ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Monday, November 28, 2011

ANG MGA MAHALAGANG ARALIN SA ISLAM AT KRISTIANO


ANG KAPAHINTULOTAN

Ang pinahintulutan lamang sa batas ang may mga legal na tulad halimbawa: Driver Licinse. may pahintulot ka magmaneho ng sasakyan,dipende rin po sa category,may pang apat ang gulong at may pang sampong gulong. Business Permit.Para legal kang makakapag business. O Prangkisa,Routa,Linya Certificate atbp.Ngunit pagdating sa batayan ng pananampalataya ay kaluluwa mo ang nakataya.Pag lampas ka sa routa o linya tiyak mananagot ka sa batas. Ang Panginoon ay may batas at gumagawad ng parusa sa mga hindi susunod sa kanya.

SI JESUS AY NASA SINAPUPUNAN PA LANG

nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang Anghel ng Panginoon. Sabi nito sa kanya.:Jose, anak ni David, huwag kang matakot na tuluyan pakasalan si Maria, sapagkat siya`y naglilihi sapamamagitan ng Espiritu Santo.Manganganak siya ng isang lalaki at ito`y pangangalanan mong Jesus, sapakat siya ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan. (Mateo1:20,21,22)

SINUGO NI JESUS ANG LABINDALAWANG DISIPULO.

Ang labindalawang ito`y sinugo ni Jesus at kanyang pinagbilinan: “Huwag kayong pupunta sa lugar ng nga Hentil, o sa ano mang bayan ng mga Samaritano.Sa halip ay hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayanan ng Israel.(Mateo10:5,6)

ANG KANYANG PAGKA-PROPETA PANGGAGAMOT AY
SA ISRAEL LAMANG;

Lumapit sa kanya ang isang Cananean naninirahan doon at malakas na sinabi, “Panginoon, Anak ni David,mahabag po kayo sa akin!Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at masyadong pinahihira pan.”Ngunit gaputok ma`y di tumugon si Jesus.At lumapit ang alagad at sinabi sa kanya,”Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siya`y nag-iingay at susunod sunod sa atin Sumagot si Jesus,”Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako isinugo.Ngunit lumapit sa kanya ang babae,lumuhod sa harapan at ang sinabi “Tulungan po ninyo ako, Panginoon Sumagot si Jesus, ”Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta.”(Mateo15:22,23,24,25,26)

Si Muhammad ay hindi ama ng sinumang sa inyo, datapuwat siya ang sugo ni Allah at sagka (panghuli)
sa lahat ng Propeta; at si Allah ang may Ganap na kaalaman sa lahat ng bagay (Quran6:67)

Ini ulat ni Abu Huraira (RAH) sinabi ng sugo ng Allah(SWT) Akoy isinugo sa pinaka magandang panahon sa buong henerasyon mula ng likhain si Adam.

Ini ulat ni Jabir bin Abdullah (RA) Ang Propeta (SAKAP) ay nagsabi “Akoy binigyan ng limang (bagay)na hindi ibinigay alinman sa mga nauna sa akin.

a) Pinag-tagumpay ako ng Allah sa pamamagitan (pagkatakot ng kalaban)…..
b) Ang Mundo ay ginawang lugar na sambahan at mag-dalisay,samakatuwid kahit sino sa aking tagasunod ay makapag dasal kahit saan datnan ng oras ng pagdarasal.
c) Bagay na nakuha sa digmaan ay ginawang legal sa akin ngunit ito`y wala sa nauna sa akin.
d) Akoy binigyan ng karapatan tagapamagitan(sa araw ng paghuhukom)
e)Lahat ng Propeta ay sinugo lamang sa kanyang
bayan.Ngunit akoy isinugo sa buong sangkataohan.

Ang tagumpay ni Propeta Muhammad(sakap) ay ibinaba na ang huling talata ng Quran sa pamamagitan ni Anghel Gabrel.

Sa araw na ito ay aking binigyan lubos na katuparan ang inyong relihiyon.Para sa inyo,Aking ginawang ganap ang tulong sainyo ,At pinili ko ang Islam bilang inyong relihiyon.(Quran5:3)

Ng ipahayag ni Propeta Muhammad ito sa lahat ng sahabah (kasama) at mga tao ay natuwa ang lahat sa tagumpay maliban sa isang shahabah na si Abo Bakr(RA) na lumuluha.Bagamat tinanung siya ni Omar(RA)” bakit ka umiiyak samantalang ang lahat ay natutuwa”ang sagot “Oo hindi ba ninyo batid na natapos na niya ang kanyang misyon ibig sabihin
lilisanin na niya ang Mundo.Narinig ng mga shahabah at mga tao ang lahat ay nag-iyakan.

ANG HULING SERMON PAMAMAALAM NG PROPETA MUHAMMAD (SAKAP)

O mga tao,wala ng darating pa na Propeta o Sugo
pagkatapos ko,At wala na ring pananampalataya na sisibol.Pakinggan ang sinasabi ko.Mayroon akong iiwan na dalawang bagay sa paglisan ko, ang Quran at ang Sunnah.Sundin ninyo ito at hindi kayo maliligaw. Mag-ingat sa manlilinlang at bantayan ninyo ang inyong relihiyon.Iparating sa iba ang mga sinabi ko at ang iba ay gayon din.at inyong tinanggap ang akin pahayag na mas higit na mapalad ang wala dito na tatanggap.Saksi ang Allah(SWT) naiparating ko na ang inyong mensahe.

ANG IPINAGKATIWALA SA KANILA;

At katotohanan Kami ay nagsugo sa bawat Ummah(bansa o pamayanan):”Sambahin lamang si Allah(SWT) at iwasan (o layuan )ang lahat ng Taghut(lahat ng mali o huwad na sinasamba, maliban kay Allah). (Quran16:36)

Ang lahat ng bilang ng mga Sugo sa buong kasaysayan ng Propeta ay 100,044 - Sugo 25 - lang ang binanggit na pangalan sa banal na Quran (5) lang ang pinag
kaluoban ng aklat tulad ni: Abraham ang kalatas, (Scrol). Moses ang batas (torah). David ang Salmo(Psalm). Jesus ang Ebanghelyo sa tagalog,Gospel sa english (Injil ang orehinal sa Aramaic.Sa tagalog ay magandang balita) Muhammad (sakap)ang babasahin, pamantayan (Quran,Furqan)

SAKLAW NG QUR`AN ANG APAT NA AKLAT NA NASIRA;

Katotohanan Kami ang nagpapanaog ng Dhikr(ang Quran) buong katiyakan na ito ay aming pangangalagaan laban sa kabulokan (at katiwalian) (Quran 15:9)
At aming ipinanaog sa iyo (Muhammad sakap.) ang Aklat (Quran) sa katotohanan, na nagpapatotoo sa Kasulatan na dumatal nang nauna pa rito at Mohayminan (bilang isang pamantayan na nakakasakop) dito. Kayat iyong hatulan sila ng ayon sa ipinahayag ni Allah (Quran) at huwag mong sundin ang kanilang walang saysay na pagnanais na magliligaw sa iyo.(Quran5:48)

MGA AKLAT NA HINDI PINANGALAGAAN;

aklat tulad halimbawa: Ang Kalatas ni Abraham, Salmo ni David.

Ang Torah ni Moses ng wala na siya ay pinag pira-piraso ng mga Israelita. At ang Injil(Gospel) ni Jesus paglisan niya
Ay naglaho narin.

Katunayan ay hindi binigyan ng pagkakataon makasingit man lang sa Biblia ang Aklat ng dakilang Guro o Dakilang sugo ang Injil ni Jesus. At mas pabor pa ang mga eskolar ng Biblia sa aklat ni Pablo.Kalahati ng bagong tipan ay sinulat ni Pablo ang Dakilang sinungaling at tuso. Sabagay hindi nararapat ang isang banal na Aklat na mapabilang sa Biblia na tadtad ng kamalian, kalituan at kasalungatan. Tulad lang sa pahayagan Awake! Magazine na 50,000 Errors in the Bible? At March 15,1991 Publish in USA. 200,Bible scholar the Bible.The result is 85% is error. Eto pa “THE WOLD`S BEST SELLERS” “Yet the King James virsion has Grave defects”and, “That these defects are So Many And So Serious As To Call For Revision. Ganon po kalala, At eto pa ang pahayag at pag-amen ni Pablo;
-Tingnan ninyo kung gaano kalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo ng aking sariling kamay (Galacias 6:11)
-Datapwat magkagayon man ako`y hindi naging pasan sa inyo kundi dahil sa pagkatuso ko,kayo`y hinuli ko sa daya, kayo baga`y aking dinaya sa pamamagitan ng sinumang sa mga sinugo sa inyo(2Corento12:16)
-Datapuat kung ang katotohanan ng diyos sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay sumagana sa ikaluwalhati niya, Bakit pa naman ako`y hahatulan sa isang makasalanan(Roma 3:7)
Ang Panginoon ay di niya hinayaan ang ganitong kasawian gawa ng mga bulaang mangangaral.bagkus ibinaba niya muli ang Banal na Qur`an ang huling Aklat na mag-papatotoo sa mga naunang Aklat.

May pulutong sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiano) ang nagnanais na ihantong kayo sa pagkaligaw. Datapwa`t hindi nila magagawang mailigaw ang sinoman maliban sa kanilang sarili,at ito ay hindi nila nadarama.(Qur`an 3:69)

ANG MAGKASUNOD NA SUGO;

Jesus -May labingdalawang disipulo.Hindi nagtagumpay sa misyon, Dahil hindi siya tinanggap sa kanyang bayan at pinatay pa. (Juan 1 : 11)

At ang iba pang disipulo ay pinagkanulo at ibininta sa halagang 30 pilak.(Mateo 27 : 3-5)

Mahammad.-May Shahabah (kasama)na 100,045 at 10,000. Hafidz.. (Sa ulo ang buong banal na Qur`an),
Ipinagtanggol at ipinaglaban ang pagka Propeta niya hanggang sa nagwagi. At tinanggap na ang Islam sa
ibat-ibang kaharian mesmo sa panahon ng pagka Propeta niya.

At sa kanyang pagkamatay.Ay ipinagpatuloy ng mga
Shahabah sa ibat-ibang panig ng Mundo hanggang
dumating na sa atin ang misyunariyong Arabo na si
Sharief Macdum.At sa ngayon patuloy paren ang
paglaganap ng Islam dito sa Pilipinas at sa buong Mundo.

Katotohanan! Sila na hindi sumasampalataya sa Ayat(mga katibayan,kapahayagan,aral,tanda) ni Allah,-si Allah ay hindi mamamatnubay sa kanila at sa kanila ang
kasakitsakit na kaparusahan.

Kapatid nasumpungan mo na ang mga tanda sa banal na Biblia at Qur`an, Maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga talata at sa mga pahayagan.Huwag na tayo magpaluko sa mga mangangaral na ginagawang hanap buhay at ikina-yayaman pa nila ang 10%na ikapo at huwag na natin iasa sa kanila ang ating kaligtasan kundi tuklasin natin mismo ang tunay na relihiyon.

Dahil kailan man ay hindi sinabi ni Jesus ang relihiyon na sundin ay Christiano.O di kaya` sinabi ni Moses na ang relihiyon na sundin ay Judaismo. Ang Allah (SWT) ay hindi nagbigay ng relihiyon sa tribo lang, o bayan, bansa kundi sa buong kasaysayan ng 100,044 sugo ay iisa lamang ang relihiyon kundi kapayapaan(Islam) na ganap na pagsunod pagsuko pagtalima ayun sa kagustohan niya.


Layunin ng lumathala sa babasahing ito ang madaling pagka-unawa sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na salin sa wikang tagalog ng mga talata sa Banal na Quran. Dahil ang Banal na Aklat na ito ay nanatili sa tunay niyang anyo na Arabic texto mula noong ipahayag kay Propeta Muhammad(sakap) sapamamagitan ni Anghel Gabrel hanggang ngayon 1431 taon na ang nakalipas nananatili paren sa orehinal na kapahayagan at nasa pangangalaga ng milyun milyun na muslim sa buong Mundo na may, Chapter na 114, Verses na 6,346, Words na 77,439,Letters na 321,250. Kaya mahirap dayahin at madaling matuklasan ang sinomang pangahas na sisira nito. Kung ikaw kapatid ay nagbasa ng Banal na Quran ay hindi mo na kailangan pa ang Pare,Pastor,menistro para anong sekta ka aanib dahil ang kausap mo sa Quran mesmo ay ang nagmamay-ari ng pananampalataya.

MAY KAPAL

Katotohanan ! Ako si Allah! La illaha illa Ana(Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban saakin).Kayat ako lamang ang inyong sambahin at ikaw ay mag-alay ng Salah(takdang pagdarasal nang palagian) bilang pag-aala-ala sa akin.(Quran20:14)
Ipahayag (O Muhammad) Siya si Allah, ang nag-iisa. Allah-us-Samad! (Si Allah, ang Walang Hanggan, ang Sakdal at Ganap[ang may sariling Kasapatan ,ang lahat ng mga nilalang ay umaasa sa kanyang pagtataguyod]). ,Hindi Siya nagkaanak at hindi rin Siya ipinanganak., At walang anuman ang sa Kanya ay maihahalintulad. .(Quran12: 4)

Hindi mo ba namamasdan na ang lahat nasa kalangitan
at kalupaan ,at ang araw ,at ang buwan , at ang mga
bituin,at kabundukan, ang mga punong kahoy,ang mga
hayop,at ang karamihan sa tao ay nagpapatirapa kay
Allah?

Datapwat marami sa mga (tao) na ang (ilalapat
na)kaparusahan(sa kanila) ay makatwiran. At kung
sinuman ang bigyan ni Allah ng kahihiyan, walang makapagbibigay sa kanya ng karangalan.Katotohanan si Allah ay gumagawa ng anumang Kanyang naisin.(Quran22:18).

Halimbawa; Pagsamba ng mga Propeta sa Biblia.
(Hesus) Mateo26:39 “at siya ay nagpatirapa., Josue(Joshua)Josue5:”14 at si Josue ay nagpatirapa sa lupa at sumamba” Mga Bilang 20:6”At si Moises at Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at nagpasa pintuan ng tabernakulo at nagpatirapa.”

Genesis17:3”At nagpatirapa si Abram at ang Diyos ay nakipag-usap sa kanya”.. 1Mga Hari18:42”at siya (Elias)ay yumukod sa lupa at inilagay ang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod (nagpatirapa)
Apocalipsis7:11(Revelation7:11)”Sila (mga Angel) ay nangagpatirapa sa harapan ng luklukan at nangagsamba sa Diyos”

RELIHIYON

Sa araw na ito aking binigyan na lubos na katuparan ang inyong relihiyon ,para sa inyo aking ginawang ganap ang tulong sa inyo pinili ko ang Islam bilang inyong relihiyon. [Quran5:3)

Kung sino ang maghahangad ng ibang relihiyong maliban sa Islam sa kanya ay hindi tinatanggap at sa kabilang buhay ay kabilang sila sa mga talonan.[Quran5:85]

Katotohanan, ang Relihiyon tatanggapin ni Allah ay Islam (Quran3:19). Ang ALLAH ay pumili ng [tonay]na .relihiyon para sa inyo.At huwag mamatay maliban sa pananampalatayang Islam.[Quran2:132]

Halimbawa: sa Biblia. Sinugo ni Jesus ang Labingdalawang disipulo sa sambahayan ng Israel. Mateo10:12 Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo “Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!”
Ang Islam ay salitang arabik na ang kahulogan sa wika natin ay kapayapaan. Ang taga Paglikha ay hindi mag bibigay ng magkakasalungat o Kalituan sa kanyang mga sugo.Si Jesus na nasusulat sa BIblia ay pinagbilinan niya
ang labindawang disipulo na paghariin ang Islam sa sambahayanan ng Israel.

ANG SUGO

Siya (Allah) ang nagsugo sa mga taong hindi nakapag-aral ng isang Sugo (Muhammad) mula sa kanilang lipon,upang kayang dalitin sa kanila ang Kanyang mga Talata,upang sila ay maging dalisay (sa kawalan ng pananalig at pagsamba sa mga diyos-diyosan) at (upang) magturo sa kanila ng Aklat at ng karunongan ( ang Quran , at ang Sunna [katuroan] ni Propeta Muhammad). Bagamat sila noon ay nasa lantad na kamalian. (Quran 62:2).

Na katotohanan ito ang salita ng kapuri-puring Sugo (alalong baga, si anghel Gabrial o ang Sugo Muhammad na nagdala nito mula kay Allah ) (Quran 69:40).

Sugo (Muhammad)! Ipamahagi (iparating ) mo ang (Kapahayagan na) ipinanaog sa iyo mula sa iyong Panginoon .At kung (ito) ay hindi mo gawin, kung gayon, hindi mo naiparating ang Kanyang Mensahe.Si Allah ang mangangalaga sa iyo sa sangkatauhan. Katotohanan si Allah ay hindi na mamatnubay sa mga tao na hindi sumasampalaataya.(Quran6:67)
Si Muhammad ay hindi ama ng sinunan sa inyo, datapuwat siya ang sugo ni Allah at sagka (panghuli) sa lahat ng Propeta; at si Allah ang may Ganap na Kaalaman sa lahat ng bagay. (Quran 33:40)

MGA MANANAMPALATAYA

(Ito ang ) relihiyon ng inyong amang si Abraham (ang Islam).Siya (Allah)ang nagbigay sa inyo ng katawagan Muslim, na magkatulad maging noon at ngayon ,. (Quran22:78) Siya (Allah)ang nagtakda sa inyo ng gayon ding Pananalig (Islam) na Kanyang itinakda (ipinag-utos) kay Noah,at gayundin ang Aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) at gayundin ang Aming ipinahayag kay Abraham ,Moises at Hesus, na ( nagsasabi na) na kayo ay manatiling matimtiman sa pananalig. At huwag kayong gumawa ng pagkakabahagi rito(sa Pananampalataya. Ang pagkakaroon ng ibat-ibang sekta).

Ang iyong ipinangangaral (O Muhammad), ito ay hindi katanggap-tanggap sa Musrikun(mga mapagsamba sa diyos-diyosan, pagano , walang pananalig sa kaisahan ni Allah). Si Allah ang pumipili para sa Kanyang Sarili ang sinumang Kanyang mapusuan at Siya ang namamatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumabaling sa Kanya sa pagsisisi at pagtalima. (Quran 42:13).

Ipahayag (O Muhammad): “Kami ay sumasampalataya kay Allah at sa anumang ipinanaog sa amin,at sa anumang ipnanaog kay Abraham,Ismail,Isaac,Hakob,at Al-asbat (ang mga supling ng labindalawang anak na lalaki ni Hakob) at sa mga ipinagkaloob kay Moises, Hesus, at sa mga Propeta mula sa kanilang Panginoon. Kami ay hindi nagbibigay sa kanila ng pagtatangi-tangi sa bawat isa sa kanila,at sa kanya (Allah) kami ay Muslim. (Quran3:64).

ANG AKLAT NA QURA'N

Ito ang Aklat (Quran) na walang pag-alinlangan (na nagmula kay Allah), ang tunay na patnubay sa mga may pangangamba kay Allah.(Quran2:2)

Ang pinakamahabagin(si ALLAH)! ,Siya na nagturo(sa inyo ,Sangkatauhan)ng Quran (sa pamamagitan ng Kanyang Habag).Siya ang lumikha sa tao. Siya na nagturo sa kanya nang maindayog napananalita. (Quran55:1,2,3,4) Katotohanan Kami ang nagpapanaog ng Dhikr(ang Quran)at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa kabulukan(at katiwalian). (Quran15:9). Ang kasinungalian (kabulaanan) ay hindi sasanib dito(Quran),maging sa harapan o likuran nito .Ito ay ipinadala ng IsangTigib ng Karunungan,ng Isang Karapat-dapat sa lahat ng Pagpupuri.(Quran41:42)

Hindi baga nila isinasaalang-alang(pinag-iisipan nang mabuti) ang Quran?Kung ito ay nagmula (sa iba)maliban pa kay Allah, Katotohanan sila ay makakatagpo rito ng maraming pagkakasalungatan.(Quran4:82) At katotohanan inihantad sa mga tao sa Quran na ito ang lahat ng uri paghahambing (talinhaga o paliwanag) upang sila ay makatanggap ng paala-ala.(Quran39:27)

Isang (Aklat na) Quran sa(wikang)Arabik na walang
anumang kalihisan (sa katotohanan), upang kanilang maiwasan ang lahat ng kasamaan na ipinag-utos ni Allah na kanilang talikdan.(Quran39:28)

Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay kay Allah lamang,na siyang nagpapanaog ng Aklat(ang Quran) sa Kanyang alipin(Muhammad),at (Siya)ay hindi naglagay dito ng anumang kasahulan(o kamalian). (Quran18 :1).

Ito ang Quran ay hindi maaaring maipahayag ng iba maliban kay Allah bagkus ito ang nagpapatunay ng kapahayagan(rebelasyon)na dumating noong pang una(alalaong baga ,ang Torah[mga Bayas],Ebanghelyo,atbp.),at isang ganap na paliwanag sa Aklat na ito ay walang alinlangan mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang. (Quran10:37

MENSAHE;

Sa mga nakapag basa nito meron pa kayang higit pa kaysa pahayag na ito. Kapatid tuklasin mo ang kinasasaniban mong relihiyon. Baka mapaniwala ka sa mga gawagawa lamang ng mga pastor, pare, iskolar, o ninuno natin o di kaya mga ini-rehistro sa SEC na mahigit 350 sekta na. Dito pa lang sa Pilipinas paano pa kaya sa boong mundo. Ang Panginoon ay hindi tumatanggap ng gawa ng tao lamang bagkus bago nilikha si Adam ay meron nang matuwid na pananampalataya naaayon sa Kanyang layunin.

At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban na tanging sambahin lamang Ako.(Quran51:56)

Ang tanging layunin lamang ng Panginoon sa sanlibutan ay paglingkuran lang siya. ngunit ang mga tao ay gumawa pa ng mga relihiyon batay sa pangalan ng tao tulad ng Kristiano na hinango sa pangalan ni Hesus Kristo; Budismo sa pangalan ni Buddha; Konfusiasmo sa pangalan ni Confucius; Marsismo sapangalan ni Karl Marx, o sa pangalan ng tribo gaya ng Judaismo sa tribo ng Judea; Hinduismo sa tribo ng Hindus.
Ang anumang sinasamba ninyo maliban sa Kanya ay wala ng iba kundi mga pangalan lamang na inyong kinatha, kayo at ang inyong mga ninuno, na rito si Allah ay hindi naggawad ng kapahintulutan. Ang pagpapasiya ay kay Allah at wala ng iba. Kanyang pinag-uutosan kayo sambahin lamang Siya, ito ang tunay na matuwid relihiyon ,ngunit ang karamihan sa tao ay hindi nakakaalam.(Quran12:40) Kapatid kung kayo ay nagbabasa o nanaliksik ng relihiyon ay isama na ninyo ang Islam para sa gayoy meroon kayong maipagkumpara, at alin patnubay ang piliin sa lumikha ba o sa kinatha ng tao.
Sinoman ang may nalalaman sa nilalaman ng Biblia, ang mga kaugalian at pananampalataya ng Muslim ay hindi maipagkakaila na ang mga Arabo at mga Muslim ang tunay na nagmana ng mga bagay na ito. Tulad halimbawa ng mga sumusunod.

1. Shahada (Pagpapatotoo sa Kaisahan ng panginoon)
Ang Pananampalataya sa Islam ay may napakahalagang pamantayan upang ang isang tao ay ituring na Muslim o hindi mananampalataya. Ito ang tinatawag na Shahada. Binibigkas ang patotoong ito na may mga saksing Muslim at binibigkas o sinasabi ang : “ As’hado anla ilaha illallah wa as’hado anna Eesa rasulullah wa as’hado anna Muhammadar Rasulullah, “ na ang kahulugan ay “ ako’y nagpapahayag na walang ibang dapat sasambahin at paglilingkuran maliban sa Allah, at ako’y nagpapahayag na si Jesus ay sugo ng Allah at akoy nagpapahayag na si Muhammad ay huling sugo at Mensahero ng Allah.” Ang Payak na mga katagang ito ang nagbibigay karapatan sa isang tao na maging kaanib sa Islam. Ngunit ang mga bagay na ito ay pamamamaraan at alituntunin ng mga naunang mananampalataya, mga sugo at mga Propeta.

Shahada sa Luma at Bagong Tipan Ang Luma at Bagong
Tipan ng Biblia ay maliwanag ipinapakilala ang tama at payak na pagpapahayag (Shahada) ng pananampalataya upang ang isang tao ay magiging katanggap-tanggap sa Dios. Ito ang pagbigkas ng Pananampalataya sa nag-iisang Tunay na Dios at pagkilala sa Kanyang mga Sugo at Propeta. Tulad halimbawa ng mga sumusunod:

“Dinggin ninyo ako, O Juda, at ninyong mga taga Jerusalem; sumampalataya kayo sa Panginoong ninyong Dios, sa gayo’y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo’y giginhawa kayo.(2 Cronica 20:20)

“ At nangyari, sa oras ng paghahandog ng alay sa hapon, na si Elias, na Propeta ay lumapit , at nagsabi, Oh Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, napakilala ka sa araw na ito, na ikaw ay Dios sa Israel, at ako ang iyong lingkod. At aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita.(I Hari 18:36)

“ At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong isinugo, samakatuwid baga’y si Jesucristo.(Juan 17:3)

(PAGDARASAL AT PANANALANGIN)

Ang pananalangin at pagsamba sa wikang Arabic ay Salaah ay isa sa haligi ng Islam at ito’y itinuturing na pinaka-pangulong panulok ng relihiyon. Narito ang halimbawa o pamamaraan at oras na itinakda ng Dios sa pananalangin na ginaganap ng mga Muslim na nakalahad sa Biblia (Tignan din ang balangkas na Tungkulin ng tao sa Tunay na relihiyon)

Pagpapatirapa (Sujud

(Sa pagsamba at pananalangin (Salaah)
Ang isang Muslim sa kaniyang pagsamba at pananalangin ay nagpapatirapa at inilalapat ang kaniyang nuo at ilong sa lupa. Ang mga halimbawang ito ay binanggit sa Biblia, katulad nina:

Si Jesu-Crsito
“ At lumakad siya sa dako pa roon, at siya’y nagpatirapa, at nanalangin.(Mateo 26:39)

Si Moises at Aaron
‘‘At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan,at nangagpatirapa (Numeros 20:6)

Si Josue
“ ... at si Josue ay nagpatirapa sa lupa at sumamba.(Josue 5:14)

Si Abram
“ At nagpatirapa si Abram; at ang Dios ay nakipag-usap sa kaniya.(Genesis 17:3)

Si Elias
at siya (Elias)ay yumukod sa lupa at inilagay ang mukha sa pagitan ng kanyang mga tuhod (nagpatirapa) 1Mga Hari 18:42)

Mga Angel
Sila (mga Angel) ay nangagpatirapa sa harapan ng luklukan at nangagsamba sa Diyos.(Apocalipsis 7:11(Revelation7:11)

(MGA ITINAKDANG ORAS SA PANALANGIN AT PAGSAMBA)

Ang panalangin at pagsamba ay tungkulin ng isang matapat na Muslim. Sa loob ng isang buong araw (24 oras) ay may 5 ulit na pagdarasal at pagsamba ang ginaganap ng mga Muslim. Ito ay tinatawag na Fajr ( Dasal sa madaling araw), Dhuhor ( Dasal sa Tanghali), Asr ( Dasal sa Dapit Hapon), Magreb ( Dasal bago lumubog ang Araw), at Isha ( dasal sa Gabi). Ang Biblia ay nagbigay din ng ganitong mga panahon ukol sa pagsamba at pagdarasal.

1). Fajr (Dasal sa Umaga)
“O Panginoon, sa kinaumagaha’y didinggin mo ang aking tinig; Sa kinaumagahan ay aayusin ko ang aking dalangin sa iyo, at magbabantay ako.(Mga Awit 5:3; 8:3)
2). Fajr, Dhuhor at Isha
“ Sa hapon at sa umaga, sa katanghaliang tapat, ako’y dadaing, at hihibik; at kaniyang diringgin ang aking tinig.(Mga Awit 55:17)
3). Asr
“ Si Pedro at si Juan nga ay nagsipanhik sa templo nang oras ng pananalangin, na ikat-tatlong oras ng hapon.(Mga Gawa 3:1)

4). Fajr hanggang Magreb
“ Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon. Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin.( Mga Awit 113:3).

(PAGTAAS NG KAMAY SA PANANALANGIN)

Ang Muslim kung nagnanais na dumalangin at magsumamo sa Panginoon para sa anomang kahilingin ay itinataas at nagsusumamo sa Panginoon para sa anomang kahilingan ay itinataas ang mga kamay na ang mga palad ay nakabukas sa kalangitan. Ang pinakamagandang halimbawa nito ay ginawa ni Ezra. Ganito ang nakasulat sa Nehemias 8:6 : “ At si Ezra ay pumuri sa Panginoon, na dakilang Dios. At ang buong bayan ay sumagot: Siya nawa, Siya nawa, na may pagtataas ng kanilang mga kamay: at kanilang iniyukod ang kaniyang mga ulo, at nagsisamba sa Panginoon na ang kanilang mga mukha’y nakatungo sa lupa.”

(PAGHUGAS BAGO MANALANGIN AT SUMAMBA)

Ang paghuhugas o Wudu ay isa sa mga kinakailangang gawin bago ang isang Muslim magsagawa ng pananalangin at pagsamba, at bago matulog. Ang bagay na ito ay isinalarawan ng Biblia kung paano isinasagawa. Ganito ang paglalarawan : “ At kanilang inilagay ang hugasan sa pagitan ng tabernakulo ng kapisanan , at ng dambana, at sisidlan ng tubig upang paghugasan. At si Moises at si Aaron at ang kaniyang mga anak, ay nagsipaghugas doon ng kanilang kamay at paa; pagka sila’y pumapasok sa tabernakulo ng kapisanan, at pagka sila’y lumalapit sa dambana ay nagsisipaghugas sila; gaya ng iniutos ng panginoon kay Moises.(Exodo 40:30-32).

(PAG-ALIS NG SAPIN SA PAA)

Bago Pumasok sa Bahay sambahan
Ang kalinisan ay bahagi at kabilang sa pananampalatayang Islam, lalo na ito’y isang alituntunin bago manalangin. Malinis na kapaligiran, katawan, damit ang kinakailangan bago magsagawa nito. Hindi lamang ito, pati na ang Mosque ay inilaan para sa mga sumasamba at kinakailangan ito’y
malayo sa karumihan.

Sa pamamagitan ng pag-alis ng ating mga sapin sa paa na maaaring magdala ng maruming bagay sa loob ng bahay sambahan, bilang pag-iingat ay dapat na ipatupad ito. Ang ganitong paraan ay ipinatupad at isinasagawa rin ni Moises at ng iba pang lingkod ng Dios. Basahin ang mga sumusunod na halimbawa:

“ At sinabi, huwag kang lumapit dito, hubarin mo ang iyong panyapak sa iyong mga paa, sapagkat ang dakong iyong kinatatayuan ay banal na lupa.” (Exodo 3:5)

Si Josue ay nagpatirapa sa lupa at sumamba ... at sinabi ng hukbo ng Panginoon kay Josue, hubarin mo ang
iyong panyapak sa iyong paa; sapgkat ang dakong iyong kinatatayuan ay banal, at ginawang gayon ni Josue.(Josue 5:14, 15)

Masjid (Ang Bahay Panalanginan)
Ang tawag sa isang lugar na pinapanalanginan ay “Masjid sa salitang Arabic” o “Bahay Panalanginan. Sa Inglis, ang salitang Mosque ay nagmula sa salitang kastila na “mezquita”. Ang salitang ito ay nagmula sa Arabic na Masjid, na ang salitang ugat ay “ sajda” na ang ibig sabihin sa Arabic ay pagpapatirapa at pagsamba. Ito ang tawag sa bahay sambahan ng mga Muslim. Sa Biblia, tinawag ni Jesus ang templo sa Jerusalem na “Bahay Panalanginan,” nangangahulugan ng Masjid.(Mateo 21:13).

(PAGTUTULI SA ANAK NA LALAKI)

Ang pagtutuli sa mga anak na lalake ng Muslim ay isang kautusan na ipinagkaloob kay Abraham mula sa Dios bilang palatandaan ng tipan ng Kanyang pangako (Lucas 2:21). Hindi lamang ito para sa pangkalinisang bagay kundi higit sa lahat ay palatandaan ng pagkilala sa tipan ng Dios kay Abrham (Geneisis 17:9-14). Ang tipang ito ay hindi maaaring mawalan ng bisa, sapgkat ito’y magpawalang hanggan tipan Sinoman na humiwalay sa kasunduang ito, ay humiwalay din sa pangako na ipinagkaloob kay Abraham.

(PAGSUSUOT NG LAMBONG (VEIL) NG MGA KABABAIHAN)

Kaugalian ng mga kababaihang Muslim na magsuot ng lambong o talukbong (veil) sa kanilang ulo. Bilang masunuring babaeng Muslim, hindi niya kailangang magladlad ng kaniyang kagandahan sa mga tao sa pamamagitan ng hindi paglalagay ng talukbong, paglalagay ng make-up at iba’t-ibang abubot sa katawan upang akitin ang mga kalalakihan. Ang magpaganda ay hindi masama ngunit ito’y para lamang sa paningin ng kaniyang asawa at hindi para sa mata ng ibang kalalakihan.

 
Napatunayan sa karanasan ng lipunan na ang kaugalian sa makabagong kasuotan o ayos ng mga kababaihan (sexy clothes) ay nagdadala sa kanila sa kapahamakan. Ang pagladlad ng kagandahan ng kababaihan ay mahabang talakayan, ngunit isa sa dahilan kung bakit ang isang babaeng Muslim na may takot sa Dios ay dapat niyang ingatan ang kaniyang sarili sa masamang mata ng kalalakihan at nagdadala sa kanilang damdamin na mang-init at makagawa ng kasalanan at maaari pa rin na hindi na igalang ang kababaihan.Sinabi sa Biblia ang ganito:

 kung ayaw magtalukbong ang isang babae,magpaahit na siya ng buhok,yamang kahiya-hiya sa babae ang magpaahit o magpagupit ng buhok,dapat siyang magtalukbong. (I Corinto 11:3-6 ihambing sa genesis 24:65).
 
(MGA HINDI IPINAHIHINTULOT NA KAININ AT INUMIN)

Ang Islam ay relihiyon ng pagtuturo ng kalinisan, kalusugan at kapayapaan ng ating mga kaluluwa sa buhay na ito sa ating daigdig. Dahil sa bagay na ito, ang Dios ay nagbigay ng gabay sa mga tao kung ano ang di dapat at dapat na kainin at inumin upang mapanatili ang ating kalusugan. Narito ang ilan sa nakasulat sa Biblia tungkol sa mga bagay na ipinagbabawal.

(PAGKAIN NG LAMAN NG BABOY)

“At ang baboy, sapagkat may hati ang paa at baak, datapwat hindi ngumunguya, at karumal-dumal nga sa inyo. Huwag kayong kakain ng mga laman ng mga iyan, at ang bangkay ng mga yaon ay huwag ninyong hihipuin; mga karumal-dumal nga sa inyo.(Levitico 11:7-8 ihambing sa Duetronomio 14:8 at Isaias 66-15-16)

(PAGKAIN NG MGA NAMATAY NA HAYOP)

“Huwag kayong kakain ng anomang bagay na namatay sa sarili.” (Duetronomio 14:21)
“ Dahil dito’y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbalik-loob sa Dios; Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila’y magsilayo sa mga ikahahawa sa dios-diosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo.” (Mga Gawa 15: 19-20).

(PAG-INOM NG NAKALALASING NA INUMIN)

“ Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo; at sinomang napaligaw sa kaniya ay hindi pantas,... Huwag kang mapasama sa mga mapaglango;.. Sapagkat ang manlalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan, Sinong may kapanglawan, Sinong may pakikipagtalo, Sinong may daing, Sino ang may sugat na walang kadahilanan? Sino ang may maningas na mata? Silang nangaghihintay sa alak; Silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak. Huwag kang titingin sa alak pagka-mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, sa huli ay kumakagat ito na parang ahas at tumutukang parang ulupong. Ang iyong mga mata at titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya sa mga mandarayang bagay.” (Mga Kawikaan 20: 1; 23:20-21, 29-32)
(PAGBATI NG ASSALAMO ALAIKOM)
(ANG KAPAYAPAAN AY SUMAINYO)

Kilala sa buong mundo na kapag narinig mo ang isang tao na nagwika o bumati ng Assalamo Alaikom, katiyakan o agad na masasabi na siya ay isang Muslim. Ito’y pagbati at isang uri ng pagnanais sa kapwa na magkaroon ng kapayapaan. Ang mga propeta (sa Biblia at Qur’an) at mga Muslim ay naging kaugalian ang pagbati nito.
Si Jesus sa kaniyang pagpasok sa silid ay binati niya ang kaniyang mga alagad ng: “ Ang Kapayapaan ay sumainyo” (Juan 20:19, 20). Binigyan din niya ng alintuntunin ang mga alagad na sa bawat bahay na kanilang papasukan ay igawad ang pagbating ito. (Mateo 10:12, 13).

Ang mga sipi mula sa Biblia ay patotoo na ang mga Muslim ang tunay na tagasunod at yumayakap sa mga aral na ipinahayag ng Propeta at Sugo ng Dios. Ito’y sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga halimbawang ipinakita nila. Ganito ang sinabi ni Jesu Cristo para sa kanyang mga tunay na tagasunod:
 “ Sapagkat kayo’y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo…Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y nagsisisunod sa akin;” (Juan 13:15; 10:27).
 Lalong higit pa, ang Qur’an ay nagsabi ng ganito:“ Katotohanan, nasa inyo ang isang magandang halimbawa na nasa Sugo ng Allah (si Muhammad) para kaninoman na umaasa sa Allah at Huling Araw, at lagi nang inaalala ang Allah.” (33:21). Dahil nga rito, ang mga Propeta at si Muhammad ang ating huwaran sa paraan ng pagkilos, gawa, salita at mga alituntunin sa buhay.
ANG PAG-AASAWA SA ISLAM



1. Mga kondisyon sa Kasal

2. Ang ilang Resulta sa Pag-aasawa

3. Mga tagubilin at Kagandahang Asal Para sa Mag-asawa

4. Ang mga Katangian ng Maybahay

5. Ang mga Babaeng Bawal Maging Asawa ng Isang Lalaki

6. Ang Diborsiyo

7. Ang ilang Resulta ng Diborsiyo

8. Ang Khula

9. Ang Khiyar

10. Ang Pag-aasawa ng Hindi Muslim

11. Bakit Kailangan ang Diborsiyo

12. Ang Polygyny



Mga Kondisyon sa kasal

1. Ang pagsang-ayon ng lalake at babae



Hindi matatanggap na pilitin ang lalaki na mag-aasawa sa hindi niya gusto at hindi rin matatan-gap na pilitin ang isang babae na mag-asawa sa hindi niya gusto. Ipinagbawal ng Islam na ipaasawa ang isang babae kung walang pagsang-ayon niya. Kaya kapag tumanggi siyang ipaasawa sa isang lalaki , hindi pinahi-hintulutan ang sinuman , Kahit na ang ama niya , na siya ay pilitin.



2. Ang wali



Hindi matatanggap ang kasal kapag wala ang wali ng babae ayon sa sinabi ng Propeta (SAS) :

"Hindi matatanggap ang kasal kapag walang wali." Kaya kung sakaling kusang nag-asawa ang babae , ang kasal niya ay walang saysay , daluhan man niya ang kasal o magtalaga man siya ng isang taong dadalo para sa kanya. Ang wali ay kailangang nasa wastong gulang (15 taong gulang o higit pa), may wasto at sapat na pag-iisip , at isang lalaki kabilang sa mga lalaking kamag-anakan ng babae ay ang mga sumusunod alinsunod sa pagkakasunod kung sino ang lalong karapat-dapat sa kanila: ang ama , ang taong pinagbilinan ng ama namaging wali ng kanyang anak na babae , ang lolo sa ama , ang lolo sa tuhod saka ang ama ng lolo sa tuhod pataas , ang kanyang anak na lalaki , ang mga anak na lalaki ng kanyang mga anak na lalaki at saka ang mga lalaking kaapu-apuhan ng mga ito , ang mga anak na lalaki ng mga kapatid na kapatid na lalaki sa ama't ina , ang kanyang kapatid na lalaki sa ama't ina , ang mga anak na lalaki ng mga kapatid na lalaki sa ama , ang tiyuhing kapatid sa ama't ina ng ama, ang tiyuhing kapatid sa ama ng ama, at ang kanilang mga anak na lalaki.

Ang pipiliin sa mga ito ay ang lalong malapit niyang mga kamag-anak.



Kailangang humingi muna ng kapahintulutan ang wali sa babae bago niya ito ipaasawa. Ang dahilan kung bakit kailangang may wali ang isang babae ay upang hadlangan gawing dahilan ang kasal para gumawa ng pangangalunya , sapagkat ang magagawa ng isang lalaking may balak mangalunya na sabihin sa babae na : "ipakasal mo ang iyong sarili sa akin ." at mapasang-ayon ang babae na magpakasal sa kanya nang walang wali. At ang kasal na ilegal na ito ay maaari pang saksihan ng dalawa sa kanyang kaibigan o ng ibang tao para magmukhang legal.



Hindi maaring maging wali ng isang babaeng Muslim kahit ama pa niya ito o isang malapit na

kamag-anak. Hangga't maaari , ang wali ng babaeng Muslim o naging Muslim ay ang lalaki niyang kamag-anak na nabanggit sa itaas. Kung wala ni isa mang Muslim sa mga ito , ang isang hukom na Muslim sa huku-man ng pamahalaan o ng Sharee`ah o ang isang institusyong pang-Islam ang siyang tatayong wali ng babaeng ito.



3. Ang dalawang lalaking saksi



Kailangang saksihan ng mga lalaking Muslim na makatarungan, dalawa o higit pa, ang pagdaraos ng kasal. Kailangan ang mga saksing ito ay mga taong mapagkakatiwalaan at umiiwas sa mga kasalanang mortal gaya ng pangangalunya , pag-inom ng alak , at iba pang mga kasalanang mortal.



4. Ang obligasyong magbigay ng mahr



Ang mainam sa mahr ay ang maliit na halaga at ang lalong maliit ay mas lalong mainam. Ang mahr ay tinatawag ding sadaq. Itinagubiling banggitin ang halaga o uri ng mahr sa pagdaraos ng kasal at ibigay kaagad sa sandaling iyon. Maaari ring ibigay ang mahr o ang nalalabing bahagi nito sa napagkasunduang panahon matapos na mairaos ang kasal. Kung sakaling diniborsiyo ng lalaki ang kanyang maybahay bago may namagitang pagtatalik sa kanila , kukunin ng babae ang kalahati ng mahr. At kung sakali namang nama-tay ang lalaki bago may namagitang pagtatalik sa kanya at sa babae matapos mairaos ang kasal , may karapa-tan ang babae na magmana sa lalaking ito at ang buong mahr ay mapupunta sa kanya.

Ang Paraan ng Pagkakasal

Ang kasal sa Islam ay magaganap matapos na magkasundo ang lalaki at ang wali ng babae sa kondisyong sasang-ayon din ang babae. Lalong mainam kung gaganapin ang kasal sa ganitong paraan:



1. Ang paghiling ng lalaki sa wali babae na ito ay ipaasawa sa kanya.

2. Ang pagsang-ayon naman ng wali ng babae sa kahilingang ito.

3. Ang pagtanggap ng lalaki na aasawahin niya ang babae.

Sa pagdaos ng kasal , kailangan ito ay daluhan ng hindi bababa sa dalawang saksing lalaki. Matapos nito , ang lalaki't babae ay naging mag-asawa na sa mata ng batas ng Islam. (Ipinahihintulot na kumuha ang lalaki ng isang tao (lalaki) upang kumatawan sa kanya.)



Ang pagkuha ng marriage license ay para lamang upang kilalanin ng pamahalaan na ang kasal ay legal at tunay.

Ang ilang Resulta ng Pag-aasawa

1. Ang pagsusustento

Tungkulin ng asawang sustentuhan sa pagkain , pananamit , at tirahan ang kanyang maybahay , ayon sa kanyang kakayahang financial. Kaya kung nagmamaramot ang lalaki sa pagsusustento sa kanyang mayba-hay , siya ay nagkakasala at may karapatang kumuha ang kanyang maybahay ng sapat na halagang pantustos sa pangangailangan nito buhat sa kanyang ari-arian o salapi o hindi kaya'y mangutang at ang asawa ang siyang pagbabayarin. Tungkulin din ng lalaking gumastos para sa handa para sa mga inanyayahang dumalo sa kasalan. Ang paghahanda ay itinagubiling gawin sapagkat ginawa ito ng Propeta (SAS) at ipinag-utos niyang gawin ito.



2. Ang Pagmamana



Kapag nakasal nang tunay ang lalaki't babae , magkakaroon ng karapatan ang bawat isa sa kanila na magmana kapag namatay ang alinman sa kanila ayon sa sinabi ni Allah : "May karapatan kayo sa kalahati ng mga naiwan (na ari-arian) ng inyong mga maybahay kung wala silang anak ; subalit kung may naiwan silang anak , mapupunta sa inyo ang ika-apat na bahagi ng naiwan nila matapos ikaltas ang isang pamanang kanilang isinaad sa huling habilin o ang pambayad ng utang. At may karapatan sila (mga maybahay) sa ika-apat na bahagi ng mga naiwan (na ari-arian) ninyo kung wala kayong anak; subalit kung ma y naiwan kayong anak , mapupunta sa kanila ang ika-walong bahagi ng naiwan ninyo matapos ikaltas ang isang pamanang inyong isinaad sa huling habilin o ang pambayad ng utang ..." (4:12) Kaya nagtalik man sila o hindi , nagsama man sila o hindi ; magmamana pa rin sila sa isa't isa.

Mga Tagubilin at Kagandahang Asal Para sa Mag-asawa

1. Itinagubiling ipagbigay alam ang kasal (sa pamamagitan ng pagdaraos ng handaan pagkatapos ng kasal).

Itinagubilin ding ipanalangin ang bagong kasal at sabihin sa lalaki o sa babae : "Pagpaplain ka ni Allah at nawa'y pagsamahin niya kayo sa ginhawa."

2. Itinagubilin sa mag-asawa na sabihin ang panalanging ito sa tuwing bago magtatalik :

"Allahumma jannibnash shaytana wa jannibnish shaytana ma razaqna." (Ang kahulugan nito sa Tagalog ay: " O Allah , ilayo Mo po si Satanas sa amin at ilayo Mo po siya sa anak na ipagkakaloob Mo sa amin."



3. Kasuklam-suklam para sa mag-asawa na ipagsabi nila ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang pagtatalik



4. Ipinagbabawal (haram) sa lalaki na makipagtalik sa kanyang maybahay kung ito ay may regla o nifas at hanggang hindi ito nakapapaligo matapos magkaroon ng regla o nifas.



5. Ipinagbabawal na makipagtalik sa butas ng puwit ng babae sapagkat ito ay isa mga kasalanang mortal na ipinagbabawal ni Allah.



6. Hindi pinahihintulutang gumamit ng contraception ang babae kung walang kapahintulutan ng kanyang asawa, kung makasasama sa kanya, at kung hindi naman talagang kailangan. Hindi rin maaaring gamitin ang withdrawal method kung walang kapahintulutan ng maybahay at kung hindi naman talagang kailangan.

Ang mga Katangian ng Maybahay

Ang pag-aasawa ay may dalawang layunin : para sa ikasisiya ng mag-asawa at para sa pagbuo ng mabuting pamilya at malusog na lipunan. Alinsunod dito , ang babaeng nararapat asawahin ay ang babaeng makakatugon sa dalawang layuning ito. Ang babaeng ito ay nagtataglay ng panlabas at panloob na kaganda-han. Ang kagandahang panlabas ay ang kagandahan ng anyo. Ang kagandahang panloob naman ay ang kagan-dahan ng pagsunod niya sa kanyang pananampalataya at ang kagandahan ng kanyang asal. Kung makapag-aasawa ng ganitong babae na nagtataglay ng kagandahang panlabas at kagandahang panloob , ito ang tunay na kaganapan at kaligayahang kaloob ni Allah. Dapat ding maging masigasig ang babae sa pagpili ng mabuting lalaki at may takot sa Diyos.

Ang mga Babaeng Bawal Maging Asawa ng Isang Lalaki

May dalawang klase ng mga babaeng bawal maging asawa ng lalaki : ang mga babaeng ipinagbawal magpakailanman na maging asawa at ang mga babaeng ipinagbawal pansamantala na maging asawa.

I- May tatlong uri ang mga babaeng bawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman:

1) Ang mga babaeng ipinagbawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman dahil sa dugo (mga kamag-anak sa dugo). Sila ay pito at binanggit ni Allah sa Qur'an:

"Ipinagbawal sa inyo na asawahin ang inyong mga ina , ang inyong mga anak na babae, ang inyong mga kapatid na babae, ang inyong mga tiyahin sa ama , ang inyong mga tiyahin sa ina , ang mga anak na babae ng inyong kapatid na lalaki , ang mga anak na babae ng inyong kapatid na babae..." (4:23)

A. Kabilang sa "mga ina" ang nanay at ang mga lola sa ama't ina.

B. Kabilang sa "mga anak na babae" ang mga anak na babae, ang mga anak na babae ng anak na lalaki , ang mga anak na babae ng anak na babae , at ang mga babaeng kaapu-apuhan nila.

C. Kabilang sa "mga kapatid na babae" ang mga kapatid na babae sa ama't ina , ang mga kapatid na babae sa ama , at ang mga kapatid na babae sa ina.

D. Kabilang sa "mga tiyahin sa ama" ang mga tiyahin sa ama , ang mga tiyahin sa ama ng kanyang ama , ang mga tiyahin sa ama ng kanyang mga lolo , ang mga tiyahin sa ama ng kanyang ina , at ang mga tiyahin sa ama ng kanyang mga lola.

E. Kabilang sa "mga tiyahin sa ina" ang mga tiyahin sa ina , ang mga tiyahin sa ina ng kanyang ama , ang mga tiyahin sa ina ng kanyang mga lolo , ang mga tiyahin sa ina ng kanyang ina , at ang mga tiyahin sa ina ng kanyang mga lola.

F. Kabilang sa "mga anak na babae ng kapatid na lalaki" ang mga anak na babae ng kanyang kapatid na lalaki sa ama't ina , ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ama , ang mga anak na babae ng kapatid na lalaki sa ina , at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki't babae.

G. Kabilang sa "mga anak na babae ng kapatid na babae" ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama't ina , ang mga anak na babae ng kapatid na babae sa ama , ang mga anak na babae ng kapatid sa ina at ang mga babaeng kaapu-apuhan ng kanilang mga anak na lalaki't babae.

2) Ang mga babaeng ipinagbawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman dahil sa gatas (kamag-anak sa gatas).

Sila ay katulad ng mga babaeng ipinagbawal maging asawa ng isang lalaki magpakailanman dahil sa dugo (kamag-anak sa dugo). Ang sabi ng Propeta (SAS):

"Ang kamag-anak sa gatas na ipinagbabawal asawahin ay katulad sa kamag-anak sa dugo na ipinagbabawal asawahin."

Subalit may mga kondisyon bago magkaroon ng mga kamag-anak sa gatas ang isang tao. Ang mga kondisyong ito ay ang mga sumusunod:

A. Kinakailangang sumuso ang isang sanggol (babae man o lalaki) nang limang beses o higit pa sa isang babaeng hindi nito ina. Kaya kung sakaling sumuso nang apat na beses lamang o mababa pa ang isang sanggol , ang babaeng sinusuhan ay hindi magiging ina nito sa gatas.

B. Kinakailangang ang pagpapasuso ay bago magdalawang taon ang sanggol. Ang ibig sabihin nito'y kinakai-langang ang limang pagpapasuso ay bago magdalawang taon ang sanggol. Kaya kung ang limang beses na pagpapasuso ay pagkatapos magdalawang taong gulang ang bata o ang limang pagpapasuso ay sinimulan bago magdalawang taon at natapos matapos magdalawang taon, ang babaeng nagpasuso ay hindi magiging ina nito sa gatas.

Kaya kapag ang isang sanggol ay sumususo nang limang beses o higit pa bago siya nagdalawang taong gulang , ang babaeng nagpasuso sa kanya ay magiging ina niya ; ang asawa ng babae ay magiging ama niya ; ang mga anak nila ay magiging kapatid niya ; ang mga anak ng asawa ng babae sa ibang babae ay magiging kapatid din niya. Sa puntong ito, dapat malaman na ang mga kamag-anak sa dugo ng batang pinasu-so , maliban sa mga magiging anak ng batang ito , ay walang kaugnayan sa mga naging kamag-anak nito sa gatas.

3) Ang mga Babaeng Bawal Maging Asawa Dahil Naging mga Asawa ng mga Malapit na Kamag-anak.

A. Ang mga maybahay ng mga tatay at mga lolo. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae , kahit na hindi siya nakipagtalik dito , ang babaeng ito ay bawal nang maging asawa ng kanyang mga anak na lalaki, ng mga anak na lalaki ng kanyang mga anak na lalaki't babae , at ng mga kaapu-apuhang lalaki nila.

B. Ang mga maybahay ng mga anak. Kapag nakasal ang lalaki sa isang babae, kahit na hindi siya nakipagtalik dito , ang babaeng ito ay bawal nang maging asawa ng kanyang ama, ng kanyang mga lolo sa ama o sa ina , at ng kanyang mga kanunununuan.

C. Ang ina at mga lola sa ama o sa ina ng kanyang maybahay. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae , kahit na hindi siya nakipagtalik dito , ang ina at ang mga lola ng babaeng ito ay bawal nang maging asawa niya.

D. Ang mga anak na babae at ang mga apong babae ng anak na lalaki't babae ng maybahay. Kapag nakasal ang isang lalaki sa isang babae at nakipagtalik siya rito , ang mga anak na babae at mga apong babae nito sa anak na lalaki't babae at mga apong babae nito sa anak na lalaki't babae , at mga kaapu-apuhang babae ng kanilang mga anak na lalaki't babae ay bawal nang maging asawa ng lalaking ito kahit na ang mga babaeng ito ay mga anak o inapo sa naunang asawa ng babaeng ito o sa naging asawa nito nang sila ay nagkahiwalay. Subalit kung nang nagkahiwalay sila nito ay walang pagtatalik na nangyari sa kanila , ang mga babae , mga apong babae , at mga kaapu-apuhang babae ng babaeng ito ay hindi bawal maging asawa ng lalaking ito.

II- Ang mga babaeng pansamantalang ipinagbawal na maging asawa

A. Ang kapatid na babae at tiyahin sa ama o sa ina ng maybahay hanggang hindi sila ipinaghiwalay ng kama-tayan o diborsiyo at natapos ang iddah nito.

B. Kapag ang babae ay nasa sandali ng iddah , pinagbabawalan ang sino mang lalaki na siya ay asawahin o mag-alok ng kasal sa kanya hanggang hindi natatapos ang iddah niya.

C. Ang babaeng nagsasagawa ng hajj o umrah. Hindi maaaring mag-alok ng kasal ang sinuman hanggang hindi niya natatapos ang pagsasagawa ng hajj o umrah.

Ang Diborsiyo



Kung tutuusin ang diborsiyo sa Islam ay isang kasuklam-suklam na bagay at ayon sa Hadith :

"Sa lahat ng ipinahintulot ang diborsiyo ang kasuklam-suklam kay Allah."

Subalit yaman din lamang na kung magkaminsan ang diborsiyo ay hindi maiiwasan bunga na rin ng kapinsalaang naidudulot sa babae sa pananatili niya sa piling ng lalaki o bunga na rin ng kapinsalaang dulot ng babae sa lalake o kung maging ano pa man ang layunin o dahilan , isang malaking kagandahang loob buhat kay Allah na Kanyang ipinahintulot ng diborsiyo sa Kanyang mga lingkod. Kaya kung kinasusuklaman ng lalaki ang kanyang maybahay at hindi na niya matiis na makapiling ito, walang masama kung diborsiyuhin niya ito subalit kailangang isaalang-alang niya ang mga sumusunod:

1) Na hindi niya didiborsiyuhin ang kanyang maybahay habang ito'y may regla. Kapag diniborsiyo niya habang ito ay may regla , sinuway niya si Allah at ang Sugo (SAS) at nakagawa siya ng isang ipinagbabawal. Kaya sa sandaling iyon , kinakailangang balikan niya ang kanyang maybahay at panatilihin ito sa kanyang piling hanggang sa matapos ang regla nito at saka niya diborsiyuhin ito kung nais niya. Ngunit mas mainam na hayaan niya muna itong magregla sa ikalawang pagkakataon at kapag natapos na ang regla nito ay nasa kanya na kung pananatilihin niya ito sa kanyang piling o diborsiyuhin ito kung nais niya rin ; at

2) Na hindi niya didiborsiyuhin ang kanyang maybahay sa panahong ito ay wala ngang regla ngunit nakipag- talik naman siya sa panahon ding ito hanggang hindi niya natitiyak na ito'y nagdadalang-tao o hanggang sa ito ay hindi nagkaroon muli ng regla at saka natapos ang reglang ito.

Ang Ilang Resulta ng Diborsiyo

Yaman din lamang na ang diborsiyo ay ang pakikipaghiwalay sa maybahay , ito ang ilan sa mga patakarang susundin bunga ng diborsiyong ito:

1) Tungkulin ng babaeng magsagawa ng iddah kung nagtalik man sila ng lalaki o nagsama nang walang pag-tatalik. Subalit kung nang diborsiyuhin ang babae ng kanyang asawa ay nang bago may namagitang pagtatalik sa kanilang mag-asawa o nagsama nang walang pagtatalik , hindi na kailangang magsagawa ng iddah ang babae. Ang iddah ay ang panahon na hindi maaaring mag-asawa ang isang babaeng diniborsiyo o namatayan ng asawa. Ang Iddah ng babaeng diniborsiyo ng kanyang asawa ay tatlong pagreregla kung nireregla pa ang babae at tatlong buwan kung hindi na nireregla o hindi pa nireregla ang babae. Ang iddah ng babaeng nama-tayan ay apat na buwan at sampung araw. Ngunit kapag ang babae ay diniborsiyo o namatayan ng asawa habang siya nagdadalang-tao , ang kanyang iddah ay natatapos pagkasilang niya ng sanggol. Ang dahilan kung bakit may iddah ay upang mabigyang pagkakataon ang mag-asawa na makapagbalikan at upang matiyak din kung buntis ang babae o hindi.

2) Bawal sa isang lalaki na muling asawahin ang dati niyang maybahay kung ito ay diniborsiyo na niya ng tatlong beses. Ang ibig sabihin nito'y kapag diniborsiyo niya ang babae sa unang pagkakataon at saka binali-kan ito sa panahon ng iddah o pinangasawa niya ito pagkatapos ng iddah at pagkatapos ay diniborsiyo na naman niya ito sa ikalawang pagkakataon at saka binalikan sa panahon ng iddah o pinangasawa niya ito pag-katapos ng iddah at pagkatapos ay diniborsiyo na naman niya ito sa ikatlong pagkakataon. Pagkatapos ng ikatlong diborsiyo ay hindi na niya muli pang maaasawa ang dati niyang maybahay hanggang hindi ito dini-borsiyo ng ibang lalaking nagpakasal dito nang tunay na kasal at nakipagtalik dito. Ang pagbabawal ni Allah na muling mapangasawa ng lalaki ang dati niyang maybahay na diniborsiyo niya nang tatlong beses ay bilang habag sa mga babaeng inaabuso ng kanilang mga asawa.

Ang Khula'

Ang Khula' ay ang paghingi ng diborsiyo ng babaeng umayaw sa kanyang asawa sa pamamagitan ng pagbigay rito ng kabayaran upang ito ay sumang-ayon. Kung ang asawa ang siyang umayaw at gusto niyang hiwalayan ang kanyang maybahay , wala siyang karapatan na tumanggap ng anumang halaga buhat sa babae. Kailangang pagtiisan o diborsiyuhin na lamang niya ang kanyang maybahay. Hindi dapat na humingi ng khula' ang isang babae maliban na lamang kung siya ay nagdurusa sa piling ng kanyang asawa at hindi na niya matiis na manatili pa sa piling nito. Hindi naman pinahihintulutan ang lalaki na sadyang pagdusahin ang kanyang maybahay nang sa gayon ay humiling ito ng khula'. (Kapag nagap ang khula') makabubuting hindi kukuha ang lalaki sa babae ng halagang higit pa sa halaga ng ibinigay niyang mahr dito.

Ang Khiyar

Ang khiyar ay ang karapatan ng mag-asawa na panatilihin ang kanilang kasal o pawalang-bisa ito kapag may lumitaw na isang kadahilanan buhat sa maraming kadahilanan. Halimbawa'y kinakitaan ng asawa ang kanyang maybahay o kinakitaan ng maybahay ang kanyang asawa ng karamdaman o kapinsalaan sa kata-wan na hindi nilinaw sa lalaki o sa babae habang idinadaos ang kasal , kapag nagkaganito , ang una ay may karapatang magpasya kung pananatilihin ang kasal o pawalang-bisa ito.Naririto pa ang ilang mga halimbawa:

1) Kung kapwa sila baliw o dinapuan ng karamdaman na siyang dahilan kung bakit hindi matamo nang lubu-san ng isa sa kanila ang karapatan niya bilang asawa o maybahay. Ang hindi baliw o ang walang karamdaman ay may karapatang humiling na pawalang-bisa ang kasal. Kung ito ay naganap bago nagkaroon ng pagtatalik, may karapatan ang lalaking bawiin ang mahr na ibinigay niya sa babae.Kung ito ay nangyari matapos magka-roon ng pagtatalik , hindi na mababawi ang mahr. Ayon naman sa ibang pantas ng Islam , babawiin ng lalaki ang katumbas na halaga ng mahr sa taong nakaalam sa kasiraan ng babae ngunit ang tao pang ito ang siyang nanlinlang sa kanya.

2) Ang kawalang-kakayahan ng lalaki na magbayad ng mahr. May karapatan ang babaeng humiling na pawa-lang-bisa ang kasal kung bago nagkaroon ng pagtatalik sa pagitan nila ng lalaki. Subalit kung may namagitan nang pagtatalik sa kanilang dalawa , wala na siyang karapatang hilingin iyon. (Maaari siyang humiling ng khula' kung nais pa rin niyang makipaghiwalay sa kanyang asawa nabigo itong magbigay ng mahr.)

3) Ang kawalang-kakayahang sumustento para sa pangangailangan. Kung nawalan ng kakayahan ang isang lalaki na sumustento sa pangangailangan ng kanyang maybahay , ang kanyang maybahay ay maghihintay ng ilang panahon hanggang kaya nito at pagkatapos nito ay may karapatan na ang maybahay na humiling na pawalang-bisa ang kasal sa pamamagitan ng hukuman.

4) Kapag nawala ang asawa at hindi malaman ang kanyang kinaroroonan at hindi siya nag-iwan ng pangsus-tento sa pangangailangan ng kanyang maybahay ni nagbilin sa isang tao upang ito ang sumustento sa panga-ngailangan ng kanyang maybahay (habang wala siya) at wala ring sinumang gumugugol para sa kanyang maybahay at wala rin itong maipanggugugol para sa sarili na masisingil naman nito sa kanya (sa pagbalik niya), kapag ganito ang kalagayan ay maaari nang humiling ang babae na pawalang-bisa ang kasal sa pamamagitan ng hukom ng Shari'a Court.

Ang Pag-aasawa ng Hindi Muslim

Ipinagbabawal (haram) para sa lalaking Muslim na mag-asawa ng babaeng hindi Muslim na hindi rin Kristiyano o Hudyo. Hindi rin pinahihintulutan ang isang babaeng Muslim na mag-asawa ng isang lalaking hindi Muslim maging ito man ay isang Kristiyano o Hudyo o maging ano pa man ang pananampala-tayang kinaaaniban nito.

Hindi ipinahihintulot sa isang babae na naging Muslim na makipagtalik sa kanyang asawang hindi

Muslim. Narito ang ilang mga patakaran hinggil sa kasal ng mga hindi Muslim:

1) Kung ang mag-asawa ay sabay na pumasok sa Islam , ang kanilang kasal ay tanggap maging iyon man ay kasal sa simbahan o sa huwes hangga't walang hadlang na alinsunod sa batas ng Islam upang sila'y magsama.

Halimbawa ng hadlang sa kanilang pagsasama ay kung ang babae ay ipinagbabawal na maging asawa ng lalaki

2) Kung pumasok sa Islam ang asawa ng isang babaeng Kristiyano o Hudyo , ang kanilang kasal ay tanggap maging iyon man ay kasal sa simbahan o huwes;

3) Kung pumasok sa Islam ang isa sa mag-asawang kapwa hindi Kristiyano o Hudyo , nawalan na ng saysay ang kanilang kasal;

4) Kung pumasok sa Islam ang maybahay ng lalaking hindi Muslim na hindi rin Kristiyano o Hudyo o maging ano pa man ang kinaaanibang relihiyon nito , nawalan na ng saysay ang kanilang kasal sapagkat ang babaeng Muslim o naging Muslim ay hindi ipinahihintulot na maging maybahay ng lalaking hindi Muslim;

5) Kung pumasok sa Islam ang maybahay ng isang lalaking hindi Muslim matapos na may namagitang pag-tatalik sa kanila , magsasagawa ng iddah ang babae at mapapagpasyahan ang kahihinatnan ng kanilang kasal pagkatapos ng iddah. Mawawalan ng saysay ang kanilang kasal kung hindi pumasok sa Islam ang lalaki pag-katapos ng iddah at may karapatan na ang babae na magpakasal sa kanino mang lalaking Muslim na naisin niya; ngunit kung nanaisin naman na babae na hintaying pumasok sa Islam ang lalaki ay maaari rin. Kung pumasok naman sa Islam ang lalaki (bago natapos ang iddah ng babae) , ang babae ay mananatiling mayba-hay niya at hindi na kailangan ng panibagong kasal; at

6) Kung pumasok sa Islam ang lalaki at babaeng magka-live-in o kahit ang lalaki lang sa dalawang ito kaila-ngan nilang magpakasal ng kasal ng Islam kung nais pa nilang magsama. Ang mga naging anak nila , bago pumasok sa Islam , ay itinuturing na mga lehitimong anak.

7) Kung tumalikod sa Islam ang maybahay bago may namagitang pagtatalik sa kanila , ang kanilang kasal ay wala ng saysay at wala siyang tatanggaping mahr; ngunit kung ang asawa ang siyang tumalikod sa Islam , mawawalan din ng saysay ang kanilang kasal at kailangan pang magbigay ang lalaki sa babae ng katumbas sa kalahati ng mah r na kanilang napagkasunduan. Kung muling manumbalik sa Islam ang isa man sa kanila , hindi na nila kailangan ang panibagong kasal kung walang namagitang diborsiyo sa kanilang dalawa.

Ang Pag-aasawa ng Kristiyano o Hudyo

Nang ipinahintulot ni Allah ang pag-aasawa , ang nilalayon Niya roon ay ang pabutihin ang kaasalan , linisin ang lipunan sa mga bisyo, pangalagaan ang moralidad, itatag ang isang dalisay na siste- mang islamiko para sa lipunan , at palitawin ang isang sambayanang Muslim na sumasaksi na walang ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ay Sugo ni Allah. Hindi maisasakatuparan ang mga mithiing ito kung hindi mapangangasawa ang isang matuwid na babaeng Muslim na relihiyosa , marangal at nagtataglay ng mabuting kaasalan. Tungkol naman sa maaring mga maging bunga at mga masamang maidudulot ng pag-aasawa ng isang lalaking Muslim sa babaeng Kristiyano o Hudyo, narito ang ating maikling paglalahad nito:

1. Sa loob ng pamilya: Sa loob ng maliit na pamilya , kung ang asawa ay may malakas na personalidad , ito ay maaaring magkaroon ng impluwensiya sa kanyang maybahay. Ang pinakamalamang na palagay ay mahihikayat ang maybahay sa Islam ngunit maaari ring mangyari ang kabaligtaran. Sapagkat maaaring ang maybahay ay nagungunyapit sa kanyang pananampalataya at ginagawa ang inaakala niyang ipinahihintulot ng kanyang relihiyon gaya ng pag-inom ng alak , pagkain ng baboy , at paggawa ng bagay na ipinagbabawal ng Islam. Sa pamamagitan nito ay nawawasak at nasisira ang isang pamilyang Muslim at lalaki ang mga bata sa paraang salungat sa Islam. Maaari ring mas masahol pa rito ang mangyari kung sadyaing isama ng pana-tiko at nagmamatigas na maybahay ang kanyang mga anak sa asawang Muslim sa simbahan , ipakita sa kanila ang mga pagsambang Kristiyano , at pahalagahan naman nila iyon. Ang kinalakihan ay kinasasanayan.

2. Ang mga epekto sa lipunang Muslim: Ang pagdami ng mga asawang Kristiyano sa loob ng lipunang Muslim ay isang mapanganib na bagay. Ang panganib nito ay dala ng panghihina ng sambayanang Muslim kaalinsabay ng pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga bansang Kristiyano. Ang mga babaeng ito sa ganitong kalagayan ay nagsisilbing mga sugo ng mapanganib na pananakop pangkaisipan sa loob ng samba-yanang Muslim na magbubunga ng pagkasira at pagwawasak nito. Kabilang din sa panganib na kanilang dala ang mga ginagawa nilang kaugaliang Kristiyano na pinangungunahan ng paghahalubilo ng mga kalalakihan at mga kababaihan kalakip na rito ang mga halos hubad na kasuotan at mga gawaing salungat sa mga katuruan ng Islam.

Bakit Kailangan ang Diborsiyo

Ang Diborsiyo Bilang Solusyon

Ang diborsiyo sa Islam ay ginawa bilang panghuling solusyon upang wakasan ang mga alitan ng mag-asawa kapag naghari na ang mga di-pagkakasundo sa kanila , naging madalas na ang pag-aaway , nanla-mig na sila sa isa't-isa , at nawala na ang pag-asang sila ay magkasundo anupa't nawalan na ng halaga at kabuluhan ang relasyon nila bilang mag-asaawa. Kapag nagkagayon , ang diborsiyo ay magsisilbing magin- hawang lunas para sa kanilang dalawa. Bagaman binigyan ng Islam ng pagkakataon ang bawat isa sa mag-asawa na maghiwalay , ito naman ang tagubilin ni Allah :"Magtalaga kayo ng isang tagahatol buhat sa pamily a ng lalaki at isang tagahatol buhat sa pamilya ng babae. Kung kapwa nila nais na muling magkasundo , pagkakasunduin silang dalawa ni Allah."

Bago Mag-asawa at Pagpili ng Asawa

Ipinag-uutos ng Islam sa mga nag-iisip na mag-asawa na gawin nila ang abot ng kanilang makakaya na gawing maligaya ang kanilang buhay. Hinihimok silang pagbutihin ang pagpili ng mapapangasawa , na dapat ito ay isang mabuting babae at mapagmahal. Sisikapin din ng nagnanais na mag-asawa na tingnan ang babae nang sa gayon ay hindi sila manibago sa isa't isa. Hinihimok din ang magulang o tumatayong magulang ng babae na pilian siya ng isang lalaking tapat sa Islam , magandang makitungo at may mabuting ugali. Ang sabi ng Sugo (SAS):

"Kapag nagsadya sa inyo ang isang lalaking ikinasisiya ninyo ang kanyang pagtupad ng kanyang tungkulin sa Islam (upang hingin ang kamay ng inyong anak na babae), ipaasawa ninyo (ang inyong anak) sa kanya. At hindi ninyo gagawin iyon, magkakaroon ng tukso sa lupa at malaking katiwalian."

Hinihimok ng Islam ang mag-aasawa na maging matiisin. Pinapaalala ng Islam ang isang mahala-gang bagay na ang pagkayamot sa maybahay ay hindi dapat ang siyang maging dahilan upang hiwalayan ng lalaki ang kanyang maybahay. Sa halip dapat pang palawakin ng isang Muslim ang kanyang pang-unawa nang sa gayon ay makapagtayo sila ng isang tahanang pinaghaharian ng habag. Wika nga ng Sugo (SAS):

"Hindi dapa t kasuklaman ng isang mananampalataya ang sumamampalatayang maybahay na sapagkat kung may kinayayamutan man siya sa ugali nito, masisiyahan naman siya sa iba (nitong ugali)."

Ang Diborsiyo sa Kamay ng Lalaki

Inilagay ng Islam ang diborsiyo sa kamay ng lalaki. Tama at angkop lamang ito dahil tungkulin niyang gumastos para sa kanyang maybahay at tahanan. Siya ang nagbibigay ng mahr at mga gastusin sa kasal kaya't dahil dito , siya ang papasan ng kapinsalaan , finanacially ang morally, kapag sinuong niya ang diborsiyo. Ang lalake ay karaniwang mas may malawak na pananaw sa maaaring kahihinatnan at mas mahi-nahon sa sandali ng galit at pagsiklab ng damdamin. Dahil dito , hindi niya pangangahasan ang diborsiyo liban na lamang kung nawalan na siya ng pag-asang maging maligaya sa piling ng kanyang maybahay at bagaman nalalaman niya ang kinakailangang gastusin sa muli niyang pag-aasawa. Kung sakaling ilalagay ang diborsiyo sa kamay ng babae , guguho ang buhay ng mag-asawa at mawawasak ang pamilya. Ito ay dahilan sa ang babae ay may maselang damdamin , madaling mayamot , at madaling matangay ng galit anupa't mas mabilis siyang maghamon ng hiwalayan kaysa lalaki. Wala siyang gaanong sukat na ikababahala sapagkat wala namang kapinsalaang financial sa panig niya. Ang patakaran sa kasunduan ng pag-aasawa ay sasang-ayon ang lalaki at babae na sila ay maging mag-asawa at papayag ang babae na ang karapatan ng diborsiyo ay nasa lalaki alinsunod sa mga limitasyong itinakda ng Islam. Kaya kung isasagawa man ng lalaki ang karapa-tan niyang magdiborsiyo , isinasagawa niya lamang ang karapatang kaloob sa kanya ni Allah.

Maaring abusuhin ng isang lalaking Muslim ang paggamit ng karapatan sa diborsiyo anupa't isasa-gawa niya ito upang magpakaligaya lamang sa isang bagong babae. Subalit walang gumagawa ng ganito kundi ang taong may masamang kalooban at may mahinang pananampalataya. Kaya hindi makatuwirang hilinging pawalang-bisa ang isang mabuting sistema dahil lamang sa ilang abang kaluluwa na inaabuso ang paggamit nito.

Ang Karapatan ng Babaeng Humingi ng Diborsiyo

Ang isang babae ay hindi na napasasailalim sa awa ng lalaki na siyang nagmamay-ari ng karapatang magdiborsiyo dahil binuksan ng Islam ang mga pinto para mapasok niya ang maginhawang buhay. At para naman sa isang miserable at kapus-palad na babaeng may malupit at masamang asawa , binigyan naman siya ng karapatang humingi ng diborsiyo kapag naramdaman niyang mahirap nang magpatuloy ang kanilang buhay-mag-asawa at ikasisiya niyang hiwalayan ang kanyang asawa nang may pagsang-ayon nito at pagsang-ayon niya. Kailangan lamang magbigay ang babae sa lalaki ng kabayarang panumbas sa mga kapinsalaan sanhi ng diborsiyo. Ito ay sa pamamagitan ng khula' (na atin nang nabanggit). Binuksan din sa kanya ang daang upang hilingin sa hukuman na magbaba ng hatol na naghihiwalay sa kanya at sa kanyang asawa kapag dumating na ang puntong hindi na niya matiis mabuhay sa piling nito.

Kinasusuklaman sa Islam ang Didorsiyo

Kinasusuklaman ng Islam ang diborsiyo. Sabi nga ni Propeta Muhammad (SAS): "Inilagay ni

Satanas ang kanyang trono sa ibabaw ng tubig at pagkatapos ay isinusugo niya ang kanyang mga kampon (para maghasik ng kasamaan sa mga tao). Gagawin niyang malapit sa kanya ang sinuman sa kanila na may malaking kapinsalaang nagawa. Kapag may dumating na isa sa mga kampon nito at ang sasabihin ay: 'Ganito at ganoon ang aking nagawa ,' Ang sasabihni ni Satanas dito ay:'Wala kang nagawa.' At kapag may dumating na isa pa sa mga kampon niya at ang sasabihin nito ay: 'Hindi ko siya (ang asawa) nilubayan hanggang hindi ko sila napaghiwalay ng kanyang maybahay.'

Palalapitin ito ni Satanas at yayakapin at sasabihing: 'Oo , ikaw nga,'" Ipinatupad ng Sugo (SAS) ang diborsiyo hindi upang mag-anyayang paglaruan ang mga limitasyong itinakda ni Allah. Sabi nga niya (SAS):

"Bakit kaya may mga taong pinaglalaruan ang mga limitasyong itinakda ni Allah anupa't ang sina-sabi ng isa sa kanila (sa kanyang maybahay): 'Hiniwalayan na kita.' Pagkatapos nito ay binalikan niya at saka muling hiniwalayan."

Ang Polygyny

Ang Polygyny sa mga Sinaunang Kabihasnan

Ang polygyny ay lumitaw na halos kasabay ng sangkatauhan. Umiiral na ito noon sa mga sina-unang batas at mga sinaunang lipunan ng tao anupa't ginagawa rin ito ng mga Hudyo at Kristiyano na tulad ng mga Griego , Chino , taga-Babilonia , taga-Assyria , Taga-India at pati na rin ang mga Arabiano bago pa man isinilang ang huling Propeta ng Islam na si Muhammad (SAS). May dalawang katangian ang polygyny noong unang panahon: walang limitasyon ang bilang ng asawa at napasasailalim ang babae sa inhustisya. Inalis ng Islam ang inhustisyang ginagawa noon sa babae at nilimitahan ang polygyny hanggang sa apat na maybahay.

Ang Takot kay Allah

Ang takot kay Allah na siyang pinakadakilang ugnayang maaaring maibatay at maituwid ang buhay ang siyang pinagbabatayan ng Islam sa relasyon ng tao kay Allah. Naikintal sa isipan ng isang tunay na Muslim na siya ay nakikita at binabantayan ni Allah sa bawat sandali at ang kanyang mga gawa , masama man o mabuti , ay itinatala at sa araw ng pagkabuhay na muli siya ay gagantimpalaan ayon sa kanyang mga nagawa. Ang ganitong sistema ng edukasyon ay ang kahanga-hangang sistema na nalaman ng sangkatauhan.

Ang babae sa kanyang tahanan , kapag nag-iisa at walang nagmamasid sa kanya , ay maaaring maka-gawa ng hindi mabuti kapag siya ay nakadama ng pangangailangang seksuwal habang wala ang kanyang asawa. Ngunit ang pag-alaala lamang kay Allah ay sapat na upang siya ay manginig sa takot at mangamba.

Habang ginagampanan ng isang tunay na Muslim ang kanyang mga gawain at pinakikitunguhan ang mga taong nakapaligid sa kanya , kabilang na roon ang kanyang asawa o mga asawa ,at pinangangasiwaan ang kanyang pamamahay , nadarama niyang si Allah ay nagmamasid sa kanya. Kaya siya ay natatakot kapag inudyukan siya ng kanyang sarili na lumihis o lumayo sa landas ng katuwiran at lumabas sa timbangan ng katarungan.

Ang Katarungan sa mga Asawa

Nang ipinahintulot ng Islam ang polygyny , gumawa naman ito ng mahigpit na kondisyon. Ang kondisyong ito ay tungkol sa isyu ng katarungan sa mga asawa. Pinaaalalahanan ng Islam ang isang Muslim na mag-isip-isip muna nang matagal bago maglakas-loob na pasukin ang polygyny. Ang sabi nga ni Allah sa banal na Qur'an :

"Mag-asawa kayo ng mga babaeng kinalulugdan ninyo; dalawa o tatlo o apat. Subalit kung kayo ay nangangababang hindi magiging makatarungan , isa na lamang."

Sa puntong ito ay susuriin ng isang Muslim ang kanyang isipan , emosyon , damdamin at saka ang bahaging financial. Tatanungin niya ang kanyang sarili kung kaya ba niyang gampanan ang hinihiling na katarungan alinsunod sa mga pagsusuring iyon. Kung nadarama niyang may kahinaan ang kanyang sarili , nararapat na ang silakbo ng init ng kanyang katawan ay hindi manaig sa kahinahunan ng isipan sapgkat ang init ng katawan ay panandaliang kaligayahan lamang at ang pagiging di-makatarungan sa mga asawa ay kasalanang pananagu-tan sa kabilang buhay

Ang usapin ng katarungan ay isang masalimuot at mahirap na isyu sapagkat maaaring manaig ang emosyon at ang isipan ay maging sunod-sunuran na lamang dito. Ang tao ay likas na mahina. Kaya sa punong ito ay inilagay ng Islam ang makatotohanang limitasyon.

Bagaman inoobliga ang isang Muslim na maging makatarungan kapag mayroon siyang higit sa isang asawa at ito ay ginagawang kondisyon sa polygyny, hindi naman siya pananagutin sa mga bagay na hindi niya kayang kontrolin tulad halimbawa ng pagmamahal (sa isang asawa na mas matimbang kaysa sa iba) o ano mang may kaugnayan dito. Ngunit kaalinsabay nito , siya ay inoobligang maging mulat upang hindi matisod ang kanyang paa.

Mga Bagay naNagbubunsod sa Polygyny

May mga pangangailangang nagbubunsod sa polygyny. At ang mga pangangailangang ito ay maaa-ring personal tulad halimbawa ng isang lalaking may asawang baog o may karamdaman o matigas ang ulo o mahabang magregla o ang isang babae ay hindi sapat upang punan ang kanyang pangangailangang seksuwal. Maitatanong natin ano kaya ang mabuti sa maybahay na ito , ang siya'y manatili sa piling ng kanyang asawa at ito nama'y mag-asawa ng iba pa o hiwalayan na lamang siya ?

Ang polygyny ay maaari ring para sa kagalinagan ng isang bansa. Tulad halimbawa ng sobrang pagdami ng mga babae sa sanhi ng mga digmaang kumikitil sa maraming buhay ng mga lalake. Ang dig-maang pandaigdigan ay nag-iwan ng 25 milyong balo sa Europa. Mas mainam kayang magpakasakit ang mga babaeng ito at mapilitang maghanap ng kanilang ikabubuhay at magpakahirap habang namumuhay nang miserable , nagdurusa at aba o mas mabuting maging ikalawa o ikatlong asawa ng mga lalaking manganga-laga sa kanila ?

Mayroon ding mga pangangailangan sa panig ng mga kababaihan mismo na nagbubunsod sa polygyny. Mapupuna na tuloy-tuloy ang paghihigpit ng bilang ng mga babae sa bilang ng mga lalake sa maraming mga lipunan. Kaya sa pamamagitan ng pagtutuos ay matatanto nating upang mapangalagaan natin ang karangalan at kalinisan ng babae ang polygyny ay kailangan.

Samantalang patuloy pa rin ang mga bansang kanluranin sa pagpula sa polygyny at pagtuya sa mga philosopher doon na ipinagbubunyi ang polygyny at nanawagang ipatupad ito upang malunasan ang pighati na dumapo sa babae at ang kadustaang sumapit sa kanya. Nalathala sa pahayagang "Lagos Weekly Record" mula sa panulat ng isang babaeng manunulat ang artikulong ito.

"Dumarami na ang mga babaeng ligaw sa ating mga kabataang babae at lumaganap na ang kalamidad na ito ngunit kakaunti lamang ang mga tumutuklas sa mga kadahilanan nito. Bilang isang babae , nakikita ko ang aking sariling nakatingin sa mga kabataang babaeng yaon habang ang aking puso ay nadudurog sa lung-kot at habag sa kanila. At ano ang mahihita ng mga kabataang ito sa aking lungkot , pighati , panaghoy , at hinagpis at kahit na makiramay man sa akin ang lahat ng mga tao? Wala pa ring mapapala maliban na lamang kung kikilos upang pigilin ang karumal-dumal na sitwasyong ito."

Ang Polygyny at ang mga Pantas

Anong galing ng isang pantas sapagkat nakita niya ang sakit at nagmungkahi ng lunas na siyang lubusang makapagpapagaling dito. Ang lunas , wika niya , ay "Pahintulutan ang lalaking mag-asawa ng higit sa isa. At sa pamamagitan nito ay maglalaho ang kalamidad at ang ating mga anak na babae ay magiging mga reyna ng tahanan."

Ang sabi pa nga ng bantog na Alemang philosopher na si Schopenhauer sa kanyang aklat (Isang Kataga Tungkol sa Kababaihan): "Ang babaeng buhat sa mga bansang ipinahihintulot ang polygyny ay hindi nawawalan ng asawang kakalinga sa kanya samantalang ang mga babaeng may asawa dito sa atin (Alemanya) ay kakaunti at ang walang asawa ay hindi mabilang. Makikita mong wala silang tagakalinga. May mga babaeng buhat sa mataas na antas ng lipunan na tumandang dalaga nang tuliro at nagdurusa. At may mga mahihinang nilalang buhat sa mababang antas ng lipunan na nagdaranas ng mga hirap at nagtitiis ng mabibi-gat na mga gawain. At baka magbili pa sila ng aliw at mamuhay nang miserable , nakalubog sa kahihiyan at kadustaan. Sa lungsod lamang ng London ay may walong libong mga kalapating mababa ang lipad. (Ito ay noong kapanahunan ni Schopenhauer (1788-1860) kaya papaano na lamang ngayon ! Ibinuhos ang dugo ng kanilang karangalan sa altar bilang biktima ng sistemang nililitahan sa isa ang pag-aasawa at bunga na rin ng pagmamatigas ng babaeng taga-Europa at ang mga walang kabuluhang pinagsasabi nito."

Ang Pagdami ng Babae

Noong nilipol ng digmaan ang mga kabataan ng Alemanya na pinamumunuan noon ni Hitler , dala ng masidhing pangangailangan ay napag-isipan ni Hitler na gumawa ng hakbang na magpupuno sa teribleng kakulangan ng mga kalalakihan na yumanig sa buhay ng kanyang bansa anupa't wala na siyang mapagpipilian kundi ang gumawa ng batas na magpapahintulot sa polygyny. Nalathala sa pahayagang Al-Ahram (isang bantog na pahayagan sa Egipto) na may petsang Disyembre 13 , 1960 na "May natuklasang dokumentong sulat-kamay ni Martin Burman na kanang kamay ni Hitler , na sinulat noong taong 1944. Ang sabi niya: 'Pinag- iisipan nang mabuti ni Hitler na pahintulutan ang lalakeng Aleman na mag-asawa nang legal ng dalawa upang magarantiyahan ang hinaharap ng lakas ng sambayanang Aleman.'"

Napuna ng ilang mga taga-kanluran na ang pagiging marami ng mga babae at ang pananatili nilang walang asawa kalinsabay ng mga babae at ang pananatili nilang walang asawa kaalinsabay ng pakikihalubilo nila sa mga lalake sa mga pinagtatrabahuhan ay isang malaking panganib na lumitaw ang mga resulta sa immoralidad at pagkalansag ng mag-anak na lumaganap sa mga bansang kanluranin. Ito ay nagsisilbing isang panganib na nagbabanta ng pagbagsak ng sibilisasyong iyon. Pati na ang babaeng taga-Europa , matapos na magtiis sa pagiging hampaslupa at pasanin ang hindi maangkop sa kanyang kalikasan,ay nakatikim pa siya ng mga kapighatiang nagbunsod upang maging isa pa sa mga nananawagan sa polygyny. May demonstrasyong ginawa ang mga kababaihan sa Alemanya pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdigan noong 1945. Hiniling ng mga kababaihan sa demonstrasyong ito na gumawa ng batas na magpapahintulot sa isang lalake na magkaroon ng maraming asawa nang sa gayon ay mapangalagaan ang babaeng Aleman sa prostitusyon.

Ang Polygyny at ang Babae

Ang lipunan sa ngayon ay puno ng mga babaeng walang asawa na lumampas na ang edad sa edad ng pag-aasawa. Ang marami sa kanila ay nagdurusa at binabalot ng kalungkutan habang tumatakbo ang oras at walang lumalapit sa kanila upang hingin ang kanilang kamay. Bagaman may mga babaeng inuulit-ulit ang sinasabi ng ibang diumano'y kasamaan ng polygyny , sa kaibuturan ng kanilang puso ay pinananabikan nila ang pag-aasawa yamang ito ay isang mahigpit at likas na pangangailangan. May maraming babae na nag-aasam na magkaroon ng asawa kahit pa sila'y maging ikalawa o ikatlo o ikaapat na lamang upang matugunan ang kanilang likas na pangangailangang magkaroon ng anak at asawa. Natatakot silang mapag-iwanan ng panahon na hindi natutugunan ang gayong pangangailangan. Kung ating pag-iisipan lamang nang matagal ang bagay na ito , makikita natin ang peligrong maaaring ibunga ng pagdami ng babae at ng hindi nila pagkaka-roon ng mga asawa. Ito ay isang peligrong walang nakaaalam kung gaaano ito kalaki kundi si Allah lamang.

Tunay nga ang polygyny ang pinakamainam na paraan sa pagpawi nitong nakatatakot na peligro. Anong ganda ang sinabi ni Albahi Alkhuli sa kanyang aklat (Ang babae sa Tahanan at Lipunan):

"Ang pagbaba ng bilang ng kalalakihan kung ihahambing sa bilang ng kababaihan ay magbubunga ng suliranin para sa mga kababaihang walang asawa. Kaya kung ang bawat lalaki ay magkakasya na lamang sa isang babae , ano ang gagawin sa mga natitirang babae? Maaari silang maghanapbuhay kung hindi sila kayang suportahan ng lipunan. Subalit sa panig ng mga kababaihan ang krisis ay hindi ang krisis lamang sa pagkain at inumin kundi krisis na sanhi ng pagkauhaw na dulot ng pangangailangang seksuwal na kailanman ay hindi maaaring ipagpawalang-bahala o tiisin !!!"

Ang mga Nagnanais Ipagbawal ang Polygyny

Ang mga lalaki't babae sa atin na nananawagan sa pagbabawal ng polygyny ay nalalaman nang maigi ang kalagayang ito. Nalalaman nilang tinangka na ng Europa na lutasin ito sa pamamagitan ng pagwa-walang-bahala sa pangangalunya at pagbibibay-luwag sa nagnanais mangalunya. Tinangka nilang lutasin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa mga napulot na itinapong mga batang anak sa labas na siyang pumupuno sa mga ospital at mga bahay-ampunan. Nalalaman nila ang lahat ng ito ngunit patuloy pa rin sila sa panawagan nilang ipagbawal ang polygyny. Wari bagang "Ang legal na pag-aasawa para sa kanila ay mas mahalay pa kaysa pangangalunya , at wari bagang ang lihitimong anak para sa kanila ay mababa ang karangalan kaysa batang napulot lamang sa lansangan. Sa puntong ito ay nagiging malinaw na para sa atin ang tunay na kulay ng kahihinatnang ibig nila para sa atin sa pamamagitan ng mga nakalalasong mga propagandang iyon."
Sa Banal na Qur’an, itinuturo ng Allah sa tao na nilikha sila upang sambahin Siya, at ang batayan ng lahat ng tunay na pagsamba ay ang laging pag-alaala sa Allah. Sa dahilang sakop ng Islam ang lahat ng aspeto ng buhay, ang lagi nang paggunita sa Allah ay binibigyan ng pansin sa lahat ng gawain ng tao. Binibigyang-linaw ng Islam na ang lahat ng kilos ng tao ay itinuturing na mga gawang pagsamba kung ginagawa ito dahil sa Allah at ayon sa Kanyang Banal na Batas. Kaya naman, ang pagsamba ay hindi lamang mga pang-relihiyong rituwal.

Ang mga katuruan sa Islam ay nagsisilbing habag at lunas sa kaluluwa ng tao. Ang mga katangiang katulad ng pagpapakumbaba, katapatan, matiisin at pagkakawanggawa ay matiim na ipinag-uutos. Karagdagan nito, ipinagbabawal sa Islam ang pagmamalaki at pamumuri sa sarili, sa dahilang ang Allah lamang ang tanging Hukom sa pagkamakatwiran ng tao.

Ang pananaw ng Islam sa kalikasan ng tao ay higit na makatotohanan at mahusay na pinagtimbang. Hindi pinaniniwalaan na likas na makasalanan ang tao, bagkus siya ay may kakayahang gumawa ng mabuti at masama. Itinuturo din ng Islam na ang paniniwala at pagsagawa ay lagi nang magkasama. Binigyan ng Allah ang tao ng kalayaan, kaya naman ang sukat ng kanyang pananampalataya ay batay sa kanyang mga gawa at asal. Gayundin naman, nilikha ang tao na sadyang mahina at lagi nang natitisod sa kasalanan. Ito ang kalikasan ng taong nilikha ng Allah ayon sa Kanyang Talino. Ang tao ay hindi likas na makasalanan o nangangailangan ng kumpuni. Ito ay sa dahilang laging bukas ang landas ng pagsisisi sa lahat ng tao. At minamahal ng Allah ang nagsisising makasalanan na taos pusong naninikluhod sa paghingi ng tawad sa Kanya.

Naitatatag ang tunay na pamumuhay Islamiko sa pamamagitan ng tamang takot sa Allah at matapat na paniniwala sa Kanyang Walang-Hanggang Habag. Ang isang pamumuhay na walang takot sa Allah ay humahantong sa kasalanan at pagsuway, samantalang ang paniniwalang hindi patatawarin ng Allah ang mga mabibigat na kasalanan ay humahantong sa kawalan ng pag-asa. Ang Islam ay nagtuturo: Tanging ang mga naliligaw lamang ang nawawalan ng pag-asa sa Habag ng kanilang Panginoon.

Karagdagan nito, ang Banal na Qur’an na ipinahayag kay Propeta Muhammad ay naglalaman ng napakamaraming katuruan hinggil sa kabilang-buhay at sa Araw ng Paghuhukom. Dahil dito, naniniwala ang mga Muslim na ang lahat ng tao ay hahantong sa paglilitis ng Allah sa kanilang mga paniniwala at gawain nang sila’y nabubuhay pa sa mundo. Sa paghusga sa tao, ang Allah ay Mahabagin at Makatarungan. Huhusgahan ang tao ayon lamang sa kanilang nakayanan. Sapat nang sabihin na itinuturo ng Islam na ang buhay ay isang pagsubok, na ang lahat ng tao ay may pananagutan sa Allah. Ang matapat na paniniwala sa kabilang buhay ay isang susing humahantong sa isang matuwid na buhay at moral. Sa kabilang banda, kung ang pananaw ay wala nang darating pa pagkatapos ng kamatayan, ito ay magdudulot sa tao na maging maramot, makamundo at magkakaroon ng mababang moralidad.

ISLAM - TUNGO SA HIGIT NA MAHUSAY NA PAMUMUHAY

Itinuturo ng Islam na ang tunay na kaligayahan ay maaari lamang makamtan sa pamamagitan ng isang pamumuhay na may kaakibat na paggunita sa Allah, at sa pagkakaroon ng kasiyahan sa bawa’t biyayang ibinibigay Niya. Karagdagan nito, ang tunay na kasarinlan ay ang kalayaan sa pagiging alipin ng mababang pagnanasa, at kalayaan sa mga ideolohiyang gawa ng tao. Ang naturan ay siya namang kabaliktaran sa pananaw ng maraming tao sa makabagong daigdig na itinuturing ang “Kalayaan” bilang isang kakayahang bigyang-kasiyahan ang lahat ng kanilang pagnanasa nang walang pagpipigil.

Ang maliwanag at malawak na patnubay ng Islam ay nagbibigay sa tao ng isang malinaw na takda sa layunin at landas ng buhay. Bilang karagdagan sa pagiging kasapi ng kapatiran sa Islam, ang timbang at praktikal na katuruan ay pinagmumulan ng kapayapaan, patnubay at moralidad. Ang tuwiran at malinaw na ugnayan sa Makapangyarihang Diyos, kasama ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa layunin at sa pagiging kasapi ng pandaigdigang kapatiran ay nagpapalaya sa tao mula sa maraming pagkabalisa sa araw-araw na pamumuhay. Sa maikling salita, ang pamamaraang buhay Islamiko ay dalisay at kapaki-pakinabang. Nagtuturo ito ng pagdisiplina at pagpipigil sa sarili sa pamamagitan ng palagiang pagdarasal at pag-aayunong itinakda nito. Nagpapalaya rin sa tao sa mga pamahiin at sa rasismo (lahat ng pagbibigay ng di-matwid na opinyong nauukol sa lahi, lipi, kulay ng balat at kabansaan). Makakamtan lamang ng tao ang tunay na karangalan o kadakilaan sa pamamagitan ng pagtanggap sa lagi nang paggunita sa Allah sa araw-araw na gawain at ang pagtanggap na ang tanging pagkakaiba ng tao sa mata ng Allah ay ang pagiging masunurin sa Kanya.

Binigyan tayo ng Dakilang Lumikha ng talino at kakayahang mangatwiran, magtimbang at magpasiya. Kaya inilagay Niya ang ating isip sa pinaka-itaas ng ating katawan, ang ulo, upang ito ay manguna at mamayani sa ating pagpapasiya nang higit sa damdamin o emosyon – na kadalasa’y nakapaglilihis ng landas. Sinumang nagnanais magkaroon ng tama at makatarungang pagtitimbang at paghuhusga, siya ay dapat maharap sa higit sa isang pag-aaralan o pagpipilian. Huwag ibilanggo ang sarili sa isang pananampalatayang hindi dumaan sa malaya at kusang pagpili. Huwag talikuran ang karapatang pumili ng isang tamang pananampalatayang makapagbibigay ng katiyakan sa kasiyahan at kapanatagan hindi lamang dito sa lupa bagkus maging sa kabilang buhay.

Inaanyayahan namin kayong magpatuloy sa pag-aaral hinggil sa Islam upang magkaroon ng kaukulang kaalaman na siyang tanging kailangan upang timbangin at piliin ang katotohanan tungo sa isang tamang pananampalataya at ganap na panuntunan ng buhay.

Ang Pananaw ng Islam sa Pasko o (Christmas)
Ang paksang tatalakayin ay sadyang mahalaga sapagka’t ito’y laganap at naging bahagi na ng buhay ng napakaraming tao sa buong mundo. Isang pagdiriwang na mahirap alisin sa ating kaisipan, lalong-lalo na sa mga balik-Islam, sa dahilang ang naturang pagdiriwang ay kinamulatan at nakagisnan nating pananampalatayang Kristiyanismo.
Gayundin naman, sa mga kapatid nating isinilang sa mga Muslim na magulang, marahil ay marami rin sa kanila ang sumasama o umaayon sa pagdiriwang na ito sa iba’t ibang pamamaraan.
Sa mga hindi pa Muslim, makakatulong din ito upang malaman nila ang pananaw ng Islam sa pagdiriwang ng Pasko.
Kahulugan ng Christmas (Pasko)
Kung ating titingnan ang kahulugan ng Christmas, ito ay isang pagdiriwang ng kalakhang Kristiyanismo tuwing Disyembre 25 bilang paggunita sa mahimalang pagsilang ni Hesu-Kristo. Ang mga Muslim ay naniniwala sa mirakulong pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya. Hindi ka maituturing na tunay na Muslim kapag hindi ka naniniwala dito dahil ito ay nasasaad sa Qur’an [Surah Al Imran, 3:45-47]:
“Nang ang mga anghel ay nagsabi: O Maria! Tunay, nagpadala sa iyo ang Allah ng isang magandang balita – isang Salita mula sa Kanya, ang kanyang pangalan ay si Messiyah Hesus, ang anak ni Maria, na bibigyang dangal sa daigdig na ito at sa kabilang buhay, at siya ay makakasama ng mga malalapit sa Allah.” [Surah Al Imran, 3:45]
“Siya ay magsasalita sa tao mula sa duyan at sa kanyang paglaki, at siya ay mabibilang sa mga matutuwid.” [Surah Al Imran, 3:46]
Siya (si Maria) ay nagsabi: “O aking Panginoon, paano ako magkakaroon ng anak gayong walang lalaking humawak sa akin.” Siya’y nagsabi: “Sa gayo’y mangyayari, sapagka’t nililikha ng Allah ang anumang Kanyang naisin. Kapag itinakda ang isang bagay, Kanya lamang sasabihin: “Maging” – at ito’y mangyayari.” [Surah Al Imran, 3:47]
Kung tutuusin, makatuwiran lamang na ang mga Kristiano at Muslim ay nararapat lamang na magdiwang sa Araw ng Pasko dahil pareho naman silang naniniwala sa pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya.
Datapwa’t hindi maipaglilihim na ang mga Muslim sa buong daigdig ay hindi nagdiriwang sa araw na ito. Hindi ba ito salungat sa kanilang sinasabing paniniwala sa pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya, na isinilang ni Birheng Maria?
Ito ang malaking katanungan na ating tatalakayin. Kung bakit ang mga Muslim ay hindi nagdiriwang sa araw ng Pasko bagama’t sinasabi nila sa sila’y naniniwala kay Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya, na itinuturing nilang isa sa mga dakilang Propetang isinugo ng Allah sa lupa.
Saan Nanggaling ang Katagang “Christmas”?
Upang lubusan nating maunawaan ang Christmas o Pasko, dapat nating malaman kung saan nanggaling ang katagang Christmas o kung ano ang saligan.
Ayon sa mga iskolar na Kristiyano, ang Christmas ay hinango sa mga katagang CHRISTES MASI, na ang ibig sabihin ay Christ Mass, o ang misang patungkol kay Kristo-Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya.
Ang katagang ito “Christmas” ay unang ginamit noong ika-11 siglo (1100 years ago) mga 1,000 taon matapos mawala si Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya, sa mundong ito.
Kaya naman, ang salitang ito ay hindi ginamit ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya, at ni hindi niya alam ang salitang ito. Maging ang kanyang mga alagad o disipulo ay walang kaalam-alam sa katagang ito sa dahilang hindi tinuran ni Hesus sa kanyang kapanahunan.
Sa wikang Romano, ito ay tinatawag na “DEIS METALIS DOMINI” na ang ibig sabihin ay kaarawan ng panginoong diyos. Isang gawaing Shirk.
Katibayan sa Kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya.
Tungkol naman sa petsang Disyembre 25, ang mga iskolar na Kristiyano ay naniniwala na walang sinumang nakababatid sa eksaktong kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya.
Ating mababasa sa COLLIER ENCYCLOPEDIA– “Ang eksaktong kaarawan ni Hesus ay imposibleng malaman kahit gamitin pa ang mga nakasulat sa ebanghelyo pati na ang kasaysayang nauukol kay Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya.”
Gayundin, sa NEW INTL. DICTIONARY OF CHRISTIAN CHURCH, mababasa natin na walang mapagbabatayan sa kasaysayan na nagbibigay katibayan sa araw, at buwan ng pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya.
Sa Islam, ang pagkasilang ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya, ay nababanggit sa Qur’an [Surah Maryam, 19:22-26]
“At siya’y nagdalantao, at humayo sa malayong lugar. [Surah Maryam, 19:22]
At ang sakit ng panganganak ay nagtaboy sa kanya sa may puno ng palmera at siya ay nagsabi: “Sana’y matagal na akong namatay bago pa dumating ito, at nabaon na (ako) sa limot at wala na sa paningin (ninuman)!” [Surah Maryam, 19:23]
At nagsalita (ang batang si Hesus o si Gabriel) sa may ibaba niya: “Huwag magdalamhati! Ang iyong Panginoon ay nagbigay sa iyo ng isang batis na umaagos sa may ibaba mo. [Surah Maryam, 19:24]
At ugain mo ang puno ng palmera at maglalaglagan ang sariwang hinog na bunga nito sa iyo. [Surah Maryam, 19:25]
Kaya’t kumain at uminom at magalak. At kung makakita ng tao, iyong abihin: Katotohanan, ako ay nangako sa Mapagpala ng pag-aayuno, kaya’t hindi ako makikipag-usap kaninumang tao sa araw na ito.” [Surah Maryam, 19:26]
Pagdiriwang ng Kaarawan
Sa unang tatlong siglo makaraang mawala si Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya, sa daigdig, ang simbahan ay may malakas na oposisyon laban sa pagdiriwang ng kaarawan (birthday) sapagka’t ito ay isang kaugaliang pagano.
Ang mga Hudyo ay hindi nagdiriwang ng kanilang kaarawan. At si Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya, ay isang Hudyo. Hindi siya nagdiwang ng kaarawan at hindi rin naman ipinagdiwang ang kanyang kaarawan ng kanyang mga alagad o disipulo.
Ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng regalo sa may kaarawan.
Kaya’t ang pagdiriwang ng birthday ay isang kaugalian ng mga pagano at ito ay walang kinalaman sa relihiyon na dinala ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya. Ito ay sadyang napakaliwanag. Dito makikita na ang pinanggalingan ng pagdiriwang ng kaarawan ay hindi nabibilang sa mga kapahayagan ng Allah bagkus isang kaugalian ng mga pagano ng isinama sa isinasagawa ngayon ng simbahang Kristiyanismo.
Pagdiriwang ng Pasko sa iba’t ibang Petsa
Si CLEMENT NG ALEXANDRIA ay nagsabi na ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya, ay naroroon na noong taong 200 sa Ehipto.
Ito ay ipinagdiriwang sa iba’t ibang araw sa iba’t ibang lugar. Ang mga iskolar ng Kristiyanismo noong ika-2, 3, 4 at 5 na siglo, ay nag-aangkin ang bawa’t isa sa kanila ng kaalaman sa tunay na kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya. Wala silang napagkasunduan tungkol sa eksaktong kaarawan ni Hesus.
Matapos mabinyagan si Constantine sa pananampalatayang Kristianismo, ang simbahan sa Roma ay ipinag-utos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus tuwing ika-25 ng Disyembre. Ang panahon ni Constantine ay noong ika-4 na siglo. Sa panahong ito lamang itinakda ang Disyembre 25 bilang kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya.
Bagama’t karamihan ng Kristiyano sa mga panahong yaon ay nagdiriwang sa kaarawan ni Hesus tuwing Disyembre 25, ang pagdiriwang ng mga Armenians (Eastern Church) ay kanilang isinasagawa tuwing ika-6 ng Enero magpahangga ngayon.
Ano ang Saligan ng Pagpili sa Disyembre 25?
Saan nanggaling ang Disyembre 25? Ating matutunghayan din sa COLLIERS ENCYCLOPEDIA na ang pagpili ng Disyembre 25 ay nakuha sa mga paganong Romano sa kanilang pagdiriwang ng “MITALIS SOLIS INVICTI”, isang pagdiriwang sa kapangyarihan ng Diyos na Araw (Sun God) sa relihiyong MITHRAISM.
Ang pagdiriwang na ito ay sadyang kilalang-kilala sa mga Romano. Ito ay tanda na ang simbahan ay ginamit itong paraan upang akitin ang mga Romano na ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya, sa petsang ito upang makalimutan nila ang kanilang pagsamba sa Araw.
Huwag nating kalilimutan na ang Kristiyanismo ay pinalaganap sa Roma at upang hikayatin ang mga paganong ito, isinama sa pagdiriwang ng simbahan ang kanilang mga paganong kaugalian.
Sina ST. CIPRIAN at ST. JOHN CRYSOSTOM ay pinatutunayan ito sa kanilang mga aklat.
Gayundin naman, ating mababasa sa ENCYCLOPEDIA OF RELIGIONS AND ETHICS na may isang matandang kaugalian ang mga Romano sa pagdiriwang ng SATURNALIA (God of Saturn).
- Ito ay pinagdiriwang sa araw ng Disyembre 25.
- Ito ay laganap sa bansa. (National holiday)
- Ang mga paaralan ay nakasara
- Walang ipinatutupad na kaparusahan sa araw ng iyon (ceasefire)
- Nagpapalit sila ng damit
- Ang sugal na dice ay pinahihintulutan
- Nagbibigayan ng regalo. Manika ang ipinamimigay sa bata.
Sa Northern Europe, ang tribo ng TEOTONIC ay nagdiriwang ng kanilang WINTER SOLISTICE tuwing ika-25 ng Disyembre sa paniniwalang isinisilang na muli ang araw.
Ang pagdiriwang ng Disyembre 25 ay naging laganap at ito ay itinuring ng simbahan ng Kristiyanismo bilang isang pamamaraan ng kanilang dibosyon sa pananampalataya.
Pagbabawal sa Pagdiriwang
Magkagayunman, noong sumapit ang taong 1642 hanggang 1652, ang mga Kristiyanong Puritano sa Inglateria ay nagpalabas ng batas sa pagbabawal ng misa at pagdiriwang sa araw na ito.
Gayundin, ito ang naging desisyon ng mga Kristiyano sa Amerika na dala ng mga dayuhan.
Subali’t nang dumating ang taong 1900, ang maraming mga dayuhan sa Amerika na galing sa Germany at Ireland ay nagbigay buhay na naman sa paganong pagdiriwang na ito. Kahit na may oposisyon (pagtutol ng simbahan), ito ay natabunan dahil sa dami ng mga imigrante.
Christmas Tree
Maging ang Christmas tree ay galing din sa paganong kaugalian. Ito ay sikat sa nauang Ehipto at Roma. Sa kanilang pagdiriwang sa Saturnalia, ang Evergreen tree ang gamit na palamuti sa bahay at sa mga kalsada dahil ito ay simbolo ng walang hanggang buhay sa dahilang ang punong ito ay hindi namamatay sa panahon ng taglamig (winter).
Mga Tagasunod ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya.
Kaya’t ang masugid na Kristiyano, tagasunod ni Hesu-Kristo, lalang-lalo na ang mga lagi nang bumabanggit ng John 14:6 – “Ako ang landas, katotohanan, at ang buhay. Walang makapaparoon sa Ama maliban sa pamamagitan ko”, ay dapat lamang sundin ang landas na itinuro ni Hesus.
Ang Pasko ay walang koneksiyon sa pagtuturo ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya. Ang pagdiriwang nito ay hindi magbibigay kasiyahan sa kanya at sa nagsugo sa kanya dahil hindi naman niya ito ipinatupad. Ito ay hindi bahagi ng landas ng kanyang itinuro.
Ang mga Muslim ba ay pinahihintulutang sumama sa pagdiriwang ng Pasko o kaya’y magbigay pagbati sa Pasko. Hindi dahil sa mga sumusunod;
1. Ito ay isang hayagang pagkunsinti sa isang kaugaliang pagano.
2. Ito ay isang gawaing hindi naaayon sa turo ni Hesus
3. Ito ay direktang pagsalungat o paglabag sa kanyang pananampalataya.
4. Ito ay isang pagkukunwari at ang Islam ay kinasusuklaman ang pagkukunwari.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Sinuman ang gumaya sa kaugalian ng iba, siya ay nabibilang sa kanila.”
Ang Qur’an ay nagsasabi:
“Sa araw na ito ay pinaging-ganap Ko ang inyong relihiyon para sa inyo, ginawang lubos ang Aking tulong sa inyo, at pinili para sa inyo ang Islam bilang inyong relihiyon….” [Surah Al Maidah, 5:3]
Naniniwala tayo sa Allah at sa itinuturo ng Islam batay sa kapahayagan. Ito ay hindi nagbabago ayon sa kapritso o pagkagusto ng tao. Ang Qur’an at ang mga Sunnah ni Propeta Muhammad, ang magsisilbing gabay sa atin kung paano natin isabuhay ang itinuturo ng Islam.
Pagdiriwang sa Kaarawan ni Propeta Muhammad
Ngayon naman, ang maaaring itanong sa atin ay ganito: Bakit ninyo sinasabing ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus, Ang biyaya at habag ng Allah nawa’y mapasakanya, ay gawaing pagano, samantalang kayo ay nagdiriwang din ng kaarawan ni Propeta Muhammad.
Ito ay sadyang napakalungkot na nangyayari. Bagama’t ang mga Muslim ay may maliwanag na patnubay na nananatiling nasa orihinal na anyo hanggang sa ngayon, hindi pa rin maiwasan ng iba ang pagsagawa ng mga bagay na salungat sa itinuturo ng Islam. Ito ay dulot ng kamangmangan sa pananampalataya at sa pagnanais na tularan ang ginagawa ng iba.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Anumang bagong bagay na isinasama sa ating pananampalatayang ito (Islam), ay hayaan itong itakwil.”
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Wala nang iba pang gawain na makapaglalapit sa inyo sa Allah maliban lamang sa mga naituro ko sa inyo.”
Bilang pangwakas, tayong mga Muslim ay may dalawang batayan sa ating panuntunan ng buhay: ang Qur’an at ang Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang ating pamumuhay at pagsamba ay nararapat lamang ayon sa Kanyang ipinahayag at sa pamamaraang itinuro ng Kanyang Propeta upang ito ay tanggapin ng Allah.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“May dalawang bagay akong iiwanan sa inyo na kung inyo itong panghahawakan ng mahigpit ay hindi kayo maliligaw: ang purong Salita ng Allah at ang aking Sunnah.”
Mga karagdagang mga talata sa Qur’an at mga Hadith:
“Katotohanan, nasa Sugo ng Allah ang pinakamahusay na halimbawa upang pamarisan – sa sinuman na may pag-asam sa (pagharap sa) Allah, sa Huling Araw at laging alaala ang Allah. [Surah Al Ahzab, 33:21]
“…At anuman ang ibigay sa inyo ng Sugo ay kunin ito, at anumang kanyang ipagbawal sa inyo ay iwasan ito…” [Surah Hashr, 59:7]
“… At hayaan ang mga sumasalungat sa mga ipinag-uutos ng Sugo na mag-ingat, kung hindi’y magkakaroon sila ng Fitnah (pagsubok, kahirapan, lindol, patayan, pang-aapi, etc) o isang napakasakit na parusa ang mapapasakanila.” [Surah An-Nur, 24:63]
“O kayong nananampalataya! Sundin ang Allah at sundin ang Sugo), at yaong may otoridad. Kung kayo’y di-magkaunawaan sa anumang bagay sa isa’t isa, isangguni sa Allah at sa Kanyang Sugo (saws), kung kayo ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mahusay at higit na karapat-dapat sa huling pagpapasiya.” [Surah An-Nisa, 4:59]
“At kung inyong susundin ang karamihan dito sa daigdig, kanilang ililigaw kayo nang malayo sa landas ng Allah. Wala silang sinusunod maliban sa haka-haka, at wala silang ginawa kundi magsinungaling.” [Surah Al An-am, 6:116]
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Mag-ingat sa kalabisan tungkol sa relihiyon. Napahamak ang mga nauna sa inyo dahil sa kanilang pagmamalabis tungkol sa relihiyon.”
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Huwag magmalabis sa pagpuri sa akin kagaya ng ginawa ng mga Kristiyano sa anak ni Maria. Ako ay isang alipin, kaya’t inyo lamang sabihin: “Alipin ng Allah at Kanyang Sugo”.
    •  


No comments:

Post a Comment