ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

ANG SABI NG ALLAH (swt) SA PANINIWALANG TRINIDAD



Katotohanan, ang kasinungalingan ay hindi makatatayo laban sa lakas ng katwiran. Pagkaraan ng anim na raang taon mula sa paglisan ni Hesus, ang Allah ay nagbigay ng banal na kapahayagan sa pamamagitan ni Propeta Muhammad, kapayapaan ay sumankaya nawa, ito ay ang Banal na Qur'an. Isa sa mahalagang mensahe nito ay ang pagbibigay babala sa mga taong sumasampalataya at naniniwala sa Doktrina ng Trinidad. Ang Allah ay nagwika:

“Katiyakan, ang Kafirun (di-naninwala) ay yaong nagsasabing: “ Ang Allah ay ikatlo sa tatlo (sa Trinidad) subali’t walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Isang Ilah (Diyos – ang Allah) at kung sila ay hindi magsisitigil sa anumang sinasabi nila, katotohanan, isang masakit na parusa ang darating sa Kafirun na kabilang sa kanila.” [5:73]

“At kanilang sinabi: “Ang Al-Rahman [ang Mahabagin (Allah)] ay may anak. Katotohanan, kayo ay nagsabi ng isang kakila-kilabot na bagay. Halos magkagutay-gutay ang mga kalangitan, na ang lupa ay magkabiyak-biyak at ang mga kabundukan ay magkawatak-watak dahil sa kanilang sinasabi na ang Al-Rahman (Mapagpala) ay may anak. At hindi naaangkop sa Al-Rahman (Mapagpala) (Allah)] na magkaroon ng isang anak. [19:88-92]

“At sila (Hudyo, Kristiyano at pagano) ay nagsabi: Ang Allah ay mayroong anak[1]. (Subali’t) Luwalhati sa Kanya (Higit Siyang Dakila at Mataas kaysa sa lahat ng kanilang iniaakibat o iniuugnay sa Kanya). Hindi! Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa mga Kalangitan at ng Kalupaan at ang lahat ay sumusuko nang may (ganap) na pagsunod (sa pagsamba) sa Kanya. (Siya ang Tanging) Tapagpasimula ng mga Kalangitan at ng Kalupaan. Kung Kanyang itakda ang isang bagay, Siya ay nagsasabi lamang ng: “Kun” [Maging] “Fayakun” [at mangyayari nga].” [2:116-117]


No comments:

Post a Comment