ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

Mga Uri ng Pagkalikha sa Tao



Iba-iba ang pamamaraan ng Alah sa paglikha. At lahat ng ito ay madali lamang para sa kanya. Siya ang Pinaka-Makapangyarihan. Tulad ng sabi sa Banal na Qur’an: “KApag may itinakda Siyang bagay; sasabihin lamang Niya: “Kun!” (“Mangyari!”) at ito nga ay mangyari.”

Sa paglikha ng tao, ang Allah (SWT) ay may nilikha Siyang mga tao sa normal o ordinaryong pamamaraan, at mayroon din Siyang nilikha sa kakaibang paraan. At lahat ng ito ay hindi natin dapat bigyan ng kahulugan. Dahil ang Allah (SWT) ang Pinaka-Makapangyarihan sa lahat ng ito, maging normal man o ordinaryong pagkalikha o kakaibang pamamaraan ng pagkalikha ito ay madali lmang sa Kanya. Lahat ng ito ay ay Kanyang mga nilikha lamang. At ang Tagapaglalang ay higit sa Kanyang nilikha.

Mayroon Siyang nilikha sa walang ama at walang ina. Kanya lamang nilikha ito mula sa alabok at ito ay Kanyang hinugis at hinipan at iyon ay si Adam (AS), ang unang tao na nilikha. Walang ama at walang ina. Ngunni’t ito ay hindi natin dapat bigyan ng ibang kahulugan. At huwag nating sabihini na siya (si Adam) ay may bahagi sa pagka-diyos n gating Tagapaglikha o di kaya siya ay anak ng Diyos dahil siya ay nilikha sa kakaibang paraan.

Mayroon din Siyang nilikha na nanggaling sa isang lalaki nguni’t hindi nanggaling sa sinapupunan ng isang babae o ng kanyang ina, at siya ay hindi na dumaan sa pakabata na ito ay si Eba, siya ay nanggaling sa tadyang ni Adam nguni’t wala siyang ina. At hindi natin binigyan ng anumang kahulugan na si Eba ay may bahagi sa pagka-diyos n gating Tagapaglikha o di kaya siya ay anak ng Diyos dahil sa siya ay nilkha sa kakaibang paraan.

Mayoon din Siyang nilikhang mga tao na nanggaling sa lalaki at babae (ama’t ina), at iyon ay tao. Ang ating pagkalikha ay ang normal o ordinayong paraan ng pagkalikha. Tayo ay may mga magulang, ang ating ama at ang ating ina.

Mayroon din Siyang nilikha na walang ama, nguni’t siya ay nanggaling sa sinapupunan ng kanyang ina, katulad nating lahat na nanggaling sa bahay bata ng ating mga ina. Siya ya si Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan).
Ang sabi sa Qur’an na sinabi ni Maria (Maryam (sumakanya nawa ang kapayapaan)): “Ang sabi niya: ‘Paano ako magkakaroon ng anak samantalang wala naming lalaki ang humawak sa akin at aking mahigpit na pinangangalagaan ang aking puri?’. At ang sabi ng Anghel: ‘at iyon nga, sabi ng iyong Panginoon: ‘Iyon ay madali lamang para sa akin (Allah)…”

At ang pagkalikha kay Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay tulad ng pagkalikha kina Adan at Eba (sumakanila nawa ang kapayapaan), hindi ito pangkaraniwan o ordinaryo tulad natin. Nguni’t ganoon pa man, hindi natin ito dapat bigyan ng kahulugan na sila ay mga anak ng Diyos o may bahagi sa pagka-diyos.

Kung sasabihin natin na si Hesus ay anak ng Diyos dahil siya ay nilikha na walang ama, pag-aralan nating mabuti ang mga nabanggit kanina. Dahil magwawala si Adan, sasagi’t-sasagi sa ating isipan na si Adan ay mas may karapatan na matawag na anak ng Diyos, mismong ang Allah ang nagporma ng kanyang hugis hinipan siya upang magkaroon ng buhay. Walang ama at walang ina.

At ganoon din kay Eba, ang pagkalikha kay Eba ay mas kamangha-mangha dahil siya nanggaling sa lalaki, at hindi sa babae, hindi tulad ni Hesus na normal ang kanyang kalagayan ngang siya ay nasa sinapupunan. Hindi rin dumaan sa pagkabata si Eba. Samantalang si Hesus ay dumaan sa pagkabata.

Maging sa bibliya ay malinaw na sinasabi: “O mga anak ni Israel, pakinggan niyo ang mga salitang ito; si Hesus ng Nazareta, ay isang TAO…” (Acts 2:22)

“Ngayon ay gusto ninyo akonh patayin, isang TAO na nagsabi sa uinyo ng katotohanan…” (Juan 8:40), King James version, ang ilang mga bibliya ay hindi binabanggit ang katotohanang ito! Suriin ninyo ang inyong Bibliya)

Kaya si Hesus ay hindi natin matatawag na anak ng Diyos.
Dahil siya ay tao. Ang kanyang ina na nagsilang sa kanya ay tao. Kaya ang sanggol na kanyang isinilang ay tao. Tulad ng puno ng mangga, ang bunga lamang nito ay mangga. Malinaw na ating napapatunayan sa ating mga sarili na siya nga ay tao.
Ang sabi sa Qur’an:
“ At ang Sabi niya (Hesus):’ Ako ay alipin ng Allah, ibinigay sa akin ang aklat, at ginawa akong Propete.”
Si Hesu Kristo po ay isang Propeta at Sugo ng Allah.
Maging sa bibliya:
“Ito ay si Hesus ang Propeta sa Nazaret” (Mateo 21:11)
“ Sinabi ko sa inyo ang katotohanan, walang tagapaglingkod ang higit sa kanyang pinaglilingkuranm at walang sugo (mensahero) ang higit sa nagpadala sa kanya.” (Ju8an 13:16)
“si Hesus, na isang Propeta…” (Lukas 24:19)
At hindi rin masasabi na siya ay isang diyos; sapagkat ang Diyos ay walang katulad. Ngunit si Hesus ay may katulad, tulad natin na kumakain, umiinom, natutulog atbp. At ang tunay na Tagapaglikha ay hindi nakikita. Walang nakakita sa akin at siya ay buhay.” (Exodus 33:20)
Ang nag-iisang tagapaglikha ay walang katulad’ ang sabi Niya sa Qur’an:
“sabihin: ang Allah ay Nag-iisa, Allah, Ang Ganap na Sandigan ng lahat, Hindi siya nagkaroon ng anak, at hindi Siya ipinanganak, at s kanya’y walang makakatulad. (Qur’an, Kabanata Al Ikhlas)
Sana, ito ay nakapulutan natin ng aral, at hinihingi natin sa ating Tagapaglikha ang patnubay at gabay sa tama at katotohanan. Hangang ditto na lamang po, at marsming salamat sa inyong pagbabasa. Hanggang sa muli.

No comments:

Post a Comment