ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

Mga Katanungang Ihaharap sa Tao sa Araw ng Paghuhukom




Mga Katanungang Ihaharap sa Tao
Sa Araw ng Paghuhukom


Muling tatalakayin ang mga katanungang itatanong sa tao sa libingan, subali’t sa ibang paraan at sa lahat ng tao sa Araw ng Paghuhukom. Ang bagong kaayusan ay ang sumusunod:

1. Ang katanungan tungkol sa bagay na dating sinamba:

Maliligtas at magtatagumpay ang sinumang sumamba sa Allah nang bukod tangi. At itatapon sa Jahananam (Impiyerno) ang lahat ng gumawa ng kabaliktaran. Attawhid (Monoteismo sa Islam) ay ang pagsamba sa Allah lamang. Nararapat na mataimtim ang pag-sambang ito at naaayon sa mga ipinag-uutos ng Allah na Kanyang ipinahayag sa Kanyang Sugo na si Muhammad. Ang pagsamba ay dapat na dalisay para sa Allah. Kailangang malaya ito sa anumang Riya (pakitang-tao). Ang pagsambang nahaluan ng Shirk (poleteismo, pagsamba sa iba bukod pa sa Allah), pagkukunwari o ang pagsambang hindi nababatay sa Shari’ah ng Allah at walang patnubay mula sa Qur’an at sa Sunnah ay hindi makapagbibigay ng anumang buti sa gumagawa nito, at hindi makapagliligtas sa kanya sa Araw ng Paghuhukom. Ang Makapang-yarihang Allah ay nagsabi:

Ilalapit ang Paraiso sa mga Muttaqun (maka-Diyos at mga matutuwid). At ang Naglalagablab na Apoy ay ilalantad nang buo sa mga Ghawun (mapaggawa ng masama). At sasabihin sa kanila: ‘Nasaan na yaong dati ninyong sinasamba sa halip ng pagsamba sa Allah?’ Matutulungan ba kayo o matutulungan ang kanilang mga sarili? Pagkaraan ay ihahagis sila sa kanilang mga mukha sa Apoy, sila at ang mga Ghawun at ang lahat ng kampon ni Iblis (Satanas). Sila ay magsasabi habang nagtatalu-talo doon: ‘Isinusumpa namin sa Allah, kami ay tunay na nasa maliwanag na pagkakamali nang gawin namin kayong (mga diyus-diyusan) mga kapantay ng Rabb (Panginoon) ng ‘Alamin (Tao, Jinn at lahat ng nilikha). [Qur’an, Kabanata Ash-Shu’ara - 26:90-98]

O sila ba ay nagtayo ng katambal (sa pagsamba sa Allah)? Kaya’t hayaan silang dalhin ang (mga itinayong) katambal kung sila nga ay makatotohanan. [Qur’an, Kabanata Al-Qalam - 68:41]

Isinalaysay sa isang Hadith ni Abu Sa’eed Al Khudry (Nawa’y kalugdan siya ng Allah): Narinig ko ang Propeta na nagsabi: ‘Ilalantad ng Allah ang Kanyang lulod at ang lahat ng mga nananam-palatayang lalaki at babae ay magsisipagpatirapa sa harapan Niya. Subali’t mananatiling nakatayo yaong nagpatirapa sa mundo bilang pakitang-tao at upang makilala.  Sisikapin ng isa na magpatirapa subali’t ang kanyang likod ay magiging isa (at hindi maka-pagpapatirapa).’ [Al Bukhari, Aklat ng Tawheed, Pahina 24 at Muslim, Aklat ng Eeman Pahina 302]


2.  Ang katanungan tungkol sa mga gawa :

Sila na ang mga gawa ay tunay na dalisay para sa Allah, at naaayon sa Kanyang mga batas, ay maliligtas sa Araw ng Paghuhukom.

Sabihin: Kapag dumating sila (sa harapan ng kanilang Panginoon sa pook ng paglilitis), Siya (ang Allah) ay magsasabi: ‘Pinabulaanan ba ninyo ang Aking mga Ayat (katibayan, patunay, at mga talata) bagama’t hindi ninyo ito inunawa sa (pamamagitan ng) kaalaman (kung totoo ba o kasinungalingan), o ano yaong (iba pang) dati ninyong ginagawa? [Qur’an, Kabanata An-Naml - 27:84]
Sa isang Hadith na isinalaysay ni At-Tirmidhi mula kay Abu Barzah Al Asiam na ang Propeta  ay nagsabi: “Hindi hahakbang ang mga paa ng alipin (ng Allah) hanggang sa tanungin siya tungkol sa kanyang buhay at kung papaano niya isinabuhay ito; tungkol sa kanyang kaalaman at kung ano ang ginawa dito; tungkol sa kanyang kayamanan at kung saan kinuha ito at kung papaano ginugol ito; at tungkol sa kanyang katawan at kung papaano ginamit ito.”

3. Ang katanungan tungkol sa pagtugon sa panawagan ng mga Sugo ng Allah:

Silang sumusunod kay Propeta Muhammad sa kanilang pagsamba ay maliligtas sa ganoong katayuan ayon sa tamang sagot ng mga katanungan. At ang kasagutan ng mga taong hindi sumunod kay Propeta Muhammad ay:  Hindi ko alam, narinig ko ang taong nagsasabi ng isang bagay at inuulit ko ito.”  Subali’t ang mga Mu’min ay magsasabi: “Nabasa ko ang Aklat ng Allah at naniwala dito.” Sa Araw ng Paghuhukom, ang tao ay tatanungin: “Papaano ninyo tinugon ang Sugo?

Nasasaad sa Banal na Qur’an:

At sa Araw na sila’y tatawagin (ng Allah) at magsasabi: ‘Anong katugunan ang ibinigay ninyo sa mga Sugo?’ [Qur’an, Kabanata Al-Qasas - 28:65]

4. Ano ang Dapat Malaman at Paniwalaan?

Na ang Allah ang Siyang may likha sa lahat ng nilikha. Siya ang Rabb (Panginoon) sa buong san-libutan. Kaya’t Siya ang Tanging Nag-iisa na dapat sambahin. Hindi Niya tatanggapin ang anumang pagsamba na iniukol sa iba bukod pa sa Kanya. Ni hindi Niya tatanggapin ang pagsamba na may kasama Siya. Sinumang magbigay ng katambal ng anuman o sinuman sa pagsamba sa Allah, Kanya itong itatakwil kasama ng kanyang Shirk (pagsamba sa diyus-diyusan). Ang Allah lamang ang may katangian ng pagiging ganap. Nakaluklok Siya sa kataas-taasan at sadyang malaya sa anumang kakulangan. Dapat ding malaman na hindi nagkaroon ng asawa o anak ang Allah. Na walang sinumang maaaring mamagitan sa Kanya at ng Kanyang mga nilikha. Nasa kataas-taasan Siya sa Kanyang Luklukan. Iba Siya sa lahat ng Kanyang mga nilikha; walang anuman na katulad Niya. Siya ang Nakaririnig ng Lahat, ang Nakakakita ng Lahat. Nangingibabaw sa lahat ang Kanyang Kaalaman at Habag.

2.  Na ang Islam ang tunay na pananampalataya kung saan Nasakha (ipinawalang-bisa) ng Allah ang lahat ng naunang mga pananampalataya. Sakop ng Islam ang lahat ng mga ito.  Kasama nito kung ano ang nasa ibang mga pananampalataya na nagmula sa Maka-pangyarihang Allah. Walang tatanggaping ibang pananampalataya ang Allah maliban sa Islam.

3.  Na ang Propeta Muhammad ang huling Sugo,  at ang kanyang mensahe ang siyang panghuli sa mga mensahe. Walang Propetang darating pa pagkatapos niya, at ang Kapahayagan mula sa Allah ay nahinto na pagkatapos mamatay ang Propeta . Sinumang nagsasabing tumatanggap ng kapahayagan mula sa Allah ay isang Kafir (di-nananampalataya). Anuman ang inaangkin niyang natatanggap ay walang iba kundi isang bulong mula kay Satanas.

Na ang Qur’an ang huli sa mga Aklat na naipahayag mula sa Allah, na ang Allah na rin ang nangako sa pagpapanatili sa kadalisayan nito. Ang Qur’an ay mananatiling ligtas sa pagbabago, pagda-ragdag at pagbabawas hanggang sa alisin ng Allah ang mga talata mula sa Aklat at alisin sa mga puso ng tao sa kawakasan ng panahon, katulad ng nasasaad sa isang Hadith na isinalaysay ni Addrami mula kay ibn Masaudi: Darating ang isang gabi na bawa’t talata ng Qur’an, maging nasa Aklat o nasa puso ng tao ay maglalaho. [Addarami 2/135 & Sunnan ibn Majah]

Sinumang magsabi na ang Qur’an ay naglalaman ng pagdaragdag at pagbabawas ay isang Kafir (di-nananampalataya) at nawawalay sa Islam.

Na ang mga kasama ni Propeta Muhammad ang pinakamahusay sa sangkatauhan pagkaraan ng mga Propeta at Sugo. Kinalulugdan sila ng Allah, at pinili sila ng Allah upang maging kasama ng Propeta at upang maging tagapagkalinga ng Kanyang pana-nampalataya. Sila ang nagsalaysay sa atin ng Sunnah ng Sugo nang may pananalig at katotohanan. Sila ang nagpamana sa atin ng lahat ng sinabi, ginawa at katangian ni Propeta Muhammad . Kanilang ibina-hagi ang lahat ng ito nang tama at maliwanag sa mga tao pagkatapos nila sa pamamagitan ng salita nang walang kaguluhan o iba pang kahulugan. Sinumang mapoot sa kanila, o manghamak sa isa man sa kanila, o magsabi na isa man sa kanila ay Kafir, siya mismo ang Kafir (di-nananampalataya).

Ito ang mga naitala tungkol sa paksang ito. Hinihingi ko sa Kataas-taasang Allah na sana’y magdulot ito ng kabutihan sa mga Muslim saan man sila naroroon, at nawa’y tanggapin Niya ang munting pagsisikap na ito.

Igawad nawa ng Allah ang Kanyang habag at kapayapaan kay Propeta Muhammad , sa kanyang pamilya at mga kasama,  Ameen.


No comments:

Post a Comment