ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Tuesday, November 29, 2011

Ang Kahalagahan ng Pagdadasal (Salah)



 “Naparito Siya upang ituro ang inyong Relihiyon”


Ang kahalagahan ng pagdadasal (Salah) sa Islam ay hindi maaring maliitin. Ito ang unang haligi ng Islam na binanggit ng Propeta Muhammad, Sumakanya nawa ang kapayapaan, pagkatapos niyang ipinahayag ang pagsasaksi ng pananampalataya, ang susi sa pagpasok sa pagiging Muslim. Ginawa itong sapilitan para sa lahat ng propeta at sa lahat ng tao. Ipinag-uutos ng Allah at ang sapilitang pagtataguyod nito sa mga takdang oras at maayos na pamamaraan. Halimbawa, nang ang Allah ay sariling nakipag-usap kay Moses, sinabi Niya;

“At hinirang Ko kayo, kaya’t pakinggan ang mga bagay na Aking binibigyang diwa sa inyo. Katotohanan, Ako ang Allah! Walang ibang nararapat sambahing maliban sa Akin, kaya’t sambahin lamang Ako at ialay ang inyong walang pagkakamaling pagdadasal (Salah) sa pag-aalala sa Akin lamang.” [Qur’an, Taha 13-14]

Katulad din dito, ang pagdadasal (Salah) ay ipinag-uutos kay Propeta Muhammad, Sumakanya nawa ang kapayapaan, noong umakyat siya sa kalangitan. Higit pa rito, nang ang Allah ay pinuri ang mga naniniwala, gaya ng sa Surah Al-Mu’minoon, ang isa sa mga unang paglalarawan na Kanyang binanggit ay ang debosyon sa Pagdadasal (Salah).

Minsan tinanong ng Propeta, Sumakanya nawa ang kapayapaan, tungkol sa pinakamabuting gawain. Ang Propeta, Sumakanya nawa ang kapayapaan, ay nagpahayag ang pinakamahusay na gawain ay ang pagdadasal (Salah). Paulit-ulit na tinatanong ng lalaki, ang unang tatlong ulit, muling sinagot ng Propeta Muhammad, Sumakanya nawa ang kapayapaan, “Ang Pagdadasal (Salah).” At ipinahayag niya sa pang-apat na ulit na sagot, “Jihad sa landas ng Allah.” [Ito ay mula sa hadeeth na tinipon ni Ahmad and ibn Hibban, ang hadeeth ay hasan. Muhammad Nasir al-Din al-Albani, Sahih al-Targheeb wa al-Tarheeb (Beirut: al-Maktab al-Islami, 1982), vol. 1, p. 150]

Ang kahalagahan ng pagdadasal (Salah) ay inilarawan sa maraming pagpapahayag ng Propeta. Halimbawa, binanggit ng Propeta, Sumakanya nawa ang kapayapaan;

“Ang unang bagay na lilitisin sa Araw ng Paghuhukom ay ang Pagdadasal (Salah). Kapag ito ay maayos, ang lahat ng iba niyang gawain ay maayos. At kapg ito ay masama, ang lahat ng ibang gawain ay masama rin.” [Tinipon ni al-Tabarani. Ayon kay al-Albani, ito’y sahih. Al-Albani, Sahih al-Jami, vol.1, p. 503].

Ang kahalagahan ng pagdadasal (Salah) ay nasusukat sa katotohanan na kahit na ano man ang ating mga gawain sa buhay na ito, ang pinakamahalaga ay ang ating ugnayan sa ating tagapaglikha, ang Allah, ito ay ang ating Imaan [paniniwala], Taqwa [takot sa Allah], Ikhlas [pagkadalisay], Ibaadah [pagsamba]. Ang ugnayan sa Allah ay kapwa inilalarawan at ginagampanan ganoon din ang pagpapabuti at pagpaparami nito sa pamamagitan ng pagdadasal (Salah). Kaya’t kapag ang pagdadasal (Salah) ay tanggap at maayos ng Allah, ang lahat ng gawain ay tanggap at maayos din; at kapag ang pagdadasal (Salah) ay hindi tanggap at maayos, ang lahat ng mga gawain ay hindi tanggap at hindi maayos, ayon sa mismong pagpapahayag ng Propeta, Sumakanya nawa ang kapayapaan.

Sa katotohanan, ang pagdadasal (Salah) ay isinasagawa ng mahusay – na taglay ang ganap na pag-aalala sa Allah at humingi ng kapatawaran sa Kanya – mayroon itong mahabang apektu sa tao. Pagkatapos niyang isagawa ang pagdadasal (Salah), ang kanyang puso ay puno ng pag-aalala sa Allah. Siya’y takot sa poot ng Allah, ngunit umaasa sa Kanyang habag. Pagkatapos ng karanasang ito, hindi niya nanaising iwanan ang mataas na kinalalagyang ito upang sumuway sa Allah. Ang Allah ay nagsabi sa bahaging ito ng pagdadasal (Salah);

“Katotohanan, ang pagdadasal (Salah) ay siyang nagpapanatili sa atin laban sa malubhang pagkakasala at masasamang gawain.”
[al-Ankaboot 45].

Ang layunin ay upang bigyang diwa itong lakas ng espiritwal na bahagi nitong inosenteng  niloloob ng tao, ang ningning ng pananampalataya at pagkamalay sa Allah na siyang nagbibigay lakas sa kanya upang magtagumpay laban sa lahat ng uri ng kasamaan at panunukso at manatiling matatag sa oras ng mga pagsubok at suliranin at pangalagaan ang kanyang sarili laban sa kahinaan ng laman ng katawan at ang paglihis sa tuwid na landas. [Nadwi, p. 24]

Ang pangkalahatang epekto na ang maayos na isinagawang Pagdadasal (Salah) ng sangkatauhan ay inilarawan sa talata ng Qur’an:

“Katotohanan, ang tao ay nilikhang hindi matiisin, magalitin kapag siya’y dapuan ng kasamaan at mabagsik kapag dinapuan siya ng kabutihan. Maliban sa mga matapat at patuloy na nanatili sa kanilang Pagdadasal (Salah) ……..”   (al-Maarij 19-23).

At sa kabilang buhay, ang pagpapatawad ng Allah at ang pagpupuri ay may malapit na ugnayan sa Pagdadasal (Salah). Sinabi ng Sugo ng Allah, Sumakanya nawa ang kapayapaan;

“Ipinag-uutos ng Allah ang limang Pagdadasal (Salah). Sinuman ang mahusay na isinagawa ang pangkatawang pagpapadalisay (Wudhu’), isinagawang ang Pagdadasal (Salah) sa tamang oras, tinupos ang pagyukod, pagpapatirapa at khushu’ [ang Khushu’ sa Pagdadasal (Salah) ay ang pagkakaroon ng pusong nakatuon sa Pagdadasal (Salah). Ang damdaming ito mula sa puso ay inilalarawan sa katawan. Ang tao ay nanatiling tahimik at mahinahon. Mababa ang kanyang mga paningin. Kahit ang kanyang tinig ay nadadala ng damdamin ng kanyang puso. Para sa detalye ng konseptong ito (kasama ang kaibhan nito sa Khudhu’), Muhammad al-Shaayi, al-Furooq al-Laughawiyyah wa Atharahaa fi Tafseer al-Qur’an al-Kareem (Riyadh: Maktabah al-Ubaikaan, 1993), pp. 249-254.]

May pangako mula sa Allah na Kanyang patatawarin siya, at kung sinuman ang hindi gumawa nito ay walang pangako na nagmumula sa Allah. Maari siyang mapatawad o maparusahan. [Iniulat ni Malik, Ahmad, Abu Dawud, al-Nasa’I at atp. Ayon kay al-Albani, ito’y sahih. Al-Albani, Sahih al-Jami, vol. 1, p. 616.]

Sa pagdadasal (Salah) ay may dalawng uri ng pagpapadalisay sa katawan ng tao. Nakakaharap niya ang kanyang panginoon ng limang ulit sa isang araw. Tulad ng nabanggit sa itaas, itong paulit-ulit na pagtatayo sa harap ng Allah ay siyang naglalayo ng tao sa pagkakasala sa araw. Higit pa rito, ito ay isang panahon ng pagsisisi at pagbabalik loob, na kanyang pinagsisikapang hilingin sa Allah ng kapatawaran sa mga pagkakasalang kanyang nagawa. Dagdag pa rito, ang Pagdadasal (Salah) ang ay isang mabuting gawain na naglilinis sa mga nagawang masasamang gawain. Ito ay mapupuna sa mga sumusunod ng hadith ng Propeta, Sumakanya nawa ang kapayapaan;

“Kapag ang isang tao ay may batis sa labas ng kanyang pintuan at naliligo siya dito ng limang ulit sa isang araw, meron pa bang dumi na maiiwan sa kanyang katawan?” Sinabi ng mga tao, “Walang dumi na maiiwan sa kanyang katawan.” Kaya’t sinabi ng Propeta, Sumakanya nawa ang kapayapaan, “Ganyan ang kahalintulad ng limang beses na Pagdadasal (Salah): nililinis ng Allah ang kanilang mga kasalanan.” (Tinipon ni al-Bukhari at Muslim.)



No comments:

Post a Comment