ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Monday, November 28, 2011

ANG PANAGHOY ni HESUS ..




Mateo 27:46
"At nang malapit na ang oras na ika-siyam ay sumigaw si HESUS ng malakas na tinig, na sinabi -- ELi,ELi lama sabachthani?
Diyos Ko, Diyos Ko, bakit mo ako pinabayaan?


-- Bakit kailangan ituring ng ibang kristiyano si HESUS bilang DiYOS samantalang si HESU7 mismo ay may tinatawag na kanyang DiYOS? Ang malakas na sigaw ni HESUS ng DiYOS KO DiYOS KO ay isang patunay na siya ay may kinkilalang DiYOS at hindi niya itinuturing ang KANYANG SARiLi BiLANG DiYOS ..


`walang kabuluhan ang pagsamba ng tao sa kapwa nilikha SAPAGKAT ang tunay na DiYOS ay hindi tao..


God says in bible.

Sapagkat ako ay Diyos, HiNDi.TAO (oseas 11:9)

even JESUS says na siya ay TAO LAMANG..


Bible says" Sapagkat ay isang Diyos at may isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao. Ang TA0NG si kristo HEJUS. (timoteo 2:5)


kung si Hesus nga ay diyos na nagkatawang tao, mayroon bang mga tao sa kanyang kapanahtnan ang sumamba sa kanya? WALA! Ang mga disipulo ni Hesus, sila ba ay sumasamba sa kanya? Ang iNA ni Hesus, tinawag ba niyang DiYOS ang kanyang ANAK? KINILALA B at sinamba ni Birhen Maria amg kanyang anak bilamg Diyos ng Sanlibutan? Sa buong Palestine o jerusalem, walang sinumang kababayan ni Hesus ang nagkaroon ng kaisipan na si Hesus ay Diyos na dapat sambahin..


ANG PAGDARASAL Ni HESUS ..

Mateo 26:39
"at siya'y nagpatirapa at nanalangin"

-- kung si HESUS ay DiYOS na nagkatawang tao, kanino siya nagdarasal? Amg pagdarasal ay tanda mg pagkilala at pagsamba sa iiSANG DiYOS, kayat pintutunayan lamang ni HESUS sa kanyang mga gawa na siya ay may kinikilalang Makapangyarihaang DiYOS na kanyang dinadalaginan..


ANG PAGTULi KAY HESUS..

Lucas 2:21
" makaraan ang walong araw upang siya ay tuliin, tinawag siyang HESUS"

-- Ang pagtuli ay isang gawain upang manatiling malinis ang katawan ng tao. Ang gawang pagtuli ba ay dapat iugnay sa DiYOS na makapangyarihan? Hindi angkop sa kadakilaan ng DiYOS na itong gawaing ito ay iuganay sa KANYA.
(ASTAGFiRULLAH!)

ANG PAG-AAYUNO ni HESUS ..

Mateo 4:2
"at ng siya'y nakapag-ayuno ng apatnapung araw at gabi, siya ang nagutom"

-- kung si Hesus ay Diyos, hindi siya dapat pumailalim sa BATAS ng PAG.AAYUNO. Hindi katangian ng isang TUNAY NA DiYOS ang mag-ayuno at magutom. Ang TUNAY na DiYOS ay Ganag at walang pangangailangan..

ANG MGA KAPATiD Ni HESUS ..

Ayon sa BiBLYA, si Hesus ay mayroong mga kapatid.

Mateo 13:55
"Hindi baga ito ang anak ng anluwagi? Hindi baga tinatawag na Maria ang kanyang ina? At Santiago (James), Jose (Joses) at Simon at Judas ang kanyang mga kapatid?"


-- kung si HESUS ay DiYOS, maaari ding ituring ang kanyang mga kapatid sa ina bilang mga DiYOS sapagkat iisa ang kanilang lahi at dugo.
(DUGONG DiYOS AT LAHiNG DiYOS?)
astagfiruallah! Ano ang tawag ng mga kapatid ni HESUS sa kanya?DiYOS KO o KUYA KO? Kaya nga ba ang pagturing kay HESUS bilang diyos ay hindi lamang paglapastangan sa kabanalan at kadakilaan ng DiYOS kundi ito ay isang iNSULTO sa talino at karunungan ng tao..


ANG PANUNUKSO NG DiYABLO KAY HESUS..

Mateo 4:1
"inihatid ng espiritu santo si HESUS sa ilang upang siya ay tuksuhin ng Diyablo"


-- Paano naging DiYOS si hESUS kung siya ay tinutukso ng DiYABLO? Ang DiYABLO ay isa lamang nilikha na nakapailalim sa kapangyarihan ng Tagapaglikha. Ang DiYOS ay Ganap at walang pangangailangan kaya't hindi ito natutukso sa anupamang bagay. Sa Bibliya matutunghayan at mapatutunayan na:

Santiago 1:13
"Sapagkat ang Diyos ay hindi matutukso at hindi rin siya nanunukso sa kaninuman."

ANG PAGPAKO KAY HESUS..

Mateo 27:35
"at nang siya ay kanila ng maipako si HESUS"

-- kung si HESUS nga ay tunay na DiYOS maari bang ang TAGAPAGLiKHA ay ipako ng kanyang mga NiLiKHA? Sa ganitong kalagayan ni HESUS na nakapako sa krus, maaari ba siyang tawaging DiYOS?..

ANG KAMATAYAN Ni HESUS (AYON SA BiBLiYA)

Roma 5:6
"Sapagkat nang tayo ay mahihina pa ay namatay ri Kristo sa kapanahunan dahil sa mga masama"

-- Ayon sa Bibliya si Hesus ay namatay. MAY DiYOS BANG NAMAMATAY? Sino ang nagpanatili sa mundo at ng lahat ng bagay na may buhay? Sino ang tagapangalaga ng lahat ng kabuhayan dito sa mundo kung patay ang DiYOS? Ang kamatayan ay hindi maaaring TAGLAYiN NG TUNAY NA DiYOS?
Katunayan sa BiBLiYA, si San Pablo ay nagsabi na ang Tunay na DiYOS ay:

I Tin:oteo 6:16
"Siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan, nadi nakita ng sinumang tao."

-- Ang mga pangyayarin namuo sa buhay ni hESUS ay mga pangyayaring nagpapatunay na siya ay taong inilunsad ng DiYOS bilang kanyang PROPHETA at SUGO. Ang mga gawaing pang araw-araw ni HESUS, ang kanyang damdamin, kilos at galaw ay likas na larawan ng isang nilikhang sumasamba at kumikilala sa DiYOS. Ang kanyang pagsilang, paglaki at pangangaral ay mga banal na layunin na kanyang ginawa bilang pagtupad sa kautusan ng DiYOS.

No comments:

Post a Comment