ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

Kahalagahan Ng Oras



Magbuhat pa kagabi, hindi na maganda ang pakiramdam ng aking anak. Pagkagaling ko sa trabaho ngayong gabi, nagpasiya akong dalhin na siya sa ospital sa kabila ng pagod na aking nararamdaman. Marami ang mga naghihintay; marahil matatagalan pa kami ng mahigit sa isang oras. Kinuha ko ang aking numero at pagkatapos ay umupo kami sa silid hintayan.

Maraming tao ang naroon, bata at matanda, nguni’t silang lahat tahimik. Mayroon ding ilang mga taong nagbabasa, may nakapikit na ang mga mata, samantalang mayroon ding iilang nagmamasid-masid sa paligid. Karamihan ay mukhang naiinip. May mga sandaling nababasag ang katahimikan kapag may nars na magtatawag ng numero.

Makikita ang kasiyahan sa taong tinatawag, at kapag siya’y tumayo na, babalik muli ang katahimikan. May isang binata na umagaw ng aking pansin. Siya ay nagbabasa ng maliit na Qur’an at ni hindi man lamang ito nag-aangat ng kanyang ulo. Noong umpisa ay hindi ako gaanong nag-isip tungkol sa kanya. Nguni’t matapos ang isang oras na paghihintay, ang aking pagsulyap sa binatang ito ay nauwi sa isang malalim na pagmumuni-muni, sa kung ano kaya ang kanyang pamumuhay at kung paano niya ginugugol ang kanyang mga oras.

Isang oras ng buhay ang nasayang! Sa halip na nakagawa ng kapaki-pakinabang sa oras na iyon, napunta lamang ito sa isang nakaiinip na paghihintay. Maya-maya pa ay narinig na ang tawag ng pagdarasal. Nagtungo kami sa masjid ng ospital at sinadya kong magdasal malapit sa lalaking nagbabasa ng Qur’an kanina sa silid hintayan.

Matapos kaming magdasal, lumapit ako sa kanya at sinabi kung paano ako namangha sa kanyang pamamaraan upang maging kapaki-pakinabang ang kanyang oras. Nasabi niya na halos lahat ng ating oras ay dumadaan nang walang saysay. Ito ang mga panahon na nawawala sa ating buhay na hindi man lang natin namalayan o napanghinayangan na nasayang. Ikinuwento niya na nagsimula niyang dalhin ang kanyang Qur’an nang hikayatin siya ng isang kaibigan na gugulin niya nang maayos ang kanyang oras. Sinabi rin niya na habang ang ilang tao ay nagsasayang ng kanilang oras, nakapagbabasa naman siya ng marami talata mula sa Qur’an, sa bahay man o sa masjid. Maliban sa gantimpala mula sa pagbabasa ng Qur’an, nakatutulong din ito upang maibsan ang pagkainip at pagkapagod.

Naidagdag din niya na nakapagbasa na siya ngayon ng maraming pahina sa loob ng isa’t kalahating oras na nagdaan. Pagkaraa’y tinanong niya ako, "Mayroon ka bang isa’t kalahating oras upang magbasa ng Qur’an?” Nag-isip ako, gaano nga ba karami ang oras na ating nasasayang? Gaano karaming sandali na ang dumadaan sa ating buhay nang hindi man lamang natin namamalayan kung paano ito lumipas? Sa katunayan, ilang buwan na nga ba ang nakaraan na hindi tayo nakapagbasa ng Qur’an? Dahil dito, iginalang ko ang aking kausap at aking napagtanto na pananagutan ko ang bawa’t oras na nagdaraan na aking hinayangang masayang sa kabila ng hindi ko hawak ang oras sa aking kamay. Isang napakalaking biyaya mula sa Allah ang mabigyan ng maraming oras sa pananatili dito sa mundo na kahit anong oras kaya Niya itong putulin. Kung kaya, ano pa ang aking hinihintay? Natigilan ako sa aking pag-iisip sapagka’t tinatawag na pala ng nars ang aking numero at tumungo na ako sa doktor.

Subalit ngayon, mayroon akong gustong makamit. Pagkaalis ko ng ospital, nagmadali akong tumungo sa isang tindahan ng mga aklat at bumili ng isang maliit na Qur’an. Nagpasiya ako na magiging maingat sa paggugol ng aking oras.

Kung ang impormasyong ito ay nakatulong sa iyo, paki-pasa ito sa iyong mga kaibigan at kamag-anak. Ang Propeta (Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam)* ay nagsabi; “Sinuman ay gumabay at nag-utos ng mabuti, makakamtan niya ang magkatulad na biyaya (ganitmpala) ng sinumang gumawa nito.” Ang Propeta (Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam) ay nagsabi; “Ipasa ang kaalaman mula sa akin kahit na ito ay isang talata lamang.”

*Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam: Nawa’y itampok ng Allah ang pagbigkas sa kanyang pangalan at ilayo sa anumang paninira.

ANO ANG MAGAGAWA SA LOOB NG ISANG MINUTO?

Katanungan:
Sa ating opisina at pinagtatrabahuan, nahihirapan tayong humanap ng oras para magsagawa ng mga kilos pagsamba at ilan pang mga mabubuting gawa. Ano ang maaaring gawin sa kaunting oras na ating masusumpungan sa ating maghapon? Paano natin ito magagamit?
Kasagutan:
Magbigay ng Papuri sa Allaah.
Ang oras ay sadyang mahalaga upang sayangin o hindi bigyang-pansin. Ang taong matalino ay yaong pinahahalagahan ang kanyang oras at hindi niya ito itinuturing na sisidlang paglalagyan ng mga bagay at pananalitang walang halaga at kapakinabangan. Sa halip, ginagamit niya ito sa pagsasagawa ng mga kabutihang kalulugdan ng Allaah at makatutulong sa ibang tao. Ang bawa’t minuto sa buhay ng isang tao ay maaaring makapag-angat ng kanyang katayuan at makapagdulot ng kasiyahan sa ibang tao.

Kung nais makamit ang pinakamataas na katayuan at makapagbigay-saya sa ibang tao, tanggalin sa isipan ang pasasawalang-bahala at iwasan ang walang-kabuluhang pag-aaliw.

Sa loob ng isang minuto, marami maisasagawang kabutihan at makakamit na gantimpala. Sa pamamagitan ng pagbibigay-limos, pag-aaral, pagsasaulo, o pagsisikap sa paggawa ng kabutihan, makatitiyak ang sinuman na ang isang minutong ito sa buhay ay hindi nasayang. Ang isang minuto ay maitatala sa talaan ng mabuting gawa sa sinumang may kaalaman kung paano ito gagamitin at iingatan.

Gawin ang makakaya upang magamit nang maayos ang bawa’t isang minuto. Kung makaligtaan ito, hindi malayong makaliligtaan din ang pinakamahalagang bagay—ang katotohanan.
May mga bagay na maaaring gawin sa loob ng isang minuto, sa kapahintulutan ng Allaah:
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Soorat al-Faatihah ng 3 ulit nang tahimik. May ilang pantas na nagsasabi na ang gantimpala sa pagbabasa ng al-Faatihah ay mahigit sa 600 hasanaat. Kaya sinumang nakapagbasa ng 3 ulit, sa kapahintulutan ng Allaah, magkakamit siya ng 1800 hasanaat—lahat sa loob lamang ng isang minuto. 

Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Soorat al-Ikhlaas ng 20 ulit nang tahimik. Ang pagbigkas nito ng 1 ulit ay katumbas ng 1/3 ng Qur’an. Kung binasa ito ng 20 ulit, katumbas ito ng pagbabasa ng Qur’an ng 7 ulit. Kaya kung babasahin ito ng 20 ulit sa isang minuto sa bawat araw, mababasa ito ng 600 ulit sa loob ng isang buwan, at 7200 ulit sa loob ng isang taon, at ang lahat ng ito ay katumbas ng gantimpala na makukuha mula sa pagbabasa ng Qur’an ng 2400 ulit.
Maaaring basahin ang isang pahina ng Qur’an sa loob ng isang minuto. Maaari ring isaulo ang isang ayah ng Qur’an sa loob ng isang minuto. 

Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Laa ilaaha ill-Allaah wahdahu laa shareeka-lahu lahu’l-mulk wa lahu’l-hamd wa huwa ‘ala kulli shay’in qadeer (Walang tunay na Diyos na karapat-dapat samabahin maliban sa Allaah at wala Siyang katambal; sa Kanya ang Kapangyarihan at Pagpupuri, at Siya ang makagagawa ng lahat ng bagay) ng 20 ulit. Ang gantimpalang makukuha mula sa pagbigkas nito ay katulad ng pagpapalaya ng 8 alipin para sa Allaah. 

Sa loob ng isang minuto, maaari mong bigkasin ang Subhaan Allaahi wa bi hamdhi (Ang Luwalhati at Pagpupuri ay sa Allaah) ng 100 ulit. Sinumang bumigkas nito sa isang araw ay mapapatawad ang kanyang mga kasalanan kahit na ang mga ito ay kasing-dami ng mga bula sa dagat.
Sa loob ng isang minuto, maaari mong bigkasin ang ang Subhaan Allaahi wa bi hamdihi Subhaan Allaah il-Azeem (Ang Kaluwalhatian at Pagpupuri ay sa Allaah, Ang Luwalhati ay sa Allaah, Ang Pinakamakapangyarihan) ng 50 ulit. Ang dalawang pangungusap na ito na sadyang magaan sa dila ay mabigat sa timbangan at kinalulugdan ng Allaah, ang Maawain, ayon sa salaysay nina al-Bukhaari at Muslim. 

Ang Propeta (Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam) ay nagsabi: “Kapag binigkas ko ang Subhaan Allaah, wa’l-hamdu Lillah, wa laa ilaah ill-Allaah, wa Allaahu akbar (Ang Kaluwalhatian ay sa Allaah, ang Pagpupuri ay sa Allaah, walang tunay na Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allaah, at ang Allaah ang Dakila),’ ito ay higit na kalugud-lugod sa akin kaysa anumang bagay na sinisikatan ng araw. (Isinalaysay ni Muslim). Sa loob ng isang minuto maaaring bigkasin ang mga salitang ito ng 18 ulit. Ang mga salitang ito ay sadyang kinalulugdan ng Allaah, ang pinakamainam sa Allaah, at mabigat sa timbangan ng mabubuting gawa, ayon sa salaysay sa saheeh al ahaadeeth.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Laa hawla wa laa quwwata illa Billaah (walang lakas at kakayahaan maliban sa Allaah) nang mahigit sa 40 ulit. Ito ay isa sa mga kayamanan ng Paraiso, ayon sa salaysay nina al-Bukhaari at Muslim. Ito rin ay pamamaraan upang makayanan ang mga pagsubok at paghihirap at ang pag-aasam na makamtan ang mga dakilang bagay.
Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang La illaaha ill-Allaah ng 50 ulit. Ito ang pinakadakilang salita sapagka’t ito ang salita ng Tawheed, ang mabuting salita, ang salitang nananatiling matatag. Kapag ito ang huling salitang binanggit na isang tao bago siya mamatay, siya ay papasok sa Paraiso, at may iba pang mga salaysay na nagpapatunay kung gaano kadakila ang salitang ito. 

Sa loob ng isang minuto, maaaring bigkasin ang Subhaan Allaahi wa bi hamdih, ‘adada khalqihi, wa ridaa nafsihi, wazinata ‘ashihi , wa midaada kalimaatihi (Ang Luwalhati at Pagpupuri ay sa Allaah, tulad sa bilang ng Kanyang mga nilikha, tulad sa kung ano ang ninanais Niya, tulad ng timbang ng Kanyang trono, at tulad ng tinta ng Kanyang mga Salita) ng higit sa 15 ulit. Ang mga salitang ito ay magkakaloob ng maraming bilang na gantimpala kaysa ibang mga tasbeeh at dhikr, ayon sa salaysay sa saheeh alhaadeeth ng Propeta (Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam).
Sa loob ng isang minuto, maaaring humingi ng kapatawaran sa Allaah ng mahigit 100 ulit sa pamamagitan ng pagbigkas ng “Astaghfiru'llaah (Humihingi ako ng tawad sa Allaah). Ang kabutihan ng paghingi ng tawad ay hindi lingid sa ating kaalaman sapagka’t ito ay paraan ng pagkakamit ng kapatawaran at pagpasok sa Paraiso. Ito rin ang paraan ng pagkakamit ng magandang buhay, pagkakaroon ng karagdagang lakas, pag-iwas sa mga sakuna, pagpapadali sa mga bagay-bagay, pagbuhos ng ulan, at karagdagang ari-arian at mga anak. 

Maaaring bumigkas ng iilan nguni’t makahulugang mga salita sa loob ng isang minuto, magdudulot ang Allaah ng mga mabubuting bagay bunsod nito nang hindi mo aakalain.
Sa loob ng isang minuto, maaaring humingi ng biyaya para sa Propeta ((Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam) nang 50 ulit sa pamamagitan ng pagbigkas ng Sall-Allaahu ‘alayhi wa sallam (Nawa’y pagpalain siya ng Allaah at dulutan siya ng kapayapaan). Kapalit nito, pagkakalooban ng Allaah ang sinumang bumigkas nito ng 500 ulit na biyaya dahil ang isang biyaya ay katumbas ng 10 ulit na tulad nito. 

Sa loob ng isang minuto, maaaring hikayatin ang iyong puso na magpasalamat sa Allaah, mahalin Siya, matakot sa Kanya, umasa nang dahil sa Kanya, at maglakbay sa mga baitang ng ‘uboodiyyah (pangkalahatang pagkaalipin para sa Allaah). Magagawa mo ito kahit habang nakahiga sa iyong higaan o kaya'y habang naglalakad sa daan.
Sa loob ng isang minuto, maaaring magbasa ng dalawang pahina ng isang mahalagang aklat o babasahin na madaling intindihin. 

Sa loob ng isang minuto, maaaring patatagin ang bukluran ng iyong pamilya at kamag-anakan sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila sa telepono.
Maaaring itaas ang iyong mga kamay at humiling o magsagawa ng du’a sa loob ng isang minuto.
Maaaring magbigay salaam sa ilang bilang ng tao sa loob ng isang minuto.
Maaaring magbawal ng isang masamang gawain sa loob ng isang minuto.
Maaaring manghikayat ng isang mabuting gawain sa loob ng isang minuto.
Maaaring magbigay ng isang matapat na payo sa isang kapatid sa loob ng isang minuto.
Maaaring gawing magaan ang loob ng isang kapatid na nakararanas ng kalungkutan, sa loob ng isang minuto. 

Maaaring alisin ang isang bagay sa daan na maaaring makapinsala, sa loob ng isang minuto.
Ang paggawa ng bagay na makabuluhan sa loob ng isang minuto ay maghihikayat sa iyo upang umiwas sa mga bagay na maaaring makapag-aksaya sa iyong oras.
Si Shaafa’i (nawa’y kalugdan siya ng Allaah) ay nagsabi: Kapag ang mga tao ay matutulog na, hinahayaan kong tumulo ang aking mga luha at binibigkas ko ang pinaka mahuhusay na talata – Qur’an. 

Hindi ba pag-aaksaya na hayaang lumipas ang mga gabi nang hindi nadaragdagan ang ating kaalaman, samantalang ang oras na ito ay nabibilang sa ating buhay?
At ang panghuli, kung gaano ang ating katapatan sa Allaah at kung gaano natin Siya nakikilala, ganoon din karami ang bilang ng ating gantimpala at makararagdag sa ating hasanaat.
Pakaisipin natin na ang mga gawaing ito ay hindi nangangailangan ng anuman mula sa atin, ni hindi ito nangangailangan ng Tahaarah (kadalisayan) at ni hindi ito nakapapagod. Sa halip, maaari itong gawin kahit tayo’y naglalakad o nasa loob ng sasakyan, nakahiga, nakatayo, nakaupo, o habang may hinihintay.
Ang mga pagkilos na ito ay kabilang sa mga paraan upang magkamit ng kaligayahan, nakapagpapaaliwalas sa dibdib (sa pamamagitan ng pagdudulot ng ginhawa at lugod) at nakapagtatanggal ng kapaguran at pagkabalisa. Nawa’y tulungan tayo ng Allaah na maisagawa ang mga bagay na Kanyang kinalulugdan at nagugustuhan. At nawa’y igawad Niya ang Kanyang biyaya sa ating Propeta Muhammad.
ANO ANG MAGAGAWA MO SA LOOB NG 10 MINUTO? 

Naririto ang listahan ng sampung bagay na hindi nangangailangan ng mahigit sa 10 minuto ng ating oras. Kung mauunawaan lamang natin ang kaligayahang maidudulot nito sa ating buhay dito sa daigdig at maging sa kabila, gugugulin natin ang ating buhay sa paggawa ng mga ito:
1. Magsagawa ng 2 rakaat (Salatul Duha) sa anumang oras sa pagitan ng pagsikat ng araw at bago dumating ang Salatul Dhuhr. 

Si Abu Hurayrah, radi Allahu anhu ay nagsabi, “Ang aking khaleel, ang Sugo ng Allah ay nagpayo sa akin na gawin ang tatlong bagay: (1) Na ako ay mag-ayuno ng 3 araw sa bawa’t buwan, (2) na magsagawa ng 2 rakaat ng Duha, at (3) Na ako ay magsagawa ng Witr bago matulog. (Bukhari at Muslim).
2. Ipagdasal ang RasulAllah (S.A.W.)
Ang Propeta ((Sallallaahu’ Alaihi Wa Sallam) ay nagsabi: “Sinuman ang ipinagdarasal ako ng kahit minsan, binibiyayaan ng Allah ang taong iyon ng 10 ulit (nang dahil sa kanyang dasal).” (Muslim).

3. Ulitin ang sinasabi ng Mu’adhdhin.
Si Abdullah ibn Amr ay nagsalaysay: May isang lalaki na nagsabi: “O Sugo ng Allah, ang mga taong tumatawag ng pagdarasal ay nakatatanggap nang higit na maraming gantimpala kaysa sa amin.” 

Kaya tumugon ang Sugo ng Allah: “Sabihin mo kung ano ang kanilang sinasabi, at kapag ika’y natapos, manalangin (du’a) ka ng kahit ano at ito ay ipagkakaloob sa iyo.” (Abu Dawood).
4. Bigkasin ang SubhanAllah nang 100 ulit.
Si Mus’ab ibn Sa’d ay nagsabi: Nasabi sa akin ng aking ama na noong kasama niya ang Sugo ng Allah, siya ay nagsabi: “Mayroon bang isa sa inyo na may kakayahang magkamit ng 1000 hasanaat (mabubuting gawa) araw-araw? Hayaan siyang magsagawa ng Tasbeeh (SubhanAllah) ng 100 ulit at ito ay maitatala sa kanya bilang 1000 hasanaat o 1000 na kasalanan ay maaalis sa kanyang talaan.” (Muslim). 

5. Maglaro kasama ng iyong mga anak alang-alang sa Allah.
Si Jabir ay nagsalaysay: Kasama namin ang Sugo ng Allah, na papunta sa isang paanyaya upang kumain nang madaanan namin si Al-Husayn na naglalaro sa daraanan kasama ang ibang batang Ansar. Ang Sugo ng Allah, ay naglakad nang higit na mabilis upang habulin ito at makipaglaro. Inilabas niya ang kanyang kamay upang kunin ito ngunit si Al-Husayn ay tumakbo at tuwang-tuwang naghumiyaw, hanggang sa mahuli siya ng Sugo ng Allah. Matapos ito, hinawakan ng Sugo ng Allah ang baba ni Al-Husayn sa isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa ulo nito, at hinalikan niya ito at niyakap. (Bukhari). 

6. Magsagawa ng Du’a nang madalas sa panahon ng kaginhawaan.
Ang RasulAllah ay nagsabi: “Sinuman ang humihiling sa Allah na dinggin ang kanyang mga pagdarasal sa oras ng kalamidad at paghihirap, hayaang dagdagan niya ang kanyang pagdarasal sa mga oras ng kaginhawaan.” Tirmidhi at Al Hakim). 

Ang RasulAllah ay nagsabi: “Sinuman sa inyo na matapos maisagawa ang kanyang wudu ay magsabi: ‘Ash hadu an laa ilaaha illaa Allaah, was ashhadu anna Muhammadan ‘Abduhu wa Rasooluh (Sumasaksi ako na walang tunay na Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at si Muhammad ay kanyang alipin at Sugo), ang walong tarangkahan ng Jannah ay magbubukas para sa kanya at hahayaan siyang pumasok sa alin man dito na kanyang nanaisin.” (Muslim)
7. Kunin ang telepono at tawagan ang iyong ina (o sinumang malapit na kamag-anak) at sabihin sa kanila kung gaano mo sila kamahal. 

Ang RasulAllah ay nagsabi: “Ang Wasil (Sinumang tumutupad sa mga karapatan ng kanyang mga kamag-anak) ay hindi yaong gumagawa ng mabuti sa mga miyembro ng kanyang pamilya kapag ang mga iyon ay gumagawa ng mabuti sa kanya, bagkus ang Wasil ay yaong itinatakwil ng mga miyembro ng kanyang pamilya subali’t ginagawan pa rin niya ang mga ito ng kabutihan.” (Bukhari).
8. Sa loob ng kaunting minuto, bigyang pansin at magmuni-muni sa mga nakabibighaning mga likha ng Allah, ang iyong mga mata, ang iyong boses, at ang iyong buong katawan. Ang Allah ay nagsasabi sa Qur’an: 

“At sa mundo ay mga palatandaan para sa mga may katiyakan (sa pananampalataya). At sa inyong mga sarili, hindi ba kayo makakakita (at mag-iisip)? (Az-Zariyat 51:20-21)
9. Magbahagi ng iyong pagkain sa iba. 

Ang RasulAllah ay nagsabi: “O Abu Dharr! Kung magluluto ko ng sabaw, dagdagan mo ito ng tubig, hanapin ang iyong mga kapitbahay at bigyan sila nito.” (Muslim).

10. Ipanalangin (du’a) ang iyong kapatid sa panahong siya ay wala.
Ang RasulAllah ay nagsabi: “Kapag ang isang tao ay nagdarasal para sa kanyang kapatid sa panahong siya ay wala (at hindi niya nalalaman), isang anghel (na naririnig ang du’a) ang sumasagot: ‘Ameen! Nawa’y bigyan ka rin ng Allah ng katulad nito.’
Katunayan, kapag ang mga Sahaabah at Taabi’een ay nagnanais na magkaroon kaagad ng kasagutan ang kanilang du’a, hihilingin rin nila ang bagay na iyon para sa kanilang kapatid upang ang anghel ay sumagot ng, ‘Ameen! Nawa’y bigyan ka rin ng Allaah ng katulad nito.’
InshaAllah gawin natin ang mga ito, at nawa'y kahit papaano’y makakuha tayo ng isang bagay mula sa listahang ito na maisasagawa natin sa mga susunod na araw o linggo. At pagkatapos na ito ay makasanayan at gawin nang palagian, sumubok uli tayo na isa pa at atin itong ipagpatuloy. Ito ang pamamaraan upang tayo ay patuloy na sumibol.

Sa Oras ng Kamatayan at sa Libingan




Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin


Sa Oras ng Kamatayan at sa Libingan


Isinalaysay sa isang Hadith na ang Propetar ay nagsabi na isang tao na nasa kanyang libingan ang inutusang magpatunay. Ang tao ay tinanong: Sino ang iyong Rabb (Panginoon)? Ano ang iyong Deen (Pananampalataya)? At sino ang iyong Propeta? Ang isang batayan tungkol dito ay ang sinabi ng Propetar na isinalaysay ni Al Barra’ Ibnu Azib (kalugdan nawa siya ng AllahU). Siya ay nagsabi: Pumunta kami sa labasan kasama ang Propetar upang makipaglibing sa isang yumaong Ansar (tagasunod ng Propeta na taga-Medina) hanggang sa nakarating kami sa libingan na hindi pa nagagawa ang hukay. Umupong nakaharap ang Propetar sa Qiblah (direksiyon ng Ka’bah sa Makkah) kaya’t umupo rin kami sa kanyang tabi at sa ganito’y waring may mga ibon sa itaas ng aming mga ulo. May hawak na patpat ang Propetar na kanyang itinatapik sa lupa. Tumitingin siya sa langit at kapagdaka’y sa lupa nang tatlong ulit. Pagkaraa’y nagsabi nang dalawa o tatlong ulit, “Nagpapakupkop ako sa AllahU laban sa parusa sa libingan.” Nagpatuloy siyang nagsabi nang tatlong ulit: “O Allah, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa parusa sa libingan.” At pagkatapos ay kanyang sinabi: “Kapag ang Mu’mim (mabuting Muslim) ay nasa kalagayan ng pagpanaw sa buhay na ito at kanyang hinaharap ang kabilang buhay, may bababang mga Anghel mula sa langit na may mapuputing mukha, at parang sinag ng araw ang kanilang mukha. Nakabihis sila ng mga damit mula sa langit at may pabangong mula sa langit. Uupo sila na may layong abot-tanaw. Darating ang Anghel ng Kamatayan at uupo sa ulunan ng namamatay at magsasabi; ‘O mabuting kaluluwa, halina’t lumabas tungo sa pagpapatawad mula sa Allah”.” Nagpatuloy ang Propetar: “Lalabas ang kaluluwa nang mahinahon katulad ng isang patak na malumanay na lumalabas mula sa balat na sisidlang tubig, kukunin ito ng Anghel.”

Sa ibang salaysay:“At kapag lumabas ang kanyang kaluluwa, magdarasal para sa kanya ang bawa’t Anghel sa pagitan ng lupa at langit kasama ang bawa’t Anghel sa langit at bubuksan para sa kanya ang mga pintuan ng langit. Walang mga Anghel sa alinmang pintuan ang hindi magsusumamo sa AllahU upang Kanyang dalhin ang kaluluwa sa kanilang pintuan. Kapag kinuha ng Anghel ng Kamatayan ang kaluluwa, hindi ito iiwanan ng mga Anghel sa kanyang kamay bagkus kukunin nila ito upang ibalot at lagyan ng pabango.

Ito ang siyang binabanggit ng AllahU sa isang talata sa Banal na Qur’an: 

Kukunin ng Aming mga Sugo (Anghel ng Kamatayan at ang kanyang mga katulong) ang kanyang kaluluwa, at hindi sila nagpapabaya sa kanilang tungkulin.”
[Qur’an, Kabanata Al-An’am- 6:61]

Lalabas mula sa kaluluwa ang isang amoy na kasing-bango ng pinakamahusay na pabangong musko (musk) na matatagpuan sa balat ng lupa. Papailanlang ang mga Anghel kasama ang kaluluwa at ang bawa’t maraanan nilang mga pangkat na Anghel ay magsasabi: ‘Sino ang mabuting kaluluwang ito?’ Ang mga Anghel ay magsasabi: ‘Siya ay si…, ang anak ni…’ tinatawag siya sa pinakamagandang pangalan na dating tawag sa kanya ng tao nang nabubuhay pa siya.

Kapag narating ng mga Anghel ang unang antas (level) ng langit, hihingi sila ng pahintulot na ipasok ang kaluluwa at sila’y pagbubuksan. Sasamahan ng mga Anghel mula sa bawa’t antas ng langit ang kaluluwa tungo sa ibang antas hanggang sa marating niya ang ikapitong langit. At pagkatapos, ang AllahU - ang Kataas-taasan ay magsasabi: ‘Itala ang aklat ng Aking sumasampalataya (worshipper) sa Illiyun (ang Talaan na kung saan isusulat ang mga Mabubuting Gawa)’.”

At ano ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang Illiyyun. Isang Talaan na siyang sasaksi sa mga malalapit (sa Allah [hal. Mga Anghel]). [Qur’an, Kabanata Al-Mutaffifin-83:19-22]

Pagkaraan, itatala ang isang aklat para sa kanya sa Illiyyun.  Iuutos ng AllahU sa mga Anghel na ibalik siya (ang kaluluwa) sa daigdig na nagsasabi: ‘Ibalik siya sa daigdig. Naipangako Ko sa kanila (tao) na nilikha sila mula sa lupa,  at sa lupa sila ibabalik, at mula roon ibabangong silang muli.’ Kaya’t ibababa siya sa lupa at ibabalik ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. Maririnig niya ang mga yapak ng tao sa kanilang pag-alis mula sa kanyang libingan. Dalawang Anghel ang darating sa kanya, iuupo siya at tatanungin: ‘Sino ang iyong Rabb (Panginoon)? Siya ay sasagot, ‘Ang aking Rabb ay ang Allah’. Ano ang iyong Deen (Pananampalataya)?’ Siya ay sasagot: ‘Ang aking Deen ay Islam.’ Pagkaraan siya ay tatanungin: ‘Sino yaong taong ipinadala para sa iyo?’ Siya ay sasagot: ‘Siya ang Sugo ng Allah.’ At siya’y muling tatanungin: ‘Ano ang iyong mga gawa?’ Siya ay magsasabi: ‘Nabasa ko ang Aklat ng AllahU, pinaniwalaan ito, at batid kong ito ang katotohanan.’

Kanilang itatanong sa kanya: Sino ang iyong Rabb? Ano ang iyong Deen? at Sino ang iyong Propetar? Ito ang huling pagsubok na ihaharap sa isang nananam-palataya. Ang AllahU, ang Makapangyarihan, ay nagsabi:

Pananatilihing matatag ng Allah ang mga nana-nampalataya, ng isang salita na mananatiling matatag dito sa mundo at sa Kabilang Buhay. [Qur’an, Kabanata Ibrahim-14:27]

At pagkatapos, siya ay sasagot, ‘Ang aking Rabb ay ang AllahU, ang aking Deen ay Islam, at si Muhammad ay ang aking Propetar.’ Sa puntong ito, isang tinig mula sa langit ang magsasabi: ‘Nagsasabi ng totoo ang Aking alipin, magkagayo’y bigyan siya ng higaan mula sa Jannah (Paraiso), bihisan siya ng mga damit mula sa Jannah, at buksan sa kanya ang isang pintuan sa Jannah (Paraiso). Pagkaraan nito’y isang mabangong amoy mula sa Jannah ang darating sa kanya at bibigyan siya ng isang libingang malawak na kasing-sukat ng abot-tanaw. Isang taong makisig at mabango na may magandang pananamit ang darating sa kanya at magsasabi: ‘Mayroon akong isang magandang balita na makapagpapaligaya sa iyo. Matuwa dahil sa kasiyahan ng AllahU at ang walang hanggang kaligayahan sa Jannah. Ito ang araw na ipinangako sa iyo.’ Kaya’t siya ay magsasabi: ‘At ikaw naman, sino ka? Nagdadala ng mabuti (balita) ang iyong mukha.’ Ang tao ay magsasabi: ‘Ako ang iyong magagandang gawa. Isinusumpa ko sa AllahU, wala akong nalalaman sa iyo maliban sa mabilis na pagtalima sa AllahU at sadyang napakabagal sa pagsuway sa AllahU, kaya’t  gantim-palaan ka nawa ng AllahU nang masagana.’

Pagkatapos nito, isang pinto ng Jannah (Paraiso) at isang pinto ng Jahannam (Impiyerno) ang bubuksan para sa kanya. At siya’y sasabihan: ‘Ito sana ang iyong lugar sa Impiyerno kung naging suwail ka sa AllahU. Pinalitan ito ng AllahU para sa iyo ng isang lugar sa Paraiso. Kaya’t nang makita niya ang Jannah (Paraiso), siya’y magsasabi: ‘O aking Rabb (Panginoon), nawa’y gawing madali ang pagdating ng Araw ng Paghuhukom, upang  makabalik na ako sa aking mga pamilya at yaman.’ Kaya’t sasabihin sa kanya: ‘Magpahinga ka nang may kapayapaan.’

At tungkol naman sa isang Kafir (di-nananam-palataya), kapag nasa kalagayan siya ng paglisan nitong buhay at tumatawid sa Kabilang Buhay, bababa sa kanya mula sa langit ang mga matatapang at mababagsik na Anghel na may maiitim na mukha at may dalang Masuh (damit) mula sa Jahannam (Impiyerno). Uupo sila nang napakalayo sa kanya na kasing-layo ng abot-tanaw. Pagkatapos, darating ang Anghel ng Kamatayan at uupo sa kanyang ulunan at magsasabi: ‘O ikaw na masamang kaluluwa, lumabas ka (tungo) sa Galit at Poot ng AllahU. Mangangagkalat ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan at kukunin ito ng Anghel katulad ng pagbunot ng isang matinik na sanga mula sa basang balahibo ng tupa. Kaya’t mapupunit ang kanyang kaluluwa pati na ang kanyang mga ugat at mga litid.

Isusumpa siya ng bawa’t Anghel na nasa pagitan ng langit at lupa, gayundin ang bawa’t Anghel na nasa langit. Isasara ang pintuan ng mga langit. Magsusumamo sa AllahU ang lahat ng Anghel sa bawa’t pintuan na hindi sana dadaan sa kanilang pintuan ang kaluluwang ito. Kukunin ng Anghel ng Kamatayan ang kaluluwa, at sa kanyang pagkuha hindi ito iiwan ng ibang Anghel sa kanyang kamay at sa isang kisap-mata’y ibabalot nila ito sa Masuh. Lalabas mula sa kaluluwang ito ang isang mabahong amoy na kasing-baho ng pinakabulok na bangkay na matatagpuan sa daigdig.  Papailanlang ang mga Anghel na kasama ito at sa bawa’t pagdaan nila sa pangkat ng mga Anghel, magtatanong ang mga ito: ‘Sino ang masamang kaluluwang ito?’ Magsasabi ang mga pumapailanlang na mga Anghel: ‘Ito ay si…, ang anak ni…, at tatawagin siya sa pinakapangit na pangalang tawag sa kanya noong nabubuhay pa siya. Magpapatuloy sila hanggang sa marating nila ang pinakamalapit na langit. Hihingi sila ng pahintulot para sa kanya upang pumasok, subali’t hindi siya pagbubuksan. Sa puntong ito, nagsabi ang Propetar ng isang talata mula sa Qur’an:

Hindi bubuksan sa kanila ang mga pintuan ng langit at  hindi sila papasok sa Paraiso hanggang makapasok sa butas ng karayom ang kamelyo. [Qur’an, Kabanata Al-A’raf-7 :40]

Ang Makapangyarihang AllahU ay magsasabi: Itala ang kanyang aklat sa Sijjin (ang talaan ng mga Masasamang Gawa) sa pinakamababang daigdig. At Siya ay magsasabi: Ibalik ang Aking alipin sa daigdig sapagka’t Aking ipinangako sa kanila na mula sa lupa, Aking lilikhain sila, dito Ko rin sila ibabalik, at mula rito, Aking ibabangon silang muli. Ibabagsak ang kaluluwa (ng yumao) mula sa langit hanggang sa pumasok ito sa kanyang katawan.  Nagsabi ang Propetar ng isang talata mula sa Qur’an:

At sinumang magbigay ng katambal sa Allah, para bang bumagsak siya mula sa langit, at dinagit siya ng mga ibon, o itinapon siya ng hangin sa napakalayong pook.” [Qur’an, Kabanata Al-Hajj - 22:31]

Pagkatapos ibabalik ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. Ang nagsalaysay ay nagsabi: ‘Katiyakan, kanyang maririnig ang mga yapak ng kanyang angkan sa kanilang paglisan mula sa kanyang libingan. Iuupo siya ng dalawang Anghel na may kagimbal-gimbal na tinig at siya’y tatanungin: ‘Sino ang iyong Rabb (Panginoon)?’ Siya’y sasagot: ‘Huh, huh, hindi ko alam.’ At tatanungin siyang muli: ‘Ano ang iyong Deen (pananampalataya)? Siya’y sasagot: ‘Huh, huh, hindi ko alam. Muling magtatanong ang mga Anghel: ‘Ano ang masasabi mo tungkol sa taong ipinadala sa iyo?’ At hindi niya maalaala ang kanyang pangalan. At magsasabi ang mga Anghel na siya ay si Muhammadr. Siya ay sasagot: ‘Huh, huh, hindi ko alam. Narinig ko ang mga tao na nagsasabi ng tungkol diyan.’ At sasabihin sa kanya: ‘Hindi mo nalaman at hindi ka nagbasa.’ Isang tinig mula sa langit ang magsasabi: ‘Siya’y sinungaling! Bigyan siya ng mga gamit mula sa Impiyerno at buksan ang isang pintuan para sa kanya tungo sa Impiyerno. Makararating sa kanya ang init nito at nakakapasong hangin at magsisikip ang kanyang libingan at lilingkisin siyang magkakasanib-sanib ang kanyang mga tadyang. Isang pangit na tao na may pangit na pananamit at may masamang amoy ang lalapit sa kanya at magsasabi: ‘Masasamang balita ang sumaiyo na magbibigay sa iyo ng pasakit. Ito ang araw na ipinangako sa iyo.’ Ang yumao ay magsasabi: ‘Sino ka, nagdadala ng masama ang iyong mukha.’ Ang tao ay magsasabi: ‘Ako ang iyong masasamang gawa. Isinusumpa ko sa AllahU na hindi kita nakilala maliban sa iyong kabagalan sa pagsunod sa AllahU, at sa iyong mabilis na pagsuway sa Kanya. Kaya’t parurusahan ka ng AllahU sa iyong kasamaan.’ Pagkatapos nito, isang taong bulag, bingi at pipi na may dalang maso sa kanyang kamay ang itatalaga sa kanya. Kung pupukpukin niya ang bundok ng masong ito,  magiging alabok ang bundok. Pupukpukin siya ng tao nang minsan at siya’y magiging alabok. Pagkaraan nito’y bubuuin siyang muli ng AllahU sa dati niyang anyo. Minsan pa siyang pupukpukin ng maso at dahil dito’y sisigaw ang yumao nang napakalakas, na maririnig ng lahat maliban sa Aththagalain (mga tao at Jinn).’ (Abu Dawood 1/282)

Sa naturan at iba pang mga Hadith, sadyang maliwanag na tatanungin ang tao tungkol sa pundasyon ng Tawheed (kaisahan ng AllahU). Siya ay tatanungin, ‘Sino ang iyong Rabb? Ano ang iyong Deen? Sino ang iyong Propeta?’ Ang Muslim ay mabilis at matatag na sasagot: ‘Ang AllahU ang aking Rabb, Ang aking Deen ay ang Islam, at si Propeta Muhammad ay aking Propetar.’ At ito ang kahulugan ng sinabi ng AllahU sa Banal na Qur’an:

Pananatilihing matatag ng Allah ang mga nananam-palataya, ng isang salita na mananatiling matatag dito sa mundo at sa Kabilang Buhay. [Qur’an, Kabanata Ibrahim - 14:27]