Mga Bahagi ng Salaah
Ang Salaah sa Islam ay isang di-karaniwang tungkulin. Nilalapit nito ang tao sa Allah sa pamamagitan ng pagtugma ng kanyang kaisipan at katawan. Sa Salaah, ang Muslim ay ganap na isinusuko ang sarili sa kanyang lumikha.
Bago mag-alay ng Salaah, tiyakin muna sa sarili na ang lahat ng kinakailangang kondisyon na nauukol sa Salaah ay naisagawa na. Ang mga detalye sa pagganap ng Salaah ay ang mga sumusunod:
1. Magkaroon ng layuning mag-alay ng Salaah, kung ito ba ay Fardh na Salaah (mga itinakdang tungkuling dasal) tulad ng Fajr, Dhuhr, Asr, Maghrib o Isha. O kung ito ba ay Sunnah (kusang-loob na karagdagang dasal).
2. Pagkatapos ay itaas ang mga kamay kapantay ng tainga habang nagsasabi ng Takbiratul Ihram:
"Allahu Akbar"
(Ang Allah ay Dakila)
3. Ngayon ay ilagay ang mga kamay sa dibdib, ang kanang kamay ay nakapatong sa kaliwang kamay at sabihin nang pabulong ang mga sumusunod na pagsamo o pagluhog:
"Subhanaka Allahumma wa Bihamdika”
(O Allah, Maluwalhati at Kapuri-puri)
"Watabaraka Ismuka wa Ta’ala Jadduka”
(at purihin ang Ngalan Mo at dakilain ang Iyong Kataasan)
"Wa La ilaha Ghairuka”
(at walang karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo)
"A'udhu Billahi Minash-Shaitan-nir Rajeem”
(Ako ay nagpapakupkop sa Allah laban sa isinumpang Satanas)
4. Pagkatapos nito, bigkasin ang pambungad na kabanata ng Banal na Qur'an, ang Al-Fatiha:
"Bismillah-hir Rahman-nir Raheem”
(Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin)
"AL-HAM-DU LIL-LAHI RAB-BIL ‘ALA-MEEN"
(Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng mga daigdig)
"AR-RAH-MANIR-RAHEEM"
(Ang Mapagpala, Ang Mahabagin)
"MA-LI-KI YAU-MID-DEEN"
(Ang Tanging Hukom at Hari ng Araw ng Paghuhukom)
"IYYA-KA NA-BU-DU WA IYYA-KA NAS-TA-EEN"
(Ikaw lamang ang sinasamba namin at Ikaw lamang ang hinihingan namin ng tulong).
"IH-DI-NAS-SIRA-TAL-MUS-TA-QEEM"
(Ipatnubay Mo sa amin ang tuwid na landas)
"SIRATAL LADHINA-AN-AMTA ALAI-HIM"
(Ang landas ng Iyong pinagpala)
"GHAIRIL MAGH-DU-BI ALAI-HIM"
(Hindi ng mga isinumpa)
"WA-LADH-DHAAL-LEEN (AMEEN)"
(At nangaligaw ng landas) (Amen)
5. Ngayon bigkasin ang sumusunod (Suratul Ikhlas) o alin mang talata sa Banal na Qur'an:
"BISMILLAH-IR RAHMAN-IR RAHEEM"
(Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin)
"QUL HU-WAL-LA-HU A-HAD"
(Ipahayag, Siya ang Allah, Ang Nag-iisa)
"ALLA-HUS-SAMAD"
(Allah, Ang Walang Hanggan, Ang Ganap, Sandigan ng lahat)
"LAM-YALID WA LAM-YOLAD"
(Hindi siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak)
"WA LAM YAKUN-LAHU KU-FU-WAN AHAD"
(At Siya ay walang katulad)
6. Ngayon ay sabihin ang ALLAHU AKBAR at ilagay ang mga kamay sa inyong tuhod sa pagyuko (ang katayuang ito ay tinatawag na Ruku) at sabihin ng tatlong ulit ang mga sumusunod:
"SUBHANA RABBIYAL 'ADEEM"
(Kaluwalhatian sa aking Dakilang Panginoon)
7. Pagkatapos ay bumalik sa pagkakatayo at sabihin ang mga sumusunod:
"SAMI' ALLAHU LIMAN HAMIDAH"
(Dinidinig ng Allah ang sinumang nagbibigay ng Pagpupuri sa Kanya)
"RABBANA WA LAKAL HAMD"
(Panginoon namin, ang Pagpupuri ay sa Iyo lamang)
8. Ngayon ay sabihin ang ALLAHU AKBAR at magpatirapa na nakadampi ang iyong nuo, ilong, palad, tuhod at paa sa lupa (sahig) (ang katayuang ito ay tinatawag na Sujud). Habang nasa ganitong kalagayan, sabihin nang tatlong (3) ulit ang mga sumusunod:
"SUBHANA RABBIYAL 'ALA"
(Kaluwalhatian sa aking Panginoon, Ang Kataas-taasan)
9. Umupo nang matuwid mula sa pagkaka-patirapa at sabihin ang mga sumusunod:
"RABBIG FIRLEE, WARHAMNEE, WAHDINEE, WAJBURNEE WARZUQNEE WA'AFINEE”
(O Panginoon, nawa'y patawarin Mo ako, at kahabagan Mo ako, at tulungan Mo ako, at patnubayan Mo ako, at biyayaan Mo ako, at pagalingin Mo ako)
10. Pagkatapos nito, sabihin ang ALLAHU AKBAR at isagawa ang pangalawang Sujud (pagpapatirapa) at banggitin ng tatlong ulit ang mga sumusunod:
"SUBHANA RABBIYAL 'ALA "
(Kaluwalhatian sa aking Panginoon, Ang Kataas-taasan)
Dito natatapos ang isang Rak'a (yunit) ng Salaah. Sa Salaah na may dalawang Rak'a kagaya ng Fajr(bukang liwayway), tumayo mula sa Sujud (pagka-patirapa) ng unang Rak'a habang sinasabi angALLAHU AKBAR. Ang pangalawang Rak'a ay isinasagawa katulad ng unang Rak'a. (mula bahagi blg. 4 hanggang 10).
11. Pagkatapos ng huling Sujud sa pangalawang Rak'a, umupo sa iyong kaliwang paa saman-talang ang iyong kanang paa ay nakatayo na ang mga daliri ay nakasayad sa lupa (sahig). Ang bawa't palad ng kamay ay nakapatong sa magkabilang tuhod. Habang nasa ganitong katayuan, sabihin nang mahina (pabulong) ang Tashahud:
"AT-TAHIYYATU LILAHI WASALAWATU WATAYYIBATO"
(Ang lahat ng pagdarasal at pagsamba sa pamamagitan ng salita, kilos at pagsagawa ng banal na tungkulin ay nauukol lamang sa Allah)
"ASSALAMU ALAIKA AYUHAN-NABIYU"
(Sumasaiyo nawa ng kapayapaan, O Propeta)
"WA RAHMATULLAHI WA BARAKATUHU"
(at ang Habag ng Allah at ang Kanyang Pagpapala)
"ASSALAMU ALAYNA WA ALA IBADI-LAHIS-SALIHEEN"
(Nawa'y mapasa-amin ang kapayapaan at sa mga mabubuting lingkod ng Allah)
"ASH-HADU ANLA ILAHA ILLALLAAH"
(Ako ay sumasaksi na walang diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)
"WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN ABDUHU WA RASULUHU"
(At ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Alipin at Sugo ng Allah)
12. Manatiling nakaupo at bigkasin nang mahina (pabulong) ang Salah Alan Nabi (Darood):
"ALLAHUMMA SALLI 'ALA MUHAMMAD WA 'ALA ALI MUHAMMAD"
(O Allah, itampok Mo si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad)
"KAMA SALLAYTA 'ALA IBRAHIM WA 'ALA ALI IBRAHIM"
(Kagaya ng pagtampok Mo kay Ibrahim at ang pamilya ni Ibrahim)
"INNAKA HAMIDOOM MAJEED"
(Ikaw ang Kapuri-puri, Ang Maluwalhati)
"ALLAHUMMA BARIK 'ALA MUHAMMAD WA 'ALA ALI MUHAMMAD"
(O Allah, pagpalain Mo si Muhammad at ang pamilya ni Muhammad)
"KAMA BARAKTA 'ALA IBRAHIM WA 'ALA ALI IBRAHIM"
(Gaya ng pagpapala Mo kay Ibrahim at ang pamilya ni Ibrahim)
"INNAKA HAMIDOOM MAJEED"
(Ikaw ay Kapuri-puri, Ang Maluwalhati)
Pagkatapos sabihin nang mahina ang mga sumu-sunod:
"ALLAHUMA INNE A’UDHU BIKA MIN ADHABI JAHANNAM, WA MIN ADHABIL QABR, WA MIN FITNATIL MAHYA WAL-MAMAT, WA MIN FITNATIL MASIHID-DAJAAL"
(O Allah ako ay nagsusumamo sa Iyo na iligtas Mo ako sa dusa ng Impiyerno, at sa dusa ng hukay, at sa pagsubok sa buhay at kamatayan, at sa mapanlinlang na Masihid-Dajal)
Maaaring magsabi ng karagdagang panalangin upang humingi sa Allah ng kasaganaan hindi lamang dito sa lupa pati na rin sa kabilang buhay. Gayundin upang biyayaan ang magulang at ibang Muslim.
13. Ngayon ay ibaling muna ang mukha sa kanan at sabihin ang Tasleem.
"AS-SALAMU ALAIKUM WA RAHMATULLAAH"
(Sumainyo nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah)
14. At pagkatapos ay ibaling ang mukha sa kaliwa at sabihin ulit ang Tasleem.
"AS-SALAMU ALAIKUM WA RAHMATULAAH"
(Sumainyo nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah)
Dito nagwawakas ang Salatul Fajr na may dalawang Rak'a. Kung nagsasagawa ng Salaah na may tatlong Rak'a katulad ng Maghrib (takip-silim), o kaya'y apat na Rak'a katulad ng Duhr (tanghali), Asr(hapon) at Isha (gabi), tumayo upang ipag-patuloy ang mga natitirang Rak'a pagkatapos ng Tashahud(bahagi blg.11) habang binabanggit ang ALLAHU AKBAR. At habang nakatayo ay basahin nang tahimik ang kabanata Al Fatiha.
Sa Salaah ng Duhr at Asr, ang Al Fatiha ay binabasa nang tahimik sa lahat ng Rak'a. Samantalang sa Salaah ng Fajr, Maghrib at Isha, ang Al Fatiha kasama ng anumangSurah (kabanata) o Ayat (talata) ay binabasa nang malakas sa unang dalawang Rak'alamang. Laging tandaan na ang Al Fatiha ay tahimik na binabasa sa pangatlo at pang-apat na Rak'a sa lahat ng Salaah.
Huwag magbasa ng anumang Surah (kabanata) o Ayat (talata) sa Banal na Qur'anpagkatapos ng Al Fatiha sa pangatlo at pang-apat na Rak'a ng Salaah.
Kapag ang Salaah ay isinasagawa ng sama-sama (kongregasyon) at ang Imam (namumuno sa pagdarasal) ay malakas na binabasa ang kabanata o talata ng Banal na Qur'an (kagaya sa Salaah ngFajr, Maghrib, at Isha), sapat na ang makinig na lamang ang mga tagasunod sa kanyang binabasa.
Gayundin ang Imam lamang ang magsasabi nang malakas sa "SAMI' ALLAHU LIMAN HAMIDAH"pagkatapos ng Ruku. Sapat na sa mga tagasunod ang magsabi "RABBANA WA LAKAL HAMD" habang bumabalik sa pagkakatayo mula sa Ruku.
Pagkatapos ng pangalawang Sujud (pagpapatirapa) sa panghuling Rak'a ng alinmang Salaah, sabihin nang mahina (pabulong) ang Tashahud at Darood.
Wakasan ang Salaah sa pagsasabi ng Tasleem:
"AS-SALAMU ALAIKUM WA RAHMATULLAAH" sa bawa't pagbaling ng mukha sa kanan at kaliwa.
No comments:
Post a Comment