ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

HUWAG MANGARAP NG LABIS




HUWAG MANGARAP NG LABIS SA HALIP PAGHANDAHAN ANG KAMATAYAN:

Sa ngalan ng Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain, ang lahat ng kaluwalhatian at pagpupuri ay para lamang sa Allah. Sinabi ng Allah Qur'an Surah Al-Hijr (ang Mabatong Daan)-15:3 "HAYAAN SILA NA KUMAIN AT MAGPAKASAYA, AT (HAYAAN SILA) NA MAGING ABALA (SA HUWAD) NA PAG-ASA. KATIYAKANG ITO AY KANILANG MAPAG-AALAMAN!" [ito ay Babala sa mga naniwala (kay Allah) na hindi sila mapasama at mapinsala sa pagkain lamang at pagsaya sa makamundong Buhay].

Sinabi ng Allah Qur'an Surah Al-Munafiqun (Ang mga Mapagkunwari) – 63:60 "AT GUMUGOL KAYO SA MGA BIYAYA NA AMING IPINAGKALOOB SA INYO (BILANG KAWANGGAWA), BAGO SUMAPIT ANG KAMATAYAN SA SINUMAN SA INYO AT SIYA AY MAGSABI: "O AKING PANGINOON! KUNG AKO AY INYO LAMANG IPAGPAPALIBAN (AANTALAHIN) SA MAIKSING PANAHON (KUNG GAYON), AKO'Y MAPAPABILANG SA MGA MATUTUWID. DATAPUWA'T WALANG SINUMANG KALULUWA ANG PAGKAKALOOBAN NG ALLAH NG PALUGIT KUNG ANG ITINAKDANG PANAHON (KAMATAYAN) AY SUMAPIT NA SA KANYA. AT ANG ALLAH ANG LUBOS NA NAKAKAALAM NG LAHAT NINYONG GINAGAWA."

Sinabi rin ng Allah Qur'an Surah Az-Zumar (ang mga Pangkat) – 39:54-58 "AT MAGSIBALING KAYO SA INYONG PANGINOON (SA PAGTITIKA) AT ISUKO (NINYO ANG INYONG SARILI) SA KANYA, BAGO DUMATAL SA INYO ANG PAGPAPARUSA. MATAPOS ITO, KAYO AY HINDI NA MATUTULUNGAN. AT SUNDIN ANG PINAKAMAINAM NA IPINAHAYAG SA INYO MULA SA INYONG PANGINOON (ANG QUR'AN), BAGO ANG KAPARUSAHAN AY SUMAPIT SA INYO NANG WALANG KAABUG-ABOG, SA PANAHON NA HINDI NINYO NAPAG-AAKALA! NA ANG ISANG TAO (NA MAKASALANAN) AY MAKAPAGSASABI (SA ORAS NA YAON): "AH! KASAWIAN SA AKIN! AKING NAPABAYAAN (ANG AKING TUNGKULIN) KAY ALLAH, AT AKO AY ISA LAMANG SA BUNTON NG MGA NANUNUYA (SA KATOTOHANAN)! O SIYA (NA TAONG NAGKASALA) AY MAKAPAGSABI: "KUNG ANG ALLAH AY NAMATNUBAY LAMANG SA AKIN, WALANG PAGSALA, DISIN SANA AKO AY NAPABILANG SA MUTTAQUN (MGA MATUTUWID AT MABUBUTING TAO NA NANGANGAMBA NANG LABIS KAY ALLAH AT UMIIWAS SA LAHAT NG MGA KASALANAN, AT MAGMAMAHAL SA KANYA NANG HIGIT AT NAGSASAGAWA NG LAHAT NIYANG IPINAG-UUTOS)!" O (DI KAYA) SIYA AY MAKAPAGSABI, KUNG KANYANG (LANTAD) NA MAMASDAN ANG KAPARUSAHAN: "KUNG MAYROON LAMANG SANA AKO NA ISA PANG PAGKAKATAON (UPANG MAKABALIK SA MUNDO), KUNG GAYON, WALANG PAGSALA NA AKO AY MAPAPABILANG SA MUHSINUN (MGA GUMAGAWA NG KATUWIRAN AT KABUTIHAN!".
Hadith na galing kay Anas ibn Malik (r.a.a.) sinabi: "GUMUHIT ANG SUGO NG ALLAH (SUMAKANYA NAWA ANG KAPAYAPAAN) NG MAHABA AT SINABI: "ITO ANG TAO, AT GUMUHIT NG PANGALAWA SA TABI NITO AT SINABI: "ITO ANG ORAS NG KAMATAYAN NIYA, AT GUMUHIT NG PANGATLO NG MALAYO (SA DALAWANG IGINUHIT NIYA) AT SINABI: "ITO ANG PANGARAP, AT SA PAGITAN NG (TATLONG) MGA GUHIT, ANG MALAPIT (SA TAO) ANG GUHIT KAMATAYAN AY UNANG DARATING" Bukhari,
Hadith mula kay Abi Hurairah (r.a.a.) sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah (Sumakanya Nawa ang Kapayapaan): "Pinatawad o Pinahintulutan ng Allah ang Taong inilipat (ng Allah) ang takdang kamatayan hanggang umabot ng animnapu ang gulang" Bukhari
Hadith Ibn 'Umar (r.a.a.) at sinabi: "Inilagay ng sugo ng Allah ang kanang kamay sa balikat ko at sinabi: "GAWIN MO ANG SARILI MO SA MUNDO NA ITO NA PARANG DAYUHAN O DUMADAAN LAMANG"
Bukhari

Sinabi ng Allah Qur'an Surah Ghafir (ang Nagpapatawad)- 40:39 "… ANG PANGKASALUKUYANG BUHAY DITO SA MUNDO AY ISA LAMANG (PANSAMANTALANG) KASIYAHAN. AT ANG KABILANG BUHAY ANG SIYANG TAHANAN NA MAGTATAGAL (WALANG HANGGANAN)"

Dalawang bagay lamang sa mga Naniwala ang mangyayari sa mundong ito: Una: Dayuhan lamang sa Mundo, Pangalawa: Dumadaan lamang parang (naglalakbay).

Si Adam at ang asawa ay namuhay sa Paraiso noong una at nang ibaba sila sa Mundo at ipinangako sa kanila na ibabalik sila sa Paraiso kasama ang kanilang mga Naniwalang angkan.

Sinabi ni Hassan Al Basri: "Ang katulad ng katawan mo ay parang mga Araw bawa't araw ay nakukulangan ang katawan mo hangga't wala na ang matira.

Sinabi ng isang May-Kaalamang tao: "Papaano kang maging Masaya sa Mundong ito na ang mga Araw ay winawasak ang mga Buwan nito, at ang Buwan ay winawasak ang Isang Taon at ang isang taon ay winawasak ang Nakatakdang Kamatayan"

Sila (mga tao) na napag-alaman na sila ay alipin ng Allah at tunay na babalik sila sa Kanya (Allah) kaya alam nila na ang katotohanan ay matatagpuan nila ang Panginoon nila, kaya't alam niya na sila ay tatanungin Niya, at ang may alam na sila ay tatanungin (ng Allah) kaya't sila ay paghahandahan ang mga sagot sa mga itatanong sa kanila ng Allah; ang tao ay nagsabi ano ang kalutasan? Sinabi niya: magpakabait ka sa natitirang mga Araw para mapatawad ka sa mga naunang kasalanan, subali't tunay na kung magpaka sama ka sa natitirang mga Araw, katotohanan makukuha mo ang dumaan na at ang darating.

Sinabi ni Hasan Al-Basri: Tatlong dalobhasang marurunong ang nasa samahan, sinabi nila sa Nauna sa kanila: ano ang pag-asa mo? Sinabi niya: Baka mamamatay ako sa katapusan ng Buwan na ito. At sinabi nila : Iyan ang Pangarap. At sinabi nila sa Pangalawa: ano nanaman ang pag-asa mo? At ang sagot: Baka sa darating na Biyernes baka ako ay mamamatay, kaya't sinabi nila sa huling Pangatlo: ikaw ano ang pag-asa mo? Ang sagot niya: wala akung pag-asa sa kamay ng iba?

Sinabi ni Bakr Al-Muzanni: kung gusto mo ang magandang sapat na pagdarasal at ikaw ay mamamatay na, kung hangarin mo pa ang matagal na panahon ay makakawala ng magandang mga Gawain.

Dalawang dahilan nang mahabang pangarap: Una: Mangmang na walang nalalaman, hindi niya ini-isip ang kamatayan na lumalapit na sa kanya, at hindi niya ini-isip na ang matatanda ay kakaunti lamang, samantalang ang karamihan sa mga namamatay ay mga kabataan. Pangalawa: Makamundo, gusto niya manatili sa mundo, gustong maging mayaman, maging marami ang pamilya, maging may bahay, marami ang kaibigan, marami ang sasakyan, at lahat ng makamundong kasayahan ay ipinagpapaliban ang pagala-ala (kay Allah) hanggang siya ay mamatay

No comments:

Post a Comment