ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Monday, November 28, 2011

:ANG LAHAT NG "TAO" AY ISINILANG NA SA ILALIM NG (FITRAH) LIKAS NA PAGSUNOD SA DIYOS


ANG PROPETA MUHAMMAD (SAW) AY NAGSABI:" NA ANG BAWAT SANGGOL NA ISINILANG AY ISANG (MUSLIM):"ITO AY TINATAWAG NA "FITRAH" SA ARABIK (LIKAS NA PAGSUNOD SA BATAS NG ALLAH) DIYOS.



Ang tao ay sumasailalim sa Likas na pagsunod, simula pa nang isilang siya ng kanyang ina, at siya ay nakasalig sa pagpapala at paggabay ng Allah (swt). Sa panahong ito, siya ay hindi sumusuway sa lahat ng kautusang itinakda ng Diyos sa kanya hanggang sa sapitin niya ang tamang gulang at kaisipan.



Sa bahaging ito ng buhay ng tao siya ay nasa ilalim ng tinatawag na "FITRAH" (Arabic) na ang kahulugan ay, Likas na pagsunod ng tao sa kalooban ng Diyos (Natural inclination of man to obey God). Ang kalagayang ito ng tao sa ilalim ng "FITRAH" ay hindi nawawala, nguni’t maaaring malihis, malayo o maligaw.



Sa dahilang ang bata ay wala pang lakas at hindi pa wasto ang kaisipan at talino upang pumili at magpasiya ayon sa kanyang sariling kagustuhan, siya ay sunud-sunuran lamang sa lahat ng nais gawin ng kanyang mga magulang, o mga taong nag-aruga at nagpalaki sa kanya.


Ang mga tao sa kanyang paligid ang siyang may kakayahang mag-akay sa kanya sa tama o maling landas ng pagsamba.



Sa isang Hadith ni Propeta Muhammad (sas), siya ay nagsabi: "Ang bawa't sanggol ay ipinanganak sa ilalim ng FITRAH, nguni't ginawa siya ng kanyang mga magulang na isang Hudyo, Kristiyano, o Pagano...” (Sahih Muslim - English trans. vol. 4, page 1398 #6423).



Magkagayon, kung ang isang tao ay mabuhay na nag-iisa at lumaking malayo sa anumang sibilisasyon, mamumuhay siyang sumasamba sa nag-iisang Diyos na sa kanya ay Lumikha.



Kaya’t kailanman ay hindi mangyayaring siya ay maging isang Hudyo, Kristiyano, o isang Pagano (tulad ng Hindu o Buddismo). Katiyakan na ang kanyang sasambahin ay ang nag-iisang Diyos na may likha ng Langit at Lupa at ng lahat ng mga nilikha, sapagka’t ito ang kanyang Likas na relihiyon. Ito’y sapagka’t ang kanyang Fitrah (Likas na Pagsunod) sa Diyos ay hindi nabahiran ng maling katuruan. Tulad ng katawan ng bata o ng tao, sa simula ay nagpapasakop sa mga batas na itinakda ng Allah (swt).



Ganoon din naman, ang kanyang puso at kaluluwa ay nagnanais na tumalima, sumunod at magpasakop sa Allah (swt). Nguni't ang kanyang mga magulang o mga tagapag-alaga na nagpalaki sa kanya ay tinuruan siyang sumunod sa kanilang mga pansariling paniniwala. Ang mga paniniwalang ito ay turo at utos lamang ng tao, hindi utos ng Lumikha.



Sa paglaki ng bata at sa kanyang pagtanda, kadalasa’y hindi
piniling kusa ang relihiyong kanyang sinusunod, bagkus ang
relihiyon na gawa at turo lamang ng kanyang kapwa.



Magkagayunman, sa sandaling sapitin na ng tao ang wastong gulang at kaisipan, at may kakayahan na siyang pumili ng tama sa mali,dapat na niyang alamin ang buong katotohanan. Nararapat siyang pumili at magpasiya ayon sa sariling kalooban at kaisipan. Tungkulin niyang piliin at sundin ang tunay na relihiyon na ibinigay ng Allah (swt), ang pagpapasakop lamang sa Kanya. Sa kalagayang ito, siya ay sasailalim na sa "Kusang-loob na pagsunod" (willful obedience) sa Allah (swt).



"At ipinakita Namin sa kanya ang dalawang landas (mabuti at masama).” Qur’an 90:10



BABALA!

Sa bahaging ito ng buhay ng tao, si Satanas ay gagawa ng
lahat ng paraan upang ang tao ay mapanatili niya sa maling relihiyon. Gagamitin ni Satanas ang mga magulang, kapatid, asawa, anak, kamag-anak, kaibigan, trabaho, kapitbahay, at iba pa, upang mapanatili niya ang tao sa maling relihiyon na kanyang kinagisnan.


Dito masusubukan ang pagpapasiya ng isang tao kung papaano niya gagamitin ang kalayaang pumili ng tamang relihiyon na nakalulugod sa Diyos na lumikha sa kanya.



Katotohanang may malaking bilang ng tao ang nagsasabing mayroon silang sinusunod na relihiyon. Nguni’t ang relihiyon na kanilang pinaniniwalaan ay hindi nila pinili. Ito'y kinagisnan lamang nila o ipinayakap sa kanila. Hindi sila ang pumili at hindi rin sila ang nagpasiya.





Ang bawa't tao ay pinagkalooban ng Allah (swt) ng layang pumili, subali’t ginamit ba ang kalayaang ito?



Ikaw ba ay kabilang sa mga taong hindi pinili ang relihiyong
sinusunod at pinaniniwalaan?



Kung pipiliin mong sundin ang "FITRAH", ang iyong likas na Pagsunod at pagsamba sa nag-iisang Diyos - ang Allah (swt), ikaw ay tutulungan Niya, sapagka’t nasasaad sa Banal na Qur'an: "At sinuman ang naisin ng Allah na patnubayan, bubuksan Niya ang dibdib sa Islam...”(Qur'an 6:125).



napakadaling maging muslim dahil tayo ayon sa biblia at huling revelasyon ng diyos ay mga muslim mula pa sa pasimula, dahil po ang lahat ng sinisilang na tao ay muslim,ang katibayan ay ang pagbibinyag ng cristiano sa mga sangol na walang pang muwang sa pananampalataya, at malinaw din po sa sinasabi ng pare sa sanggol sya ay muslim, bago sya binyagan ng pare,anu po ang pangalan ng bata? emanuel po padre, at ang pare ay mag sasabi ng ganito:


IKAW ANG EMANUEL DELA CRUZ AY BINABASBASAN KO SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ISPIRITU SANTO AMEN, AT NGAYON IKAW EMANUEL AY GANAP NA TUNAY NA CRISTIANO, TANONG KAPATID? NOONG NASA LOOB KA NG IYONG INA NG SIYAM NA BUWAN HANGGANG SA ISILANG KA AT MGA ILANG LINGO O BUWAN AY BININYAGAN KA, SA PANAHUNG HINDI KAPA NABIBINYAGAN AYON SA PROPETA NG DIYOS IKAW AY NASA KATAYUANG MUSLIM.


ANG SABI NG PROPETA AY GANITO, KATOTOHANAN ANG LAHAT NA NILALANG NA TAO AY MUSLIM, AT KATOTOHANANG ANG KANILANG MGA MAGULANG ANG NAG AALIS SA KANILA SA PAGKAMUSLIM DAHIL SILA AY GINAGAWA NILA KAYONG MGA CRISTIANO AT MGA JUDIO SA PAMAMAGITAN NG PAGBAUTISMO PARA SACRISTIANO.


BAKIT PO SINASABI NA ANG LAHAT NG TAO AY MGA MUSLIM MUNA BAGO NAGING CRISTIANO O JUDIO,


DAHIL PO ANG KAHULUGAN NG MUSLIM AY PAGSUNOD PAGTALIMA SA KAUTUSAN NG NAG-IISANG DAKILA NA TUNAY NA DIYOS. ANG TAGAPAGLIKHA,


NALALAMAN MO BANG ANG MGA PUNO AY MGA MUSLIM TULAD HALIMBAWA NG BAYABAS NA PUNO SIYA AY MUSLIM SA KADAHILANAN NA ANG ITINAKDA NG DYOS ANG SINUSUNOD NG PUNONG BAYABAS DAHIL SYA AY NAMUMUNGA NG BAYABAS KUNG ANG PUNONG BAYABAS AY NAMUNGA NG ATIS SYA AY HINDI NA MUSLIM DAHIL SYA AY SUMUWAY SA UTOS NG DAKILANG TAGAPAG LIKHA


ANG ARAW AY MUSLIM DAHIL SYA AY SUMUSUNOD SA DYOS NA SASILANGAN LAMANG SYA SISIKAT AT LULUBOG SA KANLURAN, NGUNIT KUNG ANG ARAW AY BUMALIGTAD SYA AY MAGIGING HINDI NA PO MUSLIM.
AT ANG PAGSUWAY SA DYOS AY LAGI NA MAY NAKAABANG NA KAPAHAMAKAN.


ANG MGA PLANETA SILA AY MGA MUSLIM. DAHIL SILA AY SUMUSUNOD SA TAMANG DAANAN NA ITINAKDA NG DYOS PARA SA KANILA KUNG SILA AY TATANGGI SA PAG IKOT DITO AT GUMAWA NG IBANG IKOT MAY TENDENCY NA MAGBANGGAAN ANG MGA PLANETA NA ANG IBUBUNGA AY KAPAHAMAKAN, GANUNDIN PO SA TAO AT ANG KAPAHAMAKAN NA NAKAABANG SA TAO AY ANG HABANG BUHAY SA IMPIYERNO.


MADALI LANG MAGING MUSLIM

BABANGGITIN MO LAMANG ANG PAGPAPATIBAY NG IYONG PANINIWALA SA NAG IISANG DYOS AT KIKILALANIN MO SYA NA IYONG TUNAY NA TAGAPAGLIKHA.

AT BIBIGKASIN MO RIN ANG PAG PAPATIBAY SA PANINIWALA SA HULING SUGO NA SI MUHAMMAD SALLALAHU ALAYHI WA SALAM. NA SUGO NG DAKILANG TAGAPAG LIKHA.


Itong dalawang salita na ito ay ang pintuan ng gusto pumasok sa pagiging muslim, ang tawag dito ay dalawang pag saksi o dalawang pagpapatibay.

kapatid eto na ang kahulugan

ASHADU ako ay sumasaksi AN LA ILAHA na walang ibang dyos na dapat sambahin ILLALLAH maliban sa ALLAH

WA ASHADU at ako ay sumasaksi ANNA MUHAMMADAN ABDUHU na si propeta muhammad WA RASULLO ay sugo at huling propeta ng ALLAH.

KAPAG NASABI MO NA ITONG DALAWANG SALITA NA ITO KAILANGANG MONG MALIGO. AT TUNAY NA IKAW AY GANAP NG MUSLIM. NA AYON SA PROPETA MUHAMMAD AY TULAD NG ISANG BAGONG SILANG NA SANGOL NI WALANG BAHID NA KASALANAN.KASI PO LAHAT AY PINATAWAD NA NG DYOS KUNG ANG IYUNG PAG SAKSI SA IYONG SARILI AY MAKATOTOHANAN, SINABI PA NG PROPETA


innamal a'malu bin niyat, - ang ibig sabihin po lahat ng gawain ng tao ay nakabatay sa hangarin walaa pong tao sa mundo ang kukuha ng tubig para inumin ng hindi nya hinangad na uminum.ganun po kalinaw ang hangarin ng tao.

at pagkatapos po papasok napo ang isang nagbalik muslim sa pag aaral, kailangan alamin nya ang anim na paniniwala ng mga muslim na meron din naman sa cristiano ang kaibahan nga lamang ay nililinaw ang bawat paniniwala at isinasapamuhay.

tulad nito
ang unang paniniwala ng mga muslim ay ang maniwala sa ALLAH na sya ang nag bigay ng buhay at kawakasan sa lahat na nilalang, at sya lamang ang dapat sambahin at wal dapat na ipapares sa kanya, dahil sinabi ng dyos na sya ay mapag patawad sa lahat ng uri ng kasalanan at umabot man ito ng langit.at humingi ng kapatawaran papalitan nya ito ng ganun ding kabutihan, pwera lamang po sa isang kasalanan na kapag kinamatayan natin kaylan man tayoay mabubuhay magpakaylanman saempyerno.at ito ay ang pag kilala ng ibang dyos maliban sa kanya.





Alalahanin:

Ito ang dalawang uri ng pagsunod, Likas at Kusang-Loob.
Dapat nating tandaan na walang nilalang sa sanlibutan na nilikha ng
Allah (swt), maging ito ay gumagalaw o hindi, may hininga o wala, nag-iisip o hindi, at maging Jinn o tao, ang hindi nasasakop ng ibinigay Niyang relihiyon - ang Islam, na nagtuturo ng pagsamba
lamang sa Allah (swt).


Ating matutunghayan sa Banal na Quran:
"Hindi Ko nilikha ang Jinn at ang tao maliban na Ako ay kanilang sambahin.” Qur’an 51:56



Ang ISLAM ay relihiyong hindi bago, hindi rin magbabago, at
lalong hindi maluluma o lilipasan ng panahon. Ito'y mananatili magpakailanman bilang tanging pagsamba sa nag-iisang Diyos - ang Allah (swt) .



Ito ang relihiyon na hindi lamang para sa mga tao, bagkus ito ay relihiyon din ng lahat ng nilikha maging sa langit, sa lupa o nasa tubig, sila ay sasamba at magpupuri sa Allah (swt) na lumikha sa kanila.


"Sila ba ay naghahanap pa ng iba liban sa relihiyon ng Allah,(ISLAM)! samantalang ang lahat ng nilikha, sa langit man o sa lupa ay
sumusunod sa Kanya, kusa man o hindi, at sa Kanya ang lahat ay magbabalik. " Qur'an 3:83.


"Ang pitong langit at ang lupa at ang lahat ng naroroon ay nagpupuri

sa Kanya, at walang anumang nilikha na hindi nag-aalay ng pagsamba sa Kanya; nguni’t ang kanilang papuri ay hindi ninyo nauunawaan." (Qur'an 17:44).


"Matuwa ang langit at magalak ang lupa; humugong ang dagat, at ang buong naroon; sumaya ang bukirin at lahat na nasa kanya; kung
magkagayon aawit dahil sa kagalakan ang lahat ng punong kahoy sa gubat; sa harap ng Panginoon; sapagka't Siya'y dumarating."(Bibliya) Salmo 96:11-13).


Ang mga talatang ito sa Banal na Qur'an at maging sa Bibliya ay isang matibay na patotoo na walang partikular na nilikha ang hindi
nagpupuri sa Allah (swt) at sumasamba sa Kanya,tunay na ang lahat ay nasa ilalim ng relihiyong Islam.



ITO ANG KATOTOHANAN!


Isa lamang ang lumikha at ang lahat ay Kanyang nilikha na nararapat sumamba, magpasakop at sumunod lamang sa Kanyang mga ipinaguutos. Kung ang lahat ng nilikha ay sumasamba sa Allah (swt) ang nag-iisang Diyos,


nararapat bang hindi ka mabilang sa kanila? Kung ikaw man ay nailihis lamang ng paniniwala, nailigaw o naturuan ng maling relihiyon ng ibang tao, nararapat kang magpasiya at piliin mo ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ikaw ay magbalik sa Kanya!



IKAW AY MAGPASIYA, IKAW AY MAGBALIK- ISLAM


Ito ang unang dahilan kung bakit nararapat kang magbalik-Islam, sapagka't ito ang tunay mong relihiyon, ang relihiyon ng lahat ng nilalang, ang relihiyon maging ng ating mga Ninuno.



PANGWAKAS NA SALITA


Ito ang buod ng mensahe ng aklat na ito, na iisa ang relihiyong ibinigay ng Diyos sa lahat ng Kanyang mga nilikha, ang relihiyong Islam. At gayun din naman, ito rin ang kauna-unahang relihiyong niyakap ng ating mga ninunong Pilipino nang sila ay magising sa katotohanan, at sinunod nila nang may kabanalan.



Alalahanin, hindi ito bagong relihiyon na ipapalit sa
pananampalatayang iyong pinaniniwalaan bagkus, ito ang datimong relihiyon na kanilang pinalitan.



Panahon na upang piliin mo ang relihiyong iyong ipamumuhay. Kung ikaw ay nalihis, o ikaw man ay naligaw, ikaw ay magpasiya. Sundin mo ang kalooban ng Dakilang Lumikha, ang Allah (swt). Ikaw ay magbalik-Islam!



ISANG BUKAS NA PAANYAYA



"At sinuman ang magnais ng ibang relihiyon maliban sa Islam, kailanma'y hindi ito tatanggapin sa kanya, at sa kabilang buhay siya ay mapapabilang sa mga taong ang mga gawain ay nawalan ng kabuluhan." Qur'an 3:85.



Dagdag na Paalala:


Ang lahat ng mga Propeta tulad ng mga sumusunod: Noah, Abraham,Moses, Jesus, at Muhammad (Ang Pagpapalala at Pagbati ng Allah ay sumakanila) ay iisa lamang ang inihatid na mensahe sa sangkatauhan.ito ay ang sambahin lamang ang nag-iisang Diyos, ang Allah (swt), at huwag maglagay ng kasama Niya sa Kanyang Kaluwalhatian. Huwag hayaang lumagpas ang gintong pagkakataon na mabasa ang Banal na Qur’an, ang bukod tanging Banal na Aklat ng Diyos


nanasusulat sa dalisay at orihinal nitong Kapahayagan.
Alamin ang katotohanan hinggil sa tunay na relihiyong ipinadala ng Lumikha bago sumapit sa atin ang itinakdang kamatayan. Katiyakan, kapag ang tao ay patay na, hindi na siya maaaring bumalik pa sa mundong ito upang doon magpasiyang yakapin at sundin ang relihiyong ibinigay ng Dakilang Lumikha (Allah).

1 comment:

  1. ALLAH Hu Akbar..
    .. Ma Shaa Allah kapatid..
    ..
    . Nawa Ay Bigyan kpa Ng ALLAHswt Ng dagdag pang katalinuhan,, upang marami pang mga tao ang makinabang..
    .. shukran kateer. JazakAllahu Khairan..

    ReplyDelete