-anak?


Siya ay maganda, kaakit-akit at mayumi. Kaya, katiyakan na siya ay pangingibabawan ng isang immoral o walang dangal na lalaki. Aabusuhin at lalapastanganin ang kanyang puri o dangal kahit hindi niya ito kagustuhan.



Ang isang babaing kawani o manggagawa na ang propesyon ay katulad ng isang kawani o manggagawang lalaki ay may karapatang tumanggap ng sahod (bayad) na katulad ng tinatanggap ng sahod (bayad) ng lalaki.




Pinahihintulot sa isang babae na maghanapbuhay kung siya ay may taglay na kakayahang naangkop sa kanyang likas na pangangatawan.




Tulad ng lalake, ipinag-uutos din sa babae ang mga tungkulin pang- relihiyon at sila ay kapwa ginagantimpalaan sa pagsasakatuparan nito (tulad ng pagdarasal, pag-aayuno, paglalakbay (Hajj) sa Makkah).



Ang babae ay Malaya mula sa mga tungkuling pangrelihiyon sa panahon ng kanyang panganganak at pamamanahon (buwanang regal) sapagka’t ang mga ganitong kalagayan ay nagdudulot sa kanila ng kahinaan at sa ibang pagkakataon, ng kapaguran o kawalang lakas, kaya higit na makabubuti sa kanila ang pamamahinga.



Kung ang isang babae ay mamatay sa oras ng kanyang panganganak, siya ay gagantimpalaan ng isang mataas na antas o kalagayan sa Paraiso.


Ang sinumang namatay sa pagtatangol sa dangal o karapatan ng kanyang ina, asawa, anak o kapatid na babae ay gagantimpalaan ng isang mataas na antas o kalagayan sa Paraiso.



Pinahihintulot sa babae na humingi ng paghihiwalay mula sa kanyang asawa kung ang asawa (lalaki) ay nagpabaya sa kanyang pananagutan sa ugnayan pag-aaswa.




Mayroon pa kayang mahalaga sa tao nang higit pa sa kanyang buhay? Ang dangal at puri ng isang babae ay higit na mahalaga sa isang lalaking Muslim kaysa sa kanyang sariling buhay.




Pinahihintulot para sa babae ang pag-aaswang muli sa sinumang kanyang napupusuan kung siya ay diniborsiyo ng kanyang asawa o kung siya ay nagging biyuda.




Kung ang babae ay nagmamay-ari ng kayamanan, Malaya niyang pangaiswaan ito sa anupamang paraang pinahihintulutan ng Islam, na hindi kinakailangan ang pinahihintulutan ng Islam, na hindi kinakailangan ang kapahintulutan ng sinuman maging ang kanyang ama, asawa o sinumang tao.



Ang mga kababaihan ay may karapatang tumanggap ng pamana mula sa kanilang kamag-anak sa oras ng kamatayan nito (ng kanyang kamag-anak)kahit hindi niya ito pinagnanasaang matanggap.



Ang isang ina ay nakahihigit ng tatlong ulit kaysa sa isang ama kaugnayan ng kanilang karapataan sa kabaitan o pangangalaga ng kanilang mga anak.




Sinuman ang maghangad ng Paraisao,dapat na malaman na amg Paraiso ay nasa paanan ng kanyang ina, samakatwid, tungkulin ng isang tao na mahalin, pangalagaan,lingapin at paglingkuran ang kanyang ina lao na sa panahon ng kanyang katandaan at kahinaan.



Sinabi ng Propeta Muhammad (saw)

Sinumang may mga anak na babae at sila ay kanilang pinakitunguhan nang may kabaitan, siya (ang ama) ay pangangalagaan ng Diyos (Allah) (swt) mula sa Apoy ng Impiyerno sa Araw ng Paghuhukom sanhi ng kanyang kabaitang  ipinagkaloob sa kanila sa kanyang mga anak na babae.


Kung ang isang lalaki ay sinadyang pumatay ng isang babae, siya (na nakapatay) ay papatawan ng kamatayan sa ilalim ng Batas ng Islam kahit na ang biktima ay kanyang asawa.



Ang Sugo ng Allah ay nagbigay payo sa atin tungkol sa mga kababaihan. Siya ay nagsabi:

“Pakitunguhan ang mga babae nang may kabaitan. Sinabi rin niya: “Ang pinakamabuti sa inyo ay yaong pinakamabuting makitungo sa kanyang mga asawa.


At sinabi pa rin niya: “ Walang sinuman ang nagbigay galang sa babae maliban ang isang marangal na lalaki, at waalng sinuman ang lumapastangan o nang abuso sa kanyang maliban ang isang masama, makasalanan at tampalasan.”


Sa mga pahayag na binanggit sa itaas, ako ay nag-aanyaya, bilang isang matalinong tao: Mayroon pa bang higit na karangalan kaysa dito (sa karangalan ng isang babae sa Islam)?



Walaykum Sallam!


No comments:

Post a Comment