ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

Mga Hadith Tungkol Sa Zakaat at Z adaqa






79]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Kapag ang tagalikom ng Zakat21 ay dumating sa iyo, tiyakin na siya ay nasisiyahan sa iyo sa kanyang pag‑alis." (Muslim)

80]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang sinumang nangangalaga sa isang ulila na may ari‑arian, nararapat na ipangalakal niya ito at huwag hayaang maubos sa Zakat." (Tirmidhi)

81]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Walang Zakat na dapat bayaran sa bunga ng palmeras na kulang sa limang hakot ng kamelyo, sa pilak na kulang sa limang onsa, at sa kamelyo na kulang sa lima[3][22]."  (Bukhari at Muslim)

82]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang ikasampung bahagi (1/10) ay dapat bayaran sa anumang dinidiligan ng ulan, balon o sapa, at ikadalawampung bahagi (1/20) sa anumang dinidiligan ng kamelyo[4][23]." (Bukhari)

83]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang Zakat ay karumihan ng tao, at ang mga ito'y hindi nararapat kay Muhammad at sa kanyang pamilya.[5][24]” (Muslim)

84]         Minsan ang Propeta (saws) ay nagsabi: "Kapag ang isang tao ay hindi nagbabayad ng Zakat mula sa kanyang ari-arian, ang Allah ay maglalagay ng mga malalaking ahas sa kanyang leeg (sa Araw ng Paghuhukom)." Pagkatapos bumasa siya ng pagpapatunay sa Qur'an: "Huwag isipin ng mga nagmamaramot sa ipinagkaloob ng Allah sa kanila na ito'y makabubuti sa kanila, bagkus ito ay lubhang masama sa kanila. Hindi maglalaon na ang mga bagay na kanilang pinag-imbutan at ipinagmaramot ay itatali sa kanilang leeg sa Araw ng Paghuhukom." (Ibn Majah, Nasa'i, Tirmidhi) (Kabanata Al Imran 3:180)

85]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Ang miskeen ay hindi yaong nagpapalimos sa tao at pinalalayas matapos mabigyan ng isa o dalawang kusing (piraso), at isa  o  dalawang bunga ng palmera. Bagkus, siya ay yaong hindi nakakakuha ng sapat upang maibsan ang kanyang gutom, na bagama't hindi napapansin upang mabigyan ng limos ay hindi tumatayo upang magpalimos sa tao." (Bukhari at Muslim)

86]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang Sadaqah (kawanggawa) ay hindi maaaring ibigay sa isang mayaman, o sa isang taong malakas at may malusog na pangangatawan." (Tirmidhi, Abu Dawud, Darimi, Ahmad, Nasa'i, at Ibn Majah)

87]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Sinumang magpalimos sa kayamanan ng iba upang paramihin ang sa kanya, ay humihingi lamang ng nagbabagang uling, kaya't hayaan siyang humingi ng kaunti o marami." (Muslim)

88]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Higit na mabuti ang kumuha ng lubid, magpasan ng isang hakot na kahoy-panggatong at ipagbili ito, sa gayo'y aalagaan ng Allah ang inyong paggalang sa sarili, kaysa magpalimos sa tao na maaari kayong bigyan o pagkaitan. [6][25]” (Bukhari)

89]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang kamay na nasa itaas ay higit na mabuti kaysa sa kamay na nasa ibaba, dahil ang kamay sa itaas ang siyang nagbibigay at ang kamay sa ibaba ang siyang nangangailangan ng limos." (Bukhari at Muslim)

90]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Sinumang magpalimos bagama't siya ay may kasapatan ay humihingi lamang ng isang malaking bahagi ng Impiyerno." (Abu Dawud)

91]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Gumugol, huwag kumalkula upang ang Allah ay hindi kumalkula laban sa iyo;  huwag magtinggal upang ang Allah ay hindi magkait sa iyo; bagkus magbigay ng maliit na halaga sa abot ng  iyong makakaya.[7][26]"  (Bukhari at Muslim)

92]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Anak ni  Adan, ang magbigay kung ano ang labis sa iyong pangangailangan ay higit na mabuti sa iyo,  at ang ipagkait ito ay higit na masama sa iyo, subali't hindi mo pananagutan ang magkaroon ng kasapatan. Magbigay muna sa mga umaasa sa iyo." (Muslim)

93]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang mapagbigay na tao ay malapit sa Allah, malapit sa Paraiso, malapit sa mga tao, at malayo sa Impiyerno; subali't ang gahaman at hidhid (maramot) na tao ay malayo sa Allah, malayo sa Paraiso, malayo sa mga tao, at malapit sa Impiyerno. Katotohanan, ang taong mangmang na mapagbigay ay higit na minamahal ng Allah kaysa sa isang sumasambang gahaman at hidhid". (Tirmidhi)

94]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Higit na mabuti sa tao ang magbigay ng limos kahit isang barya bilang kanyang Sadaqa sa panahon ng kanyang kalakasan kaysa magbigay ng isang daan sa oras ng kanyang kamatayan."  (Abu Dawud)

95]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "May dalawang katangian na hindi maaaring iugnay sa isang tunay na nananampalataya: ang pagkamaramot at ang masamang ugali."  (Tirmidhi)

96]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Sinuman sa inyo ang magbigay ng Sadaqa na kasinghalaga ng isang bunga ng palmera na kinita sa mabuting paraan, tatanggapin ito ng Allah sa Kanyang kanang kamay at pagyayamanin ito para sa kanya na nagbigay nito katulad ng pagpapalaki ng tao sa kanyang bisiro, hanggang (ang biyaya ng kawanggawang) ito'y maging kasinlaki ng isang bundok." (Bukhari at Muslim)   

97]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang Sadaqa ay hindi nakababawas ng kayamanan; dinadagdagan ng Allah ang dangal ng sinumang nagpapatawad sa iba; at walang sinumang nagpapa-kumbaba dahil sa Allah na hindi pinupuri ng Allah."  (Muslim)

98]         Ang Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Lahat ng gawaing kabutihan ay Sadaqa."  (Bukhari at Muslim)

99]         Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Huwag ituring ang anumang gawang kabutihan na walang kabuluhan, kahit na ito'y pagsalubong nang masaya sa iyong kapatid." (Muslim)

100]     Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi:  "Lahat ng buto sa daliri ng kamay at paa ng tao ay dapat magbigay ng Sadaqa sa bawa't pagsikat ng araw. Ang sinumang maggawad ng katarungan sa dalawang tao, ito ay Sadaqa; ang sinumang tumulong sa isang tao na magkarga o magbaba ng kanyang gamit sa kanyang sasakyang hayop, ito ay Sadaqa; ang isang magandang salita ay Sadaqa; ang bawa't hakbang patungo sa pagdarasal ay Sadaqa; at ang sinumang mag‑alis ng anumang nakapipinsalang bagay sa daraanan ay Sadaqa."  (Bukhari at Muslim)

101]     Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Kapag ang isang Muslim ay nagtanim o nagpunla ng binhi na kung saan ang tao, ibon, o hayop ay nakakakain, ito ay nabibilang na Sadaqa sa kanya." (Bukhari at Muslim)

102]     Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Kapag sinasamba mo Ang Mapagmahal (Allah), nagbibigay ka ng pagkain, at bumabati ka sa lahat ng iyong masalubong, makapapasok ka sa Paraiso nang mapayapa." (Tirmidhi at Ibn Majah)

103]     Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Kapag nginitian mo ang iyong kapatid, o ipag‑utos mo ang mabuti; o ipagbawal mo ang masama; o ituro mo ang daan sa naliligaw; o tulungan mo ang taong malabo ang paningin; o mag‑alis ka ng bato, tinik at buto (ng hayop) sa daraanan; o magbuhos ka ng tubig mula sa iyong timba sa timba ng iyong kapatid; ito ay nabibilang sa iyong Sadaqa."  (Tirmidhi)

104]     Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Sinumang Muslim na magbigay bihisan sa nangangailangan, bibihisan siya ng Allah ng mga luntiang damit ng Paraiso. Sinumang Muslim na magpakain sa nagugutom, pakakainin siya ng Allah sa mga bungang-kahoy ng Paraiso. At sinumang Muslim na magbigay ng inumin sa nauuhaw, paiinumin siya ng Allah sa dalisay na inumin na selyado."  (Tirmidhi)

105]     Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang sinumang magbungkal ng tigang na lupa, magkakaroon siya ng biyaya ukol dito, at anumang nilikha ang nakakain mula rito, ito ay mabibilang na Sadaqa para sa kanya." (Nasa'i at Darimi)

106]     Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Sinumang Muslim na magbigay ng maisusuot na damit sa kanyang kapwa, siya ay nasa pangangalaga ng Allah hanggang ang isang pilas nito ay nananatili sa kanyang pinagbigyan."  (Ahmad at Tirmidhi)

107]     Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang sinumang gumugol sa kanyang pamilya na naglalayong tumanggap ng biyaya para dito mula sa Allah, ito'y ituturing na Sadaqa sa kanya."  (Bukhari at Muslim)

108]     Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: "Ang pinakamahusay na Sadaqa ay pagbibigay kabusugan sa nagugutom na tiyan."  (Baihaqi)












No comments:

Post a Comment