Sa Nglan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin
Ang Ganap na Mananampalataya
Ang isang mananampalataya ay hindi yaong nagsagawa ng mga ipinag-uutos na mga tungkuling panlabas at pagtalikod sa mga ipinagbabawal lamang. Subali’t siya ay ang nagtataglay ng katapatan sa pananalig, walang pagtanggi na umuusbong mula sa kanyang puso at walang pangingimbulo na nanahan sa kanyang puso. Habang nakararanas siya ng kahirapan, lalong tumitibay ang kanyang pananalig at lalong tumatatag ang kanyang pagsuko at pagsunod sa AllahU.
Nagdadasal siya na walang nakikitang bakas ng kasagutan sa kanyang mga panalangin, nguni’t hindi siya nagbabago sapagka’t batid niya na angkin siya ng tanging Nag-iisa na siyang uusig sa kanya sa anumang landas na kanyang tatahakin. Kung may pagtanggi na uusbong mula sa kanyang puso, kanyang isasangtabi ang gawain ng isang alipin at gagampanan ang tungkulin isang manunuligsa katulad ng kay Iblis (Satanas)
Ang matibay na pananalig ay mapapag-alaman pagdating ng malaking paghihirap at sulirananin.
Ang isang maniniwala ay makikita kay Yahya, anak ni Zakariyya, ang isang malinaw na huwaran. Pinatay siya ng isang mang-aapi na sumalungat sa kanya, subali’t SiyaU, na siyang nagsugo sa kanya bilang propeta ay hindi nakialam o ipinagtanggol man lamang siya.
Katulad din ito sa lahat ng mang-aapi sa mga propeta at ang mga mananampalataya ay hindi natakot sa kanila. Kung may isang nag-iisip na ang Kabanalan ay walang halaga sa kanila, siya ay hindi nananampalataya. Ganoon din kapag naniniwalang ang Kabanalan ay makakasagot sa kanila bagama’t piniling hindi sagutin ito, at ang AllahU ay maaring pabayaang magutom ang mga sumasampalataya habang ang mga hindi naniniwala ay busog at bigyang sakit at suliranin ang mga naniniwala at pagkalooban ng magandang kalusugan ang mga hindi naniniwala. Sa pagkakataong ito, walang naiwan maliban sa pagsuko at pagtalima sa Nag-aangkin sa kanya maging sa oras ng kahirapan o tagtuyot.
Si Jacob ay nag-iiyak ng walong taon ng pumanaw si Jose (nawa’y iligtas at pagpalain siya ng AllahU), kailan man ay hindi siya sumuko. Ang tanging sinabi niya nang pumanaw din ang iba pa niyang mga anak ay: “Nawa’y muling ibalik sila ng AllahU sa akin.”
Si Moses (nawa’y iligtas at pagpalain siya ng AllahU) nang nagdasal siya laban kay Pharoah, na siyang pumatay sa mga bata at nagpako sa cross sa mga Mahikero at pinutol ang kanilang mga kamay, pagkatapos ng 40 taon bago siya sinagot.
Sa ating pagsuko at pagtalima, ang kaganapan ng matibay na paniniwala ay matutunghayan hindi sa pagyukod sa salah.
Marami sa mga tumatanggap sa Qadar (ang kahihinatnan) ay nakaranans ng mga suliranin subali’t hindi ito nakapagbabago sa kanila maliban sa lalong tumatatag ang kanilang pagsuko at pagtalima at nalulugod na makasama ang kanilang panginoon. At naririto ang pagpapaliwanag sa kahulugan ng Kanyang mga salita:
Sinabi ng AllahU:
Ang Allah ay magwiwika: “Ito ang Araw na ang mga matatapat ay makikinabang sa kanilang katapatan; sasakanila ang Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso) – sila ay mananahan dito magpakailanman. Ang Allah ay nalulugod sa kanila at sila ay gayundin sa Kanya. Ito ang dakilang tagumpay (Paraiso). [Qur’an, 5:119]
Sinabi ni Al-Hasan Al-Basree:
“Ang mga tao ay magkakapareho sa kalusugan subali’t kapag dumating ang kahirapan sa kanila, magkakaroon sila ng pagkakaiba.”
No comments:
Post a Comment