ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Saturday, November 26, 2011

ANG PAG-AASAWA NG HIGIT SA ISA:(sipi at isinalin mula sa aklat na POLYGAMY


ANG PAG-AASAWA NG HIGIT SA ISA:(sipi at isinalin mula sa aklat na POLYGAMY

السلام عليكم و رحمةالله و بركات

Sa ngalan ng Allah,ang Mapagpala,ang Maawain

At sinusubukan Namin kayo sa mga pangkaraniwang bagay na tulad ng pagkatakot sa inyong mga kalaban, kagutuman o kakulangan sa pagkakamit ng yaman --- na bagama’t hirap na hirap na’y hindi pa sapat ang nakakamit o di kaya’y pagkawala nito, pagkasawi ng mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng pangkaraniwan na kamatayan o di kaya’y pagka-‘Shaheed’ ng isa sa Daan ng Allâh (Ι);Subali’t ibigay mo sa kanila, O Muhammad (ρ), ang magandang balita sa mga nagtataglay ng katangiang pagtitiis, na nakakayanan nila ang mga nabanggit at iba pang mga pagsubok. Ibigay mo sa kanila ang balitang magpapagalak sa kanila hinggil sa kanilang magandang kahihinatnan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay.(Surah al-Baqarah:155)

Iniisip ba ng mga tao na kapag sinabi nilang: “Naniwala kami,” ay pababayaan na lamang sila ng Allâh (Ι) at hindi magkakaroon ng pagsubok sa kanila?(Surah Ankabut:2)

Sa ating buhay,hindi natin maiiwasan ang masaktan.Maging ito man ay pampisikal o emosyonal na aspeto.At hindi rin natin maaaring balewalain ang isang aspeto ng Islam ng dahil lamang sa kapakanan ng isang tao o isang grupo.Bagamat masakit para sa ibang babae ang pag-aasawa ng higit sa isa ng kanilang kabiyak,sa kabilang banda ay makakabuti naman ito sa ibang babae o sa buong lipunan.
Ang isang Muslm ay nararapat na handang tumanggap ng buo at walang pag-aalinlangan sa LAHAT ng utos ng Dakilang Lumikha ALLAH (swt) at tanggapin na walang Higit na Nakaaalam kundi Siya lamang,ang Lumikha ng lahat dito sa mundo.

Ang isang lalaki na nagnanais na mag-asawa ng higit sa isa o nagnanais na dagdagan pa ang kanyang kasalukuyang asawa ay kinakailangan na tanungin mmuna ang kanyang sarili kung may kakayahan ba siya upang mapangalagaan at maging makatarungan sa emosyonal,pinansyal,ispiritwal at sekswal na pangangailangan ng babae bukod pa sa mga dagdag na intindihin na kanyang haharapin para sa madadagdag na anak kung sakali.

Bagamat hindi kinakailangan na ipaalam o magpaalam ang isang muslim na lalaki sa kanyang maybahay kung ninanais nyang magpakasal sa iba,dapat lang na kahit papaano ay ihanda niya ang kanyang asawa sa emosyonal na aspeto.At bigyan konsiderasyon niya ang damdamin ng babaeng kung hindi man tumupad sa "lahat ng kanyang pangarap bilang may pamilya",ay siya namang unang tumanggap sa kanya bilang indibidwal na nangangailangan ng kasama sa buhay.



 ...................at ito ay madali sa isang unang misis kapag ang isang asawang lalaki ay napatunayan na niyang makatarungan, sapagkat alam niyang hindi siya nito pababayaan na maapi na lamang.

ang isa pang dahilan kung bakit natatakot ang misis na payagan niyang mag-asawa pang muli ang kaniyang mister ay sapagkat madalas may mga mister na kapag may mga gusto siyang ayaw ibigay ng misis kaagad ay ginagamit niyang pananakot na, "cge mag-asawa ako muli kapag ganyan ka palagi!" o kahalintulad nitong pananakot.

hindi dapat gagamitin ang halal na pag-aasawa o polygamy na ipinahintulot ni Allah upang ipanakot sa misis dahil tunay na matatakot ang misis at tuloy hindi na niya gugustuhin pang mag-asawa pa muli ang kaniyang mister. ito ang patunay na hindi siya makatarungan sa kaniyang misis, dahil nagiisa palang siya ay inaapi na siya nito at tinatakot.

ang selos sa mga kababaihan ay natural na damdamin at ipinahintulot sa puso, ngunit ang ipinagbabawal lamang ay ang gumawa ng pinsala( sa salita o sa gawa) sa ibang kapuwa niya rin asawa ng dahil sa selos.
ang selos ng babae ay nababawasan kapag ang isang lalaki ay makatarungan, sapagkat ang pagiging hindi makatarungan o ang pagbigay ng kalamangan (sa panahon o sustento, at ibapa) sa isang asawa at kaunti sa iba pang asawa, ito ay natural na nagpapasiklab ng selos sa kanila. kaya naman ang makikita nating hikmah ni Allah kung bakit ang pagiging makatarungan ang Kaniyang ginawang kondisyon sa pagpapahintulot ng polygamy ay upang maibsan ang pagseselos habang nailigtas naman ang ibang mga kababaihan na mapinsala ng mga irresponsableng mg alalaki na gusting magpasarap ngunit ayaw ng responsibilidad.

nakakatulong din sa unang asawa ang pagkakaroon ng dagdag na asawa ang kaniyang asawang lalaki sapagkat ang babae ay hindi naman maaring gabi-gabi ay pwede sa kaniyang mister, sapagkat may mga araw na mayrooon siyang dalaw(buwanang dalaw), kaya kung may ibang asawa pa ang kaniyang mister tunay na nakakapagpapahinga din naman siya.
at isa pa kung halimbawang gusto ng mister niya ng 10 anak, ito mahirap kung susuluhin na lamang ng isang asawang babae lamang, kaya kung mayroong iba pang asawang babae ay maaring mahahati na lamang at kalahati na ng hirap sa paglilihi, pagbubuntis, panganganak, pagpupuyat at pag-aalaga, pagpapalaki, pagdidisiplina at pagtuturo ang natitipid niya. at marami pa, inshaAllah.

kaya ang polygamy sa Islam ay ang pagbuo ng pamilya at hindi ang pagsira o pagwatak-watak nito tulad sa mga hindi-muslim na mga kalalakihan na kapag mayroon silang asawa at kapag mayroon pang nagustuhan sa labas ay madalas na hinihiwalayan niya ang unag asawa pati na ang mga bata na kaniyang pamilya ay tuluyang nasisira na.

natural kasi sa lalaki ang nagkakagusto pa sa ibang babae kahit na siya ay may asawa na, at natural din na masdumadami ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan, kaya ang malinis at mabuting solusyon lamang nito ay ang ipinahintulot ng Tagapaglikha nitong lalaki at babae ay ang limitadong polygamy sa Islam.

Ang pag-aasawa sa Islam ay ginawang madali upang masgugustuhin ng tao na mag-asawa kaysa magzinaa. Kung ang ating mga misis ay aayaw pa na ang kanilang mga mister na napatunayan naman nilang mabuti at makatarungan na mag-asawa muli, ay magbibigay lamang ito ng daan na ang mga muslimah mismo ay magiging biktima ng mga hindi muslim upang makipagrelasyon sa kanila, at ito ay napakalaikng kasalanan sa kanila sapagkat dobleng haram: zinaa na at hindi pa muslim ang karelasyon.naudhu billah! Naway prteksiyonan tayo ni Allah lalo an gating mga muslimah.
Hihintayin pa ba natin na mangyari sa ating sariling mga kapatid na muslimah ito?
naway bigyan ni Allah ang ating mga kalalakihan at mga kababaihan ng pang-unawa na maunawaan ito at magiging makatarungan at naway maging magaan sa ating mga misis na pahintulutan ang mga mister




:Atin lamang lilinawin inshaAllah, na ang pag-aasawa ng higit sa isa ay hindi ito ipinag-utos na fard o obligado sa Islam kundi ito ay ipinahintulot lamang , nasa kategorya ng mubah (mula sa 5 hukom sa Islam: fard/wajib, mustahab, mubah, makrooh, haram) at ang kinakailangang kondisyon na binaggit sa suratun nisa ayah 3 na ang isang muslim na pinahihintulutan lamang na maaring mag-asawa ng higit sa isa ay yaong makatarungan at hindi natatakot na baka hindi magiging makatarungan ang pagtrato niya sa kainyang mga asawa, sapagkat kung siya ay natatakot na baka hindi siya maging makatarungan ay obligado siyang mag-asawa lamang ng isa.
Ang tanging aklat na pangrelihiyon sa buong Mundo na nagsasabi mag-asawa lamang ng isa, ay ang Qur’an, maliban sa Qur’an ay wala na.

ang pagiging makatarungan tulad ng binaggit ng ating sister ay sa lahat ng aspeto ng mga obligasyon ng isang lalaki at mga karapatan ng mga asawang babae. kahit pa na ang layunin ng isang lalaki , na halimbawang malayo ang trabaho sa unang asawa, ay upang umiwas na makagawa ng zinaa, na ipinagbabawal na pakipagrelasyon sa ibang babae, kaya siya mag-aasawa ng pngalawa (o pngatlo o pang-apat) ay kailangan pa rin niyang maging makatarungan sa kanilang lahat.

ating alalahanin na ang pag-aasawa sa Islam ay isang responsibilidad at ang pag-aasawa ng higit pa sa isa ay sunnah ng Sugo, sas, at ang pinakamalaking mabuting epekto nito ay ang mailigtas ang mga napakaraming sobra na bilang ng mga kababaihan, sa alin mang lipunan at bansa saan mang sulok ng Mundo, at mapigilang mabiktima sila na magiging public property na lamang.
Public property ibig sabihin ay kahit sino na lamang ang maaaring makipagrelasyon sa kaniya, libre man o may bayad, ngunit hindi kasal.

kaya ang polygamy sa Islam ay solusyon ito upang magkaroon naman ng kagalang-galang na pamumuhay ang mga kababaihan at magkaroon din naman sila ng legal na pamilya (na may legal na asawang lalaki at mga anak) kahit sila ay pangalawa o pangatlo o pang-apat na asawa na lamang, sila ay pantay pa rin ang katayuan sa kanilang asawang lalaki.

kapag ang isang lalaking muslim ay makatarungan at ito ay nakikita ng unang asawa sa kaniya, may mga mabubuting misis na mismo ang nagrerekomenda sa kaniyang asawa na asawahin din ang isa pang sister na alam niyang mabuti ring muslimah at kasundo na niya.

sapagkat sa Islam ay mayroon tayong prinsipyo na kapag may dalawang pinsala ang maaaring mangyayari ang uunahing iiligtas at bigyang lunas muna ay ang masmalaking pinsala at ihuhuli ang masmaliit na pinsala.

kaya ang isang mabuting muslimah ay papayagan niya ang kaniyang asawang lalaki na mag-asawa pa ulit upang iligtas ang ibang sister sa masmalaking pinsala sa buhay nila(ang mabibiktima sila sa illegal na relasyon at masira ang buhay nila pati ang magiging bunga nito) at titiisin na lamang niya ang kaunting bahagi ng sustento na mapunta sa ibang asawa, at ng oras na hindi niya makapiling ang kaniyang mister sa ibang gabi, at iba pa.

at ito ay madali sa isang unang misis kapag ang isang asawang lalaki ay napatunayan na niyang makatarungan, sapagkat alam niyang hindi siya nito pababayaan na maapi na lamang.

1 comment:

  1. paano po kong ang ang isang lalake nagpa convert sa islam at kasal pa siya sa unang asawa sa christian at merong isang anak, ngunit sila ay hiwalay na ng pitong taon..at ang asawa naman ngayon ay meron ng nobyo. ngunit ang anak ay binibigyan na lamang ng sustento. at ang dating asawang lalake ay muslim na ngayon at gusto mag asawa magpapakasal sa muslim. ang kasal po ba nila ay magiging legal? may habol paren po ba ang dati niyang asawang babae khit na meron naitong boy friend? meron po ba itong kaso sa lalake at sa papakasal niya ngaun sa muslim? ngunit parehas silang muslim sa papakasalan ng lalake?

    ReplyDelete