ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Monday, November 28, 2011

ANG SALITA BA NG DIYOS AY MAY PAGKAKAMALI AT PAGSASALUNGATAN NG TALATA

SA NGALAN NG ALLAH, ANG MAPAGPALA, ANG MAHABAGIN



** LABING WALO O WALO?**
2 Mga Hari 24 : 08


Si joachin ay may labing walong taon nang siya’y magpasimulang maghari.



2 Mga Cronica 36 : 09


Si joachin ay may walong taong gulang nang siya’y magpasimulang maghari.



** ANO ANG IKINAMATAY NI JUDAS NAGBIGTI O PUMUTOK?**
Mateo 27 : 5


At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak umalis at siya’y yumaon at nagbigti.
1 Mga Gawa 1 : 18


Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng ganti sa kaniyang katampalasan,at sa pagpapatihulog ng patiwarik ay pumutok siya sagitna,at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.


** 3 TAON PAGKAGUTOM O 7 TAON PAGKAGUTOM?**
1 Mga Cronica 21 : 11


Sa gayo’y naparoon si gad kay david,at nagsabi sa kaniya,ganito ang sabi ng panginoon,piliin mo ang iniibig mo,tatlong taong kagutom o tatlong buwan na pagkalipol sa harap ng iyong mga kaaway.


2 Samuel 24 : 13

Sa gayo’y naparoon si gad kay david,at nagsaysay sa kaniya at nagsasabi sa kaniya,darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa inyong lupain?

**700 NANGANGABAYO O 7000 NAGLALAKAD?**
2 Samuel 10 : 18


At ang mga taga siria ay nagsitakas sa harap ng Israel,at pumatay si david sa mga taga siria ng mga taong pitong daang karo,at apat na punglibo na nangangabayo at sinaktan si sobach na kapitan sa kanilang hukbo,na anopat namatay roon.


1 Mga Cronica 19 : 18

At ang mga taga siria ay nagsitakas sa harap ng Israel,at si david ay pumatay sa mga taga siria ng mga tao sa pitong libong karo,at apat na punglibong naglalakad,at pinatay si sophach na pinunong kawal ng hukbo.


**2,000 O 3,000 BATH?**
1 Mga Hari 7 : 26


At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal,at ang labi niyaon ay yaring gaya ng labing isang tasa,gaya ng bulaklak na lila,naglalaman ng dalawang libong bath.


2 Cronica 4 : 5

At ang kapal ng dagatdagatan ay isang dangkal,at ang labi niyao’y yaring gaya ng labing isang saro,gaya ng bulaklak ng lila,naglalaman ng tatlong libong bath.


**4,000 O 40,000?**
2 Cronica 9 : 25


At si salomon may apat na libong silungan ng kabayo at mga karo,at labing dalawang libong mangangabayo,na kaniyang mga inilagay sa mga bayan ng mga karo,at kasama ng hari sa jerusalen.


1 Mga Hari 4 : 26


At mayroon si salomong apat na pung libong kabayo sa kaniyang mga silungan para sa kaniyang mga karo,at labing dalawang libong mangangabayo.


**ANO ANG NAKASULAT NA HATUL SA KAY HESUS?**


MATEO 27:37 - ITOY SI HESUS ANG HARI NG MGA JUDIO.


MARCOS 15:26 - ANG HARI NG MGA JUDIO.


LUCAS 23:38 - ITOY ANG HARI NG MGA JUDIO.


JUAN 19:19 - HESUS NA TAGA NAZARET ANG HARI NG MGA JUDIO.



**SINO ANG PANGANAY NA ANAK NG DIYOS?**
Exodo 4 : 22


Ganito ang sabi ng panginoon,ang Israel ay aking anak,aking panganay.

Jeremias 31 : 9


Sapagkat akoy pinakaama sa Israel,at ang Ephraim ang aking panganay.



IPINAHAYAG NG ALLAH SA BANAL NA QUR’AN(4 : 82)


Hindi baga nila isinasaalang-alang(pinag-iisipan nang
Mabuti)ang Qur’an?kung ito ay nagmula(sa iba)mali-
Ban pa kay allah,katotohanang sila ay makakatagpo
Rito ng maraming pagkakasalungatan.


AYON SA BIBLIYA
1Co 14:33 Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan.


Pagdating sa batayan ay kaluluwa ang nakataya, kaya kong mali ang mga kunting numero sa bibliya pano na kaya kong kautusan na ang pinag-uusapan?


Ang banal na Qur’an na siyang batayan ng mga muslim ay walang matatagpuan rito na magkasalungatan at wala itong pagkakamali kahit isang tuldok man o isang kudlit,at itoy pinangangalagahan ng taga paglikha na nag-iisang diyos na tunay namay gawa ng sanglibutan.

No comments:

Post a Comment