Sa Ngalan ng Allah, ang Mapagpala, ang Mahabagin
Sa Oras ng Kamatayan at sa Libingan
Isinalaysay sa isang Hadith na ang Propetar ay nagsabi na isang tao na nasa kanyang libingan ang inutusang magpatunay. Ang tao ay tinanong: Sino ang iyong Rabb (Panginoon)? Ano ang iyong Deen (Pananampalataya)? At sino ang iyong Propeta? Ang isang batayan tungkol dito ay ang sinabi ng Propetar na isinalaysay ni Al Barra’ Ibnu Azib (kalugdan nawa siya ng AllahU). Siya ay nagsabi: Pumunta kami sa labasan kasama ang Propetar upang makipaglibing sa isang yumaong Ansar (tagasunod ng Propeta na taga-Medina) hanggang sa nakarating kami sa libingan na hindi pa nagagawa ang hukay. Umupong nakaharap ang Propetar sa Qiblah (direksiyon ng Ka’bah sa Makkah) kaya’t umupo rin kami sa kanyang tabi at sa ganito’y waring may mga ibon sa itaas ng aming mga ulo. May hawak na patpat ang Propetar na kanyang itinatapik sa lupa. Tumitingin siya sa langit at kapagdaka’y sa lupa nang tatlong ulit. Pagkaraa’y nagsabi nang dalawa o tatlong ulit, “Nagpapakupkop ako sa AllahU laban sa parusa sa libingan.” Nagpatuloy siyang nagsabi nang tatlong ulit: “O Allah, nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa parusa sa libingan.” At pagkatapos ay kanyang sinabi: “Kapag ang Mu’mim (mabuting Muslim) ay nasa kalagayan ng pagpanaw sa buhay na ito at kanyang hinaharap ang kabilang buhay, may bababang mga Anghel mula sa langit na may mapuputing mukha, at parang sinag ng araw ang kanilang mukha. Nakabihis sila ng mga damit mula sa langit at may pabangong mula sa langit. Uupo sila na may layong abot-tanaw. Darating ang Anghel ng Kamatayan at uupo sa ulunan ng namamatay at magsasabi; ‘O mabuting kaluluwa, halina’t lumabas tungo sa pagpapatawad mula sa Allah”.” Nagpatuloy ang Propetar: “Lalabas ang kaluluwa nang mahinahon katulad ng isang patak na malumanay na lumalabas mula sa balat na sisidlang tubig, kukunin ito ng Anghel.”
Sa ibang salaysay:“At kapag lumabas ang kanyang kaluluwa, magdarasal para sa kanya ang bawa’t Anghel sa pagitan ng lupa at langit kasama ang bawa’t Anghel sa langit at bubuksan para sa kanya ang mga pintuan ng langit. Walang mga Anghel sa alinmang pintuan ang hindi magsusumamo sa AllahU upang Kanyang dalhin ang kaluluwa sa kanilang pintuan. Kapag kinuha ng Anghel ng Kamatayan ang kaluluwa, hindi ito iiwanan ng mga Anghel sa kanyang kamay bagkus kukunin nila ito upang ibalot at lagyan ng pabango.
Ito ang siyang binabanggit ng AllahU sa isang talata sa Banal na Qur’an:
Kukunin ng Aming mga Sugo (Anghel ng Kamatayan at ang kanyang mga katulong) ang kanyang kaluluwa, at hindi sila nagpapabaya sa kanilang tungkulin.”
[Qur’an, Kabanata Al-An’am- 6:61]
Lalabas mula sa kaluluwa ang isang amoy na kasing-bango ng pinakamahusay na pabangong musko (musk) na matatagpuan sa balat ng lupa. Papailanlang ang mga Anghel kasama ang kaluluwa at ang bawa’t maraanan nilang mga pangkat na Anghel ay magsasabi: ‘Sino ang mabuting kaluluwang ito?’ Ang mga Anghel ay magsasabi: ‘Siya ay si…, ang anak ni…’ tinatawag siya sa pinakamagandang pangalan na dating tawag sa kanya ng tao nang nabubuhay pa siya.
Kapag narating ng mga Anghel ang unang antas (level) ng langit, hihingi sila ng pahintulot na ipasok ang kaluluwa at sila’y pagbubuksan. Sasamahan ng mga Anghel mula sa bawa’t antas ng langit ang kaluluwa tungo sa ibang antas hanggang sa marating niya ang ikapitong langit. At pagkatapos, ang AllahU - ang Kataas-taasan ay magsasabi: ‘Itala ang aklat ng Aking sumasampalataya (worshipper) sa Illiyun (ang Talaan na kung saan isusulat ang mga Mabubuting Gawa)’.”
At ano ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang Illiyyun. Isang Talaan na siyang sasaksi sa mga malalapit (sa Allah [hal. Mga Anghel]). [Qur’an, Kabanata Al-Mutaffifin-83:19-22]
Pagkaraan, itatala ang isang aklat para sa kanya sa Illiyyun. Iuutos ng AllahU sa mga Anghel na ibalik siya (ang kaluluwa) sa daigdig na nagsasabi: ‘Ibalik siya sa daigdig. Naipangako Ko sa kanila (tao) na nilikha sila mula sa lupa, at sa lupa sila ibabalik, at mula roon ibabangong silang muli.’ Kaya’t ibababa siya sa lupa at ibabalik ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. Maririnig niya ang mga yapak ng tao sa kanilang pag-alis mula sa kanyang libingan. Dalawang Anghel ang darating sa kanya, iuupo siya at tatanungin: ‘Sino ang iyong Rabb (Panginoon)? Siya ay sasagot, ‘Ang aking Rabb ay ang Allah’. Ano ang iyong Deen (Pananampalataya)?’ Siya ay sasagot: ‘Ang aking Deen ay Islam.’ Pagkaraan siya ay tatanungin: ‘Sino yaong taong ipinadala para sa iyo?’ Siya ay sasagot: ‘Siya ang Sugo ng Allah.’ At siya’y muling tatanungin: ‘Ano ang iyong mga gawa?’ Siya ay magsasabi: ‘Nabasa ko ang Aklat ng AllahU, pinaniwalaan ito, at batid kong ito ang katotohanan.’
Kanilang itatanong sa kanya: Sino ang iyong Rabb? Ano ang iyong Deen? at Sino ang iyong Propetar? Ito ang huling pagsubok na ihaharap sa isang nananam-palataya. Ang AllahU, ang Makapangyarihan, ay nagsabi:
Pananatilihing matatag ng Allah ang mga nana-nampalataya, ng isang salita na mananatiling matatag dito sa mundo at sa Kabilang Buhay. [Qur’an, Kabanata Ibrahim-14:27]
At pagkatapos, siya ay sasagot, ‘Ang aking Rabb ay ang AllahU, ang aking Deen ay Islam, at si Muhammad ay ang aking Propetar.’ Sa puntong ito, isang tinig mula sa langit ang magsasabi: ‘Nagsasabi ng totoo ang Aking alipin, magkagayo’y bigyan siya ng higaan mula sa Jannah (Paraiso), bihisan siya ng mga damit mula sa Jannah, at buksan sa kanya ang isang pintuan sa Jannah (Paraiso). Pagkaraan nito’y isang mabangong amoy mula sa Jannah ang darating sa kanya at bibigyan siya ng isang libingang malawak na kasing-sukat ng abot-tanaw. Isang taong makisig at mabango na may magandang pananamit ang darating sa kanya at magsasabi: ‘Mayroon akong isang magandang balita na makapagpapaligaya sa iyo. Matuwa dahil sa kasiyahan ng AllahU at ang walang hanggang kaligayahan sa Jannah. Ito ang araw na ipinangako sa iyo.’ Kaya’t siya ay magsasabi: ‘At ikaw naman, sino ka? Nagdadala ng mabuti (balita) ang iyong mukha.’ Ang tao ay magsasabi: ‘Ako ang iyong magagandang gawa. Isinusumpa ko sa AllahU, wala akong nalalaman sa iyo maliban sa mabilis na pagtalima sa AllahU at sadyang napakabagal sa pagsuway sa AllahU, kaya’t gantim-palaan ka nawa ng AllahU nang masagana.’
Pagkatapos nito, isang pinto ng Jannah (Paraiso) at isang pinto ng Jahannam (Impiyerno) ang bubuksan para sa kanya. At siya’y sasabihan: ‘Ito sana ang iyong lugar sa Impiyerno kung naging suwail ka sa AllahU. Pinalitan ito ng AllahU para sa iyo ng isang lugar sa Paraiso. Kaya’t nang makita niya ang Jannah (Paraiso), siya’y magsasabi: ‘O aking Rabb (Panginoon), nawa’y gawing madali ang pagdating ng Araw ng Paghuhukom, upang makabalik na ako sa aking mga pamilya at yaman.’ Kaya’t sasabihin sa kanya: ‘Magpahinga ka nang may kapayapaan.’
At tungkol naman sa isang Kafir (di-nananam-palataya), kapag nasa kalagayan siya ng paglisan nitong buhay at tumatawid sa Kabilang Buhay, bababa sa kanya mula sa langit ang mga matatapang at mababagsik na Anghel na may maiitim na mukha at may dalang Masuh (damit) mula sa Jahannam (Impiyerno). Uupo sila nang napakalayo sa kanya na kasing-layo ng abot-tanaw. Pagkatapos, darating ang Anghel ng Kamatayan at uupo sa kanyang ulunan at magsasabi: ‘O ikaw na masamang kaluluwa, lumabas ka (tungo) sa Galit at Poot ng AllahU. Mangangagkalat ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan at kukunin ito ng Anghel katulad ng pagbunot ng isang matinik na sanga mula sa basang balahibo ng tupa. Kaya’t mapupunit ang kanyang kaluluwa pati na ang kanyang mga ugat at mga litid.
Isusumpa siya ng bawa’t Anghel na nasa pagitan ng langit at lupa, gayundin ang bawa’t Anghel na nasa langit. Isasara ang pintuan ng mga langit. Magsusumamo sa AllahU ang lahat ng Anghel sa bawa’t pintuan na hindi sana dadaan sa kanilang pintuan ang kaluluwang ito. Kukunin ng Anghel ng Kamatayan ang kaluluwa, at sa kanyang pagkuha hindi ito iiwan ng ibang Anghel sa kanyang kamay at sa isang kisap-mata’y ibabalot nila ito sa Masuh. Lalabas mula sa kaluluwang ito ang isang mabahong amoy na kasing-baho ng pinakabulok na bangkay na matatagpuan sa daigdig. Papailanlang ang mga Anghel na kasama ito at sa bawa’t pagdaan nila sa pangkat ng mga Anghel, magtatanong ang mga ito: ‘Sino ang masamang kaluluwang ito?’ Magsasabi ang mga pumapailanlang na mga Anghel: ‘Ito ay si…, ang anak ni…, at tatawagin siya sa pinakapangit na pangalang tawag sa kanya noong nabubuhay pa siya. Magpapatuloy sila hanggang sa marating nila ang pinakamalapit na langit. Hihingi sila ng pahintulot para sa kanya upang pumasok, subali’t hindi siya pagbubuksan. Sa puntong ito, nagsabi ang Propetar ng isang talata mula sa Qur’an:
Hindi bubuksan sa kanila ang mga pintuan ng langit at hindi sila papasok sa Paraiso hanggang makapasok sa butas ng karayom ang kamelyo. [Qur’an, Kabanata Al-A’raf-7 :40]
Ang Makapangyarihang AllahU ay magsasabi: Itala ang kanyang aklat sa Sijjin (ang talaan ng mga Masasamang Gawa) sa pinakamababang daigdig. At Siya ay magsasabi: Ibalik ang Aking alipin sa daigdig sapagka’t Aking ipinangako sa kanila na mula sa lupa, Aking lilikhain sila, dito Ko rin sila ibabalik, at mula rito, Aking ibabangon silang muli. Ibabagsak ang kaluluwa (ng yumao) mula sa langit hanggang sa pumasok ito sa kanyang katawan. Nagsabi ang Propetar ng isang talata mula sa Qur’an:
At sinumang magbigay ng katambal sa Allah, para bang bumagsak siya mula sa langit, at dinagit siya ng mga ibon, o itinapon siya ng hangin sa napakalayong pook.” [Qur’an, Kabanata Al-Hajj - 22:31]
Pagkatapos ibabalik ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. Ang nagsalaysay ay nagsabi: ‘Katiyakan, kanyang maririnig ang mga yapak ng kanyang angkan sa kanilang paglisan mula sa kanyang libingan. Iuupo siya ng dalawang Anghel na may kagimbal-gimbal na tinig at siya’y tatanungin: ‘Sino ang iyong Rabb (Panginoon)?’ Siya’y sasagot: ‘Huh, huh, hindi ko alam.’ At tatanungin siyang muli: ‘Ano ang iyong Deen (pananampalataya)? Siya’y sasagot: ‘Huh, huh, hindi ko alam. Muling magtatanong ang mga Anghel: ‘Ano ang masasabi mo tungkol sa taong ipinadala sa iyo?’ At hindi niya maalaala ang kanyang pangalan. At magsasabi ang mga Anghel na siya ay si Muhammadr. Siya ay sasagot: ‘Huh, huh, hindi ko alam. Narinig ko ang mga tao na nagsasabi ng tungkol diyan.’ At sasabihin sa kanya: ‘Hindi mo nalaman at hindi ka nagbasa.’ Isang tinig mula sa langit ang magsasabi: ‘Siya’y sinungaling! Bigyan siya ng mga gamit mula sa Impiyerno at buksan ang isang pintuan para sa kanya tungo sa Impiyerno. Makararating sa kanya ang init nito at nakakapasong hangin at magsisikip ang kanyang libingan at lilingkisin siyang magkakasanib-sanib ang kanyang mga tadyang. Isang pangit na tao na may pangit na pananamit at may masamang amoy ang lalapit sa kanya at magsasabi: ‘Masasamang balita ang sumaiyo na magbibigay sa iyo ng pasakit. Ito ang araw na ipinangako sa iyo.’ Ang yumao ay magsasabi: ‘Sino ka, nagdadala ng masama ang iyong mukha.’ Ang tao ay magsasabi: ‘Ako ang iyong masasamang gawa. Isinusumpa ko sa AllahU na hindi kita nakilala maliban sa iyong kabagalan sa pagsunod sa AllahU, at sa iyong mabilis na pagsuway sa Kanya. Kaya’t parurusahan ka ng AllahU sa iyong kasamaan.’ Pagkatapos nito, isang taong bulag, bingi at pipi na may dalang maso sa kanyang kamay ang itatalaga sa kanya. Kung pupukpukin niya ang bundok ng masong ito, magiging alabok ang bundok. Pupukpukin siya ng tao nang minsan at siya’y magiging alabok. Pagkaraan nito’y bubuuin siyang muli ng AllahU sa dati niyang anyo. Minsan pa siyang pupukpukin ng maso at dahil dito’y sisigaw ang yumao nang napakalakas, na maririnig ng lahat maliban sa Aththagalain (mga tao at Jinn).’ (Abu Dawood 1/282)
Sa naturan at iba pang mga Hadith, sadyang maliwanag na tatanungin ang tao tungkol sa pundasyon ng Tawheed (kaisahan ng AllahU). Siya ay tatanungin, ‘Sino ang iyong Rabb? Ano ang iyong Deen? Sino ang iyong Propeta?’ Ang Muslim ay mabilis at matatag na sasagot: ‘Ang AllahU ang aking Rabb, Ang aking Deen ay ang Islam, at si Propeta Muhammad ay aking Propetar.’ At ito ang kahulugan ng sinabi ng AllahU sa Banal na Qur’an:
Pananatilihing matatag ng Allah ang mga nananam-palataya, ng isang salita na mananatiling matatag dito sa mundo at sa Kabilang Buhay. [Qur’an, Kabanata Ibrahim - 14:27]
No comments:
Post a Comment