ASSLAMU ALAYKUM WA RAHMATULAHI WA BARAKATU

Tuesday, November 29, 2011

ANG PAGBABALIK NI HESU-KRISTO



Ang pagbabalik ni Hesus (as) ay sa panahon na malapit na ang katapusan ng mundo.

Ang Allah (swt) ay nagwika sa banal )na Qur'an 43: 61 Az-Zukruf   " At siya (Hesus (as) na anak ni Maria) ay magiging isang tanda (sa pagdating) ng oras (araw ng muling pagkabuhay) na si Hesus ay mananaog sa lupa bago dumatal ito, kaya't huwag kayo mag alinlangan (sa oras), datapwa't Ako ay inyong sundin; ito ang tuwid na landas (tungo kay Allah at sa paraiso)."

Sa Islamikong paniniwala, si Hesus (as) ay babalik sa kalagitnaan ng pakikidigma ng Al-Mahdi ( as the redeemer ( sasagip) sa islam laban sa al-masih ad-dajjal (huwad na sugo) at sa kanyang mga tagasunod. Si Hesus (as) ay ibababa ng dalawang anghel sa parteng silangan ng Damascus sa may puting minaret at siya ay sasama s jama'ah salah (fajr), Siya ay sasama sa Mahdi sa pakikipag digma laban sa masih ad-dajjal at ito ay kanyang papatayin. At ang lahat mula sa angkan ng mga kasulatan (hudyo, kristiano) ay susunod, maniniwala sa kanyang katuruan ( Islam) kung kaya mgkakaroon ng isang nasyon (ang Islam).

Ang Propeta ni Allah (saws) ay nagwika; " Ang oras (araw ng paghuhukom) ay hindi magaganap hanggat ang anak ni Marya (Hesus) (as) ay ibababa at mamuhay kasama ninyo bilang isang matuwid na pinuno, sisirain niya ang mga krus, papatayin ang mga baboy, at ipapawalang bisa (wawakasan, puputulin) ang Jizya tax, at ang pananalapi ay magiging sagana  at wala ng tatangap ng mga handog ,tulong (charitable gifts).  Sahih Bukhari volume 3 book 43, number 656

Pagkatapos ng kamatayan ng Mahdi,  si Hesus(as) ay mamumuno  at ito na ang ganap na katahimikan, kapayapaan ay mapapasa buong mundo.

At ang pagsulpot, pagkalat muli ng lahi ng gog at magog (ancient tribe)  na siyang maghahasik ng lagim sa mundo. Ang Allah (swt) sa kanyang pagdinig sa panalangin ni Hesus (as), ang siyang pupuksa sa lahi ng gog at magog sa pamamagitan ng pagpapadala ng klase ng uod na lumalabas sa kanilang mga batok (sahih Muslim).

Ayon sa taga mga taga salaysay, dangat sila ay nagbigay ng iba-ibang opinyon, si Hesus (as) ang kanyang pamumuno ay aabot ng (40) taon, ang ibang opinyon ay 70-75 taon pagkatapos siya y mamamatay. at ang salatul janaza (funeral prayer) ay ipagkakaloob sa kanya at siya ay ililibing sa syudad ng Madina Al-Munawara (saudi arabia). 




No comments:

Post a Comment