Ang mga Nakalalabag sa Islam
Maaaring matalikod ang isang Muslim sa kanyang Relihiyon sa pamamagitan ng maraming uri ng mga bagay na Nakalalabag sa Islam. Kabilang sa pinakamapanganib at pinakamadalas na mangyari sa mga ito ay ang sampung ito:
1. Ang Shirk o Pagtatambal kay Allah.
"…Tunay na ang sinumang magtambal kay Allah ay ipinagkait na ni Allah sa kanya ang Paraiso at ang magiging tuluyan niya ay ang Impiyerno. At mawawalan ang mga Lumalabag sa katarungan ng mga tagatulong." (5:72)
Kabilang din sa Shirk ang pananalangin sa mga patay na, ang pagpapasaklolo sa kanila, ang pamamanata sa kanila, at ang pag-aalay sa kanila.
2. Ang gumagawa ng mga tagapagitna (intermediary) sa pagitan niya at ni Allah — pinananalanginan ang mga ito, hinihilingan ang mga ito ng Pamamagitan (intercession) at inaasahan ang mga ito—ay naging Kafir na.
3. Ang hindi nagturing na mga Kafir ang mga Mushrik o nag-alinlangan sa pagiging Kafir nila o nagtuturing na tama ang kanilang paniniwala ay naging Kafir na.
4. Ang naniwala na ang patnubay ng iba pa sa Propeta (saw) ay higit na perpekto kaysa sa patnubay nito, o ang hatol ng iba pa rito ay higit na magaling kaysa sa hatol nito, siya ay isa nang Kafir. Iyan ay katulad ng naniniwala na ang mga patakaran at ang mga batas na ginawa ng mga tao ay mainam pa kaysa sa Batas ng Islam, o na ang patakaran ng Islam ay hindi naaangkop na ipatupad sa panahon ngayon, o na ito ang isang dahilan ng di-pagsulong ng mga Muslim, o na lilimitihan na lamang ang Islam sa ugnayan sa pagitan ng tao at kanyang Panginoon at hindi na ito manghihimasok pa sa ibang mga aspeto ng buhay, o na naniniwalang ang pagpapatupad sa patakaran ni Allah kaugnay sa pagpuputol ng kamay ng magnanakaw o pagbabato sa mangangalunyang may-asawa o dating may-asawa ay hindi nababagay sa panahon ngayon.
Napapaloob din dito ang paniniwalang ipinahihintulot na humatol nang hindi ayon sa Batas ni Allah kaugnay sa mga Mu'amalah (1) o kaugnay sa pagpataw ng mga kaparusahan at iba pa, kahit pa man hindi maniwalang iyon ay mainam pa kaysa sa Batas ng Islam sapagkat sa pamamagitan niyon ay itinuring nang ipinahihintulot ang ipinagbawal ni Allah. Ang bawat isang nagtuturing na ipinahihintulot ang ipinagbawal ni Allah, siya ay isang Kafir.
5. Ang nasusuklam sa anuman sa katuruang ihinatid ng Sugo (saw), kahit pa man ginagampanan niya ito, ay naging Kafir na. Nagsabi si Allah:
"Iyan ay sapagkat sila ay nasuklam sa ibinaba ni Allah kaya naman pinawalang-kabuluhan Niya ang kanilang mga gawa." (47:9)
6. Ang nangungutya sa anuman sa Relihiyon ng Sugo (saw) o sa gantimpala o sa kaparusahan nito ay naging Kafir na. Nagsabi si Allah:
"…Sabihin mo: "Kay Allah, sa Kanyang mga Kapahayagan, at sa Kanyang Sugo ba kayo nangungutya? Huwag na kayong magdahilan; tumalikod na kayo sa pananampalataya pagkatapos ng pananampalataya ninyo.…" (9:65-66)
7. Ang Panggagaway. (2) Ang nagasasagawa nito o tumatangkilik dito ay naging Kafir na.
"…Ngunit hindi nagtuturo ang dalawang ito sa sinuman hangga't hindi sinasabi ng mga ito: "Kami ay tukso lamang, kaya huwag kang tumalikod sa pananampalataya.” (2:102)
8. Ang pagkampi at ang pakikipagtulungan sa mga Mushrik laban sa kapwa mga Muslim. Nagsabi si Allah:
"…At ang sinuman sa inyong gagawing tagatangkilik sila, tunay na siya ay kabilang na sa kanila. Tunay na si Allah ay hindi nagpapatnubay sa mga taong Lumalabag sa katarungan." (5:51)
9. Ang naniniwala na may mga tao na maaaring hindi masaklawan ng Batas na ipinahayag kay Muhammad (saw), siya ay Kafir na sapagkat ang sabi ni Allah:
"At ang sinumang maghahangad ng iba pa sa Islam bilang relihiyon, hindi matatanggap iyon sa kanya; at siya sa Kabilang-buhay ay mapabibilang sa mga talunan." (3:85)
Hindi pinahihintulutan ang sinumang inabot ng mensahe ni Propeta Muhammad (saw) na sumunod sa batas ng iba pa sa kanya o maniwalang ang kaligtasan ay nasa pagsunod sa pamamaraan na iba pa sa kanyang pamamaraan.
10. Ang pag-ayaw sa Relihiyon ni Allah (Islam) : hindi pinag-aaralan ito at hindi kumikilos ayon sa mga katuruan nito sapagkat ang sabi ni Allah:
"At sino pa ang higit na lumalabag sa katarungan kaysa kanya na pinaalalahanan na hinggil sa mga kapahayagan ng kanyang Panginoon at pagkatapos ay inayawan pa niya ang mga ito? Tunay na Kami, sa mga sumasalansang, ay maghihiganti." (32:22)
Iyan ay sa pamamagitan ng pag-ayaw na matutunan ang pangunahing katuruan ng Islam na sa pamamagitan nito ang tao ay nagiging Muslim. Hindi ibig sabihin nito na obligadaong pag-aralan ang lahat ng detalye ng Islam.
Walang pinagkaiba sa lahat ng mga Nakalalabag na ito sa pagitan ng taong seryoso o di-seryoso o nagbibiro, maliban na lamang sa napilitan sapagkat wala siyang pananagutan sa ganitong kalagayan.
-------------------------- -------------------------- -------------------------- ------------------------
(1) Ang Mu'amalah ay ang anumang gawaing ginagawa ng mga tao sa pagitan nila tulad halimbawa ng pagtitinda at pagbili, pangungutang at pagpapautang, paghingi at pagbibigay, pagpapamana at pagmamana at iba pang mga tulad nito.
(2) Ang panggagaway o Sihr sa wikang Arabe ay ang anumang gawaing gumagamit ng karunungang itim o nagpapatulong sa mga jinni o mga masamang espiritu o mga maligno. Ang mga taong maituturing na nagsasagawa ng panggagaway ay ang mahikero, albularyo, mangkukulam,faithhealer, mangagayuma, manghuhula, at iba pang maituturing na kabilang sa kanila. Subalit hindi lahat ng taong nag-aangkin o tinataguriang mahikero o albularyo o manghuhula ay mga tunay na manggagaway dahil ang iba sa kanila ay wala naman talagang kapangyarihang manggaway; nanunuba lamang sila ng mga uto-uto.

--------------------------

No comments:
Post a Comment