1. Pinakapangunahing pagkakaiba ng Islam sa ibang relihiyon.
Lahat ng relihiyon ay nagpapayo sa sangkatauhan na maging mabuti at huwag gumawa ng masama. Pero sa Islam, higit pa dito ang ipinapayo sa sangkatauhan. Binibigyan tayo nito ng gabay sa paraang practikal kung paano maging mabuti at ang hindi gumawa ng masama at alisin ang kasamaan mula sa ating mga sarili at sa lugar na kung saan tayo nabubuhay. Ang Islam ay gabay mula sa Tagapaglikha at tinatawag din itong "Dín-ul-Fitrah" o ang likas na relihiyon ng tao.
2. Halimbawa: Ang Islam ay nag-uutos sa atin na huwag tayong magnakaw at gayun din nagbigay ito ng pamamaraan upang ang pagnanakaw ay hindi gawin ng isang tao.
Lahat ng mga pangunahing relihiyon ay nagtuturo na ang pagnanakaw ay isang masamang gawain. Ngunit ang Islam lamang na bagkos sa pagtuturo na ito ay kasalanan ay nagbibigay pa ng paraan upang ito ay iwasan ng tao. Ang paggawad ng kaparusahan sa pamamagitan ng pagputol ng kamay ng taong nagnakaw, sabi sa Qur'an Ang magnanakaw na lalaki at babae, putulin ang kanilang kamay bilang kabayaran sa kanilang ginawa, at ito ay huwarang parusa mula kay Allah, at si Allah ang Makapangyarihan ang Maawain. Qur'an 5:38. Ang kabutihang dulot nito ay upang ang mga tao ay magkaroon ng matinding pangingilag sa kasalanang ito. Ngunit gayun pa man ay kapag napatunayang ang pagnanakaw ay nagawa ng tao dahil sa masidhing pangangailangan, halimbawa ay nakapagnakaw siya ng sapat na tinapay upang mapawi ang gutom niya, ayon sa tradisyon ng Propeta r ang tao na ito ay maaring palakpasin sa pagkakataong yaon. Ngunit kung ang pagnanakaw ay dahil sa kasakiman sa bagay at pagmamalabis, parurusahan ito sa harap ng tao upang ito ay hindi na pamarisan.
Ang Islam ay nag-uutos ng Zakát
Ang Islam ay nag-uutos ng sistema ng Zakát (obligatory annual charity). Ang batas ng Islam ay nag-uutos na ang bawat tao na may ipon na umabot sa nisab i.e higit sa 85 gramo ng ginto, ay kailangang magbigay ng 2.5% mula sa kanyang ipon kada-taon para sa kawang-gawa. Ito ay obligado sa lahat ng sumasamapalatayang umabot ang kayamanang sa antas na marapat patawan ng Zakát. At ang malilipong Zakát ay ipamamahagi sa tamang pamamaraan kasama ang pagbibigay sa mga mahihirap at hikahos sa buhay. Ito ay hindi tulad ng buwis at abuluyan sapagkat ang buwis at abuluyan ay pati ang mga mahihirap ay kinukolektahan. Tulad na lamang sa Pilipinas ang Withholding tax na sinisingil sa mga manggagawa kahit na ang mga sahod ay hindi pa sapat para sa kanilang mga sarili, ngunit ang mga tiwaling tao ng gobyerno lamang ang nakikinabang. Gayun rin ang abuluyan sa simbahan pati ang mga mahihirap ay pinag-aabuloy samantalang makikita ang mga pinuno ng iglesia na magagara ang kasuotan, bahay at sasakyan.
Gampanin ng Islam sa Personal na Pamumuhay ng Tao
Ang Islam ay may kakayanan rin pangunahan ang personal na gawain ng tao at hindi lamang para sa malalaking batas. Tulad na lamang sa paraan ng pagkain, ang Islam ay nagtuturo ng tamang paraan ng pagkain. Ayon sa tradisyon ng Propeta (saws) marapat ng maghugas ng kamay bago kumain at kumain sa pamamagitan ng kanang kamay at bigkasin ang panglan ng Diyos sa pagsimula ng pagkain at kainin lamang ang nasa malapit sa iyo at pagkatapos kumain ay maglinis ng kamay at bibig at magpasalalamt sa Diyos. Gayun rin tinuturo ng Islam ang tamang paraan ng pananamit ng lalaki at babae. At kahit na ang paggamit ng palikuran ay nagtuturo ang Islam ng tamang pamamaraan. At kahit pa ang pagtatalik ng mag-asawa ay mayroong nilaan ang Islam ng tamang pamamaraan.
Ang Resulta kung Ipatutupad ang Islamic Sharí'ah
Kung ang batas ng Islam ang ipatutupad sa Pilipinas, tunay nga nakakaahon tayo sa kahirapan, sapagkat ang nagpapabagsak sa Pilipinas at sa ilan pang bansa ay ang sistema ng Batas. Sapagkat sa sistema na ito na hindi galing sa Diyos at tunay na paglalaruan ito ng mga tiwaling kawani ng gobyerno at mga mapagsamantalang mayayaman na sila ang dahilan ng paglaki ng bilang ng kahirapan sa mga bansa.
Halimbawa lahat ng mayayaman ay magbibigay ng Zakát dahil sa pananampalataya at ipamamahagi sa mga mahihirap tunay na maiibsan ang kahirapan sa ating bansa at gayun rin kung ang lahat ng mga mapapatunayang nagnakaw ay parurusahan ng putol kamay sa harap ng madla. Sa tingin ba natin ay hindi babawa ang kaso ng pagnanakaw sa loob at labas ng gobyerno? Ito ang kabutihang resulta ng pagpapatupad ng batas ng Islam
At ayun rin sa mga Muslim na Iskolar ang Islam ay pinadala dahil sa 5 bagay na ito.
Ang mapangalgaan ang pananampalataya ng tao sa tunay na Diyos- sapagkat mula pa sa panahon ni Adan ay patuloy ang Islam sa paglilinaw sa tao ang hinggil sa tunay na katuruan ng Diyos at tamang pananampalataya dito na ayun sa aral ng mga sugo at propeta.
Ang mapangalagaan ang buhay ng tao, nagpaparatang ang Islam sa pamamagitan ng utos ng Diyos at katuwiran hinggil sa pagpapataw sa taong nagkasala kamatayan at tulad nitong mga krimen upang maging babala sa tao at maproteksyunan ang mas nakararaming buhay. Inutusan rin ang mga sumasampalataya na ipagtanggol ang kanilang mga sarili at mga nasasakupan, ang mga ito man ay di-Muslim sa oras ng opresyon.
Ang mapagibayo ang katalinuhan ng tao- ang Islam ay relihiyong binuo sa pamamagitan ng kaalaman- Islam lamang ang nagpapakilala ng praktikal na pamamaraan upang mapabuti ang tao at ang pananampalataya nito. Kasabay ng matatatag at matitibay na tanda at ebidensya.
Ang pangangalaga sa karapatan at dangal ng tao- Ang Islam ay pinangangalagaan ang dangal ng tao sa pamamagitan ng pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan at pag-uutos na iwasan ang alinmang bagay na maaring mapunta ang tao sa immoral na gawain.
Ang mapangalagaan ang kayamanan at salapi ng tao, Dahil dito ay nag-uutos ang Islam ng masidhing parusa para sa mga magiisip ng kasamaan o pagnakawan ang tao ng kaniyang salapi at kayamanan. Kabilang pa dito ang pagbabawal ng Islam sa Riba' o pagbibgay ng interes sa pagpapautang o sa kahit na anong bagay.
Islam lamang ang kayang magbigay ng solusyon sa lahat ng problema ng tao sa paraang practical at epektibo sapagkat ang Diyos mismo ang may akda nito at hindi ang tao. At mapapatunayan ang katuparan nito ayun na rin sa mga mananalaysay na pinag-aralan ang pamamaraan ng Islamikong pamumuhay.
No comments:
Post a Comment