ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

ALAMIN NATIN ANG BIBLIYA




Ang Bibliya ay hindi isang aklat bagkus ito ay koleksiyon ng mga aklat na sinulat ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang panahon. Marami din itong iba’t ibang bersiyon at wala ni isa mang tumutugma sa iba. Ilan sa mga bersiyon ng Bibliya ay ang mga sumusunod:... See More


KJV – King James Version NIV - New International Bible
GNB- Good News Bible LB ¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬-¬¬¬¬¬ Living Bible
NEB - New English Bible ATHB- American Translation of the Holy Bible HB - Holy Bible NJB - New Jerusalem Bible
NWT- New World Translation RSV - Revised Standard Version
AB - Amplified Bible NASB- New American Standard Bible


SALUNGATAN SA MGA IBA’T IBANG BERSIYON NG BIBLIYA


1) Ilang taong gulang si Saul ng magsimulang maghari. (I SAMUEL 13:1)

NEB – Siya ay 50 taong gulang
NIV – Siya ay 30 taong gulang
AB at NASB – Siya ay 40 taong gulang
KJV, RSV, HB, NWT, NJB, at ATHB – Hindi alam ang kangyang edad.
GNB – Ang boung talata ay inalis.


2) Gaano katagal naghari si Saul. (I SAMUEL 31:1)

NEB – 22 taon
KJV. HB, AB, LB, at NWT – 2 taon
NIV – 42 taon
NASB – 32 taon
RSV, NJB at ATHB – Hindi alam
GNB – Ang boung talata ay inalis.


3) Anong nilikha ang umiiyak sa himpapawid? (REV. 8:13)

KJV – Isang anghel.
NEB, RSV, NIV, HB, LB, NWT, NJB, AB, NASB, at ATHB – isang ibong agila.


4) Ano ang edad ni Jehoiachin noong siya ay naging hari. (2 CRONICA 36:9)

KJV, NEB, RSV, NASB, LB at ATHB – 8 taong gulang (na salungat sa 2 MGA HARI 24:8


Sa parehong Bibliya)

NIV, HB, NWT, NJB, AB at GNB – siya ay 18 taong gulang.

5) Ilang taon ang tag-gutom sa lupain ni David. (2 SAMUEL 24:13)

KJV, HB, LB, NWT, AB, NASB, at ATHB – 7 taon ( na salungat sa 1 CRONICA 21:12 sa

Sa parehong Bibliya).
NEB, RSV, NIV, at NJB – 3 taon.


6) Ano ang edad ni Ahaziah ng siya ay maging hari. (2 CRONICA 22:2)

KJV, NEB, RSB, NJB, AB, at ATHB – 42 taong gulang ( na salungat s 2 MGA HARI 8:26 sa

Sa parehong Bibliya).
NIV, HB, LB, NWT, NASB at GNB – siya ay 22 taong gulang.


MGA TALATANG INALIS SA MGA IBA’T-IBANG BERSIYON NG BIBLIYA


1) Ang MATEO 17:21, MARKOS 15:28 at LUKAS 17:36 ay makikita lamang
sa KJV, HB, AB, at LB, at ito ay inalis sa NEB, RSV, NIV, NWT, GNB at ATHB. Sa NASB, wala ang MARKOS 15:28 at LUKAS 17:36.

2) Ang MATEO 21:44 ay makikita sa KJV, NIV, HB, LB, NWT, AB NASB at ATHB, subali’t inalis sa NEB, RSV, NJB, at GNB.

3) Ang MATEO 23:14 at GAWA 15:34 ay makikita sa KJV at AB, subalit inalis
sa NEB, RSV, NIV, HB, LB, NWT, NJB at ATHB.

4) GAWA 15:34, MARKOS 11:26, 9:44 at 46 ay makikita lamang sa KJV at HB

at inalis naman sa NEB, RSV, NIV, LB, NWT, NJB, GNB, NASB, at ATHB.

Ang MARKOS 9:44, 46 ay wala sa AB.

5) Ang LUKAS 22:43, 44 ay makikita sa KJV, NEB, NIV, HB, AB, NASB,

NWT, NJB, GNB, at ATHB at inalis naman sa RSV.


6) Kasama rin ang mga ibang talata na hindi magkakaparehas sa mga iba’t ibang

bersiyon ng Bibliya, kagaya halimbawa ng : LUKAS 10:1 at 17, 1 SAMUEL 1

13:5, EZRA 8:35, MATEO 12:47, GAWA 8:37, ROMA 16:245, MATEO

18:11, MARKOS 7:16, JUAN 5:4, 2TIMOTEO 3:16, at mga iba pa.

Sa maikling salita, aling Bibliya ang Banal na Bibliya. Walang dalawang Bibliya ang magkapareho. Kung ang Bibliya ay ganap na salita ng Diyos, wala na sanang makikitang salungatan at pagkakaiba sa mga iba’t-ibang bersiyon ng Bibliya. Kung ituturing na ang mga pagkakaibang ito ay hindi mahalaga, ibig sabihin na ang Diyos ay nagkakamali. Pero, hindi, kundi ang mga ito at iba pang mga kamalian ay patunay lamang na ang Bibliya ay hindi salita ng Diyos. Walang alinlangan na ito ay gawa ng tao at hindi ng Diyos. (JER. 8:8)


ANG PROBLEMA NG MGA SALUNGATANG DOKTRINA NA HINDI PA NABIBIGYANG LINAW NG KRISTIYANISMO. (GAYA HALIMBAWA)

1) Nagkakaisa ang Judaismo, Kristiyanismo, at Islam na ang Diyos ay hindi kailanman mamamatay sa anumang paraan, kondisyon o pagkakataon. Kung ito ay totoo at katanggap-tanggap, sinumang naipako at namatay sa Krus ay hindi maaaring ang Diyos. (1TIMOTEO 6:16)

2) Ang Diyos ay walang hanggan. Kung si Hesus ay Diyos, dapat wala siyang simula at wala nang mas matanda pa sa kanya. Si Maria ay hindi niya tunay na ina dahil mas matanda siya at siya rin ang lumikha sa kanya. Ang Diyos “AMA” ay hindi rin niya tunay na ama dahil halos magkaparehas lamang sila ng edad. Kaya, kung hindi si Maria ang tunay na ina at hindi ang Diyos ang tunay na ama, kung ganon, possible na si Hesus ay hindi tunay na anak ng Diyos.
3) Kung si Hesus ay nag-iisa at tanging tunay na Diyos, kanino siya nagdarasal? (MATEO 26:36 at JUAN 12:27)
4) Kung sinabi ng Diyos sa ISAIAS 43:11 na: “AKO ANG PANGINOON, MALIBAN SA AKIN WALANG MAKAPAGLILIGTAS”, papaano magiging tagapagligtas ng tao si Hesus? (Tignan din ang HOSEA 13:4 at ISAIAS 45:21)
5) Paano naging Diyos si Hesus kung ang Araw ng Paghuhukom ay hindi niya alam. (MATEO 24:36 at MARKOS 13:32)
6) Tama bang sabihin na ang Diyos ay ”nagpahinga” pagkatapos niyang likhain ang daigdig? (EXODO 31:17)
7) Mayroon bang inspirasyon ang Banal na Espiritu sa pagkakasulat ng 1CORINTO 7:25 na kung saan sinabi ni Pablo:
8) Sa 1JUAN 5:7 ng mga Bibliya kagaya ng KJV at AB ay mababasa natin
”Na mayroong tatlong nagpapatunay, ang Ama, ang Salita at ang Banal na Espiritu at ang tatlong ito ay nagkakaisa.” Ang boung talatang ito ay inalis na sa NEB, RSV, HB, ATHB, NWT, GNB, at NASB. Ang ika-anim na talata (1 JUAN 5:6) ng Bibliyang KJV at AB ay hinati sa dalawang bahagi upang mapunoan ang nawawalang ika-7 talata. Ang pangalawang kalahati ng ika-6 na talata (sa KJV at AB) ay naging ika-7 talata na ng Bibliya kagaya ng NEB, RSV, NIV, at iba pa. Ang talatang ito (1 JUAN 5:6 ng KJV at AB) at siyang orihinal na ginamit para masuportahan ang paniniwala sa Trinidad. Ang mga pagbabago bang ito sa mga Bibliya ay gawa ng Diyos o inspirasyon.

Mahal kong mambabasa: Kung nasaktan ka sa nasulat na ito, please lang, tanungin mo ang iyong sarili kung ito ba ay naglalaman ng kasinungalingan at pagbabago o sa katotohanang nabuksan ang mapait na katotohanan.

Ang Allah (i.e. ang ating Taga-paglikha) ay nagsabi sa Banal na Qur’an (4:82) ” HINDI BA NILA ISINASAALANG-ALANG ANG QUR’AN (ng buong ingat)?” KUNG ITO AY GALING SA IBA MALIBAN SA DIYOS, KASIGURADUHANG MARAMI SILANG MATATAGPUANG KAMALIAN.”

Nakakapanlumo na ang karamihan ay kakaunti lamang ang nalalaman tungkol sa Islam. At karamihan sa kakaunti na ito ay mali pa at baluktot na impormasyon na ipinahayag at ikinakalat ng mga hindi Muslim na walang kaalaman o ayaw sabihin ang katotohanan tungkol sa Islam.

Sa mga Kristiyanong intresado sa katotohanan, iniimbitahan namin sila na alamin ang tungkol sa Islam mula sa mga babasahing sinulat ng mga Muslim na may kaalaman. Sa pamamagitan nito malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanang ito ang magpapalaya sa inyo ( JUAN 8:30).

Naniniwala kami na hindi kailanman ipagkakait ng Diyos sa isang tao na malaman ang katotohanan kung sa kanyang puso boung taimtim na hanapin niya ito sa mabuting paraan.

ASSALAMU ALAIKOM – KAPAYAPAAN SANA ANG SUMASAINYO. ( LUKAS 10:5 at JUAN 20:26)

No comments:

Post a Comment