ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Saturday, November 26, 2011

Ang Doktrina ng Pagtutubos at Pagmamana ng Kasalanan


Ang Doktrina ng Pagtutubos at Pagmamana ng Kasalanan


Ito ang Doktrina ng Pagtubos ng Kasalanan na tinanggap ng Simbahan, tatlo hanggang apat na siglo matapos lumisan si Jesus sa mundo. Sumasalungat ito sa Bibliya mismo gaya ng ipinakikita ng sumusunod na mga talata:


(Deuteronomio 24:16): "Hindi papatayin ang magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y
papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan." (Jeremias 31:30): "Nguni't bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasalanan …"


(Ezekiel 18:20): "Ang kaluluwa na
nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o
magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya." Samakatuwid sina Adan at Eba ang mananagot sa kasalanan nila, na pinatawad naman ni Allah ayon sa katuruan ng Islam.


ang sinabi mismo ni Jesus sa (Mateo 7:1 at 2.)"Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagka't sa hatol na inyong
ihahatol, ay hahatulan kayo: at sa panukat na inyong isusukat, ay susukatin kayo."



 (I Mga Taga Corinto 3:8.)"Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: nguni't ang bawa't isa ay tatanggap ng kanilang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal." Ngunit naniniwala kami sa Manang Kasalanan!


Ang sabi ni Propeta Hesus (peace be upon him) na mga bata ay isinilang na walang kasalanan.."


 (Mateo 19:14.)"Datapuwa't sinabi ni Jesus, Pabayaan ninyo ang maliliit na bata, at huwag ninyong pagbawalan silang magsilapit sa akin: sapagka't sa mga ganito ang kaharian ng langit."


Kaya saan nagmumula ang doktrinang manang kasalanan kong ito ay hindi galling kay Propeta hesus (as)?.....



No comments:

Post a Comment