ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Saturday, November 26, 2011

Bakit Nilikha Ng Allah Ang Sangkatauhan?

Bakit Nilikha Ng Allah Ang Sangkatauhan?

Mula sa pananaw ng sangkatauhan, ang katanungang “Bakit nilikha ng Allah (Diyos) ang Sangkatauhan?” ay nagpapahiwatig ng isa pang mahalagang katanungan---“Ano ang pananagutan ng tao sa AllahU (Diyos)?” Sa Huling Kasulatan o Kapahayagan ng Diyos---ang Banal na Qur’an, ang katanungan ay binigyan ng malinaw na kasagutan. Ang Diyos na Tagapaglikha ay nagsabi na ang bawat tao ay isinilang na may likas na pagkilala sa Diyos. Ang paniniwala sa iisang Diyos ay nakatatak sa bawat kaluluwa ng tao. Ang mga magulang at ang kapaligiran ng isang sanggol ang siyang nagtulak upang siya ay mapaligaw mula sa pagsamba sa Tagapaglikha patungo sa pagsamba sa isang huwad na diyos.


At batay sa likas na paniniwala sa iisang Diyos, ang layunin ng pagkakalikha sa tao ay binigyan ng paliwanag. Ang Diyos na Tagapalikha-(AllahU) ay nagpahayag batay sa Banal na Qur’an ng ganito:


“At hindi Ko nilikha ang Jinn[1] at Tao maliban lamang na Ako ay kanilang sambahin.” [Qur’an 51:56]


Kung ang dahilan ang pagkakalikha sa tao ay upang sumamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha, magkagayon, ang tao ay pumapailalaim sa Kapangyarihan ng Diyos na Tagapaglikha bilang alipin. Samakatuwid ang Diyos na Tagapaglikha ay tumatayo bilang Panginoon ng Sangkatauhan. Ang Makapangyarihang Diyos bilang Panginoon ng tao ay  nagbigay ng mga Batas at Pamamaraan ng Buhay upang maisakatuparan at maitaguyod ng tao ang Banal na Layunin ng pagkakalikha sa kanya - ito nga ay ang pagsamba sa Kanya lamang. At upang maiparating ang mga Batas o Kautusan para sa tao, pumili Siya ng mabubuting tao na tinatawag nating mga PROPETA o SUGO. At sila ang nagbigay patunay at nagturo sa sangkatauhan kung paano isagawa ang lahat ng kautusan at Batas ng Nag-iisang Diyos.


Sila ay nagpaliwanag sa lahat ng tao kung sino ang dapat sambahin bilang Diyos at Panginoon kalakip nito ang tamang pamamaraan ng buhay tungo sa kabutihan bilang paghahanda sa buhay na walang hanggan. Ang lahat ng Propeta-kabilang na si Adanu, Noahu, Abrahamu, Lotu, Jacobu, Isaaku, Ismaelu, Moisesu, Aaronu, Davidu, Juan Bautistau, Hesusu [2] at ang huli sa kawing ng mga Propeta na si Muhammad (r)[3] ay nagkaisa sa pagtataguyod ng natatanging mensahe-ang Pagsamba sa Nag-iisang Diyos na Tagapaglikha. Nasa tamang pagsamba matatagpuan ang haligi ng kabutihan na siyang gabay  tungo sa wagas  na buhay at kaligtasan. Kung ang isang tao ay may tamang konsepto tungkol sa Diyos, hindi mahirap para sa kanya na gampanan ang tungkulin bilang alipin ng Diyos, magkagayon, umuunlad ang kanyang pananampalataya at ang tunay na takot sa Diyos ay kanyang nadarama. Bunga nito, natututunan niyang iwasan ang masama. Kung siya man ay nagkasala, siya ay dagliang tumatalima at nagbabalik loob.

No comments:

Post a Comment