1] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi, "Ang Islam ay nababatay sa limang haligi (pundasyon): ang pagsaksi na walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah[1][1] at si Propeta Muhammad ay Kanyang Alipin at Sugo, ang pagtupad sa Salaah (pagdarasal), Zakat (taunang kawanggawa), Hajj (paglalakbay sa Makkah), at ang Sawm (pag‑aayuno) sa buwan ng Ramadan" (Bukhari at Muslim)
2] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi, "Sinumang nalulugod na ang Allah ang Siyang Panginoon, Islam ang pananampalataya, at si Muhammad ay Sugo, malalasap niya ang tamis ng panampalataya". (Muslim)
3] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Wala nang higit pang mapagpaumanhin kaysa sa Allah sa mga kalapastanganang napapakinggan. Kahit na ang tao ay nagsasabing ang Allah ay may anak,2 Kanya pa rin silang pinangangalagaan at tinutustusan. (Bukhari at Muslim)
4] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang sinumang umibig, mapoot, magbigay at magtimpi ng dahil sa Allah, ang kanyang pananampalataya ay ganap". (Abu Dawud at Tirmidhi)
5] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang susi ng Paraiso ay La Illaha Illallaah (pagsaksi na walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)." (Ahmad)
6] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Iwasan ang pitong bagay na lubhang nakapipinsala: magtambal ng anuman sa pagsamba sa Allah, karunungang itim, ang di‑makatarungang pagpatay sa sinumang pinagtibay ng Allah, ang paggumon sa patubuan, pagwaldas sa ari‑arian ng ulila, nagtatago (dahil sa kaduwagan) kapag ang hukbo ay sumusugod, at paninirang‑puri sa mga malilinis na nananampalatayang kababaihan nguni't kulang sa pag‑iingat." (Bukhari at Muslim)
7] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang bawa't tao ay isinilang na Muslim3, subali't ang kanyang mga magulang ay ginawa siyang isang Hudyo, isang Kristiyano, o isang Magyan." (Bukhari at Muslim)
8] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang lahat ng aking mga tagasunod ay makapapasok sa Paraiso maliban sa mga tumatanggi." Nang siya ay tanungin kung sino ang tumatanggi, siya ay sumagot, "Siyang sumunod sa akin ay makapapasok sa Paraiso, at siyang sumuway sa akin ay tumanggi." (Bukhari)
9] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Sinuman ang mag-aanyaya sa iba upang sumunod sa tamang patnubay, ang kanyang gantimpala ay katumbas ng gantimpala ng mga sumunod sa kanya, na hindi naman makababawas sa gantimpala sa mga nagsisunod. At kung sinuman ang mag-aanyaya sa iba upang sumunod sa kasamaan, ang kasalanang kanyang pananagutan ay katumbas ng kasalanan ng mga sumunod sa kanya, na hindi naman makababawas sa kasalanan ng mga nagsisunod." (Muslim)
10] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Siyang nagmamahal sa aking Sunnah4 ay minamahal ako, at siyang nagmamahal sa akin ay makakasama ko sa Paraiso.5" (Tirmidhi)
11] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Mag‑iiwan ako sa inyo ng dalawang bagay na kung inyo itong paiiralin o tutuparin nang mahigpit kayo'y hindi maliligaw: Ang Kapahayagan ng Allah6 at ang Sunnah ng Kanyang Sugo." (Malik Ibn Anas)
12] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ako ay sumusumpa sa Kanya (Allah) na Siyang may tangan ng aking kaluluwa, na ang pananampalataya ng isang tao ay hindi ganap hangga't hindi siya magnais sa kanyang kapatid kung ano ang nais sa kanyang sarili." (Bukhari at Muslim)
13] May isang nagtanong sa Propeta (saws) "Sino ang may pinakamahusay na Islam?" Siya ay sumagot: "Siyang hindi nananakit ng kapuwa sa pamamagitan ng kanyang dila (salita) o kamay. (Bukhari)
14] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang Eeman (pananalig o pananampalataya) ay may mahigit na pitumpu o walumpung antas - ang pinakamataas ay La Illaha Illallaah (pagsaksi na walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah), at ang pinakamababa ay pag-aalis ng isang bagay sa may daraanan na maaaring makasakit o makapinsala sa iba. Ang kababaang-loob ay isa ring antas ng Eeman." (Bukhari)
15] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang Eeman ay katapatan." Siya ay tinanong, "Kanino?" at siya ay sumagot, "Pagkamatapat sa Allah, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga Sugo, sa mga pinuno (Muslim), at sa lahat ng ordinaryong Muslim.7" (Muslim)
16] Si Umar bin al-Khattab (nawa'y kalugdan siya ng Allah) ay nagsalaysay: Isang araw habang kami ay nakaupong kasama ang Propeta (saws) may isang taong dumating sa harapan namin na may maputing damit at maitim na buhok. Walang bakas ng paglalakbay na makikita sa kanya at kahit isa sa amin ay walang nakakakilala sa kanya. Siya'y umupong malapit sa Propeta (saws) at nagsabi: "Sabihin sa akin, O Muhammad, ang tungkol sa Islam." Ang Propeta (saws) ay nagsabi, ang Islam ay nangangahulugan ng pagsaksi na walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at si Muhammad ay Sugo ng Allah, magtatag ng Salaah, magbayad ng Zakat, mag-ayuno sa buwan ng Ramadan, at magsagawa ng Hajj kung may kakayahan." Nang matapos ang Propeta (saws) ang estranghero ay nagsabi, "Tinuran mo ang katotohanan." Kami ay labis na nagtaka sa kanyang pagtatanong sa Propeta (saws) at pagkaraan ay magsasabing ang kanyang tinuran ay katotohanan. Sa kabila nito, ang estranghero ay nagpatuloy, "Sabihin sa akin ang tungkol sa Eeman." Kaya't ang Propeta (saws) ay nagsabi, "Ito ay nangangahulugan ng paniniwala sa Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw at sa Qadar (itinakdang kahihinatnan maging mabuti o masama).” Ang tao ay muling nagsabi, “Tinuran mo ang katotohanan,” at nagpatuloy, “sabihin sa akin ngayon ang tungkol sa Ihsan.” At ang Propeta (saws) ay sumagot, “Ito ay nangangahulugang dapat kang sumamba sa Allah na parang nakikita mo Siya bagama’t hindi mo Siya nakikita.” Nang matapos ang pagpapaliwanag ng Propeta (saws) lumisan ang estranghero. Pagkaraan ng ilang sandali, tinanong ako ng Propeta (saws) “Alam mo ba kung sino yaong nagtanong?” Ako ay sumagot, “Ang Allah at ang Kanyang Sugo ay higit na nakababatid.” Kaya’t sinabi ng Propeta (saws) “Siya ay si Anghel Gabriel na dumating upang turuan kayo ng inyong pananampalataya.” (Muslim)
17] Isinalaysay ni Abu Huraira (nawa’y kalugdan siya ng Allah) na isang bedouin (isang taong naninirahan sa disyerto) ang pumunta kay Propeta Muhammad (saws) at nagsabi: “Sabihin sa akin ang isang gawaing makakapagpasok sa akin sa Paraiso kung aking gagawin.” Ang Propeta (saws) ay sumagot, “Sambahin ang Allah, at huwag sumamba ng anuman na kasama Niya, magsagawa ng mga itinakdang Salaah, magbayad ng Zakat, at magsagawa ng Sawm (pag-aayuno) sa buwan ng Ramadan.” Ang bedouin ay nagsabi: “Sa kanya na may hawak ng aking kaluluwa (buhay), hindi ako magsasagawa nang higit pa rito.” Nang siya (bedouin) ay umalis, ang Propeta (saws) ay nagsabi: “Sinumang nais makakita ng isang taong mananahanan sa Paraiso, tingnan ang taong ito.” (Bukhari)
18] Si Propeta Muhammad (saws) ay nagabi: “Sinumang sumumpa ng La Ilaha Illallaah (walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah), na Siya ay walang katambal, at si Muhammad (saws) ay Kanyang Alipin at Sugo, at si Iesa (Hesus) ay kanyang Alipin at Sugo at Kanyang Salita (Maging! at siya’y nagkagayon) na Kanyang iginawad kay Maria at isang ispiritong Kanyang nilikha, na ang Paraiso ay totoo, at ang Impiyerno ay totoo, tatanggapin siya ng Allah sa Paraiso kahit ang kanyang mga mabubuting gawa ay kaunti.” (Bukhari)
No comments:
Post a Comment