ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Thursday, December 1, 2011

Mga Katanungang Ihaharap sa Tao sa Araw ng Paghuhukom




Mga Katanungang Ihaharap sa Tao
Sa Araw ng Paghuhukom


Muling tatalakayin ang mga katanungang itatanong sa tao sa libingan, subali’t sa ibang paraan at sa lahat ng tao sa Araw ng Paghuhukom. Ang bagong kaayusan ay ang sumusunod:

1. Ang katanungan tungkol sa bagay na dating sinamba:

Maliligtas at magtatagumpay ang sinumang sumamba sa Allah nang bukod tangi. At itatapon sa Jahananam (Impiyerno) ang lahat ng gumawa ng kabaliktaran. Attawhid (Monoteismo sa Islam) ay ang pagsamba sa Allah lamang. Nararapat na mataimtim ang pag-sambang ito at naaayon sa mga ipinag-uutos ng Allah na Kanyang ipinahayag sa Kanyang Sugo na si Muhammad. Ang pagsamba ay dapat na dalisay para sa Allah. Kailangang malaya ito sa anumang Riya (pakitang-tao). Ang pagsambang nahaluan ng Shirk (poleteismo, pagsamba sa iba bukod pa sa Allah), pagkukunwari o ang pagsambang hindi nababatay sa Shari’ah ng Allah at walang patnubay mula sa Qur’an at sa Sunnah ay hindi makapagbibigay ng anumang buti sa gumagawa nito, at hindi makapagliligtas sa kanya sa Araw ng Paghuhukom. Ang Makapang-yarihang Allah ay nagsabi:

Ilalapit ang Paraiso sa mga Muttaqun (maka-Diyos at mga matutuwid). At ang Naglalagablab na Apoy ay ilalantad nang buo sa mga Ghawun (mapaggawa ng masama). At sasabihin sa kanila: ‘Nasaan na yaong dati ninyong sinasamba sa halip ng pagsamba sa Allah?’ Matutulungan ba kayo o matutulungan ang kanilang mga sarili? Pagkaraan ay ihahagis sila sa kanilang mga mukha sa Apoy, sila at ang mga Ghawun at ang lahat ng kampon ni Iblis (Satanas). Sila ay magsasabi habang nagtatalu-talo doon: ‘Isinusumpa namin sa Allah, kami ay tunay na nasa maliwanag na pagkakamali nang gawin namin kayong (mga diyus-diyusan) mga kapantay ng Rabb (Panginoon) ng ‘Alamin (Tao, Jinn at lahat ng nilikha). [Qur’an, Kabanata Ash-Shu’ara - 26:90-98]

O sila ba ay nagtayo ng katambal (sa pagsamba sa Allah)? Kaya’t hayaan silang dalhin ang (mga itinayong) katambal kung sila nga ay makatotohanan. [Qur’an, Kabanata Al-Qalam - 68:41]

Isinalaysay sa isang Hadith ni Abu Sa’eed Al Khudry (Nawa’y kalugdan siya ng Allah): Narinig ko ang Propeta na nagsabi: ‘Ilalantad ng Allah ang Kanyang lulod at ang lahat ng mga nananam-palatayang lalaki at babae ay magsisipagpatirapa sa harapan Niya. Subali’t mananatiling nakatayo yaong nagpatirapa sa mundo bilang pakitang-tao at upang makilala.  Sisikapin ng isa na magpatirapa subali’t ang kanyang likod ay magiging isa (at hindi maka-pagpapatirapa).’ [Al Bukhari, Aklat ng Tawheed, Pahina 24 at Muslim, Aklat ng Eeman Pahina 302]


2.  Ang katanungan tungkol sa mga gawa :

Sila na ang mga gawa ay tunay na dalisay para sa Allah, at naaayon sa Kanyang mga batas, ay maliligtas sa Araw ng Paghuhukom.

Sabihin: Kapag dumating sila (sa harapan ng kanilang Panginoon sa pook ng paglilitis), Siya (ang Allah) ay magsasabi: ‘Pinabulaanan ba ninyo ang Aking mga Ayat (katibayan, patunay, at mga talata) bagama’t hindi ninyo ito inunawa sa (pamamagitan ng) kaalaman (kung totoo ba o kasinungalingan), o ano yaong (iba pang) dati ninyong ginagawa? [Qur’an, Kabanata An-Naml - 27:84]
Sa isang Hadith na isinalaysay ni At-Tirmidhi mula kay Abu Barzah Al Asiam na ang Propeta  ay nagsabi: “Hindi hahakbang ang mga paa ng alipin (ng Allah) hanggang sa tanungin siya tungkol sa kanyang buhay at kung papaano niya isinabuhay ito; tungkol sa kanyang kaalaman at kung ano ang ginawa dito; tungkol sa kanyang kayamanan at kung saan kinuha ito at kung papaano ginugol ito; at tungkol sa kanyang katawan at kung papaano ginamit ito.”

3. Ang katanungan tungkol sa pagtugon sa panawagan ng mga Sugo ng Allah:

Silang sumusunod kay Propeta Muhammad sa kanilang pagsamba ay maliligtas sa ganoong katayuan ayon sa tamang sagot ng mga katanungan. At ang kasagutan ng mga taong hindi sumunod kay Propeta Muhammad ay:  Hindi ko alam, narinig ko ang taong nagsasabi ng isang bagay at inuulit ko ito.”  Subali’t ang mga Mu’min ay magsasabi: “Nabasa ko ang Aklat ng Allah at naniwala dito.” Sa Araw ng Paghuhukom, ang tao ay tatanungin: “Papaano ninyo tinugon ang Sugo?

Nasasaad sa Banal na Qur’an:

At sa Araw na sila’y tatawagin (ng Allah) at magsasabi: ‘Anong katugunan ang ibinigay ninyo sa mga Sugo?’ [Qur’an, Kabanata Al-Qasas - 28:65]

4. Ano ang Dapat Malaman at Paniwalaan?

Na ang Allah ang Siyang may likha sa lahat ng nilikha. Siya ang Rabb (Panginoon) sa buong san-libutan. Kaya’t Siya ang Tanging Nag-iisa na dapat sambahin. Hindi Niya tatanggapin ang anumang pagsamba na iniukol sa iba bukod pa sa Kanya. Ni hindi Niya tatanggapin ang pagsamba na may kasama Siya. Sinumang magbigay ng katambal ng anuman o sinuman sa pagsamba sa Allah, Kanya itong itatakwil kasama ng kanyang Shirk (pagsamba sa diyus-diyusan). Ang Allah lamang ang may katangian ng pagiging ganap. Nakaluklok Siya sa kataas-taasan at sadyang malaya sa anumang kakulangan. Dapat ding malaman na hindi nagkaroon ng asawa o anak ang Allah. Na walang sinumang maaaring mamagitan sa Kanya at ng Kanyang mga nilikha. Nasa kataas-taasan Siya sa Kanyang Luklukan. Iba Siya sa lahat ng Kanyang mga nilikha; walang anuman na katulad Niya. Siya ang Nakaririnig ng Lahat, ang Nakakakita ng Lahat. Nangingibabaw sa lahat ang Kanyang Kaalaman at Habag.

2.  Na ang Islam ang tunay na pananampalataya kung saan Nasakha (ipinawalang-bisa) ng Allah ang lahat ng naunang mga pananampalataya. Sakop ng Islam ang lahat ng mga ito.  Kasama nito kung ano ang nasa ibang mga pananampalataya na nagmula sa Maka-pangyarihang Allah. Walang tatanggaping ibang pananampalataya ang Allah maliban sa Islam.

3.  Na ang Propeta Muhammad ang huling Sugo,  at ang kanyang mensahe ang siyang panghuli sa mga mensahe. Walang Propetang darating pa pagkatapos niya, at ang Kapahayagan mula sa Allah ay nahinto na pagkatapos mamatay ang Propeta . Sinumang nagsasabing tumatanggap ng kapahayagan mula sa Allah ay isang Kafir (di-nananampalataya). Anuman ang inaangkin niyang natatanggap ay walang iba kundi isang bulong mula kay Satanas.

Na ang Qur’an ang huli sa mga Aklat na naipahayag mula sa Allah, na ang Allah na rin ang nangako sa pagpapanatili sa kadalisayan nito. Ang Qur’an ay mananatiling ligtas sa pagbabago, pagda-ragdag at pagbabawas hanggang sa alisin ng Allah ang mga talata mula sa Aklat at alisin sa mga puso ng tao sa kawakasan ng panahon, katulad ng nasasaad sa isang Hadith na isinalaysay ni Addrami mula kay ibn Masaudi: Darating ang isang gabi na bawa’t talata ng Qur’an, maging nasa Aklat o nasa puso ng tao ay maglalaho. [Addarami 2/135 & Sunnan ibn Majah]

Sinumang magsabi na ang Qur’an ay naglalaman ng pagdaragdag at pagbabawas ay isang Kafir (di-nananampalataya) at nawawalay sa Islam.

Na ang mga kasama ni Propeta Muhammad ang pinakamahusay sa sangkatauhan pagkaraan ng mga Propeta at Sugo. Kinalulugdan sila ng Allah, at pinili sila ng Allah upang maging kasama ng Propeta at upang maging tagapagkalinga ng Kanyang pana-nampalataya. Sila ang nagsalaysay sa atin ng Sunnah ng Sugo nang may pananalig at katotohanan. Sila ang nagpamana sa atin ng lahat ng sinabi, ginawa at katangian ni Propeta Muhammad . Kanilang ibina-hagi ang lahat ng ito nang tama at maliwanag sa mga tao pagkatapos nila sa pamamagitan ng salita nang walang kaguluhan o iba pang kahulugan. Sinumang mapoot sa kanila, o manghamak sa isa man sa kanila, o magsabi na isa man sa kanila ay Kafir, siya mismo ang Kafir (di-nananampalataya).

Ito ang mga naitala tungkol sa paksang ito. Hinihingi ko sa Kataas-taasang Allah na sana’y magdulot ito ng kabutihan sa mga Muslim saan man sila naroroon, at nawa’y tanggapin Niya ang munting pagsisikap na ito.

Igawad nawa ng Allah ang Kanyang habag at kapayapaan kay Propeta Muhammad , sa kanyang pamilya at mga kasama,  Ameen.


MGA KRISTIANO Hindi pa Huli ang Lahat magbalik loob na sa Allah wa ta'ala…GOD THE ALMIGHTY CREATOR…..



Ang pinakamahalagang katotohanan na dapat alalahanin ay ang layunin ng buhay ng tao sa mundong ito. Huwag nating sayangin ang bawa’t panahon sa makamundong pagnanasa lamang. Bigyan din natin ng sapat na panahon ang ispirituwal na pangangailangan. Hindi pa huli ang lahat upang magbalik-loob sa Allah. 
Ang Banal na Qur’an ay naglarawan ng gayong tagpo sa Araw ng Paghuhukom. Kapag ang mga makasalanan ay naghihinayang, at nagdadalamhati sa nagawang kasalanan.
“Kung inyo lamang silang makikita sa sandali na sila ay nakatindig sa harap ng Apoy at nagsasabing,”Tunay na kung kami lamang ay muling makababalik (sa mundo), hindi kami magtatakwil sa mga paalala (tanda o kapahayagan) ng aming Panginoon at kami ay mapapabilang sa (hanay) ng mga mananampalataya.” (Qur’an Al-An’am 6:27)
Karagdagan pa: 
“At kanilang sasabihin (nang may pagsisisi at panghihinayang): "Kung nakinig lamang kami o ginamit ang aming talino, sana ay hindi kami napabilang sa mga magsisitahan sa Naglalagablab na Apoy!"(Qur’an Al-Mulk 67:10) 
Kaya, ang layunin ng munting aklat na ito ay (una) upang gisingin ang natatagong damdamin ng tao at magbigay ng paalala tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang pananampalataya, tamang pagsamba at tamang paggawa ng mga kabutihan bilang paghahanda sa Araw ng Paghuhukom na kung saan ang tao ay magsisi at magsabi na: 
“…kanyang sasabihin:"Sayang! sana'y nakagawa ako noon (ng kabutihan) para sa aking buhay (na ito)!" (Qur’an Al Fajr 89:24)

“….Sinabi niya, “Tunay na (sayang), kung hindi ko lamang binigyan ng katambal ang aking Panginoon (sa pagsamba)….” (Qur’an Al Khaf 18:42) 
“….Kasawian sa akin! (sayang) Kung ako ay sumunod lamang sa landas ng Sugo! (Qur’an Furqan 25:27) 
At ikalawa upang anyayahan ang tao tungo sa pamumuhay sa ilalim ng paglilingkod sa Allah habang mayroong pang sapat na pagkakataong maituwid ang kanilang mga kamalian sa mundong ito sapagka’t ipinagbibigay-alam sa atin mula sa Banal na Qur’an na hindi tatanggapin ng Allah ang pagsisisi na batay lamang sa takot sa kamatayan sa sandali ng kanilang paghihingalo: 
“Walang pagsisisi (na tatanggapin) para sa mga taong patuloy sa paggawa ng kasamaan hanggang abutan sila ng kanilang kamatayan at sila ay magsasabi, “Ngayon ako ay nagsisisi na” o maging ang mga taong namatay bilang mga walang pananalig (sa Allah). Sa kanila ay inihanda ang isang mahapding parusa.” (Qur’an An-Nisa’4:18)

Kaya, nararapat na magpasiya habang may pagkakataon pa. Huwag nating ipagwalang-bahala ang mahalagang araw ng ating kamatayan. Katiyakang ito ay darating sa atin anumang oras ngayon. Halina sa Islam!

Mga Uri ng Pagkalikha sa Tao



Iba-iba ang pamamaraan ng Alah sa paglikha. At lahat ng ito ay madali lamang para sa kanya. Siya ang Pinaka-Makapangyarihan. Tulad ng sabi sa Banal na Qur’an: “KApag may itinakda Siyang bagay; sasabihin lamang Niya: “Kun!” (“Mangyari!”) at ito nga ay mangyari.”

Sa paglikha ng tao, ang Allah (SWT) ay may nilikha Siyang mga tao sa normal o ordinaryong pamamaraan, at mayroon din Siyang nilikha sa kakaibang paraan. At lahat ng ito ay hindi natin dapat bigyan ng kahulugan. Dahil ang Allah (SWT) ang Pinaka-Makapangyarihan sa lahat ng ito, maging normal man o ordinaryong pagkalikha o kakaibang pamamaraan ng pagkalikha ito ay madali lmang sa Kanya. Lahat ng ito ay ay Kanyang mga nilikha lamang. At ang Tagapaglalang ay higit sa Kanyang nilikha.

Mayroon Siyang nilikha sa walang ama at walang ina. Kanya lamang nilikha ito mula sa alabok at ito ay Kanyang hinugis at hinipan at iyon ay si Adam (AS), ang unang tao na nilikha. Walang ama at walang ina. Ngunni’t ito ay hindi natin dapat bigyan ng ibang kahulugan. At huwag nating sabihini na siya (si Adam) ay may bahagi sa pagka-diyos n gating Tagapaglikha o di kaya siya ay anak ng Diyos dahil siya ay nilikha sa kakaibang paraan.

Mayroon din Siyang nilikha na nanggaling sa isang lalaki nguni’t hindi nanggaling sa sinapupunan ng isang babae o ng kanyang ina, at siya ay hindi na dumaan sa pakabata na ito ay si Eba, siya ay nanggaling sa tadyang ni Adam nguni’t wala siyang ina. At hindi natin binigyan ng anumang kahulugan na si Eba ay may bahagi sa pagka-diyos n gating Tagapaglikha o di kaya siya ay anak ng Diyos dahil sa siya ay nilkha sa kakaibang paraan.

Mayoon din Siyang nilikhang mga tao na nanggaling sa lalaki at babae (ama’t ina), at iyon ay tao. Ang ating pagkalikha ay ang normal o ordinayong paraan ng pagkalikha. Tayo ay may mga magulang, ang ating ama at ang ating ina.

Mayroon din Siyang nilikha na walang ama, nguni’t siya ay nanggaling sa sinapupunan ng kanyang ina, katulad nating lahat na nanggaling sa bahay bata ng ating mga ina. Siya ya si Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan).
Ang sabi sa Qur’an na sinabi ni Maria (Maryam (sumakanya nawa ang kapayapaan)): “Ang sabi niya: ‘Paano ako magkakaroon ng anak samantalang wala naming lalaki ang humawak sa akin at aking mahigpit na pinangangalagaan ang aking puri?’. At ang sabi ng Anghel: ‘at iyon nga, sabi ng iyong Panginoon: ‘Iyon ay madali lamang para sa akin (Allah)…”

At ang pagkalikha kay Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay tulad ng pagkalikha kina Adan at Eba (sumakanila nawa ang kapayapaan), hindi ito pangkaraniwan o ordinaryo tulad natin. Nguni’t ganoon pa man, hindi natin ito dapat bigyan ng kahulugan na sila ay mga anak ng Diyos o may bahagi sa pagka-diyos.

Kung sasabihin natin na si Hesus ay anak ng Diyos dahil siya ay nilikha na walang ama, pag-aralan nating mabuti ang mga nabanggit kanina. Dahil magwawala si Adan, sasagi’t-sasagi sa ating isipan na si Adan ay mas may karapatan na matawag na anak ng Diyos, mismong ang Allah ang nagporma ng kanyang hugis hinipan siya upang magkaroon ng buhay. Walang ama at walang ina.

At ganoon din kay Eba, ang pagkalikha kay Eba ay mas kamangha-mangha dahil siya nanggaling sa lalaki, at hindi sa babae, hindi tulad ni Hesus na normal ang kanyang kalagayan ngang siya ay nasa sinapupunan. Hindi rin dumaan sa pagkabata si Eba. Samantalang si Hesus ay dumaan sa pagkabata.

Maging sa bibliya ay malinaw na sinasabi: “O mga anak ni Israel, pakinggan niyo ang mga salitang ito; si Hesus ng Nazareta, ay isang TAO…” (Acts 2:22)

“Ngayon ay gusto ninyo akonh patayin, isang TAO na nagsabi sa uinyo ng katotohanan…” (Juan 8:40), King James version, ang ilang mga bibliya ay hindi binabanggit ang katotohanang ito! Suriin ninyo ang inyong Bibliya)

Kaya si Hesus ay hindi natin matatawag na anak ng Diyos.
Dahil siya ay tao. Ang kanyang ina na nagsilang sa kanya ay tao. Kaya ang sanggol na kanyang isinilang ay tao. Tulad ng puno ng mangga, ang bunga lamang nito ay mangga. Malinaw na ating napapatunayan sa ating mga sarili na siya nga ay tao.
Ang sabi sa Qur’an:
“ At ang Sabi niya (Hesus):’ Ako ay alipin ng Allah, ibinigay sa akin ang aklat, at ginawa akong Propete.”
Si Hesu Kristo po ay isang Propeta at Sugo ng Allah.
Maging sa bibliya:
“Ito ay si Hesus ang Propeta sa Nazaret” (Mateo 21:11)
“ Sinabi ko sa inyo ang katotohanan, walang tagapaglingkod ang higit sa kanyang pinaglilingkuranm at walang sugo (mensahero) ang higit sa nagpadala sa kanya.” (Ju8an 13:16)
“si Hesus, na isang Propeta…” (Lukas 24:19)
At hindi rin masasabi na siya ay isang diyos; sapagkat ang Diyos ay walang katulad. Ngunit si Hesus ay may katulad, tulad natin na kumakain, umiinom, natutulog atbp. At ang tunay na Tagapaglikha ay hindi nakikita. Walang nakakita sa akin at siya ay buhay.” (Exodus 33:20)
Ang nag-iisang tagapaglikha ay walang katulad’ ang sabi Niya sa Qur’an:
“sabihin: ang Allah ay Nag-iisa, Allah, Ang Ganap na Sandigan ng lahat, Hindi siya nagkaroon ng anak, at hindi Siya ipinanganak, at s kanya’y walang makakatulad. (Qur’an, Kabanata Al Ikhlas)
Sana, ito ay nakapulutan natin ng aral, at hinihingi natin sa ating Tagapaglikha ang patnubay at gabay sa tama at katotohanan. Hangang ditto na lamang po, at marsming salamat sa inyong pagbabasa. Hanggang sa muli.

Mga Fard at Sunnah na Salah




Ang Salaah ay kinabibilangan ng Fardh (takdang tungkulin) at Sunnah (kusang-loob) na pagdarasal. Ang dasal na Fardh ay isinasagawa ng limang ulit sa maghapon.  Ang hindi pagtupad ng isa man sa mga ito ay itinuturing na kasalanan.  Ang dasal na Sunnah ay binubuo ng mga karagdagang dasal na palagiang isinagawa ni Propeta Muhammad (Sumakanya nawa ang kapayapaan) bago at pagkatapos ng Salaah Al Fardh (itinakdang Salaah).


Ang talaan sa ibaba ay nagbibigay ng bawa't Salaah na Fardh:


1.      Salatul - Fajr:   Dalawang (2) Rak'a

Oras:                 Pagbubukang-liwayway at bago sumikat ang araw.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat
sa unang dalawang Rak'a:   Malakas



2.      Salatud - Duhr:            Apat (4) na Rak'a

Oras:                 Sa pagitan ng ilang sandali matapos ang tanghaling tapat at bago sumapit ang dasal Asr.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat
sa unang dalawang Rak'a:   Tahimik



3.      Salatul - Asr:    Apat (4) na Rak'a

Oras:                 Mula sa kalagitnaan ng hapon at bago lumubog ang araw.

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat
sa unang dalawang Rak'a:   Tahimik




4.      Salatul- Maghrib:        Tatlong (3) Rak'a

Oras:                 Ilang sandali matapos lumu-bog ang araw hanggang sa dumilim.



Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat
sa unang dalawang Rak'a:   Malakas


5.      Salatul - Isha:  Apat (4) na Rak'a

Oras:                 Sa pagdating ng dilim at bago sumapit ang dasal Fajr (*).

Pagbasa ng Al-Fatiha at ibang Surah/Ayat
sa unang dalawang Rak'a:   Malakas



(*) Bagama't maaaring ialay ang Salatul Isha bago sumapit ang dasal Fajr, kanais-nais na ialay ito bago sumapit ang hatinggabi.



SUNNAH
 (Mga Karagdagang Pagdarasal)


Katulad ng makikita sa ibaba, bawa't Salaah ay kinabibilangan ng Fardh (ang mga itinakdang tungkuling dasal) at Sunnah (mga karagdagang pagdarasal). Si Propeta Muhammad (Saw) ay nagsa-gawa ng mga karagdagang pagdarasal bago at matapos ang mga itinakdang pagdarasal. Kaya naman, ang mga ito ay itinatagubilin. Ang bilang ng Rak'a ng bawa't Fardh at Sunnah ay ang mga sumusunod:

Pangalan       Bilang Ng Sunnah                Bilang Ng       Bilang Ng Sunnah
Ng Salaah      Bago ang Fardh                    Fardh              Matapos ang Fardh
                                   
Fajr                             2 *                               2                      wala

Duhr                                       2 o kaya 4 *              4                      2 *

Asr                              4                                  4                      wala      

Maghrib                     wala                           3                      2 *

Isha                            2                                  4                      2 * at witr

Ang mga Sunnah na may markang (*) ay tinatawag na "Sunnat Mu'akkadah". Mga karagdagang dasal na binibigyang-diin ni Propeta Muhammad  na dapat isagawa nang palagian.



SALAT-UL-WITR


Ito ay ang Salaah na isinasagawa pagkatapos ng Fardh at Sunnah ng Salatul Isha at bago dumating ang Salatul Fajr. Ang Salatul Witr ay kinabi-bilangan ng gansal o butal (di-pares) na Rak'a.  Ito ay maaaring isagawa na may isa, tatlo, lima, pito, siyam o labing isang Rak'a.


Katulad ng mga Sunnah (karagdagang pagdarasal) na may marking (*), ang SalatulWitr ay itinuturing na "Sunnat Mu'akkada", mga karagdagang dasal na binibigyang diin ni Propeta Muhammad (Saw).



Bagama't ang Salatul Witr ay maaaring isagawa na may isa o higit pang gansal (o butal) na bilang na Rak'a, higit na nakararami sa mga Muslim ang nagsasagawa nito na may tatlong Rak'a. Ito ay maaaring gampanan sa pagsagawa ng unang dalawang Rak'a katulad ng Salatul Fajr, bumasa ng maikling Surah (kabanata) o talata mula sa Banal na Qur'an pagkatapos ng Al-Fatiha. Kagaya ng Salatul Fajr, ito ay winawakasan sa pagbanggit ng Tasleem ("As-Salamu Alaikum Wa Rahmatullaah").



Tumayo sa pagkakaupo at isagawa ang pangatlong Rak'a. Bumasa ng maikling Surah o talata mula sa Banal na Qur'an pagkatapos ng Al-Fatiha, isagawa ang nalalabing bahagi ng Rak'a hanggang sa pagsasabi ng Tasleem.



Ang Salatul Witr ay maaaring gampanan din sa pagsagawa ng tatlong sunod-sunod na Rak'a (na walang patlang). Bumasa ng maikling Surah (kabanata) o talata mula sa Banal na Qur'an pagkatapos ng Al-Fatiha.



Ipinapayo na basahin ang kabanata 87 (Al-A'ala) sa unang Rak'a, kabanata 109 (Al-Kafirun) sa pangalawang Rak'a, at kabanata 112 (Al-Ikhlas) sa huling Rak'a.