ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

ANG QURA'N AT PATUNAY NA (ANG ALLAH) AY ANG DIYOS NA TAGAPAGLIKHA:




Layunin ng lumathala sa babasahing ito ang madaling pagka-unawa sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na salin sa wikang tagalog ng mga talata sa Banal na Quran. Dahil ang Banal na Aklat na ito ay nanatili sa tunay niyang anyo na Arabic texto mula noong ipahayag kay Propeta Muhammad(sakap) sapamamagitan ni Anghel Gabrel hanggang ngayon 1431 taon na ang nakalipas nananatili paren sa orehinal na kapahayagan at nasa pangangalaga ng milyun milyun na muslim sa buong Mundo na may, Chapter na 114, Verses na 6,346, Words na 77,439,Letters na 321,250. Kaya mahirap dayahin at madaling matuklasan ang sinomang pangahas na sisira nito. Kung ikaw kapatid ay nagbasa ng Banal na Quran ay hindi mo na kailangan pa ang Pare,Pastor,menistro para anong sekta ka aanib dahil ang kausap mo sa Quran mesmo ay ang nagmamay-ari ng pananampalataya.


Katotohanan ! Ako si Allah! La illaha illa Ana (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban saakin).Kayat ako lamang ang inyong sambahin at ikaw ay mag-alay ng Salah(takdang pagdarasal nang palagian) bilang pag-aala-ala sa akin.(Quran20:14).

Ipahayag (O Muhammad) Siya si Allah, ang nag-iisa. Allah-us-Samad! (Si Allah, ang Walang Hanggan, ang Sakdal at Ganap[ang may sariling Kasapatan ,ang lahat ng mga nilalang ay umaasa sa kanyang pagtataguyod]). ,Hindi Siya nagkaanak at hindi rin Siya ipinanganak., At walang anuman ang sa Kanya ay maihahalintulad. .(Quran12: 4)

Hindi mo ba namamasdan na ang lahat nasa kalangitan
at kalupaan ,at ang araw ,at ang buwan , at ang mga
bituin,at kabundukan, ang mga punong kahoy,ang mga
hayop,at ang karamihan sa tao ay nagpapatirapa kay
Allah? Datapwat marami sa mga (tao) na ang (ilalapat
na)kaparusahan(sa kanila) ay makatwiran. At kung
sinuman ang bigyan ni Allah ng kahihiyan, walang makapagbibigay sa kanya ng karangalan.Katotohanan si Allah ay gumagawa ng anumang Kanyang naisin.(Quran22:18).

Halimbawa; Pagsamba ng mga Propeta sa Biblia. (Hesus) Mateo 26:39 “at siya ay nagpatirapa.,
 Josue(Joshua)Josue:”14 at si Josue ay nagpatirapa sa lupa at sumamba”
 Mga Bilang 20:6”At si Moises at Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at nagpasa pintuan ng tabernakulo at nagpatirapa.”

Genesis17:3”At nagpatirapa si Abram at ang Diyos ay nakipag-usap sa kanya”..
1Mga Hari18:42”at siya (Elias)ay yumukod sa lupa at inilagay ang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod (nagpatirapa)

Apocalipsis7:11(Revelation7:11)”Sila (mga Angel) ay nangagpatirapa sa harapan ng luklukan at nangagsamba sa Diyos”

RELIHIYONG ISLAM

Sa araw na ito aking binigyan na lubos na katuparan ang inyong relihiyon ,para sa inyo aking ginawang ganap ang tulong sa inyo pinili ko ang Islam bilang inyong relihiyon. [Quran5:3).

Kung sino ang maghahangad ng ibang relihiyong maliban sa Islam sa kanya ay hindi tinatanggap at sa kabilang buhay ay kabilang sila sa mga talonan.[Quran5:85]
Katotohanan, ang Relihiyon tatanggapin ni Allah ay Islam (Quran3:19). Ang ALLAH ay pumili ng [tonay]na .relihiyon para sa inyo:
At huwag mamatay maliban sa pananampalatayang Islam.[Quran2:132]

Halimbawa: sa Biblia. Sinugo ni Jesus ang Labingdalawang disipulo sa sambahayan ng Israel. Mateo10:12
Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo “Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!”

Ang Islam ay salitang arabik na ang kahulogan sa wika natin ay kapayapaan. Ang taga Paglikha ay hindi mag bibigay ng magkakasalungat o Kalituan sa kanyang mga sugo.Si Jesus na nasusulat sa BIblia ay pinagbilinan niya  ang labindawang disipulo na paghariin ang Islam sa sambahayanan ng Israel.

PROPETA MUHAMMAD

Siya (Allah) ang nagsugo sa mga taong hindi nakapag-aral ng isang Sugo (Muhammad) mula sa kanilang lipon,upang kayang dalitin sa kanila ang Kanyang mga Talata,upang sila ay maging dalisay (sa kawalan ng pananalig at pagsamba sa mga diyos-diyosan) at (upang) magturo sa kanila ng Aklat at ng karunongan ( ang Quran , at ang Sunna [katuroan] ni Propeta Muhammad). Bagamat sila noon ay nasa lantad na kamalian. (Quran62:2)

Na katotohanan ito ang salita ng kapuri-puring Sugo (alalong baga, si anghel Gabrial o ang Sugo Muhammad na nagdala nito mula kay Allah ) (Quran 69:40).

Sugo (Muhammad)! Ipamahagi (iparating ) mo ang (Kapahayagan na) ipinanaog sa iyo mula sa iyong Panginoon .At kung (ito) ay hindi mo gawin, kung gayon, hindi mo naiparating ang Kanyang Mensahe.Si Allah ang mangangalaga sa iyo sa sangkatauhan. Katotohanan si Allah ay hindi na mamatnubay sa mga tao na hindi sumasampalaataya.(Quran6:67)

Si Muhammad ay hindi ama ng sinunan sa inyo, datapuwat siya ang sugo ni Allah at sagka (panghuli) sa lahat ng Propeta; at si Allah ang may Ganap na Kaalaman sa lahat ng bagay. (Quran33:40)

ISLAM RELIHIYON NG LAHAT NG MGA PROPETA

(Ito ang ) relihiyon ng inyong amang si Abraham (ang Islam).Siya (Allah)ang nagbigay sa inyo ng katawagan Muslim, na magkatulad maging noon at ngayon ,. (Quran22:78)
Siya (Allah)ang nagtakda sa inyo ng gayon ding Pananalig (Islam) na Kanyang itinakda (ipinag-utos) kay Noah,at gayundin ang Aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) at gayundin ang Aming ipinahayag kay Abraham ,Moises at Hesus, na ( nagsasabi na) na kayo ay manatiling matimtiman sa pananalig. At huwag kayong gumawa ng pagkakabahagi rito(sa Pananampalataya. Alalalong baga pagkakaroon ng ibat-ibang sekta). Ang iyong ipinangangaral (O Muhammad), ito ay hindi katanggap-tanggap sa Musrikun(mga mapagsamba sa diyos-diyosan, pagano , walang pananalig sa kaisahan ni Allah). Si Allah ang pumipili para sa Kanyang Sarili ang sinumang Kanyang mapusuan at Siya ang namamatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumabaling sa Kanya sa pagsisisi at pagtalima. (Quran42:13)

Ipahayag (O Muhammad): “Kami ay sumasampalataya kay Allah at sa anumang ipinanaog sa amin,at sa anumang ipnanaog kay Abraham,Ismail,Isaac,Hakob,at Al-asbat (ang mga supling ng labindalawang anak na lalaki ni Hakob) at sa mga ipinagkaloob kay Moises, Hesus, at sa mga Propeta mula sa kanilang Panginoon. Kami ay hindi nagbibigay sa kanila ng pagtatangi-tangi sa bawat isa sa kanila,at sa kanya (Allah) kami ay Muslim. (Quran3:64).

ANG BANAL NA QURA'N

Ito ang Aklat (Quran) na walang pag-alinlangan (na nagmula kay Allah), ang tunay na patnubay sa mga may pangangamba kay Allah.(Quran2:2).
 
Ang pinakamahabagin(si ALLAH)! ,Siya na nagturo(sa inyo ,Sangkatauhan)ng Quran (sa pamamagitan ng Kanyang Habag).Siya ang lumikha sa tao. Siya na nagturo sa kanya nang maindayog napananalita. (Quran 55:1,2,3,4)
Katotohanan Kami ang nagpapanaog ng Dhikr(ang Quran)at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa kabulukan(at katiwalian). (Quran15:9).
Ang kasinungalian (kabulaanan) ay hindi sasanib dito(Quran),maging sa harapan o likuran nito .Ito ay ipinadala ng IsangTigib ng Karunungan,ng Isang Karapat-dapat sa lahat ng Pagpupuri.(Quran41:42).

Hindi baga nila isinasaalang-alang(pinag-iisipan nang mabuti) ang Quran?Kung ito ay nagmula (sa iba)maliban pa kay Allah, Katotohanan sila ay makakatagpo rito ng maraming pagkakasalungatan.(Quran4:82).
At katotohanan inihantad sa mga tao sa Quran na ito ang lahat ng uri paghahambing (talinhaga o paliwanag) upang sila ay makatanggap ng paala-ala.(Quran39:27)

Isang (Aklat na) Quran sa(wikang)Arabik na walang
anumang kalihisan (sa katotohanan), upang kanilang maiwasan ang lahat ng kasamaan na ipinag-utos ni Allah na kanilang talikdan.(Quran39:28).

Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay kay Allah lamang,na siyang nagpapanaog ng Aklat(ang Quran) sa Kanyang alipin(Muhammad),at (Siya)ay hindi naglagay dito ng anumang kasahulan(o kamalian). (Quran18 :1).

Ito ang Quran ay hindi maaaring maipahayag ng iba maliban kay Allah bagkus ito ang nagpapatunay ng kapahayagan(rebelasyon)na dumating noong pang una(alalaong baga ,ang Torah[mga Batas],Ebanghelyo,atbp.),at isang ganap na paliwanag sa Aklat na ito ay walang alinlangan mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang. (Quran10
Mensahe para sa Kristiyano:37


Ito ang Quran ay hindi maaaring maipahayag ng iba maliban kay Allah bagkus ito ang nagpapatunay ng kapahayagan(rebelasyon)na dumating noong pang una(alalaong baga ,ang Torah[mga Batas],Ebanghelyo,atbp.),at isang ganap na paliwanag sa Aklat na ito ay walang alinlangan mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang.  Ang Panginoon (ALLAH) ay hindi tumatanggap ng sekta ng Relihiyon na gawa-gawa lamang ng  tao bagkus, bago nilikha si Adam ay meron nang matuwid na pananampalataya naaayon sa Kanyang layunin. (Islam) na kahulugan ay ganap na (Pagsunod,Pagsuko at Pagtalima) lamang sa mga kautusan ng Allah. At ang Pagsamba ay marapat ay sa kaniya lamang.

Bakit nilikha ng Allah ang Sangkatauhan?
At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban na tanging sambahin lamang Ako.(Quran51:56)
 
Ang tanging layunin lamang ng Panginoon sa sanlibutan ay paglingkuran lang siya. ngunit ang mga tao ay gumawa pa ng mga relihiyon batay sa pangalan ng tao tulad ng Kristiano na hinango sa pangalan ni Hesus Kristo; Budismo sa pangalan ni Buddha; Konfusiasmo sa pangalan ni Confucius; Marsismo sapangalan ni Karl Marx, o sa pangalan ng tribo gaya ng Judaismo sa tribo ng Judea; Hinduismo sa tribo ng Hindus.

Ang anumang sinasamba ninyo maliban sa Kanya ay wala ng iba kundi mga pangalan lamang na inyong kinatha, kayo at ang inyong mga ninuno, na rito si Allah ay hindi naggawad ng kapahintulutan. Ang pagpapasiya ay kay Allah at wala ng iba. Kanyang pinag-uutosan kayo sambahin lamang Siya, ito ang tunay na matuwid relihiyon ,ngunit ang karamihan sa tao ay hindi nakakaalam.(Quran12:40)
 Kapatid kung kayo ay nagbabasa o nanaliksik ng relihiyon ay isama na ninyo ang Islam para sa gayoy meroon kayong maipagkumpara, at alin patnubay ang piliin sa lumikha ba o sa kinatha ng tao.

No comments:

Post a Comment