ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Friday, December 2, 2011

Ang Paniniwala sa Huling Araw


Nararapat paniwalaan na ang buhay sa mundong ito ay may hangganan o may katapusan. Ang Allah (U) ay nagsabi;

"Ang lahat ng anumang naririto (nasa kalupaan) ay maglalaho." (Qur'an 55:26)

Kapag naisin ng Allah (U) na ang mundong ito ay magwakas, ) na kanyang hipan anguipag-uutos ng Allah (U) sa Anghel Israafeel ( tambuli o trumpeta. Magkagayon, ang lahat ay mamamatay. Pagkatapos ay Kanyang ipag-uutos na kanyang muling hipan ito, at ang lahat ng tao mula sa kanilang libingan ay bubuhaying muli sa mismong sariling katawan, ). Ang Allah (U) ay nagsabi;umula sa kapanahunan ni Adan  

"At kung ang Tambuli ay hihipan, at lahat ng nasa mga kalangitan at lahat ng nasa kalupaan ay maglalaho, maliban sa kanya na ninais ng Allah. At muling hihipan sa ikalawang pagkakataon, at pagmasdan! Sila ay magsisitindig, na nakatitig (naghihintay)." (Qur'an 39:68)

Ang Iman (paniniwala) sa Huling Araw ay kinabibilangan ng paniniwala sa lahat ng bagay na ipinabatid ng Allah (U) at ng Kanyang ) sa atin. Ang mga bagay na ito ay binubuo ng mga sumusunod;

1) Ang Paniniwala Sa Buhay Sa 'Barzakh'; ito ay magsisimula sa oras ng kamatayan ng tao hanggang sa Huling Araw na ang Takdang Oras ay magaganap. Sa panahong nasa Barzakh, ang isang mabuting Mananampalataya ay mabubuhay sa gitna ng kaligayahan at kasiyahan, samantalang ang mga walang pananampalataya ay mapaparusahan. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"Sa Apoy, sila ay isasalab dito, umaga at hapon. At sa Araw na yaon kapag ang (Takdang) Oras ay inihudyat na (ito ay sasabihin sa mga anghel): “Ilagay ninyo ang mga mamamayan ni Fir’awn (Paraon) sa pinakamahapding parusa. ” (Qur'an 40:46)
2) Ang Paniniwala Sa Pagkabuhay Muli. Ito ang araw na bubuhaying muli ng Allah (U) ang lahat ng kanyang mga nilikha, na walang saplot sa katawan, nakayapak at hindi tuli. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"Silang Kafirun ay nag-aakala na sila ay hindi bubuhaying muli (sa Araw ng Paghuhukom). “Sabihin mo (O Muhammad) ako ay sumusumpa sa aking Rabb (Panginoon), na katiyakang kayo ay bubuhaying muli: at pagkaraan, sa inyo ay ipagbibigay-alam ang anumang inyong ginawa at yaon ay sadyang napakadali sa Allah.” (Qur'an 64:7)
3) Ang Paniniwala Sa Araw Ng Pagtitipon. Ang lahat ng nilikha ay titipunin ng Allah (U) para sa pagsusulit. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"At (alalahanin) ang Araw na Aming papangyarihin na ang kabundukan ay gumuho (na tulad ng lumulutang na alikabok), at inyong makikita ang kalupaan na tulad ng pinatag na lupa, at sila ay Aming titipunin nang sama-sama upang walang maiwan kahit ni isa." (Qur'an 18:47)
4) Ang Paniniwala Na Ang Tao Ay Ihaharap Sa Allah (U) Na Magkakahanay. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"At sila ay ihaharap sa iyong Rabb (Panginoon) sa mga hanay, (at ang Allah ay magpapahayag); 'Ngayon, katotohanang kayo ay dumating sa Amin na tulad nang unang paglikha Namin sa inyo…" (Qur'an 18:48)
5) Ang Paniniwala Na Bawa't Bahagi Ng Katawan ng Tao Ay Sasaksi Sa Kanyang Sariling Gawa. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"Hanggang, kung kanilang marating ito (ang Apoy ng Impiyerno) ang kanilang mga pandinig (tainga) at ang kanilang mga mata, at ang kanilang mga balat ay sasaksi laban sa kanila hinggil sa anumang kanilang palagiang ginagawa. At sila ay mangungusap sa kanilang sariling balat, “Bakit kayo sumasaksi laban sa amin ? Sila (mga balat nila) ay magsasalita: “Sapagka't pinapangyari ng Allah na kami ay magsalita tulad ng lahat ng bagay na pinapangyari Niyang (magkaroon ng kakayahang) magsalita: At Siya ang lumikha sa inyo (sa unang pagkakataon) at sa Kanya (rin), kayo ay ginawang manumbalik. At hindi lamang ninyo ninais na itago ang inyong mga sarili (sa mundo), baka ang inyong mga tainga, at mga mata, at ang inyong mga balat ay sumaksi laban sa inyo; subali’t inyong inaakala na hindi gaano nababatid ng Allah ang lahat ng inyong mga gawa." (Qur’an 41:20-22)
6) Ang Paniniwala Sa Pagtatanong. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"Nguni't, sila ay patigilin, katotohanan, sila ay tatanungin: Ano ang nangyayari sa inyo? Bakit hindi kayo magtulungan sa isa’t isa (na tulad ng ginagawa ninyo noon sa mundo)?” Ahh, nguni't, sa Araw na yaon, sila ay mangayuyupapa." (Qur'an 37:24-26)
7) Ang Paniniwala Sa Siraat ('Tulay'), na ang lahat ay tatawid sa ibabaw nito. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"At walang sinuman sa inyo ang hindi magdaraan (tatawid) sa ibabaw nito (Impiyerno); ito ay nasa kapasiyahan ng iyong Rabb (Panginoon), itinakda na kapasiyahan ng iyong Rabb (Panginoon) na marapat matupad." (Qur'an 19:71)
8) Ang Paniniwala Sa Timbangan Ng Mga Gawa. Ang Allah (U) ay mananawagan sa lahat ng tao upang magsulit at bigyan ng gantimpala yaong gumawa ng kabutihan nang dahil sa kanilang Iman (pananampalataya) at pagsunod sa kanilang Sugo, at Kanyang parusahan yaong gumawa ng mga kasamaan. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"At Aming itatatag ang mga timbangan ng Katarungan sa Araw ng Pagkabuhay Muli, kaya't walang sinuman ang hahatulan ng kawalang katarungan sa anupamang bagay. At kung mayroon mang (gawa) na ang timbang (ay kasingbigat) ng isang buto ng mustasa, ito ay Aming ibibigay. At Kami ay Sapat bilang Tagapagsingil." (Qur'an 21:47)
9) Ang Paniniwala Sa Pag-abot Ng Talaan At Mga Aklat. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"Kaya't sinuman ang pagkalooban ng kanyang Talaan sa kanyang kanang kamay. Siya ay tiyak na bibilangan sa pinakamagaan na pagbibilang. At siya ay magbabalik sa kanyang angkan (na kapwa nananampalataya) nang may kagalakan. Nguni't sinuman ang pagkalooban ng kanyang Talaan sa kanyang likuran. Tiyak na kanyang hihilingin (o ipakikiusap) ang sariling kapahamakan (ng kanyang kaluluwa). At (siya ay) papapasukin sa naglalagablab na Apoy (at ipalalasap sa kanya ang hapdi (ng paso) ng pagkasunog." (Qur'an 84:7-12)
10) Ang Paniniwala Na Ang Mga Tao Ay Gagantimpalaan Ng Jannah (Paraiso) o Ng Jahannam (Impiyerno) na doo'y mananahan nang walang hanggan. Ang Allah (U) ay nagsabi;
"Katotohanan, silang Kafirun mula sa mga Angkan (na pinagkalooban) ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) at sa Mushrikun , sila ay mamamalagi roon sa Impiyerno, sila ang pinakamasama sa mga nilikha, Katotohanan, silang naniniwala at gumagawa ng mabuti, sila ang pinakamabuti sa mga nilikha. Ang kanilang gantimpala mula sa kanilang Rabb ay ang Paraisong Ad'n (Eden, walang hanggan) na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos, na kung saan sila ay mananahan doon magpakailanman. Ang Allah ay lubos na masisiyahan sa kanila at sila rin ay masisiyahan sa Kanya. Ito ay (gantimpala) para sa kanya na may takot sa kanyang Rabb." (Qur'an 98:6-8)
).r11) Ang Paniniwala Sa 'Hawd' At Shafaa'h (Pamamagitan ([Intercession]) at sa lahat ng bagay na ipinahayag ng Sugo ng Allah (

No comments:

Post a Comment