ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

Mga Hadith Tungkol Sa Qur'an




125]       Si Propeta Muhammad (saws)  ay nagsabi: "Ang pinakamahusay sa inyo ay yaong nag‑aaral at nagtuturo ng Qur'an ."   (Bukhari)


126]       Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Basahin ang  Qur'an hangga't nakatuon nang lubusan ang isipan dito;  subali't kung ito ay pagod na, itigil ang pagbasa nito."   (Bukhari at Muslim)


127]       Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Kapag  ang isang tao ay bumibigkas ng isang titik mula sa Qur'an, ito ay isang mabuting gawa subali't nagdadala ito ng gantimpalang tumitimbang ng sampung mabuting gawa.  Hindi ko sinasabing ang alif, laam, meem ay iisang titik, bagkus ang alif ay isang titik, ang laam ay isang titik at ang meem ay isang titik."  (Tirmidhi)


128]       Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Sinumang bumigkas ng Qur'an nang mahusay ay makakasama ng mga mararangal at dalisay na anghel, at  siyang  bumigkas ng Qur'an  nang    pauntul-untol   at nang may kahirapan[2][34] ay magkakaroon ng dobleng gantimpala."  (Muslim)


129]       Si Propeta Muhammad  (saws)  ay nagsabi:    "Ang  Maluwalhati  at Dakilang Panginoon ay nagsabi, 'Sinumang hindi makapagsumamo sa Akin upang makamit ang Aking biyaya sa dahilang siya ay abala sa pagbasa (pagbigkas) ng Qur'an,   igagawad Ko sa kanya ang higit (na biyaya) kaysa sa mga nagsusumamo sa Akin.  Ang kahigitan ng Salita ng Allah sa lahat ng mga salita ay kagaya ng kahigitan ng Allah sa Kanyang mga nilikha.'"   (Bayhaqi, Darimi at Tirmidhi)


130]       Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Siyang laging bumibigkas ng Qur'an ay uutusan sa Araw ng Paghuhukom, "Simulan ang pagbigkas ng Qur'an at pumailanglang sa mga antas ng Paraiso; bigkasin nang malumanay kagaya ng  dati mong ginagawa nang ikaw ay nasa  daigdig, sapagka't ang  lugar na kung saan mo binigkas ang huling talata sa pagwawakas ng iyong pagbasa ay siyang magiging himpilan mo sa Paraiso."

131]       (Abu Dawud, Ahmad, Nasa'i at Tirmidhi)


132]       Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Siyang hindi bumi-bigkas (bumabasa) ng  Qur'an ay hindi nabibilang sa atin."  (Bukhari)


133]       Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Pag-aralan ang Qur'an (nang palagian) sapagka't ito ay magsisilbing tagapamagitan at tagapagsumamo sa nagbabasa nito sa Araw ng Paghuhukom."  (Muslim)


134]       Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Ang katulad ng isang Muslim na nag-aaral ng Qur'an ay  isang kahel na mabango at matamis.  Ang katulad ng isang Muslim na hindi  bumabasa ng Qur'an ay  isang tuyong datiles (bunga ng palmera) na walang bango nguni't matamis.  Ang katulad ng isang mapagkunwari na nagbabasa ng Qur'an ay isang prutas na bagama't may bango nguni't ito ay mapait.  At ang katulad ng isang mapagkunwari na hindi bumabasa ng Qur'an ay isang prutas na walang bango at mapait ang lasa."  (Bukhari at Muslim)


135]       Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Pangalagaan ang Qur'an sa inyong mga puso.  Isinusumpa ko sa Ngalan ng Allah na kung Kanino nakasalalay ang buhay ni Muhammad, ito ay mawawala sa memorya  nang higit na  mabilis kaysa sa pagtakas ng kamelyo sa kanyang pagkatali."  (Bukhari at Muslim)


136]       Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Ako ay sumusumpa sa Allah na may hawak ng aking buhay, walang alinlangang ang kabanatang ito (Al-Ikhlas) ay katumbas ng ikatlong bahagi ng (buong) Qur'an."  (Bukhari)


137]       Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Huwag hayaang maging libingan ang inyong mga bahay. Ang satanas ay tumatakas (lumalayo) mula sa bahay na kung saan ang kabanata Al-Bakarah ay binabasa." (Muslim)





No comments:

Post a Comment