ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Friday, December 2, 2011

Ang Pagkuha sa Kaluluwa at ang Kalagayan sa Libingan



Naiulat na si Al-Bara bin Azib ay nagsabi: Kami ay umalis kasama ang Propeta(saws) upang dumalo sa libing ng isang yumao mula sa Ansar. Kami ay dumating sa libingan subali’t ang hukay ay hindi pa lubos na naihahanda. Kaya si Propeta Muhammad(saws) ay umupong nakaharap sa Quibla at kami ay umupong paikot sa kanya, nagmamatyag at nakikinig na para bang may mga ibong nakadapo sa aming mga ulo. Siya ay may hawak na patpat na kanyang iginuguhit sa lupa. Pagkatapos nito’y nagsimula siyang tumingin sa langit at kapagdaka’y sa lupa nang ilang ulit. Sa huling pagtaas ang kanyang paningin at pagbaba nito, sa wakas siya’y nagsabi: “Magpakupkop sa Allah(1) laban sa parusa sa libingan.”
.
Pagkatapos siya ay nagsabi; “O Allah, katiyakang ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa parusa sa libingan.” Inulit niya ito ng tatlong beses at kanyang ipinaliwanag ito: Katotohanan, kapag ang mananampalatayang alipin ay lilisan sa mundong ito at papasok sa kabila, ang mga anghel sa langit ay bababa at tutungo sa kanya. Ang kanilang mga mukha ay nagliliwanag katulad ng liwanag ng araw at sila ay may mga dalang telang panlibing at pabango mula sa Paraiso. Mauupo sila sa kanyang harapan sa layo na abot ng kanyang paningin. Pagkatapos, ang Anghel ng Kamatayan ay darating sa yumao, uupo sa kanyang ulunan at magsasabi; “Oh mabuting kaluluwa, lumabas ka sa kapatawaran at kasiyahan ng iyong Panginoon”, kapagdaka'y lalabas ang kaluluwa sa katawan na parang tubig na marahang dumadaloy sa labi ng lalagyang tubig at ang lahat ng mga anghel sa pagitan ng langit at lupa ay mananalangin na nawa’y ipagkaloob ng Allah(swt) ang Kanyang biyaya sa kanya. Ang mga pinto ng kalangitan ay bukas para sa kanya at ang lahat ng tagapagbantay ng mga pintuang ito ay nagsusumamo sa Allah(swt) na nawa'y idaan sa harapan nila ang kaluluwang ito habang itinataas sa langit. Ang Anghel ng Kamatayan ay kukunin ang kaluluwa at pagkatapos niyon ay kukunin ito ng ibang anghel at babalutin ng telang may pabango. Ito ang ibig sabihin ng salita ng Allah(swt):

Ang Aming mga sugo (mga anghel) ay huhugutin ang kanyang kaluluwa at sila'y hindi magpapabaya sa kanilang mga tungkulin. (Qur'an 6 :61)

Pagkatapos ang Propeta(saws) ay nagsabi; “Sisingaw mula sa kaluluwa ang pinakamabangong amoy ng isang musko na matatagpuan sa mundong ito.” Ang mga anghel ay aakyat kasama ng kaluluwa, wala ni isang grupo ng mga anghel ang hindi maririnig na magsasabi; “Sino itong kahanga-hangang kaluluwa?” Sila ay sasagot; “Si ganito, si ganito, anak ni ganito at ganito,” tinatawag siya sa pinakamagandang pangalan na napag-alaman sa kanya noong siya ay nabubuhay pa sa lupa. Sa kanilang pagdating sa unang kalangitan, ang mga anghel ay hihiling na buksan ang pinto para sa kaluluwa at ito'y pahihintulutan. Ang kaluluwa ay sasamahan ng mga anghel sa bawa't pintuan hanggang sa maabot nila ang pinakataas nito, ang pinakahuli, ang ikapitong kalangitan. Pagkatapos, ang Allah(swt), ang Makapangyarihan at Dakila ay magsasabi sa mga anghel “Ilagay ang talaan ng Aking alipin sa Illiyun (Talaan)”, magkagayon ang talaan ng mga gawa ng taong iyon ay ilalagay sa Illiyun, pagkatapos nito’y isang utos ang maririnig: “Ibalik siya sa lupa, sapagka't katotohanang Aking ipinangako sa sangkatauhan na matapos Ko silang likhain sa pamamagitan ng lupa, Aking ibabalik sila rito. At pangyayarihin Kong ilabas silang muli mula rito sa ibang panahon.”

Pagkatapos ang kaluluwa ay ibababa sa lupa, pabalik sa kanyang katawang lupa. Katiyakan, maririnig ng yumao ang mga yabag ng mga taong nakipaglibing sa kanya sa kanilang paglisan at paglayo sa kanyang libingan. Kapagdaka’y dalawang anghel, mahigpit at mabalasik sa pagtatanong ang lalapit sa kanya, iuupo siya at sila'y magsisimulang magtanong sa kanya. Sila’y magsasabi; “Sino ang iyong Panginoon?” Siya ay sasagot; “Ang Panginoon ko ay ang Allah(swt),” Sila’y magpapatuloy; “Ano ang iyong panuntunan ng buhay?” Siya ay sasagot; “Islam ang aking panuntunan ng buhay.” Sila’y patuloy na magtatanong, “Sino ang taong isinugo sa iyo?” Siya ay sasagot; “Siya ang Sugo(saws) ng Allah(swt),” Pangwakas ay tatanungin siya tungkol sa kanyang mga gawain na kung saan siya ay sasagot; “Ako ay nagbabasa ng Aklat ng Allah(swt) at ako ay naniniwala rito.”

Sa isang ulat at salaysay, si Propeta Muhammad(saws) ay nagpahiwatig na ang mga anghel na ito ay magtatanong; “Sino ang iyong Panginoon? Ano ang iyong panuntunan ng buhay? At sino ang iyong Propeta?” (Ipinaliwanag ng Sugo(saws) ng Allah(swt)) na ito ang magiging huling pagsusulit ng isang mananampalataya sa libingan, at ito ang ibig sabihin ng sinabi ng Allah(swt); “Pinatitibay ng Allah(swt) ang mga mananampalataya ng matatag na patotoo sa mundong ito at sa kabilang buhay.” Ang yumao ay sasagot (sa libingan), “Ang Panginoon ko ay ang Allah(swt), Islam ang aking panuntunan ng buhay, at ang Propeta ko ay si Muhammad.” Sa pagsagot ng mananampalataya sa mga tanong na ito, isang tinig muli sa mga kalangitan ang maririnig, “Ang Aking alipin ay nagsasabi ng totoo, kaya damitan siya ng damit mula sa Paraiso, ihanda para sa kanya ang mga sangkap ng Paraiso, at buksan para sa kanya ang isang bintana na may tanawin sa Paraiso.” Kapagdaka’y masasamyo niya ang sariwa at mabangong hangin samantalang ang kanyang libingan ay palalawakin na ang layo ay abot-tanaw. Mula roon ay lilitaw sa kanyang harapan ang isang lalaki na may maamong mukha at may magarang kasuotan, nagdudulot ng napakainam na bango. Siya ay magsasabi sa kaluluwa, “Magdiwang sa balitang magpapaligaya sa iyo. Magdiwang sa kasiyahan ng Allah(swt) at sa Kanyang Paraiso, na ang kasiyahan at galak ay hindi magmamaliw. Ito ang araw na ipinangako sa iyo.” Ang yumao ay magsasabi sa kanya, “At sino ka na ang iyong mukha ay nagbibigay ng mabuting balita?" Ang tao’y magsasabi; “Ako ay kumakatawan sa iyong mabubuting gawa; isinusumpa ko sa Allah(swt), lagi kitang napag-aalaman na napakabilis sa pagsunod sa Allah(swt) at napakabagal sa pagsuway sa Kanya. Kaya gantimpalaan ka nawa ng Allah(swt) ng kabutihan”. Magkagayon isang pinto ng Paraiso at Impiyerno ang bubuksan sa kanyang harapan, sa gayong kalagayan sasabihin sa kanya tungkol sa Impiyerno, “Ito sana ang iyong magiging tirahan kung sinuway mo ang Allah(swt), nguni’t ito'y pinalitan nito (Paraiso).” Kapag nakita ng kaluluwa kung ano ang nasa loob ng Paraiso, siya ay mapapanalangin, “O Aking Panginoon, pangyarihin Mong dumating na ang Araw ng Paghuhukom upang makapiling ko na ang aking mga mahal sa buhay at makamtan ko na ang aking yaman,” Kapagdaka’y sasabihin sa kanya, “Mamahinga ka nang may kapayapaan.”

Ang Sugo(saws) ng Allah(swt) ay nagpatuloy; Kapag ang di-mananampalataya ay lilisan sa mundong ito at papasok sa kabila; mga mababagsik na anghel sa langit ay bababa patungo sa kanya. Ang kanilang mga mukha ay maiitim at may mga dala silang magaspang na telang galing sa Impiyerno. Mauupo sila sa kanyang harapan sa layo na abot ng kanyang paningin. Pagkatapos, ang Anghel ng Kamatayan ay darating sa taong iyon, uupo sa kanyang ulunan at magsasabi, “O masamang kaluluwa lumabas ka sa galit at sumpa ng iyong Panginoon”. Kapagdaka, ang kaluluwa sa loob ng katawan ay mababalutan ng matinding pagkatakot at hindi lalabas sa katawan. Sa ganoong kalagayan ay marahas na huhugutin ng Anghel ng Kamatayan ang kanyang kaluluwa palabas katulad ng paghugot ng kalaykay na bakal sa basang lana, pinupunit nito bawa't hibla at himaymay (sa kanyang katawan). Sa ganitong kalagayan, ang kaluluwa ay isinusumpa ng bawa't anghel sa pagitan ng langit at lupa at ng lahat ng mga nasa mga kalangitan. Ang mga pinto ng mga kalangitan ay sarado para sa kanya at bawa't bantay sa mga pintuan nito ay nagsusumamo sa Allah(swt) na nawa'y huwag idaan sa kanilang harapan ang kaluluwang ito habang itinataas. Ang Propeta(saws) ay nagpatuloy, ang Anghel ng Kamatayan ay kukunin ang kaluluwa at pagkatapos niyon ay kukunin ng ibang anghel at babalutin siya ng telang magaspang (na mula sa Impiyerno). Doon ay sisingaw ang napakamabahong amoy na matatagpuan sa ibabaw ng lupa. Sila (ang mga anghel) ay aakyat kasama nito, wala ni isang grupo ng mga anghel ang hindi maririnig na nagsasabi, “Sino itong napakapangit na kaluluwa?" sila ay sasagot; “Si ganito, si ganito, anak ni ganito, at ni ganito.” tinatawag siya sa pinakamasamang pangalan na siya ay napag-alaman at nakilala sa mundong ito.

Sa kanilang pagdating sa unang kalangitan, ang mga anghel ay hihiling na buksan ang pinto para sa kaluluwa nguni’t ito ay tatanggihan. Sa ganitong pagkakataon, binasa ng Sugo(saws)ng Allah(swt) ang sumusunod na talata:

...ang mga tarangkahan ng kalangitan ay hindi bubuksan para sa kanya, o sila'y hindi makapapasok sa Paraiso hanggang sa ang isang kamelyo ay makapasok sa butas ng karayom. (Qur'an 7:40).

At muling nagpatuloy sa kanyang pagsasalaysay. Pagkatapos nito, ang Allah(swt) – ang Makapangyarihan at Dakila ay magsasabi sa mga Anghel; “Ilagay ang talaan ng Aking alipin sa Sijjen” (talaan ng masasamang gawa) sa pinakamababang kalangitan). Magkagayon, ang talaan ng mga gawa ng taong iyon ay ilalagay sa Sijjen, pagkaraa’y isang utos ang maririnig. “Ibalik siya sa lupa, sapagka't katiyakan, Aking ipinangako sa sangkatauhan na matapos Ko silang likhain sa lupa Aking ibabalik sila rito. At pangyayarihin Kong ilabas muli sila mula rito sa ibang panahon.” Pagkatapos ng utos na ito ang kaluluwa ay itatapon pababa, mula sa langit hanggang sa bumagsak ito pabalik sa kanyang katawang lupa. Sa ganitong pagkakataon, binasa ng Sugo(saws) ng Allah(swt) ang sumusunod na talata:

At sinumang nagtambal sa Allah, siya ay para bang nahulog sa langit, at dinagit siya ng mga ibon, o itinapon ng hangin sa isang malayong pook.(Qur’an-22:31)

Pagkatapos siya ay nagbigay puna; Katiyakan maririnig ng yumao ang mga yabag ng mga taong nakipaglibing sa kanya sa kanilang paglisan at paglayo sa kanyang libingan. Kapagdaka’y dalawang anghel, mahigpit at mabalasik sa pagtatanong, ang lalapit sa kanya at iuupo siya at sila'y magsisimulang magtanong sa kanya. Sila'y magsasabi, “Sino ang iyong panginoon?” Siya ay sasagot; “Huh! Huh! Hindi ko alam!” Sila’y magpapatuloy sa pagtatanong; “Ano ang iyong panuntunan ng buhay?” Siya ay sasagot: “Huh! Huh! Hindi ko alam!” Sila'y magpapatuloy sa pagtatanong at magsasabi: "Ano ang masasabi mo sa taong ito na isinugo sa iyo?” (Ang di mananampalataya ay makikitang di nauunawaan ang tinatanong ng mga anghel tungkol sa Huling Sugo(saws) ng Allah(swt) at muli siyang sasagot; “Huh! Huh! Hindi ko alam. Narinig ko lamang ang mga tao na nag-uusap tungkol sa kanya” Tapos ay sasabihin sa kanya; “Hindi mo alam at hindi ka nagbasa!” Kapagdaka'y isang tinig muli sa mga kalangitan ang maririnig, “Siya ay nagsisinungaling kaya ihanda ang kanyang lugar sa Impiyerno at buksan para sa kanya ang bintana ng Impiyerno.” Kapagdaka, ang init ng apoy sa Impiyerno ang babalot sa kanya habang ang kanyang libingan ay magsisikip papunta sa kanya, dinudurog siya hanggang ang kanyang mga tadyang ay magkabali-bali at magkasalu-salubong. Mula roon ay lilitaw sa kanyang harapan ang isang lalaki na may napakapangit na mukha at kasuotan, nagdudulot ng napakabahong amoy at magsasabi sa kanya; "Sumaiyo nawa ang masamang balita. Ito ang araw na ipinangako sa iyo.” Ang yumao ay magsasabi sa kanya; “At sumaiyo rin, nawa'y pagkalooban ka ng Allah(swt) ng masamang balita! Sino ka na ang iyong mukha ay may bahid kasamaan?” Ang tao ay magsasabi; “Ako ang kumakatawan sa iyong masasamang gawa. Isinusumpa ko sa Allah(swt), lagi kitang napapag-aalaman na napakabilis sa pagsuway sa Allah(swt) at napakabagal sa pagsunod sa Kanya, kaya nawa'y gantimpalaan ka ng Allah(swt) ng kasamaan”. Pagkatapos isang bulag, pipi at bingi na may dalang pamalong bakal ang ipadadala sa yumao, kapag kanyang papaluin ang isang bundok, ito ay guguho. Kanyang papaluin ang yumao at siya’y magiging alabok. Kapadaka'y ibabalik muli siya ng Allah(swt) sa orihinal niyang anyo, sa ganitong kalagayan ay muli siyang pupukpukin. Siya’y mapapasigaw nang napakalakas na kung saan maririnig ng lahat ng nilikha maliban sa mga tao at Jinn. Magkagayon ang pinto ng Impiyerno ay bubuksan at ang higaan na apoy ay itatambad sa kanya. Dahil dito siya ay mananawagan; “Panginoon, huwag Mong pangyarihing dumating ang Araw ng Paghuhukom!”
Talababa
(1) Ang Allah ay Siyang Tanging Nag-iisang tunay na Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng tapat at wagas na pagsamba, pagmamahal at pagsunod. Ikalawa, Siya ang Tanging Tagapaglikha na inaasahan ng lahat ng nilikha bilang Tanging pinagkukuhanan ng kabuhayan. Ikatlo, ang mga Banal na Katangian at Magagandang Pangalan ng Allah ay hindi maaaring iakibat o iugnay sa kaninumang mga nilikha. Ang pagpapatupad ay nangangahulugan din na ang Allah, Luwalhati sa Kanya, ang Kataas-taasan, ay ganap na malayo sa anupamang kakulangan o kagahulan, at walang anumang bagay ang maihahalintulad sa Kanya
(swt) – Subhanahu wa Taala (Ang Papuri ay sa Allâh lamang – ang Kataas-taasan)
(saws) - Salla Allahu Alaihi wa Sallaam (Isang pangungusap sa wikang Arabik na ang kahulugan ay: ‘Nawa'y itampok ng Allah ang pagbanggit sa kanya at iligtas siya sa anumang paninira at kasamaan.’ Lagi itong binibigkas ng mga Muslim sa tuwing binabanggit o nadirinig ang pangalan ng Propeta)

Ang Talakayan ng Bible at Qur'an




Mag talakayan tayo tungo sa pag unlad ng ating kaalaman alamin ang tamang pagtangap sa tamang pananampalataya to sa pagtuklas sa nag iisang panginoon(ALLAH subhanna wat'ala

For the benefit of Christian readers, this introduction provides some essential information about Islam in addition to the Islamic attitude towards Christianity and the Bible:

Who is Allah?

Say (O Muhammad): he is Allah,the One and only;
Allah, to Whom the creatures turn for their needs;
He begets not, nor was He begagotten; and there is none like to Him." (Qur'an, 112:1-4)


'Allah'(subhanna wat'ala) is the name of the God of Muslim, Christians and Jews. He is the God of
Prophet Moses'peace be upon him'(pbuh), Prophet Jesus (pbuh),
Prophet Muhammad (pbuh) and all the other Prophets.
The name 'Allah'(subhanna wat'ala) is not a new name, but rather the true name of God. it is used by Muslims as well as arabic-speaking Christians.


...and say: "We believe in that which has been revealed
to us and revealed to you (Jews and Christians);" (Qur'an,29:46)
what is Qur'an?


The Qur'an is the literal Word of Allah revealed to his Prophet Muhammad (pbuh),
through the angel Gabriel, about fourteen hundred years ago.
The Qur'an is the eternal miracle of Islam.
Allah(subhanna wat'ala) has Challenged mankind to produce anything to match it
or even match one short chapter of it, yet no human has ever been able to meet the Challenge.


And if you are in doubt about what We have reveald to Our slave (Muhammad), then produce a chapter of the like thereof, and call your witness (supporters and helpers) besides Allah if you are truthful. (Qur'an,2:23)




 IS GOD UNHELPFUL?

What the Bible Says


Hear my prayer,O Lord, listen to my cry for help; be not deaf to my weeping....(Psalm 39:12).

Why do you hide your face and forget our misery and oppression? (Psalm44:24).


What the Qur'an SAys

And when My slaves ask you (O Muhammad) concerning Me, then I am indeed close (to them ). I respond to the prayer of the supplicant when he alls on Me. So that they may be led aright. (Qur'an 2:186)
Is not He best Who responds to the soul distressed when it calls on Him, and Who removes the evil, and makes you inheritors of the earth? Is there any god with Allah? Little is that you heed! (Qur'an, 27:62)

 DOES GOD SLEEP?

What the Bible Says

Then the Lord awake as from sleep, as a man wakes from the stupor of wine. (Psalm 78:65)


Awake, O lord! Why do you sleep? rouse yourself!...(Psalm 44:23)

What the Qur'an Says

Allah, none has the right to be worshiped but He, the Ever Living, the One who who sustains and protects
all that exists. Neither slumber nor sleep overtakes Him. To Him belongs whatever is in the heavens
and whatever is on the earth. (Qur'an, 2 255)

 ipag patuloy po natin ang talakayang ito sa pagkat dito nyo makikita ang dalawang kasulatan kung sino ang mayganap na katutuhanan.


IS GOD UNJUST?

What the Bible Says

....Aweke, my God; decree justice, (Psalm 7:6)


why does the Almighty not set times for judgment?....(Job 24:6)


Let God weigh me in honest scales and he will know that I am blameless. (Job 31:6


then know that God has wronged me and drawn his net around me. Though I cry, 'I've been wronged!
I get no response; though I call for help, there is no justice. (Job 19:6-7)

What the Qur'an Says

Truly, Allah wrongs not mankind in aught, but mankind wrong themselves. (Qur'an 10:44)

Surely, Allah wrongs not even of the weight of an atom, but if there is any good deeds, He doubles it and
gives from Him a great reward.(Qur"an 4:40)

Think not Allah is unaware of what the wicked do. but He gives them a respites till a Day when eyes will stare in terror. (Qur'an 14:42)

 dito naman tayo sa description sa taga paglikha ayon sa (Bibliya at Qur'an)

GOD'S DESCRIPTION

What the Bible Says

...they trembled because he (God) was angry. Smoke rose from his (God) nostrils; consuming fire came from his (God, burning coals blazedout of it.(2 Samuel 22:8-9).


(GOD rides an angel (cherub) )


And he (God) rode upon a cherub, and did fly: and he was seen upon the wings of the wind. (2 Samuel 22:11)(KJV).


What the Qur'an Says

And who can be more unjust than he who invents a lia against Allah. (Qur'an, 6:93)


There is nothing like Him; and He is the All- Hearer, the All-seer (Qur'an 42:11)


So invent not similitudes for Allah ( as there is nothing similar to him, nor He resembles anything). Truly, Allah knows and you know not. (Qur'an, 16:74)


 CAN GOD BE SEEN?

What Bible Says


So Jacob called the place peniel, saying,"it is because I saw God face to face, and yet my life was spared.(Genesis32:30)


Moses and Aaron, Nadab and Abihu, and the seventy elders of Israel went up and saw the God of Israel...
(Exodos24:9-10)


contradicting Verses from the Bible


But, he (God) said," you cannot see my face, for no one may see me and live"....(Exsodus 33:20)
No one has ever seen God...(1John 4:12)


What the Qur'an Says


No vision can grasp Him, but He grasps all vision.(Qur'an,6:103)


 GOD

DOES GOD RELAX?

What the Bidle Says:

...for in six days the Lord made heaven and earth, and on the seventh day he rested, and was refreshed. (Exodus 31:17) (KJV)

...on the seventh day he (God) rested from all his work. (Genesis 2:2)

What the Qur'an Says

And indeed We created the heavens and the earth and all between them in six days
and nothing of fatigue touched us. So bear with patience (O Muhammad) all that they say,
and glorify the praises of your Lord, before the rising of the sun and before setting. And during a part of the night glorify His praises and after the prayers...

We are best aware of what they say. and you (O Muhammad) are not one to force them (to belief); but warm by the Qur'an him who fears My threat. (Qur'an, 50:38-45)



Say (O Muslims):"We beleave in Allah and that which has been sent down to us and that which has been sent down to Abraham,Ishmail, Isaac, Jacob, and to the Tribes, and that which has been given to Moses and Jesus,and that which has been given to the Prophets from their Lord. We make no distinction between any of t5hem, and to Him we have submitted (in Islam)."(Qur'an,2:136).


The Qur'an mentioned the names of the some of those Books: Scriptures of Abraham, the Torah, the Zabur (Psalms), and the Injeel (Gospel). The Scriptures of Abraham were completely lost,
while some part of the original Torah, Psalms and Gospel are still preserved in the bible mixed with what people's own hands wrote, as confirmed in the Qur'an:

Then woe to those who write the Book with their own hands
and then say, This is from Allah," to puschase
with it little price! Woe to them for what their hands have written
and woe to them for that they earn thereby. (Qur'an,2:79)



In the Name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful


Ayun sa Bible, ang dios ay walang habag sa mga may kapansanan o may karamdaman. Ganito ba ang kinikilalang dios sa Bible?

Lev 21:17 Iyong salitain kay Aaron, na iyong sasabihin, Sinoman sa iyong mga binhi, sa buong panahon ng kaniyang lahi, na magkaroon ng anomang kapintasan, ay huwag lumapit na maghandog ng tinapay ng kaniyang Dios.


Lev 21:18 Sapagka't sinomang magkaroon ng kapintasan ay huwag lalapit; maging ang taong bulag, o pilay, o magkaroon ng ilong na ungod, o ang mayroong kuntil,


Lev 21:19 O ang taong magkaroon ng paang bali o kamay na bali,


Lev 21:20 O taong kuba, o unano, o magkaroon ng kapintasan sa kaniyang mata, o galisin, o langibin, o luslusin:


Lev 21:21 Walang tao sa binhi ni Aaron na saserdote, na magkaroon ng kapintasan, na lalapit upang magharap ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: siya'y may kapintasan; siya'y huwag lalapit na magharap ng tinapay ng kaniyang Dios.

Lev 21:22 Kaniyang kakanin ang tinapay ng kaniyang Dios, ang pinakabanal at ang mga bagay na banal:

Lev 21:23 Hindi lamang siya papasok sa loob ng tabing, o lalapit man sa dambana, sapagka't may kapintasan siya; upang huwag niyang lapastanganin ang aking mga santuario: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.


Ang Holy Qur’an ay nagpatunay na ang Allah (swt) ay mahabagin sa lahat ng kanyang mga nilalang may kapansanan o wala.


Surah/Chapter 024 - An - N û r. Verse 61.


There is no restriction on the blind, nor any restriction on the lame, nor any restriction on the sick, nor on yourselves, if you eat from your houses, or the houses of your fathers, or the houses of your mothers, or the houses of your brothers, or the houses of your sisters, or the houses of your father's brothers, or the houses of your father's sisters, or the houses of your mother's brothers, or the houses of your mother's sisters, or (from that) whereof you hold keys, or (from the house) of a friend. No sin on you whether you eat together or apart. But when you enter the houses, greet one another with a greeting from Allah (i.e. say: As - Salamu 'Alaikum - peace be on you) blessed and good. Thus Allah makes clear the Ayat (these Verses or your religious symbols and signs, etc.) to you that you may understand.


Surah/Chapter 073 - Al-Muzzammil. Verse 20.


Verily, your Lord knows that you do stand (to pray at night) a little less than two - thirds of the night, or half the night, or a third of the night, and so do a party of those with you, And Allah measures the night and the day. He knows that you are unable to pray the whole night, so He has turned to you (in mercy). So, recite you of the Qur'an as much as may be easy for you. He knows that there will be some among you sick, others travelling through the land, seeking of Allah's Bounty; yet others fighting in Allah's Cause. So recite as much of the Qur'an as may be easy (for you), and perform As - Salat (Iqamat -as -Salat) and give Zakat, and lend to Allah a goodly loan, and whatever good you send before you for yourselves, (i.e. Nawafil non - obligatory acts of worship: prayers, charity, fasting, Hajj and 'Umrah, etc.), you will certainly find it with Allah, better and greater in reward. And seek Forgiveness of Allah. Verily, Allah is Oft - Forgiving, Most -Merciful.

Si Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: “Ang Muslim ay may tungkulin sa kapwa Muslim. Kapag siya ay iyong nakita, batiin mo siya (Assalammo Alaikum) Kapag siya ay nagbigay ng paanyaya, tanggapin ito. Kapag siya ay humingi ng iyong payo, ibigay ito sa kanya. Kapag siya ay bumahin at nagsabi ng Alhamdulillaah (purihin ang Allah) iyong sabihin Yarhamkumullah (naway kaawaan ka ng Allah). Kapag siya ay may sakit, dalawin siya. Kapag siya ay namatay, ihatid mo siya sa libingan” (Sahi Muslim)

Si propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: “ang Allah, ang Panginoon ng Karangalan at Kaluwalhatian, ay magsasabi sa tao sa Araw ng Paghuhukom, “ O anak ni Adan, Ako ay nagkasakit ngunit hindi mo Ako dinalaw.” Dahil dito ang tao ay bumulalas, “Panginoon ko, paano ako makakadalaw sa Iyo? Kayo ang Panginoon ng mga daigdig.” Kayat ang Allah ay nagsabi, “Iyong nalaman ang Aking alipin na nagkasakit subalit hindi mo siya dinalaw. Kung dinalaw mo siya, matatagpuan mo Akong kasama niya” (Sahi Muslim)


GOD'S POWER

What the Bible Says


Jacob Wrestles with God!!!

Then the man said, 'your name willno longer be Jacob, but Israel, because you have struggled with God
and with men and have overcome.' ( Genesis 32:28)

What the Qur'an Says

They have not estimeted Allah His Rightful Estimate. Verily, Allah is All Strong, All-Mighty. (Qur'an 22:74).


ngayon naman ay tatalakayin natin ang tungkol sa mga prophet na kung ano and sinabi sa Bible at sa Qur'an



PROPHET MOSES AND PROPHET AARON (pbut )

What the Bible Says

On that same day the Lord told MOSES,... This is because both of you broke faith with me in the precence of theIsraelites at the waters of meriban kadesh in the Desert of Zin and because you did not uphold my holiness among the Israelites. (Deuteronomy 32:48-51 ).




So all the people took off their ear-ring and brought them to AARON. He took what they handed him and made it into an idol

cast in the shape of a calf, fashioning it with a tool. Then they said, 'These are your gods, O Israel, who brought you up out of Egypt." (Exodos 32:3-4 )

What the Qur'an Says

And mention in the book MOSES. Verily, he was chosen and he was a Messenger, a Prophet. And We called him from the

right side of the mount, and made him draw near to Us for a talk with him. And We granted him his brother AARON, a Prophet, out of Our Mercy. ( Qur'an 19:51-53 )

O you believe! Be not like those(JEWS) who annoyed MOSES, but ALLAH cleared him of which they alleged, and he was
honorable before ALLAH. (Qur'an 33:69 )


And AARON indeed had said to them beforehand: "O my people! You are being tested un this, and verily, your Lord is(ALLAH).


the Most Gracious, so follow me and obey my order." They said: "We will stop worshiping it (the calf), until MOSES returns to us." (Qur'an 20: 90-91).


And We gave them the clear scripture. And guided them to the right Path. And We left for them (a goodly remembrance) among the later generations. Peace be upon MOSES and AARON. Verily thus do We reward the good-doers. Verily, they vwere two of Our believing slaves. (Qur'an 37: 117-122 )





Ang Pagsamba sa mga Libingan


Ito ay ang paniniwala na ang patay na awliyaa' (mga tinaguriang "santo") ay nakatutugon sa pangangailangan ng tao o makatutulong sa panahon ng kahirapan, kaya sila'y nananalangin o nananawagan sa kanila upang tulungan sila. Ang Allah(swt) ay nagsabi:

"At ang iyong Panginoon ay nag-utos na wala kayong dapat sambahin kundi Siya lamang" [Surah al-Israa' 17:23]

Gayundin, sila ay nananalangin o nananawagan sa mga namatay na Propeta(sas), matutuwid na tao at iba pa upang mamagitan o tumulong sa kanila sa anumang suliraning dinaranas, nguni't ang Allah(sas) ay nagsabi:

"Hindi ba Siya (ang Allah) ang nakahihigit kaysa sa inyong mga diyus-diyusan na Siyang tumutugon sa mga nagdurusa kapag sila ay nananawagan sa Kanya, at Siya ang pumapawi ng kasamaan, at ginawa Niya kayong tagapagmana sa kalupaan. Mayroon pa bang ilaah (diyos) bukod sa Allah?" [Surah an-Naml 27:62]

Ang ilan sa kanila ay nakaugaliang kapag tumatayo, umuupo, natitisod, nagkaproblema o nagdurusa, sila ay bumabanggit ng pangalan ng isang Sheikh o Wali (santo). Halimbawa, ang ilan sa kanila ay magsasabi ng, "O Muhammad!" o "O Ali!" o "O Hussayn!" habang ang iba naman ay "O Badawi!" o "O Jeelani!" o "O Shaadhili!" o "O Rifaa'i!". Maaaring sila ay tatawag din kay al-Aydaroos o Sayyidah Zaynab o Ibn Alwaan. Dahil dito ang AllahU ay nagsabi:

"Katotohanan, yaong mga tinatawagan ninyo o dinadalanginan bukod sa Allah ay mga alipin na katulad din ninyo…" [Surah al-A'raaf 7:194]

Ang ilan sa kanila ay naglalakad na paikot sa libingan na wari bang nagsasagawa ng Tawaf. Hinahawakan nila ang bawa't sulok nito [katulad ng ginagawa sa Ka'bah], o hinahagkan, at inihahaplos sa kanilang mukha ang alikabok nito. Sila'y nagpapatirapa na nakaharap sa kanila kapag nakikita nila ang mga ito, at nakatayo sa harapan ng mga ito nang may pagkatakot at pagpapakumbaba, nananalangin sa kanila upang bigyang lunas di-umano ang kanilang mga karamdaman, o kaya naman ay upang magkaroon ng anak, o humihingi ng tulong para sa kanilang paghihirap. Kung minsan tinatawag nila ang taong nakalibing ng ganito, "O aking pinuno, ako'y naparito mula pa sa malayong lugar, kaya huwag mo akong biguin" Nguni't ang Allah(swt) ay nagsabi:

"At sino ang higit na naliligaw kaysa sa isang nananawagan sa iba bukod sa Allah gayong sila ay hindi makasasagot sa kanila hanggang sa Araw ng Pagbabangong-Muli, at sila [na tinatawagan], ay hindi nakauunawa ng panawagan sa kanila?" [Surah al-Ahqaaf 46:5]

Ang Propeta(sas)ay nagsabi: "Sinuman ang namatay na tumatawag sa iba bilang katambal ng Allah(swt) ay papasok sa Impiyerno”( al-Bukhaari, al-Fath, 8/176.)

Ang ilan sa kanila ay nag-aahit ng kanilang buhok sa harap mismo ng libingan, at ang ilan ay may dala-dalang aklat na pinamagatang 'Manaasik Hajj al-Mashaahid' (Ang Pamamaraan ng Hajj sa mga Puntod). Ang pakahulugan nila ng Mashaahid ay ang mga libingan at puntod ng Awliyaa (mga tinaguriang santo o dinadalanginan). Ang ilan pa sa kanila ay naniniwala na ang mga Awliyaa ang siyang nangangasiwa o namamahala sa mundo at may kakayahang magdulot ng lakas at kapinsalaan. Ang Allah(swt) ay nagsabi:

"At kung papangyarihin ng Allah na dapuan ka ng pinsala, walang sinumang makapag-aalis nito maliban sa Kanya; at kapag naisin Niya ang anumang mabuti sa iyo, walang sinumang makapipigil ng Kanyang kabutihang loob (tulong)" [Surah al-Yunus 10:107]

Isa ring uri ng Shirk (pagtatambal) ang magpanata sa iba maliban sa Allah(swt), katulad lamang ng ginagawa ng ilan sa kanila na namamanata upang magdala ng kandila o ilaw para sa mga naninirahan sa libingan.