ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Friday, December 2, 2011

Babala ni Propeta Hesus (PBUH) sa mga Tao na Sumasamba sa Kanya


Sa Bibliya, may babalang sinabi si
Hesus para doon sa mga taong sumusunod sa
mga hindi makatuwirang doktrina na ginawa
lamang ng tao at doon sa mga taong ginawang
Panginoon si Hesus.


Sa Araw ng Paghuhukom,
ang mga taong sumamba kay Hesus ay
magsisilapit sa kanya. Si Hesus ay magsasabi:


Mateo-15:9 "Datapwa’t walang kabuluhan ang
pagsamba sa akin na nagtuturo ng kanilang
inaaral ang mga utos ng mga tao."



At sila naman na tumatawag ng Panginoon kay
Propeta Hesus, sa Bibliya ay mababasa:


Mateo-7:22 "Panginoon, Panginoon, hindi baga
nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa
pangalan mo'y nangapalayas kami ng mga
demonyo at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng
maraming gawang makapangyarihan?"


Si Hesus ay nagtakwil sa ganitong uri ng tao. At
Mula sa Bibliya mababasa na siya ay nagwika:


Mateo-7:23 "Kailanman, hindi ko kayo
nangakikilala. Magsilayo kayo sa akin, kayong
manggagawa ng katampalasanan."


Karamihan sa mga makabagong Kristiyano ay
ganap na tumalikod sa malinis at wagas na aral ni
Hesus. Bagama't sila ay kumikilala sa Diyos na
Tagapaglikha, ang kanilang pagsamba, panalangin
at pagbibigay puri ay nakatuon kay Hesus
bilang kanilang Panginoon.


Sa paglalahad natin ng
mga katotohanan, bakit nga ba patuloy na
iniluluklok si Hesus bilang Makapangyarihang
Diyos o Panginoon samantalang wala namang
isang bagay na nalikha si Hesus bagkus siya rin ay
nilikha lamang.


Tunay na hindi ito makatarungan
sa Diyos na ang karapatan Niya ay ganap na
ipinagkaloob ng mga Kristiyano kay Hesus.


Nawa'y magkaroon ng magandang kaisipan ang
mga Kristiyano tungkol sa pagbibigay kaibahan sa
Diyos bilang tunay na Panginoon at kay Hesus
bilang isang alipin ng Diyos at Dakilang Sugo at
Propeta.


Ang Pagsamba Kay Hesus, Ang Messiah(Mesiyas).

At dahil ang layunin ng pagkakalikha sa tao ay
upang sumamba lamang sa nag-iisang Manlilikha,
ang pagsamba kay Hesus tuwiran man o hindi
ay ganap na pagtalikod sa kautusan ng Diyos na
ang hantungan at ibubunga ay walang hanggang
parusa sa nagliliyab na apoy ng Impiyerno. Ito ay
kasalanang walang kapatawaran.


Maging si Hesus ay hindi nagsabi na siya ay Diyos na
nagkatawang tao. At kailanman, si Hesus ay
hindi nagsabi na siya ay dapat sambahin.


Ang pagsamba ng tao sa kaninumang nilikha ay
binigyang babala ng Bibliya:


Katotohanan, walang kabuluhan ang pagsamba ng tao sa kapwa nilikha
sapagka't ang Tunay na Diyos ay hindi tao:


Sa Bibliya ay nasusulat, ang Diyos ay tuwirang
nagsabi na Siya ay hindi tao o kaya’y nagkatawang tao:


Oseas-11:9 "Sapagka't ako ay Diyos, hindi tao."


Mga Bilang-23:19 "Ang Diyos ay hindi tao na
magsisinungaling o ni anak ng tao na nagsisisi."


Kung ang Diyos ay nagsabi na siya ay hindi tao, si
Hesus_ sa kanyang sarili ay nagsabi na siya ay
tao lamang. Nangangahulugan na ang turo ng
simbahan o ng iba pang pinuno sa relihiyong
Kristiyanismo ay sumasalungat sa pangunahing
aral ni Hesus. Ang Bibliya ay nagsabi:


I Timoteo-2:5 "Sapagka't may isang Diyos at
may isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao.
Ang taong si Kristo Hesus."



No comments:

Post a Comment