ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

Mga Fard at Sunnah na Salah




Ang Salaah ay kinabibilangan ng Fardh (takdang tungkulin) at Sunnah (kusang-loob) na pagdarasal. Ang dasal na Fardh ay isinasagawa ng limang ulit sa maghapon.  Ang hindi pagtupad ng isa man sa mga ito ay itinuturing na kasalanan.  Ang dasal na Sunnah ay binubuo ng mga karagdagang dasal na palagiang isinagawa ni Propeta Muhammad (Sumakanya nawa ang kapayapaan) bago at pagkatapos ng Salaah Al Fardh (itinakdang Salaah).


Ang talaan sa ibaba ay nagbibigay ng bawa't Salaah na Fardh:


1.      Salatul - Fajr:   Dalawang (2) Rak'a

Oras:                 Pagbubukang-liwayway at bago sumikat ang araw.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat
sa unang dalawang Rak'a:   Malakas



2.      Salatud - Duhr:            Apat (4) na Rak'a

Oras:                 Sa pagitan ng ilang sandali matapos ang tanghaling tapat at bago sumapit ang dasal Asr.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat
sa unang dalawang Rak'a:   Tahimik



3.      Salatul - Asr:    Apat (4) na Rak'a

Oras:                 Mula sa kalagitnaan ng hapon at bago lumubog ang araw.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat
sa unang dalawang Rak'a:   Tahimik




4.      Salatul- Maghrib:        Tatlong (3) Rak'a

Oras:                 Ilang sandali matapos lumu-bog ang araw hanggang sa dumilim.



Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat
sa unang dalawang Rak'a:   Malakas


5.      Salatul - Isha:  Apat (4) na Rak'a

Oras:                 Sa pagdating ng dilim at bago sumapit ang dasal Fajr (*).

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat
sa unang dalawang Rak'a:   Malakas



(*) Bagama't maaaring ialay ang Salatul Isha bago sumapit ang dasal Fajr, kanais-nais na ialay ito bago sumapit ang hatinggabi.



SUNNAH
 (Mga Karagdagang Pagdarasal)


Katulad ng makikita sa ibaba, bawa't Salaah ay kinabibilangan ng Fardh (ang mga itinakdang tungkuling dasal) at Sunnah (mga karagdagang pagdarasal). Si Propeta Muhammad (Saw) ay nagsa-gawa ng mga karagdagang pagdarasal bago at matapos ang mga itinakdang pagdarasal. Kaya naman, ang mga ito ay itinatagubilin. Ang bilang ng Rak'a ng bawa't Fardh at Sunnah ay ang mga sumusunod:

Pangalan       Bilang Ng Sunnah                Bilang Ng       Bilang Ng Sunnah
Ng Salaah      Bago ang Fardh                    Fardh              Matapos ang Fardh
                                   
Fajr                             2 *                               2                      wala

Duhr                                       2 o kaya 4 *              4                      2 *

Asr                              4                                  4                      wala      

Maghrib                     wala                           3                      2 *

Isha                            2                                  4                      2 * at witr

Ang mga Sunnah na may markang (*) ay tinatawag na "Sunnat Mu'akkadah". Mga karagdagang dasal na binibigyang-diin ni Propeta Muhammad  na dapat isagawa nang palagian.



SALAT-UL-WITR


Ito ay ang Salaah na isinasagawa pagkatapos ng Fardh at Sunnah ng Salatul Isha at bago dumating ang Salatul Fajr. Ang Salatul Witr ay kinabi-bilangan ng gansal o butal (di-pares) na Rak'a.  Ito ay maaaring isagawa na may isa, tatlo, lima, pito, siyam o labing isang Rak'a.


Katulad ng mga Sunnah (karagdagang pagdarasal) na may marking (*), ang SalatulWitr ay itinuturing na "Sunnat Mu'akkada", mga karagdagang dasal na binibigyang diin ni Propeta Muhammad (Saw).



Bagama't ang Salatul Witr ay maaaring isagawa na may isa o higit pang gansal (o butal) na bilang na Rak'a, higit na nakararami sa mga Muslim ang nagsasagawa nito na may tatlong Rak'a. Ito ay maaaring gampanan sa pagsagawa ng unang dalawang Rak'a katulad ng Salatul Fajr, bumasa ng maikling Surah (kabanata) o talata mula sa Banal na Qur'an pagkatapos ng Al-Fatiha. Kagaya ng Salatul Fajr, ito ay winawakasan sa pagbanggit ng Tasleem ("As-Salamu Alaikum Wa Rahmatullaah").



Tumayo sa pagkakaupo at isagawa ang pangatlong Rak'a. Bumasa ng maikling Surah o talata mula sa Banal na Qur'an pagkatapos ng Al-Fatiha, isagawa ang nalalabing bahagi ng Rak'a hanggang sa pagsasabi ng Tasleem.



Ang Salatul Witr ay maaaring gampanan din sa pagsagawa ng tatlong sunod-sunod na Rak'a (na walang patlang). Bumasa ng maikling Surah (kabanata) o talata mula sa Banal na Qur'an pagkatapos ng Al-Fatiha.



Ipinapayo na basahin ang kabanata 87 (Al-A'ala) sa unang Rak'a, kabanata 109 (Al-Kafirun) sa pangalawang Rak'a, at kabanata 112 (Al-Ikhlas) sa huling Rak'a.

No comments:

Post a Comment