Ang Du’a ay nagsisilbing mga hakbang tungo sa Allah[1][1]U[2][2] sapagka’t ang pagsusumamo ay siyang diwa ng pagsamba. Hangga’t maari at sa mga hinihingi ng pagkakataon, tayo ay dapat magsumamo ayon sa mga pagsusumamong itinuturo ng Propetar[3][3]. Ating matutunghayan sa Qur’an:
“Tumawag sa akin, at ikaw ay aking didinggin.” [Qur’an, 40:60].
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga Du’a na itinuturo ni Propeta Muhammadr ayon sa iba’t ibang kalagayan ng nagsusumamo:
1. Bago Matulog
Sa iyong pangalan o aking Panginoon, ako ay matutulog, at sa iyong pangalan, ako ay gigising. Kung kukunin mo ang aking kaluluwa, nawa’y patawarin ang aking kasalanan, at kung pahihintulutan mo akong mabuhay pa, iligtas ako katulad ng pagliligtas Mo sa iyong mabubuting alipin. [Bukhari at Muslim]
2. Sa Pagbangon mula sa Pagtulog
Lahat ng Papuri ay sa Allah, Siyang nagbibigay buhay sa atin matapos ng kamatayan at sa kanya ang Pagbabangong Muli. [Bukhari].
3. Kapag Pumapasok sa Palikuran
O Allah! Ako ay nagpapakupkuop sa iyo laban sa masasama at malalaswa. [Bukhari]
4. Kapag lumalabas mula sa Palikuran
O Allah! Ako ayhumihingi ng iyong kapatawaran. [Abu Dawud]
5. Bago Kumain
O Allah! Biyayaan ang iyong ibinigay sa amin, iligtas kami laban sa kaparusahan sa Apoy. Bismillah.
6. Matapos Kumain
Alhamdullilah (Purihin ang Allah), na nagpakain sa atin, nagbigay ng maiinom ssa atin, at ginawa tayong Muslim. [Abu Dawud/Tirmidhi]
7. Kapag Lumalabas o Pumapasok ng Bahay
Bismillah, Sa Allah lamang ang aking tiwala. Walang kakayahan o Kapangyarihan maliban sa Allah. [Abu Dawud/Tirmidhi]
8. Kapag Pumupunta sa Masjid
O Allah! Ilagay ang liwanag sa aking puso, liwanag sa aking paningin, liwanag sa aking pandinig, liwanag sa aking kanan, liwanag sa aking kaliwa, liwanag sa itaas ko, liwanag sa harapan ko, liwanag sa likuran ko, at gawaran mo ako ng liwanag. [Bukhari]
9. Kapag pumapasok sa Masjid
O Allah! Buksan sa akin ang pintuan ng iyong habag. [Muslim]
10. Kapag lumalabas ng Masjid
O Allah! Ako ay nagsusumamo sa iyo ng iyong biyaya. [Muslim]
11. Sa pagtatapos ng Pagpupulong
Ang kaluwalhatian ay sa iyo, O Allah. Lahat ng papuri ay sa iyo. Ako ay sumasaksi na walang dapat sambahin maliban sa iyo. Ako ay humihingi ng iyong kapatawaran at nagsisisi sa iyo. [Abu Dawud]
12. Bago Magsimula ng Paglalakbay
O Allah! Sa aming paglalakbay ng ito, igawad sa amin ang pagiging matuwid at makadiyos at mga gawaing magbibigay ng kasiyahan sa iyo. O Allah! Patnubayan ang aming paglalakbay na ito, at gawing magaan sa amin. O Allah! Ikaw ang aming kasama sa paglalakbay na ito, at tagapangalaga ng aming pamilya. O Allah, Ako ay nagpapakupkup sa iyo laban sa kahirapan ng paglalakbay na ito, laban sa masamang tanawin, at laban sa anumang panaganib sa aking ari-arian, tahanan at mga anak. [Muslim]
13. Kapag may suliranin at kalungkutan
Sapat na ang Allah sa amin at siya ang pinakamahusay na tagapangalaga. [Abu Dawud]
14. Pagbati sa bagong kasal
Nawa’y biyayaan ka ng Allah at ang iyong asawa, at pagbuklurin niya kayo nang maligaya.
15. Bago makipagtalik sa asawa
Bismillah. O Allah! Iligtas kami laban kay Satanas, at hadlangan si Satanas sa paglapit sa batang ibibigay mo sa amin. [Bukhari]
16. Kapag Dumadalaw sa may karamdaman
O Allah! Alisin ang kanyang karamdaman, O Panginoon ng sangkatauhan, igawad ang lunas sapagka’t ikaw lamang ang nagbibigay lunas. Walang anumang kalunasan maliban galing sa iyo. Ibalik ang kanyang kalusugan nang walang anumang bakas ng karamdaman. [Bukhari]
17. Pagdamay sa Namatayan
Kung ano ang kinuha ng Allah ay sa kanya, at sa kanya ang pagmamay-ari ng anumang ibinigay. Ang lahat sa kanya ay may takda at sukat (sa mundong ito), kaya’t maging matiisin at hangarin ang gantimpala (ng pagtitiis) mula sa Allah. [Bukhari]
18. Panalangin para sa Yumao
O Allah! Patawarin siya, maawa sa kanya, igawad sa kanya ang kapayapaan, at pawalang-sala siya. Tanggapin siya nang may dangal, at gawing maluwag ang kanyang kinalalagyan. Hugasan siya ng tubig o yelo. Linisin ang kanyang mga kamalian kagaya ng paglilinis ng puting damit mula sa karumihan. At bigyan siya ng tahanang higit na mahusay kaysa tahanan niya dito sa mundo, at pamilyang may kahigitan sa kanyang pamilya, at asawang nakahihigit kaysa kanyang asawa. Tanggapin siya sa paraiso, at iligtas siya sa kaparusahan sa apoy. [Bukhari].
dapat may bigkas pang arabic
ReplyDelete