Ang Pagpapatayo ng Ka'bah
Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin
Ang Pagpapatayo ng Ka'bah
[PLPHP]

"Tunay na ang kauna-unahang tahanan (sambahang) itinakda para sa sangkatauhan ay ang nasa Bakkah, pinagpala,at patnubay sa lahat ng tao. Naroroon ang mga malinaw na tanda tulad halimbawa ng kinatatayuan ni Abraham (Maqam Ibrahim). Ang sinoman ang pumasok rito ay may katiwasayan." [Qur’an 3:96-97]
"At di ba nila nakikita na Aming ginawang banal na lugar,(ang Makkah) samantalang ang kapaligiran ng mga tao ay nasa kaguluhan?" [Qur’an 29:67]
Ang Dalangin ni Propeta Abraham at Ismael
"At (gunitain) nang Aming ginawa ang (Banal na) Tahanan (sa Makkah) bilang himpilan ng Sangkatauhan at isang pook ng Katiwasayan. At gawin ninyong pook dalanginan ang Maqam Ibrahim (kinatatayuan ni Abraham habang siya ay dumadalangin)
At Aming inutusan sina Abrahan at Ismael na gawin malinis ang Aking Tahanan (ang Kab'ah sa Makkah) para sa mga nagsasagawa ng tawaf (pag-ikot sa Kab'ah) at para sa mga yumuyuko at nagpapatirapa ng kanilang mga sarili (sa panalangin)
At (gunitain) nang si Abraham ay nagsabi, "Aking Panginoon, gawin mo po ang bayang ito (Makkah) na pook ng Katiwasayan at bigyan mo po ang mga mamamayan nito ng mga bunga, ang sinuman sa kanila na naniniwala sa Allah at sa Kabilang Buhay." Siya (Allah) ay sumagot:"At sa mga hindi sumasampalataya,ay bibigyan ko ng panandaliang kaginhawahan at pipiliting sa parusa ng Apoy at tunay na kalunos-lunos na hantungan!
At (gunitain) nang si Abraham at (kanyang anak) Ismael ay itinatayo ang mga haligi ng Tahanan (Kab'ah sa Makkah), na (nagsasabing), "Aming Panginoon! Tanggapin mo po mula sa amin (itong paglilingkod). Tunay na Kayo ang palakinig, ang Maalam."
"Aming Panginoon! Gawin mo po kaming laging sumusuko sa inyo at pati na ang aming mga supling- mga mamamayang sumusuko sa Iyo, At ipakita Mo po sa amin ang manasik (wastong paraan ng pagsasagawa ng Hajj). At tanggapin Mo po ang aming pagsisisi. Tunay na Kayo ang tumatanggap ng pagsisisi, ang Maawain.
"Aming Panginoon, padalhan Mo po sila ng isang sugo (Muhammad) na buhat sa kanila na bibigkas ng Inyong pahayag na magtuturo sa kanila ng Aklat (ang Qur’an) at Al-Hikmah (Karunungan) at pagpalain sila. Tunay na Kayo ang Makapangyarihan, Ang Matalino."
[Qur’an 2:125-129]
"At (gunitain) nang Aming itinuro kay Abraham ang pook ng (Banal na) Tahanan, na nagsasabing: Huwag kayong mag-uugnay sa Akin ng anumang katambal (o kasama) at panatilihing malinis (wagas) para doon sa mga papalibot dito at para sa mga tumatayo (sa panalangin) at para sa mga yumuyuko at nagpapatirapa (isinusuko ang mga sarili ng may pagpapakumbaba at pagsunod sa Allah).
At ipahayag sa Sangkatauhan ang Hajj (Paglalakbay sa Makkah). Sila ay darating sa inyo na naglalakad at nakasakay sa kamelyo. Sila ay magmumula sa bawat maluwang at malalim na daanan ng bundok.Upang sila ay sumaksi sa mga bagay na makabubuti sa kanila at sambitin (banggitin) ang pangalan ng Diyos [Allah) sa itinakdang mga araw. Mula rito [sa mga inihandog na hayop) ay kumain at magpakain sa mga mahihirap na kapuspalad." [Qur’an 22:26-28]
BUILDING OF THE KA’ABA CONTROVERSY…
ReplyDeletehttp://beyond666-acson005.blogspot.com/2011/11/hajj-controversy-ishmael-or-isaac.html
http://beyond666-acson005.blogspot.com/2011/11/thehajj-controversy-muslim-version-of.html