Sa iba't ibang relihiyon, ang pinakadiwa at kaisipan ng kani-
kanilang tagasunod tungkol sa Diyos ay yaong na TAGAPAGLIKHA ay naging isang NILIKHA. At dahil nga sa paniniwalang ito, sila ay sumasamba sa inaakala nilang Diyos
kanilang tagasunod tungkol sa Diyos ay yaong na TAGAPAGLIKHA ay naging isang NILIKHA. At dahil nga sa paniniwalang ito, sila ay sumasamba sa inaakala nilang Diyos
.
Halimbawa, sa relihiyong Buddhismo, pinaniniwalaan nila
na si Buddha ay diyos na nagkatawang -tao.Sa Hinduismo, naniniwala din na ang Diyos ay sumanib o napapaloob sa katawan ng mga bagay na katulad halimbawa ng baka , elepante , halaman o mga bagay na inaakala nilang naroon ang Diyos.
Halimbawa, sa relihiyong Buddhismo, pinaniniwalaan nila
na si Buddha ay diyos na nagkatawang -tao.Sa Hinduismo, naniniwala din na ang Diyos ay sumanib o napapaloob sa katawan ng mga bagay na katulad halimbawa ng baka , elepante , halaman o mga bagay na inaakala nilang naroon ang Diyos.
Sa Judaismo naman, bagamat sila ay naniniwala sa Isang Diyos na Tagapaglikha, sila ay nagbibigay ng mga katangiang angkop lamang sa tao kaya't mababasa natin sa Lumang Tipan na ang Diyos ay namamahinga sa ika-pitong araw o dili kaya ay nagsisisi.Ang pamamahinga at pagsisisi ay gawaing angkop lamang sa tao na nilikha na may angking kahinaan.Ang lahat ng paniniwalang ito ay salungat at hindi umaayon sa tunay na utos ng Diyos .
Ang paniniwalang ang Diyos ay nagkatawang-tao o naging isang nilikha ay ganap na salungat sa mga Aral ng mga Propeta. Ang pagsamba ng tao sa isang bagay na nilikha lamang maging ito ay kapwa tao,propeta, hayop o halamanan ay isang hayag na Idolotriya na sa kabuuan ay isang malaking kasalanan na walang kapatawaran . Ang Bibliya (Lumang Tipan) ay nagpatunay nito bilang babala sa tao:
EXODUS 20:3-4 "Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuhan o ng kawangis man ng anumang anyong nasa itaas sa langit o ng nasa ibaba ng lupa,o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa ."
EXODUS 20:23 "Huwag kayong gagawa ng ibang mga diyos na inaagapay sa akin."
ISAIAS 44:9 "Silang nangagbigay anyo sa larawang inaanyuhan ay walang kabuluhan silang lahat at ang kanilang mga bagay na kinalulugdan ay hindi napapakinabangan."
Karamihan sa relihiyong Kristiyanismo,ganito rin ang naging paniniwala nila tungkol kay Propeta Hesus. Si Hesus na isang Propeta at Sugo ay ginawang diyos at sinamba bilang diyos. Kahit isang bersikulo sa Bibliya walang mababasa na si Hesus ay nagsabi na siya ay taong naging Diyos.Sa aklat ni Oseas, ang Diyos ay tuwirang sinabi Niya na:
OSEAS 11:9 "Sapagkat Ako ay Diyos,hindi tao."
Binigyang liwanag din ng isang bersikulo sa Bibliya na ang Diyos kailanman ay hindi magkakatawang tao at hindi siya maaaring maging anak ng tao.Ang Diyos ay nagwika:
MGA BILANG 23:19 " Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling o ni anak ng tao na nagsisisi."
Kaya't sinomang tao ay hindi maaaring tawaging Diyos o anak ng Diyos. Si Hesus ay anak ng tao, katulad ng nakasaad sa ibang bersikulo ng Bibliya:
MATEO 16:27 "Sapagkat ang Anak ng tao (Hesus) ay paparitong nasa kaluwalhatian ng kanyang Ama.
MATEO 16 28 " Hanggang sa kanilang nakita ang anak ng tao (Hesus) na pumarito sa kaniyang kaharian."
Katotohanan, maging ang mga disipulo ni Hesus o kahit pa si Birhen Maria ay hindi kailanman sumamba kay Hesus.May isang pagkakataon na si Hesus ay inaakit ni Satanas. Si Satanas ay nagsabi na sumamba lamang si Hesus kay Satanas, kanyang ibibigay ang lahat ng maibigan. Ngunit si Hesus ay nagbigay ng matibay na kasagutan. Siya (si Hesus) ay nagsabi:
LUCAS 4:8 "… nasusulat, sa Panginoong Diyos sasamba ka at Siya lamang ang iyong paglilingkuran."
No comments:
Post a Comment