Sa kabila ng malawak na implikasyon ng dalawang kategorya ng Tawhid, ang matibay na paniniwala sa kanila ay hindi pa sapat upang matupad ang hinihiling ng Islam tungkol sa karapatan ng Tawhid. Ang Tawhid ar-Rubooobeeyah at Tawhid al-Asma' was-Sifaat ay dapat samahan ng kanilang pambuo, ang Tawhid al-'Ibadah, upang ang Tawhid ay maturing na ganap ayon sa Islam. Ang paksang ito (na hindi ganap ang Tawhid kung hindi kasama ang Tawhid al-'Ibaadah) ay napapatunayan ng mga pahayag ng Allah na ang mga mushrikuns (idolaters) sa panahon ng Propeta ay naniniwala sa maraming aspeto ng dalawang bahagi ng Tawhid na nabanggit. Ang Allah ay nagsabi sa Propeta na sabihin sa mga pagano:
"Ipagbadya: 'Sino ang nagkakaloob sa inyo (ng mga panustos) mula sa langit at mula sa lupa? O sino baga ang nagmamayari ng pandinig at paningin? At sino baga ang nagpapanumbalik ng buhay mula sa mga patay at ng patay sa pagkabuhay? At sino baga ang namamahala sa lahat ng pangyayari ng mga bagay-bagay? Sila ay kagyat na magsasabi: 'Ang Allah’ Yunus 10:31
"At kung sila ay iyong tatanungin kung sino ang lumikha sa kanila, walang pagsala na kanilang sasabihin: 'Si Allah.' Paano sila kung gayon naligaw? Az-Zukhruf 43:87
"At kung sila ay iyong tatanungin kung sino ang nagpapamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap; at sa pamamagitan nito, Kanyang binubuhay ang kalupaan pagkatapos ng pagiging tuyo (tigang) nito; katiyakang sila ay magsasabi: 'Si Allah!' Al-'Ankabut 29:63
Alam ng lahat ng mga pagano sa Makkah, Ang Allah Ang Pinakadakila, Ang Pinakamakapangyarihan ay ang kanilang Tagapaglikha, Manusnustos, ang kanilang Panginoon; ngunit ayon sa Diyos ang ganoong kaalaman at paniniwala ay hindi sapat upang sila ay maging mga Muslim. Sa katunayan, sinabi ng Allah:
"At ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya kay Allah, maliban pa rito, sila ay nagtataguri ng mga katambal (sa pagsamba sa Kanya). Yusuf 12:106
Ang pagpapaliwanag ni Mujahid[1] sa talatang ito ay:
"Ang kanilang paniniwala sa Allah, ayon na rin sa kanilang mga sinasabi 'nilikha kami ng Allah, kami ang Kanyang tinutustos at Kanyang binabawi ang aming buhay' ay hindi pumigil sa kanila na samahan ang pagsamba nila sa Allah ng pagsamba sa mga diyos-diyosan.[2]
Ayon sa mga nabannggit na mga talata, maliwanag na alam ng mga di sumasampalataya ang kataas-taasang kapangyarihan, dominyo at kapangyarihan ng Allah. Sa katunayan, kanilang matimtimang inuukol ang mga sari-saring uri ng pagsamba katulad ng Hajj, pagbigay ng Zakat, pag-alay ng mga hayop, pagsumpa at paghingi ng tulong sa kanya sa oras ng matinding pangangailangan at kapahamakan. Sa katunayan kanilang pinapahayag na sila ay tagasunod lamang ng relihiyong ni Abraham. Nang dahil dito, ipinahayag ng Allah:
"Si Abraham ay hindi Hudyo gayundin naman, siya ay hindi Kristiyano datapuwa't siya ay tunay na Muslim na Hanifa (nananalig sa pananampalatayang Islam, na walang dapat pagukulan ng pagsamba maliban kay Allah) at siya ay hindi kabilang sa Mushrikun (mga nagtatambal ng anuman sa pagsamba kay Allah)." Al-Imran 3:67
Merong iilan sa mga pagano na naniniwala sa Pagkabuhay na Muli at sa Araw ng Paghuhukom at ang iba naman ay naniniwala sa Tadhana ng Allah. Ang kanilang paniniwalang ito ay matatagpuan sa mga < xml="true" ns="urn:schemas-microsoft-com:office:smarttags" prefix="st1" namespace="">tula bago pa man dumating ang Islam. Halimbawa, ang makatang si Zuhayr ay diumano na nagsabi tungkol sa kaparusahan:
"Ito ay maaring ipagpaliban, ilagay sa aklat at ipagpaliban sa araw ng Paghuhukom, o di kaya'y maari rin itong madaliin at iganti (kaagad)."
Si 'Antarah ay nagbanggit na nagsabi:
"O 'Ebil, saan ka tatakbo palayo ng kamatayan,
Kung ito ay naitadhana na ng aking Panginoon sa langit."[3]
Sa kabila ng pag-amin ng mga taga-Makkah ng Tawhid at ng kanilang kaalaman sa Allah, sila ay tinawag ng Allah na di-mananampalataya at mga pagano sa dahilan lamang ng pagsamahin nila ang kanilang pagsamba sa mga diyos-diyosan sa pagsamba kay Allah.
Samakatuwid, ang pinakamahalagang aspeto ng Tawhid ay Tawhid al-'Ibadah, pagpapanatili ng kaisahan ng Allah sa ating pagsamba. Lahat ng uri ng pagsamba ay dapat iukol kay Allah lamang sa dahilan na Siya lamang ang may karapatan na sambahin, at Siya lamang ang may kapangyarihang makapagbigay ng kapakinabangan sa tao dahil sa pagsamba sa Kanya. Bukod doon, wala ng pangangailan pa ng tagapamagitan o tulay sa pagitan ng tao at Diyos. Binigyang diin ng Allah ang kahalagahan ng pag-ukol ng pagsamba lamang sa Kanya nang ituro Niya na ito nga ang pinaka dahilan ng paglikha ng tao at ito rin ang diwa ng mensahe na dinala ng lahat ng mga propeta. Sinabi ni Allah:
"At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban na tanging sambahin lamang Ako." Adh-Dhaariyat 51:56
"At katotohanang Kami ay nagsugo sa bawat Ummah (bansa o pamayanan) ng isang Sugo (na nagpapahayag): 'Sambahin lamang si Allah at iwasan (o layuan) ang lahat ng Taghut (lahat ng mali o huwad na sinasamba, maliban kay Allah). An-Nahl 16:36
Ang pang-unawa sa layunin ng paglikha sa ganap na kabuoan nito ay malayong maabot ng likas na kakayahan ng tao. Ang Tao ay isang nilalang maay wakas at hindi makatuwiran na siya ay umasa na kanyang ganap na mauunawaan ang mga gawain ng walang-hanggang Manlilikha. Dahil dito, ginawa ng Diyos na bahagi ng kalikasan ng tao na sumamba sa Kanya, at Siya ay nagpadala ng mga Propeta at mga Aklat ng banal na kapahayagan upang ipaliwanag ang bahagi lamang ng layunin ng paglikha na maabot at maiintindihan ng kakayahan ng isip ng tao. At ang layunin na iyon, gaya ng nabanggit na, ay sambahin lamang ang Diyos at ang pangunahing mensahe ng mga Propeta ay pagsamba lamang sa Diyos (Tawhid al-'Ibadah). Samakatuwid, ang pinakamabigat na kasalanan ay Shirk, ang pagukol ng pagsamba sa iba o pagsamba sa kanila kasabay ng pagsamba sa Allah.
Sa Surat al-Fatihah, na obligadong bigkasin ng bawat Muslim sa kanyang pagdarasal, at least labing pitong beses sa isang araw, ang pang-apat na talata ay nagpahayag, "Ikaw lamang ang aming sinasamba, at ikaw lamang ang aming hinihingan ng tulong". Ito ay maliwanag na paglalahad na ang lahat ng uri ng pagsamba ay dapat lamang iuukol sa Kanya na Maykayang Tumugon sa ating pangangailangan – Ang Allah. Ang Propeta Muhammad ay nagpatunay sa koseptong kaisahan ng Allah sa pagsamba sa Kanya, nang kanyang sinabi,
"Kung ikaw ay hihingi sa pagdarasal, ihingi mo lamang sa Allah, at kung kailangan mo ng tulong, hanapin mo lamang ito galing kay Allah."[4]
Ang kakulangan ng pangangailang ng tagapamagitan ay lalong nabigyan ng kahalagahan dahil sa mga maraming talata ng Qur'an na nagsasaad na Siya ay malapit sa mga tao. Halimbawa:
"At kung ang Aking mga alipin ay magtanong sa iyo (O Muhammad) tungkol sa Akin, kung gayon (sila ay sagutin): 'Tunay na Ako ay malapit (sa kanila). Ako ay tumutugon sa panawagan ng bawat nananawagan kung siya ay tumatawag sa Akin." Hayaan din sila ay tumalima sa akin at manampalataya sa akin; upang sila ay magsitahak sa matuwid na landas" Al-Baqarah 2: 186
"At katotohanang Kami ang lumikha sa tao, at batid namin kung ano ang ibinubulong ng kanyang kaluluwa; sapagkat higit Kaming malapit sa kanya (sa Aming karunungan) kaysa sa kanyang ugat sa leeg." Qaf 50:16
Sa kabaligtaran nito, ang pagpapatunay sa tawhid al-'Ibadah ay nangangailan ng pagtakwil sa lahat ng uri ng pamamagitan o pagtambal kay Allah. Kapag ang isang tao ay humingi ng tulong sa patay upang maimpluwensiyahan nila ng pamumuhay ng mga buhay o mga kaluluwang yumao na, sila ay nakapagtambal kay Allah, sapagkat hinati nila ang pagsamba sa pagitan ng Allah at ng nilikha. Nang walang halong pagdududa, sinabi ni Propeta Muhammad,
"Ang pagsumamo ay pagsamba."[5]
At sinabi ng Allah ang Pinakadakila and the Most Glorious:
"Sinasamba ba ninyo maliban kay Allah ang mga bgay na hindi makapagbibigay sa inyo ng kapakinabagan, o makapamiminsala sa inyo?" Al-Anbiya' 21: 66
"Katunayan, ang inyon pinaninikluhuran (sinasamba) na mga iba maliban kay Allah ay mga alipin (alalaong baga, angkin ng kanilang Panginoon) na katulad ninyo…" Al-A'raf 7: 194
Kung sinuman ang magdarasal sa Propeta, o sa jinn, sa mga anghel o sa diumano mga santo, upang hingan ang kanilang tulong o hingan ang tulong ng Allah sa pamamagitan nila, sila ay nakagawa rin ng Shirk. Ang konseptong "Ghaus-i-Adham" (al-ghawth al-A'dham), isang titulo na ikinapit kay Abdul-Qadir al-Jeelani, ay isa ring pagpapahayag ng shirk sa uri ng Tawhid na ito. Ang literal na kahulugan ng titulo ay "ang pinakadakilang pinagkukunan ng saklolo; ang may kakayahan na makapagsaklolo sa kapahamakan,' at ang ganitong katangian ay pag-mamayari lamang ng Allah. Kapag ang kasawiang palad ay nangyari, mayroon sa mga tao na tumatawag kay Abdul Qadir al-Jeelani habang ginagamit ang titulong ito upang makuha ang kanyang tulong at pagkalinga, kahit na nasabi na ng Allah:
"At kung si Allah ay magkaloob sa iyo ng kapinsalaan, walang sinuman ang makapagaaalis nito maliban sa Kaniya…"Al-An 'am 6:17
Ayon sa Qur’an, nang tanungin ang mga taga-Makkah kung bakit sila sumasamba sa mga idolo, ang kanilang sagot,
“…Aming sinsasamba lamang sila (mga diyus diyosan) upang kamia y higit nilang mailapit sa Allah”. Az-Zumar 39:3
Ang pagsamba sa mga diyus diyosan ay ginagamit lamang bilang mga tagapamagitan ngunit kahit gayon sila ay tinagurian pa rin ng Allah na mga pagano. Yaong mga Muslim na ipinipilit/iginigiit ang kanilang gawaing magdasal sa iba liban kay Allah ay dapat mag-isip isip tungkol sa paksang ito.
Ang mga Kristiyano naman na naimpluwensiyahan ni Saul na taga Tarsus (at maglaon ay tinawag na Pablo) ay inangat nila si Hesus bilang isang diyos at kanilang ibinaling ang kanilang pagsamba sa kanya at sa kanyang ina.
Ang mga katolikong Kristiyano ay may mga santong (dinarasalan) sa bawat okasyon na kung saan nila ibinabaling ang kanilang pagsamba, ayon na rin sa kanilang paniniwalang sila ay may kakayahang ma-impluwensiyahan ang mga bagay-bagay dito sa mundo.
Ang mga katoliko din ay ginagamit nila ang kanilang mga pari bilang mga tagapamagitan nila at ng Allah ayon sa kanilang maling paniniwala na ang mga pari ay higit na mas malapit sa Allah kaysa sa kanila sa dahilan ng kanilang di-pagaasawa at kabanalan, at dahil dito mas lalong papakinggan at tutugunan ng Allah ang kanilang mga panalangin.
Karamihan ng mga Shi’ite ay naglalaan ng ilang araw ng linggo o oras sa maghapon sa pagdarasal kay Ali, Fatimah, Hasan at Husayn ayon sa kanilang pilipit na paniniwala tungkol sa pamamagitan.
Ang ‘Ibadah sa pananaw ng Islam ay higit pa sa pag-ayuno, pagbigay ng Zakah, pag-Hajj at pag-alay ng mga hayop. Kabilang dito ang mga damdamin katulad ng pagmamahal, pagtitiwala, at pagkahabag/Pangamba, all of which have degrees which should only be directed to God. Ang Allah ay nagsalita tungkol sa mga damdaming ito at siay ay nagbigay ng babala tugkol sa kalabisan nito,
“…Datapuwa’t mayroong mga tao na nagtuturing pa ng iba (sa pagsamba) bukod pa kay Allah bilang katambal (sa Kanya). Minamahal nila ito na katulad din nang pagmamahal nila kay Allah…” Al-Baqarah 2:165
“…Hindi baga ninyo lalabanan ang mga tao na sumira sa kanilang pangako (mga pagano ng Makkah) at naghahangad na ipatapon ang Sugo, samantalang una silang sumalakay sa inyo? Natatakot ba kayo sa kanila? Si Allah ang may higit na karapatan na Siya ay inyong pangambahan kung kayo ay nananampalataya.” At-Taubah 9:13
“…at inyong ibigay ang pagtitiwala kay Allah kung kayo ay tunay na nananampalataya…” Al-Maidah 5:23
Sa dahilan na ang salitang Ibadah ay nangangahulugang pagsunod, at ang Allah naman ay ang itinuturing ang Tagalikha ng Batas, ang pagsasakatuparan ng sekular na batas na hindi hango sa Sharee’ah ay isang gawaing di-pananampalataya, at ang paniniwala na wasto ang ganitong sistema ay magiging isang uri ng pagsamba sa iba maliban kay Allah. Sinabi ng Allah sa Qur’an:
“…At sinuman ang hindi humatol (magpatupad ng batas) ayon sa kapahayagan ni Allah, sila ang kafirun (mga hindi sumasampalataya)”. Al-Maidah 5:44
Sa isang pagkakataon, ang kasamahan ng Propeta, si ‘Adi ibn Hatim, na dating kristiyano, ay kanyang narinig na nagbigkas ang Propeta ng talata ng Qur’an:
“…Sila ay tumagkilik sa kanilang mga rabbi at kanilang mga monako(pari) bilang panginoon maliban pa kay Allah…” At-Taubah 9:31
Kaya sinabi niya: “Katunayang hindi namin sila sinasamba”. Bumaling ang Propeta sa kaniya at nagsabi:
“Hindi ba nila ginawang haram ang pinahihintulutan ng Allah at iyon ay ginawa ninyo ring haram, at hindi ba nila ginawang halal ang ipinagbawal ng Allah, at iyon ay gingawa ninyo ring halal? Sagot niyo, “Ginawa nga namin iyon”. Ang sabi ng Propeta, “Iyon ang inyong pagsamba sa kanila”. Tirmidhi
Nang dahil dito isang malaking bahagi ng Tawhid al-‘Ibadah ay ang pagpapatupad ng Shari’ah, lalong lalo na kung saan ang mga Muslim ay higit na nakararami. Ang Shari’ah ay kailangang maibalik sa mga diumanong bansang Muslim na kung saan ang pamahalaan ay nagpapatupad ng batas na hango sa kapitalista o komunistang saligang-batas, at ang batas-islamiko ay tuluyan ng naglaho sa pangkalahatan nito, o di kaya ay napapatupad lamang sa mga larangan (ng buhay) na maliit ang kahalagahan. Likewise, ang mga bansang Muslim na kung saan ang batas-islamiko ay nasa aklat lamang ngunit ang ipinapatupad ay sekular na batas, ay kailangan ding ibalik sa Shariah dahil sakop nito ang buong pamumuhay (ng tao). Ang pagtanggap ng di-islamikong batas kapalit ng Shariah sa lugar ng mga Muslim at Shirk at isang gawaing kufr.
Kung sinuman ang may kakayahan na baguhin ito, dapat niyang gawin ito, at yaong walang ganitong kakayahan ay dapat magpahayag laban sa patakarang kufr at magtaguyod sa pagsasakatuparan ng Shariah. Ngunit kung ito ay naging isang imposibilidad, ang di-islamikong pamahalaan ay dapat na taos-pusong kapootan at kamuhian/kasuklaman upang matamo ang pagkalugod ng Allah at pagtaguyod ng Tawhid.

No comments:
Post a Comment